The ” Signs na Single na ang Isang Babae ” Starter Pack


heneral lunaaaaaaaaa

“Punyeta kape nga!” ang sabi siguro ni Heneral Luna nung nalaman niyang may boypren ng katipunero yung crush niyang si Corazon na nagtitinda ng kandila sa may harap ng simbahan.Isang patunay lang to na kahit yung mga atapang na mga bayani natin ay nabobroken hearted din.Dumaraan din sa LQ at break-ups. Ang madugo at madilim na parte ng pakikipag relasyon (instrumental then fade)…..

Kung gaano man kasalimuot ang digmaan dati,ganun din marahil ang digmaan sa pag-ibig.Paano ba naman, pag na broke yung isang lalaki,hindi niya ito puwedeng ipahalata sa kahit kanino.Hindi niya puweding tawagin ang lahat ng members ng katipunan para punitin sa harap nila yung ginawa niyang rap para sa crush niya,sedula lang ang pinupunit nung panahong yun.At gayun din naman sa mga babae,hindi siya puwedeng mag twerk it like miley sa mga mestizong kastila kahit single pa siya.Marahil ay hindi pa kasi masyadong radical mag-isip ang mga sinaunang tao.Konserbatibo pa.Hindi pa rin kasi pinapanganak si Justin Bieber nun at wala pang Chicser.

At wala pa din Sarah na napaka liberated

At wala pa din Sarah na napaka liberated

Nowadays, sa tulong ng social media eh madali nalang natin ma-express ang mga sarili natin.Puwede na tayong makahanap ng instant lovelife sa pamamagitan ng facebook.Pero paano nga ba?Yung babaing matagal mo nang pinagpapantasyahan kaso may boypren na mukhang jakol?Badtrip diba.Bagamat hindi masyadong expressive ang mga lalake kahit sa facebook, parang open house naman ang sa mga babae.Kaya wala tayong ibang gagawin kundi maging abangers sa mga signs na ibibigay nila sa newsfeed mo.At nailista ko na yan isa-isa dito……

The “signs na single na ang isang babae” starter pack

1.) Biglaang pag palit ng relationship status- Matutina Biglangdukit went  from being “in a relationship” to ” its complicated” to “Single”.Magkakasunod na status.Alam mong may problema na sa relasyon nila pag ganyan na ang galawan ng babae. Patunay lang yan na somewhere somehow may isa na namang malanding puta na haliparot ang nagtagumpay nung gabing yun.

2.) The hibernate mode-Ito eh yung kung dati eh halos araw-araw mo siyang nababasa sa newsfeed mo tapos all of a sudden nanahimik siya. Ni wala man lang clue o suicide note na iniwan na nagsasabing magbibigti na siya sa puno ng gumamela o mamumundok na para sumapi sa NPA.Bigla nalang nawala sa sirkulasyon.Sign yun na nasaktan siya ng husto.

3.) The “active now” mode- antayin mo ng ilang weeks, magiging active ulit yan sa facebook. At sa kanyang pag-babalik, humanda ang lahat.Dahil ang babae daw pag nasaktan ng husto, kusang naglalabas ito ng Adiponectin sa katawan.Ito ay isang uri ng  hormone na nagbibigay ng beastmode sensation na puwedeng humalo sa laway at makapatay ng tao.Fortunately, gawa-gawa ko lang yan.

4.) Papalit-palit ng profile picture-panay solo selfies na may caption na “pampa good vibes” at “sa bawat pag-iyak mas lalo akong gumaganda na tangina ka!”.Pero defense mechanism lang.Deep inside,tagos parin hanggang bone marrow yung sakit na nararamdaman.Kung bakit sila nagpapalit-palit ng profile pix ay hindi ko rin alam.Wala pang malinaw na scientific explanation ang NASA patungkol sa bagay na yan.

5.) Nag-uupload ng picture kasama ang alagang tuta-kung dati eh halos magpalitan na sila ng nguso ng bf nya sa mga pictures nila, ngayon eh panay tuta nalang na naka jersey ang makikita mong kayakap at kahalikan niya.Ang sad nun diba.Para mo naring pinapanood niyan si Maria Ozawa na from porn star biglang nag musical.Punyeta!

6.) BFF to the rescue- gaya ng tipikal na pelikulang pinoy, hindi syempre mawawala diyan yung sidekick ng bida. Diyan papasok ang papel ng bff.Gagawin nilang chat box yung isang post tapos panay bitterness ang pag-uusapan nilang dalawa.Parang tangahan session lang…

girl: ” Uu magpawis ka sana ng tae na manloloko kang animal ka!”…

bff: “Oo manloloko kasi ako eh! hihihi”…

7.) Beastmode mag share ng mga qoutes – atat na atat mag share ng mga one-liner at hugot qoutes.Lalo na yung mga qoutes na patungkol sa kasawian,kataksilan,kamanyakan at kalandian ng ibang babae.Tapos maglalagay lang ng caption na “hell yeah” at ” So damn true!”.Simple,maikli pero wag ka,cryptic message yan na hinugot pa galing sa itlog ng demonyo para lang sa ex niya dahil ang totoong ibig sabihin niyan ay..

“Hell yeah”- hoy ikaw!Uu ikaw na kagago mo.Tingnan mo tong hugot qoutes na to basahin mo ng paulit-ulit tapos isak-isak mo diyan sa utak mong maliit pa sa pasas!

” So Damn true!”- see tama talaga ako,nagmamagaling ka pang panget ka eh wala ka naman talagang alam kundi makipag lambotsingan diyan sa babae mong mukhang kudkuran ng niyog magsama kayo!

8.) Nagiging trigger happy mag like ng kung anung makita sa newsfeed- mapa random status,top 20 names ng mga lalaking manyakis,picture ng mga nagkalat na lamang loob ng lalaki,video ng mga lalaking naputulan ng ari,video ng lalaking tinubuan ng nipple sa batok at mga facebook pages na tungkol sa kasawian sa pag-ibig gaya ng..

Ashley likes “Paglalamayan din ang ex mo..sa tamang panahon” -facebook page community

Ashley likes “Nilamas ka pero kulang” -facebook page just for fun

Ashley likes “Mr.Romantiko(minsan tubero minsan babaero)”-facebook public figure

9.) Mag popost ng random rant –out of nowhere,bigla nalang siyang magpopost ng something tapos itatag niya yung sampung (10) inosenteng tao na walang kamalay-malay sa kung anung pinagdadaanan niya sa buhay tapos wala naman siyang babanggitin na pangalan kung para kanino..

May parang lasing lang na post:

“Woooooh wala ka talagang kuwenta, shot na guys!!!” is feeling hurt with Abdul Rhaman & 9 others

Meron din yung parang nananawagan sa radyo post:

“Kung nasaan ka man ngayon,alam kong masaya ka na.Sana lang makahanap ka na ng babaing higit pa sakin,yung mas malalim yung cleavage na tangina kang manyakis ka!” is feeling blessed with Abu Ahmad Mustafa & 9 others

10.) Nagiging hashtag abuser- magpopost ng 5 or 6 words tapos off topic yung mga hashtag na gagamitin na mas intense pa sa dalawang naglalampungang pusa sa bubong ng bahay nyu tuwing madaling araw…

Post 12:20am : “Haayy gusto kong kumain ng burger…”

Hashtags be like:

insomnia#eyebags#cantSleep#buhaysingle#MamataynaLahatNgMayLablayp#walangforever#manloloko

maghihiwalaydinkayo#paasa#oxygenplease#binigayKoAngLahatLahat#Wapakels#BigtiNalangAnimal

11.) Mag seselfie sa gym- the vendetta technique ng mga babaing kagagaling lang sa matinding break-up.At narito ang kalimitang ginagamit na pang-hashtag..

#gympamore- gym pa more?Tapos after 3 days tatamarin ka na.Then bigla mo nalang maiisip na mas masarap pala talagang kumain habang umiiyak ka.Sinung niloloko mo.Wag kami.

#newjourney- bakit saan lakad mo teh?May field trip?

#kuntingPushpa- kung yung dede mo nga ate hindi mo ma-push push eh…

#hatersgonnahate-paki hanap yung pake naman sa bulsa mo…chos!

12.) Nahihilig sa mga love songs- minsan hindi ko rin talaga maintindihan kung anung merong logic ang mga babae.Kung malungkot ka dahil nga broken hearted ka,bakit ka naman makikinig sa mga kantang magpapaalala sau na broken hearted ka?Bakit kaming mga lalake pag broke, mga kanta ng Metallica at Bon Jovi pinapakinggan namin?

Bebe gurl is listening to  “Everything has changed (Taylor Swift)” tapos yung caption “home alone”

Bebe gurl is listening to ” Since you been gone (Kelly Clarkson)” yung caption ” boring…”

Bebe gurl is listening to “Paki sabi Na Lang (Aiza)” yung caption “It hurts to let go but…ooh wait,Paki sabi Na Lang din talaga na PAKYU ka po”

13.) Nagiging attention seeker-madalas na siyang magpapansin sa mga status niya. At kung dati eh deadma ang mga dakila niyang likers at commentators,ngayon para na siyang  pulitiko. Nagiging friendly at very approachable na sa lahat especially sa mga guys.Kulang nalang eh abutan ka ng isang kilo ng bigas at kumustahin niya pati mga kamag-anak mo.

14.) Nagiging intense yung pagpapabebe-Say goodbye sa mahiyang chicks dati.Ngayon,pumipictorial na mag-isa sa kama niya.May nakatihaya,nakatagilid,nakatuwad,nagtutulog-tulugan habang bumubulwak yung suso.Literal na binubugaw mag-isa yung sarili.Aba ate mahirap yan,kung yung  pokpok nga may bayad pag binubugaw tapos ikaw libre lang?Eh di kung ganun,mabuhay ka!

15.) Nag sosolo na sa lahat ng bagay- mula sa mga photo albums niya hanggang sa mga post niya sa fb na naghahanap ng kasama manood ng sine,lahat yan ay matinding senyales na single na ang isang babae.Moral lesson?Mahirap talaga manood ng sine ng mag-isa,lalo na kung yung papanoorin mo eh yung One More Chance.Instead of popcorn,para kang pumapapak niyan ng isang pakete ng racumin habang unti-unting lumulubog ang puso mo papunta sa baga.

16.) Epic Transformation- pag ang babae eh nagpaikli ng buhok yung tipong muntik niya nang ipakalbo tapos pinakulayan niya ng gold or ultra intense red;tatlong bagay lang ang gusto niyang iparating sa mundo: a.) naghahanap ako ng bagong boypren b.) bagong buhay bagong pag-asa c.) naghahanap ako ng bagong boypren

Kaya para sa mga lalaking naghahanap ng mapapangasawa sa facebook na naka free data lang,tandaan mo lang na ang babaing pusa pag nag hanap yan ng lablayp eh maingay.At hindi mo na kelangan tanungin pa sa babae kung single ba siya or puwede bang ligawan.For me,medyu awkward pa yun eh.Snipe mo nalang sa facebook at tandaan mo lahat ng clues na binigay ko sayo.

 

—————————————————–RIP————————————————–

 

Advertisements