Top Reasons Kung Bakit Tayo Iniiwan Ng Mahal Natin


Life is full of surprises. Magigising ka nalang isang araw na wala ng dede si Jake Zyrus. Tapos wala ka na ding dyowa.  Break na pala kayo. Hindi ka man lang pinag almusal muna bago niya sabihin sayo.  Samantalang nung isang araw lang, panay pa ang sumpaan nyu na kamatayan lang ang makakapag hiwalay sa inyung dalawa. So ayun nga, namatay na ang feelings nya for you. Sa isang iglap, gumuho lahat ng pangarap mo, tumulo ang luha mo papunta sa lips hanggang sa keyboard. Keyboard warrior ka pa namang hinayupak ka. Pero anshaket besh, parang tinanggalan ka ng karapatang mabuhay pa sa mundo. Parang nawalan ka na ng dangal at ang dumi-dumi na ng pagkatao mo! Charaught.

Ang break-up ay hindi pina plano yan.At wala din naman sigurong perfect time para diyan. Hindi mo puweding i-schedule yan na tipong “wait guys mag-bibreak kami ng bf ko sa sunod na araw alas siyete ng gabi sa harap ng pure gold, kaya hindi ako makakasama sa pa-party ni mayora”.Kusang dumarating nalang yan sa buhay mo na walang pasabi. Hindi mo rin naman puweding kontrolin. Dahil kung nagmamahal tayo, hindi naman natin ginagamitan ng logic or deductive reasoning. Bagkus, gumagamit tayo ng puso, ng feelings. Kaya masakit para satin na mawala ang taong naging parte na ng sistema natin araw-araw. Kadalasan, naghahanap talaga tayo ng kasagutan kung bakit tayo iniiwan. Look, hindi ka naman masyadong panget, nagsisimba ka naman tuwing mahal na araw at wala ka namang record sa barangay nyu, pero hindi ka pa din sapat para sa kanya. So bakit ka iniiwan? Anu bang kulang sayo?

Basta nung iniwan ako ng mahal ko, kalmado lang kami lahat, family ko relatives ko mga kaibigan ko, kasi ayaw naming na mas lalo pang lumaki yan, at ayaw din naming magsalita ng masasakit na bagay sa mga taong mapanghusga, basta nandito pa din ako nakatayo at paninindigan ko, namin, na wala kaming ginawang masama, oo minsan nagkakamali ako, nagsisisi, pero pinilit kong ibangon ang lahat ng bagay na yan, wala naman akong magagawa kasi hindi ko naman po hawak ang mga pag-iisip nyo, kayo naman din po ang dahilan kung bakit ako andito sa kung ano man ako ngayon………..So yan nga pala ang sinabi ni Jovit matapos siyang iwanan ng gf niya. Puge eh! Isang patunay lang na may feelings din kaming mga fucboi. Dahil tao din kami, may damdamin ding nasasaktan. Kaya bago pa ako maging kamukha ni idol, narito na ang top reasons kung bakit tayo iniiwan ng mga taong mahal natin (popcorn pleaseeee)…..

1.)    Iniiwan ka ng mahal mo dahil immature ka. Ang tanda mo na pero ang nilalagay mo pa din sa work mo sa FB ay sa The Krusty krab at Eh di sa puso mo. Grow up bitch!

2.)    Iniiwan ka ng mahal mo dahil matakaw ka sa pagkain. Mahilig kang magpa take-out ng fries at burrito tapos ikaw lang ang kakain.

3.)    Iniiwan ka ng mahal mo dahil napapagod na siyang intindihan ka. Sweet ka naman daw sana kaso ganito ka mag message sa kanya palagi; eow  pFow, Na MiSz pFou qTah an3u pfOW gW4 n3o?

4.)    Iniiwan ka ng mahal mo dahil may ibang lumandi sa kanya. Kala mo kasi concern lang si besh, yun pala bini-versace on the floor na nila ang isat-isa.

5.)    Iniiwan ka ng mahal mo dahil matagal kang mag-kilay. Masyado mong ginagalingan na tipong dapat naka-align sa mga planeta yung magkabilang dulo.

6.)    Iniiwan ka ng mahal mo dahil minsan tanga ka. Palagi mong sinishare yung mga post na nag papatype ng amen para dumami ang pera mo or else may bad luck ka for 5 years.

7.)    Iniiwan ka ng mahal mo dahil wala na daw spark sa relasyon nyu. Kung spark lang pala hanap, eh di sana pinulupot mo na agad  yung leeg sa kawad ng kuryente, baka sakali diba.

8.)    Iniiwan ka ng mahal mo dahil masyado kang papansin sa social media. Mag i-status ka ng “guys magla-live ako mamaya, libre pabati”. As if naman may pakialam kami. Feeling artista si bes.

9.)    Iniiwan ka ng mahal mo dahil wala ka nang oras sa kanya. La eh, busy ka lage. Oppa!

10.) Iniiwan ka ng mahal mo dahil ma-pride ka. Ayaw mo lunukin yung pride mo pero pag lumulunok ka ng itlog ni boyfie, parang wala ng bukas.Naks puma-priority tayo mamshie ah.

11.) Iniiwan ka ng mahal mo dahil baduy ka manamit. Kapag sa malayo, yung pormahan mo pak- Kathryn Bernardo. Pag malapit na, pak pak -Daniel Padilla na.

12.)  Iniiwan ka ng mahal mo dahil antagal mo mag-CR. Hindi niya kasi magets na bilang babae, isang moral na obligasyon ang pag-aadjust ng strap ng bra at yung mandatory mirror selfies.

13.)  Iniiwan ka ng mahal mo dahil nag-i-english ka pag nalalasing. Super explain ka pa ng feelings mo sa mga ex mo but guess what, we don’t give a shit!….and oooh hindi ka din nag-aambag.

14.)  Iniiwan ka ng mahal mo dahil nakita nya yung puberty challenge mo. Wala naman din kasing improvement, nakikisali ka pa. Kaya mas lalong dumadami ang riding in tandem eh.

15.)  Iniiwan ka ng mahal mo dahil bastos ka. Umuutot ka randomly sa mga public places tapos siya tinuturo mo. Respeto din minsan.

16.)  Iniiwan ka ng tricycle dahil hindi ka mahal ang pamasahe. Minsan ganun talaga pag nagmahal ka, magulo. Mas magulo pa sa sinabi ko.

17.)  Iniiwan ka ng mahal mo dahil masydo kang clingy. Pinopost mo pa yung convo nyu sa Fb:

Him: Good morning babe, nahulog mo na ba yung 5k sa BPI account ko?

Me: Opo babe. I love you so much to the moon and back!

Him: K.

Me: Shet kilig much hihihi!

Kamag-anak: Kumusta na si nanay mo? Naani na ba yung palay nyu? May sakit kasi lolo mo ngayon.God bless u.

18.) Iniiwan ka ng mahal mo dahil assuming ka. Dahil wala naman talagang kayo. At mamamatay kang virgin.

19.)  Iniiwan ka ng mahal mo dahil kahit anung sabihin mo, I don’t know WTF you did. Sumisigaw yung anak ko sa taas. Daddy! Daddy! Si tito badang nakatayo habang kumakanta ng dubidubidapdap!

 Bakit tayo iniiwan ng mahal natin? Ang sagot; hindi na mahalaga. Maaaring may libu-libong dahilan or may nag-iisang dahilan kung bakit ka niya iniwan. Alin man sa dalawa,wala ng kuwenta pa. Kasi the more na naghahanap ka ng justification sa pagkawala niya, the more na hindi mo makakamit ang closure na gusto mo. The more na mahihirapan kalang din mag move on sa life. So kung iniwan ka, then so be it. Wala ng one more chance pa gaya ng napapanood nyu sa pelekula.At wala na ding magdadrama pa ng “ako nga pala yung sinayang mo..maglaway ka ngayon”. Unang-una hindi ka naman talaga nakakalaway tingnan na hayup ka. Pangalawa, wala ng pangalawa. And at the end of the day, always look on the bright side of life ika nga. Baka may darating pa na mas okay, yung mamahalin tayo kung anu tayo, yung handang mag sakripisyo para satin, yung magsasabing ik4w lh4N x4p4t nu4h, yung darating sa buhay mo na di mo inaasahan…….na iiwanan ka din pala ulit. Ang kulit mo kasi.Asa ka naman!

———————————————RIP————————————————–

Paano kung ma-Luz Valdez si Pacman kay Pretty Boy?


mayweatherpacquiaomeme

Sa wakas,matapos ang anim na taong pag-tiklop ng bayag ni Mayweather,natuloy din ang ang tinaguriang the biggest and the largest grossing fight in history: ang labanang Manny ‘Pacman’ Pacquiao at Floyd ‘Pretty Boy’ Mayweather Jr.Kung meron man tayong dapat mapanood bago tayo sakupin ng mga aliens at magkaroon ng human extinction,malamang ito na yun!

Itong labanang ito ay mag aakyat ng napakalaking pera sa Top Rank,Golden Boy Promotions at sa ekonomiya ng Las Vegas.Tumataginting ng higit sa  $300 million ang maaring kitain maliban pa sa payper view,sponsors at sa magegenerate na pera galing sa mga turista at high-end gamblers.Plus kung turista ka na malibog at maghahanap ka pa ng chicks sa Vegas,eh kasama parin yun sa tally natin.

Sa laki ng pinag-uusapang figures,magkano kaya ang mapupunta sa ating pambansang kamao?Na-interview ko mismo si Bob Arum at ang sabi niya eh 60-40 daw ang hatian ng dalawang manlalaro.Lamang si Mayweather syempre.Nonetheless,sinasabing maaring kumita ng higit sa $100 million si Manny Pacquiao.At sa loob lang yan ng halos isang oras.Kung hihimayin natin ang anatomiya niyan eh ganito; Ang average na punches ni Pacquiao ayun sa CompuBox ay 69 per round.Suma total sa loob ng 12 rounds,meron siyang 828 punches per match.So kung iisipin natin,yung suntok na bibitawan ni Manny sa Mayo ay nagkakahalaga ng Php 5,314,009.66 kada-isa.Sapat na yang halaga na yan para makapatayo ka ng isang magarang bahay na may sports car at may tatlong sexy na yaya.At kahit araruhin mo pa ang buong probinsiya nyu,hindi mo kikitain ang ganyang kalaking halaga.Kahit nga siguro pasapak ka ng isang beses kay Manny,hindi rin aabutin ng 5 million ang burol mo eh.Pero sinu naman ang tarantadong makaka-isip gawin yun diba?

Speaking of epal,ito yung gagong to na nasa taas

Sometimes pinag pipray ko na sana hindi nalang talaga to isang photoshop eh..prames!

Ngayon ang tanong;kanino ka pupusta?(at anung pinaglalaban ni Justin Bieber dito?).Sigurado ako bilang pinoy, 8 sa 10 tao ang pupusta para kay Pacman.Yung dalawang natira,mga buraot nalang yun.Kung galing at bigote rin lang ang pag-uusapan,masasabi kong lamang ang ating pambansang kamao.Dagdagan mo pa diyan yung pagiging mapagpakumbaba niya at yung laki ng puso tuwing lumalaban sa ring.Kaya nung na-K.O siya nung huling laban niya kay Marquez,para akong pinagsakluban ng 10 kilong maruruming labada.Sobrang sakit nun.Mas matindi pa yun sa mga break-ups ko sa mga babae.Muntik na nga akong maging taong grasa nun buti nalang nadaanan ako ng mga nag-rorondang tanod sa barangay namin.Kaya ngayon,ayaw ko ng maulit ang ganung pangyayari.Lalong lalo na sa laban na ito.Pero dapat ready parin tayo sa kung anu mang kahihinatnan.Mahirap kasi yung ‘di ka mentally & emotionally prepared sa isang bagay na posibleng mangyari.Kaya narito,inihahandog ko sa inyu ang mala tele-radyo-nobela na pupukaw sa natutuyo nyung mga brain cells;

Paano pag natalo si Pacman kay Pretty Boy?

1.) Pag matalo si pakyaw;magkakagulo ang netizens.Magiging trending sa twitter ang #rematch,#puso,#teampacquiao,#kenginamojustinbieber,#walangforeversapagibig#foreveralone

2.) Marami nanamang celebrities,pulitiko,alagad ng simbahan,empleyado ng gobyerno,nagpapataya ng ending,magniniyog,miyembro ng networking company ang magiging instant sports analyst kung bakit natalo si Manny.Lahat mag pi-feeling pro sa boxing gaya ng ginagawa ko ngayon hehehe.

3.) Siguradong hihingi agad ng rematch ang kampo ni Pacquiao.Masakit isipin yun.Pero bago siguro ulit matuloy ang part 2 ng sapakan nila,eh may kalalabanin mo na siyang mga “not so famous” na boxer.Parang sa pag ibig,kung nabigo ka man sa una,hanap kalang muna ng rebound hanggang sa maka recover ka na ulit.

4.) Kung sakaling matuloy man ang rematch,siguradong mas lalong dadami demands ni pretty boy.Tipong papalagyan niya ng highlights yung buhok ni Manny;bawal na i-translate ni Buboy yung mga sinasabi ni Freddie Roach sa corner during the fight;Mighty Kid lang ang sapatos na puweding gamitin ni pacman;tubig na galing sa alulod lang yung puweding inumin ni pakyaw sa training at sa mismong fight at kung anu-anu pang mga kaputanginahan.

5.) Hindi madadagdagan ang collection na hermes bag ni mommy D.Madi-disappoint siya at yayayain niya nalang mag sexy time yung boylet niya araw-araw.Jusko,pag naiisip ko palang yan,parang gusto kong isangla nalang ang kaluluwa ko sa diablo,manalo lang ng sure itong si Manny.Ang stressfull eh!

6.) Mas lalong yayabang si Mayweather.Aabot ito sa sukdulan na kahit si satanas mapapasabi ng “ooohmeeghed”.Tancha ko diyan,hahamunin niya na ng sabay si Pacquiao at Marquez sa isang blindfold boxing match sa November.

7.) Tataas ang crime rate sa Pilipinas.Maraming iinit ang ulo.Isipin mo yung magiging reaction ng mga fans na pinusta pati yung asawa nila.Di ba?Pucha lahat tayo asang-asang papadilaan ni Manny sa canvas itong si Floyd eh.Kaya minsan talaga sa buhay,dapat di ka nag i-expect.Ma bobroke kalang eh.

8.) Kung magkataon, magiging 48 wins with 0 loss na itong si pretty boy.Godlike na yan kung sa dota pa.Meaning,ilalagay na yung mukha niya sa pera ng Amerika.Tatayuan siya ng statue katabi nung kay Jordan sa Madison Street.Gagawan siya ng wax museum at masusulat siya sa kasaysayan habang panahon.Saklap!

9.) Magpapa breast implant si Mommy D.Hindi ko lang sigurado kung may kinalaman pa ba yan sa topic natin.Pero if ever,wag nalang sana diba?Eh kung ilagay mo yung sarili mo sa silicon?Kawawa eh.

10.) Sa sobrang lungkot siguro sa araw na yun,baka ipa half-mast yung lahat ng bandila sa pinas.Tapos kasabay niyan bigla mo nalang mababasa sa news yung mga balitang gaya ng “p-noy nalilink di umano sa isang miss universe”..,i mean diba?!Wala na sigurong mas shi-shitty pa sa araw na yun.

11.) May lalabas na mga blind items sa tv “the who itong dating sikat na boxer na ngayon eh madalas mo nalang makitang lasing sa mga ktv bar sa Malate at may kandong-kandong na babae?clue;bigotilyo at tadtad ng abs sa katawan.Now you know?

12.) I-rereply ng paulit ulit sa youtube,hbo,solar tv at sa lahat ng sports channel yung pagkatalo ni Pacman.Torture sa utak yun.Parang i-wiwish mo nalang na sana totoong may relasyon nalang talaga sina Mayweather at Justin Bieber eh.Dafuq!

13.) Feeling ko hindi parin siya makaka lusot sa BIR.Kahit siguro magpaawa epek siya o kaya maging taong grasa nalang matapos matalo sa laban,tingin ko hahabulin parin siya sa kinita niya.Literal na double black eye yun.

14.) Mauuso ulit ang kantang “oh my pretty pretty boy..” ng bandang m2m.At feeling ko,sa sobrang hit neto,gagawing official soundtrack ng pelekulang The Expendables 4,Transformers 5 at Brokeback Mountain Reloaded.Syempre di papatalo ang mga pinoy,gagayahin nanaman nila yan sa mga teledrama.

15.) Guess what,maglalabas ng musical video si justin bieber kasama si floydie.Mag duduet sila sa kantang firework ni Katy Perry habang binobromance nila ang isat isa sa gitna ng boxing ring sa Las Vegas.Pang asar lang sa mga bashers.

16.) Magiging mas kapana-panabik na ulit manood ng PBA.Pero kung KIA fan ka,bad news to para sayo.Pero aminin na natin,nakukulangan talaga tayo sa playing time ni congressman.

17.) Mag reretero na si Pacquiao.Unfortunately,wala ng manlalaro ng boxing sa panahong ito na makakasunod pa ng gaya ng kalibreng pinakita niya.Pag nangyari to,pag tiyatiyagaan nalang nating panoorin ang azkals team at yung mga bumabakat na yagbols ng volcanoes sa rugby.How puta diba?

18.) Dahil wala ng susunod sa yapak at medyu kamote rin itong si Donaire,puwede natin sigurong pagtiyagaan nalang din itong si Bobby Pacquiao.Genetically speaking,si bobby lang ang legit na puwede nating sabihin na “puta ito na ang susunod na pacquiao!”.

19.) Since wala ng makatalo kay Mayweather,mapipilitan si Bob Arum na kunin ang serbisyo ni Rocky Balboa bilang susunod na ka-match ni Floydie .Nakaka excite diba?Kasi wala na talagang believable na puwedeng tumalo pa sa gagong yun eh.

Kung magiging malaki man ang impact ng pagkatalo niya sa ekonomiya ng bansa,history ng boxing at sa mga lablayp natin,eh hindi ko alam.Dahil matalo man si Manny,bilyonaryo parin siya.Ako,ikaw,tayong lahat ay babalik parin sa ulam natin kagabi.Matalo man si Manny,trapik parin ang buong Metro Manila.Matalo man si Manny,kurap pa din ang kasalukuyang gobyerno natin.Maaring wala nga namang kinalaman si Manny sa ulam,trapik at kurapsyon.Siguro nga ay hindi na rin mahalaga ang tanong sa title ng blog kong to.Mas importante ay kung paano niya uli ipaglalaban at bibigyan ng pride ang buong sambayanan.Kaya para sayo idol Manny,manalo ka man o matalo….yung balato namin wag mong kakalimutan.

——————————————RIP——————————————————

Ang 17 Batas ng mga Adik sa Pag-ibig


download (1)

Gaano ka powerful ang love?Kung titingnan mo,apat na letra lang yan-L.O.V.E.Pero yang apat na letrang yan ang siyang bumago sa kasaysayan natin at siya ngayong nagpapa ikot sa sibilisasyon ng mundo na may 7.2 bilyong katao sa orbit ng solar system.Kung hindi nabuo ang mga letrang yan,malamang hindi kana nag i-exist ngayon at naputol na ang generation ng human race matapos makapamuhay ang mga dinosaurs 231.4 million years ago.Kasunod ng pagkakadiskubre ng tao sa pag gawa ng apoy,nakatuklas din sila ng ibang pampainit sa katawan na kinalaunan ay tinawag nga nating romansa.Hanggang sa kumalat na ang chizmiz at dumami na nga ang mga tao exponentially.Pero syempre,gawa-gawa ko lang yan.

Screenshot_2014-09-29-11-03-09

Paano ba tayo naiinlove?Kung iniisip nyu na puso ang umiiral pag tayo ay inlab,nagkakamali kayo.Dahil ang puso ay isa lang malaking organ  na nagdadala ng dugo at oxygen sa  ating buong katawan.Pero yung sex drive natin na maghanap ng kapartner at yung attachment natin sa isang tao,lahat yan nagaganap sa utak sa pamamagitan ng pagkaka trigger ng pinaka malulupet nitong circuits.Pag inlove tayo,nag lalabas ang brain natin ng chemical na tinatawag na dopamine na siyang nagbibigay sa atin ng feeling of euphoria,energy at focus sa taong ating minamahal.Biologically speaking,kapareho yan ng feeling pag high ka sa shabu tapos susundutan mo pa ng red horse.Therefore,ang pag-ibig ay parang droga na isasaksak mo sa sarili mong katawan.So illogical man sabihin,lahat tayo ay mga adik sa pag-ibig.Kung adik tayo,dapat may mga batas tayong nakalatag para makontrol at magkaroon ng tamang disiplina.Unfortunately,wala pang mambabatas ang nakaka isip niyan sa senado.Kaya for the good of mankind,ako na ang gagawa ng mga bagong batas na yan.Ito ay para sa lahat ng single,broken hearted,in a relationship,married,domestic partner at it’s complicated.

Ang 17 batas ng mga adik sa pag-ibig:

1.) Driving after break up law-bawal magmaneho ang mga nilalang na katatapos lang sa matinding break up.Yun bang after 1hour palang at kaka sink-in lang ng salitang “tapos na tayo!!”Delikado ito sa mga babaeng ginagawang catwalk ang kalsada at lalong lalo na sa mga lalaking jologs na mahilig maghanap ng salamin sa kalye sabay strike a pose na parang sa mga commercial sa tv.

2.) Frienzoned code of the Philippines-ang frienzoned daw is the new basted pag dating sa pakikipag digmaan sa pag-ibig.So nakapaloob sa code na ito na hindi mo na puweding i-friendzoned ang isang lalaking nanligaw sayo na pinaabot mo ng 3-4months.Malaki na ang na invest nun sayo.May karapatan siyang i-refund lahat ng mga ginastos niya tulad ng load,dinner,deodorant at pamasahe na back and forth.

3.) Jerk and run law-kung merong parusa para sa mga wreckless driver na nakaka hit and run,dapat bigyan din ng parusa yung mga lalaking jerk na matapos mong ibigay yung password ng panty mo,eh bigla nalang mawawala at hindi mo na matrace kahit na fingerprints.

4.)  Benefits for emotionaly unstable law-obligahin yung mga kompanya na bigyan ng leave with pay yung mga taong may matinding pinag daraanan sa pag ibig.Imbes na maging unproductive sa office yan,might as well na bigyan nalang ng one way ticket papuntang africa para makapag soul searching kasama ng mga hyena at lion.

5.) Anti-Paasa Act of 2015-sa batas na to,puwede mo nang ipahuli kung sinu mang hayup na nanlandi sayo at nangakong pagdidikitin ang buwan at ang neptune sa ngalan ng putang inang pag-ibig tapos yun pala,pampalipas oras kalang niya.

6.) Single Security System or SSS-Tatandang dalaga?No bf since birth?Wag ka ng matakot pa.Dahil sa sistemang to,ipapa prioritize lahat ng single na babae na may edad 30 pataas.Magbibigay ng gift certificates buwan buwan para pang spacol at pang shopping.Yung buwanang kontribusyon nyu puwede nyu ding i-lump sum yan sakaling himalang magkaroon na kayo ng lablayp.

7.) Wasak foundation-samahan ng mga na basted,naloko,umasa,nabuntis at iniwang sugatan ang puso.Sa foundation na to,tuturuan kung papaano makakarecover step by step ang lahat ng wasak na members.Moreover, magkakaroon din ng mga outreach program para sa iba pang nasalanta ng pag ibig.

8.) CDA law or Cyber Display of Affection-ang virtual na lampungan ng mag shota sa social media ay talaga namang masakit sa mata.Kaya naman sa batas na to,hindi mo na puwedeng i-flood yung news feed namin ng mga landian moments nyu ng bf mo.Bawal na i-upload yung mga skype pix nyu lalo na kung mukha lang ding sumabog na appendicitis.Bawal din yung mga pre nup pix kung hindi rin naman talaga engaged pa.

9.) Karapatang Pangkabit-ang karapatang pangkabit ay nagsusulong sa pinaglalaban ng mga sulutero at sulutera na wala nang ginawa kundi bigyan ng anghang at pait ang salitang pag ibig.Kung meron ngang animal welfare act,sila pa na tao din at nagmahal lang daw sa maling pagkakataon.

10.) Seenzoned act-ayun sa batas na to;considered na naseenzoned ka pag hindi ka nireplayan ng ka chat mo sa loob ng 20minutes.Bukod diyan,wala karapatang mag seenzoned ang isang babae kung hindi  din naman ganung kagandahan talaga.Unless hindi kayo magkakilala personally ng guy at nag papabebe lang din sayo.

11.) Makaka Move On ka din Rehab Program-bukod sa pagpapa laki ng suso,ang pag momove on from a relationship ang isa sa pinakamahirap na gawin.Kaya dito sa loob ng rehab,walang magiging access sa facebook kaya di mo na ma-iistalk ang ex mo,bawal din ang cellphone.Dito isinasagawa ang throwback therapy session kung saan pinapatitig sa pasyente buong araw yung pinaka panget na picture ng ex niya habang tinutugtog ang kantang “my heart goes shalala lala…” as background music.

12.) Legalized Cheat Day-kung merong cheat day para sa mga so called health conscious,magkakaroon din ng cheat day para sa mga magkasintahan.Sa loob ng isang taon,meron kang 24hours para tumikim ng bagong putahe.Dito masusubok ang disiplina at tatag ng samahan nyu.

13.) E-bat law or expanded babaero added tax-itataas ng 30% ang tax ng mga lalaking mahilig sa chicks.Halimbawa sa beerhouse.Lahat ng items dun kakargahan ng e-bat pati yung kakandungin mong bebot.70% ng malilikom sa tax na to ay mapupunta sa wasak foundation at yung natirang 30% ay para sa mga hopeless romantic.

14.) Alone Forever National Agency-kung atat na atat ka ng magkalablayp pero kulang ang network mo at access para makipag mingle sa ibang single,ang alone forever national agency ang bahalang maghahanap sayo ng posibleng maging ka partner mo in life.No placement fees to be collected.Just bring your minus one tape and beware of fixers.

15.) Landimeter act of 2016-kasama ito sa tinatawag na modernization program ng bansa.Kakabitan ang lahat ng mga bus station,malls,simbahan,paaralan,opisina sa buong Pilipinas ng landimeter device.Sa device na to,malalaman mo na agad kung nilalandi at nagpapalandi ang bf mo.Automatic na magsesend ng sms sa phone mo ng “higad on the house!”

16.) Declared February 14 as Single Awareness Day-gagawing special non working holiday ang February 14.Double pay para sa mga single.Magkakaroon ng ibat ibang programa sa araw na yan tulad ng  painting contest na may temang “tigang noon…at magpakailanman”.Then magtatali ng itim na panyo sa ulo ang lahat ng mga single at magmamartsa mula quirino hanggang R.Papa lrt station ng nakahubad.

17.) Reporma sa Pag ibig-for some reason,darating sa punto ng relasyon nyu bilang mag syota at mag asawa ang panlalamig sa isa’t-isa.Mas malamig pa sa ilong ng pusa.Sa batas na to,renewable na ang relationshit nyu.Puwede kang umayaw sa legal na paraan at puwede ka ding humingi ng #libogpamore kung nakukulangan ka na sa performance ng partner mo.

Ang love ay parang itlog ng mga lalaki,abot kamay mo lang pero hindi mo puwedeng pitasin.Hindi equally distributed.May sinusuwerte,meron din namang minamalas.Pero kung feeling mo eh lage ka nalang walang suwerte sa pakikipag-relasyon,ayos lang yan,lahat ng pangyayaring masalimuot sa buhay natin ay may silver lining.Lagi mo nalang iisipin na ang salitang ‘love’ ay noun lang.Hindi parin yan ang everything.Kung high ka ngayon sa pag-ibig,eh good for you.Basta kung maubusan ka ng source,tandaan mo na puwede kang rumekta sakin.