Ang 17 Bagay na Hindi Namin Maintindihan sa mga Babae


88888888888888888

Lahat ng tao sa mundo pati na mga hayop ay may set ng DNA coding sa katawan na matatagpuan sa chromosomes.Ito ang nag sisilbing gender determination system ng kalikasan.And we don’t give a fuck about that,ahyt?Basta ang malinaw lang satin ay merong male at female species na nag co-coexist sa ibabaw ng earth crust sa ilalim ng stratosphere kasama ng mga flora and fauna.

Alam din nating lahat na matagal ng may love-hate relationship sa pagitan ng mga lalaki at babae simula pa ‘nung unang naimbento ang apoy. Ang please don’t get me wrong.Hindi ko inaaway dito ang mga babae.Hindi rin ito isang gender stereotype propaganda dahil hindi ko din alam ang meaning ng stereotype.Infact, concerned lang ako sa lumalalang fundamental gap between gender as human being living in this miserable & cruel world.Misteryoso at emotional naman talaga kayong mga babae at tanggap namin yun.Ang problema talaga eh hindi yung dahil sa makitid minsan ang pang-unawa namin kundi dahil sa “expectation” nyu na maunawaan namin kayo.

Kung mas may tatanga pa dito, ewan ko nalang din

Kung mas may tatanga pa dito, ewan ko nalang din

Kaya para sa mga nilalang diyan na may reservations,kumakain ng kanin sa tasa at minomolestiya ng tiyuhin nila,narito ang ilang mga bagay na hindi namin maunawaan sa mga kababaihan at dapat ipa-intindi sa mga utak naming alipin ng pornograpiya:

1.) Ang ladies room- Hindi bat nakakapagtaka naman talaga na kung bakit sabay-sabay silang pumasok tapos antagal-tagal nilang lumabas.Kala mo gumagawa pa ng bonfire sa loob eh.Anu ba tlagang meron?Nagsasampalan ba kayo ng tissue pagtapos umihi?Ganun ba talaga kahirap mag-adjust ng bra?

2.) The kahit saan restaurant- pag tinanong mo sila kung saan nila gustong kumain, diyan ka nila ituturo. Pero wag ka,may gusto talagang puntahan yan.Ayaw lang nila sabihin sau.Para ka tuloy pinaghahanap ng tae sa Manila bay.Magmumukha kang autistic sa dami ng pagpipilian mo.

3.) Bakit masyado kayong interesado sa mga ex namin?- kelangan nyu pa bang alamin kung anu itsura ng mga ex namin,anung tawagan,anung cup size?Okay hindi naman sa ayaw namin.Pero sabi nga ng yumaong si Aristotle;you have the right to remain silent,anything you say can & will be used against you. At kung talagang sinabi man yan ni Aristotle, then lets have a moment of silence para dun sa mga naniniwala.

4.) Bakit laging kabaliktaran sa sinasabi nyu ang gusto nyu talagang ipa-abot samin?- kung ayaw mong sumama kami sa inuman with barkada, huwag mo nang sabihing “ikaw bahala” or “okey lang”  kung talagang hindi okey.Masyadong provocative eh.Besides,hindi naman siguro ikalalaki ng suso nyu yung ganyang pan-rereverse psychology nyu samin.

5.) What’s with the flood likes- bakit sobrang tuwang-tuwa kayo pag-pina flood likes ang mga pix at status nyu sa facebook to the extent na ini-screenshot nyu pa at nagpapasalamat kayo sa nag-like? Or madami lang din talaga akong issue sa buhay?

6.) Cry for all season- birthday,monthsary,piyesta ng patay,binyag ni junjun,independence day,romcom movies at pati paglaki ng braso nyu,alam namin,lahat yan iniiyakan nyu.Saming mga lalaki,dalawang beses lang kami dapat umiyak sa buhay namin.Una,pag tinuli kami.Ikalawa,pag kinasal kami.

7.) Anu yung pinaglalaban ng high heels nyu?-kung sa ngalan man ‘yan ng isang intense at bumubulwak mong kalibogan sa buhay, puwes mabuhay ka iha.

8.)  The mode swing phenomenon- kung yung ibang astronomical phenomenon nangyayari lang once every 400 shity years,yung mode swing phenomenon ng mga babae ay nangyayari on a daily basis.Pangkarinawan.Kasing karinawan ng pag-aalmusal mo ng tinapay at pagmemeryenda mo ng canton tuwing alas tres ng hapon.Parang “now you see it, now you don’t”.

9.) Bakit nagiging high pitch ang mga boses nyu pag-nagsasama sama kayo?- parang lagi kayong excited sa isat-isa at parang laging may adrenaline rush pag nagbebeso-beso kayo.Kala mo 5 taong di nagkita samantalang nagkita naman kayo last few days lang?Oohh that hormone.

10.) Ang relationship ng bag at bayag-Kung yung pinaka moral na obligasyon naming mga lalaki sa mundo ay ang pagbitbit ng mga bayag namin from point A to point B,sa inyung mga babae ay ang pagbitbit ng mga bag nyu.Which therefore conclude na ang bag at bayag ng mga lalake ay gawa sa same material.

11.) Ayaw nyu sabihin ang totoong gusto nyu at kelangan pang hulaan namin-pag kausap ko ang mga babae,feeling ko contestant ako sa Who wants to be a Millionaire.Hindi ka puweding magtanong dahil ikaw yung naka hot seat at kelangan bago ka sumagot,tanungin mo muna yung sarili mo ng makatatlong beses na “is that your final answer?”

12.) Bakit andami nyung seremonyas kung kelan matutulog na?-kung anu-anong mamahaling lotion at creme ang pinapahid nyu sa katawan nyu.Tandaan mo yung universal law ng buhay: “Kung panget ka nung high school days mo, most likely panget ka pa din ngayon”.Mapapagod kalang i-convince ang sarili mo sa salamin.Kaya instead na bumili ka ng mamahaling lotion, ipunin mo nalang yan para pampaayos ng dede mo.Makes sense?

13.) Ang hilig nyung makipag-chat sa isat isa– bat parang hindi kayo nauubusan ng kuwentu?Bakit parang kaya nyung pag-usapan ang lahat ng bagay sa mundo without any “reservations”?Samantalang kami, hindi namin puwedeng i-chat sa kapwa namin lalaki na “bro relate much ako dun sa movie na a second chance <insert smiley here>”.Masyadong suggestive eh lalo na pag nilagyan mo ng smiley sa dulo.

14.) Lahat ba ng babae ay may criminal minds?-wala naman kayong formal training pero bakit ang galing-galing nyung mag analyze ng crime scene ng mga lalaki.O sadyang tanga lang din talaga kaming gumawa ng palusot noh?

15.) Kelan pa naging social activity ang pag-shoshopping?-sinubukan kung mag shopping dati kasama yung barkada ko.After nun,parehas kaming nagkasundo na i-eradicate ang ideyang yun at hindi na namin uulitin pa kahit kelan.Anlakas maka-bromance eh.

16.) Required magbigay ng false compliment sa kapwa nya babae- it’s always ang ganda mo na gurl o ansexy mo na at kung anu-anu pang pambobolache para lang ma-establish nyu sa isat-isa na “hey kakampi tayo gurl”.Samin,makisabay kalang sa trip ng tropa.Kung trip mag-shabu,mag-shabu ka din.Friends for life na agad yan.Simple.Walang bolahan.Walang drama.

17.) Hinahanap nyu lagi yung sensitive na guy- kung ganyan pala, para mo naring hinahanapan ng hymen ang mga lalaki.Walang hymen ang mga lalaki.

Simple lang naman ang mensahe ng blog ko; gusto namin na laging masaya ang mga babae. Gusto namin na hindi kayo laging na-bebeast mode pag hindi namin maalala yung birthday nyu o purihin yung bago nyung damit. Kelangan lang namin siguro talaga ng proper guidance sa buhay.Kaya simula ngayon,gusto kong makipag blood compact sa mga babae.Na hindi na kami maghahanap ng babaing malaki ang dede basta hindi na kayo maghahanap ng lalaking sensitive?Deal?…..

———————————————-RIP——————————————————-