Paano Maglaro ng Basketball ang mga Lalake with Feelings


imagesbasket

Dahil nauuso naman ngayon sa social media ang pagtuturo sa pagluluto ng adobo at siomai, might as well na turuan na din natin ang mga kababaihan na maglaro ng basketball…

The Basics:

Unang-una,hindi pangalawa,dapat naka-pambasketball attire ka.Mag suot ng sando na komportable sa katawan mo.Prior to the game,mag trim ng mga sobrang buhok sa kili-kili.Dahil pag masyadong makapal; aakalain ng referee na may iniipit kang patay na shih tzu dyan.Yung short mo eh kahit anu basta hindi pekpek short.Bawal magsuot ng stilettos sa hardcourt dahil baka isaksak ko pa yan sa lalamunan mo.Rubber shoes lang ang pupuwede.Huwag ka naring mag a-attempt na maglagay pa ng wristband o headband lalo na kung kalbo ka dahil baka mapagkamalan kalang isang malaking deodorant roll-on na tumatakbo.Kapag ready ka na,maghanap ka na nang puwedeng makalaro mo. Alam kong madali lang para sayo to dahil wala ka namang seneryoso kahit isa sa mga naging karelasyon mo dati na animal ka. Maging magalang at friendly pag gusto mong makahanap ng matinong kalaro sa basketball.Tulad ng malupet mong panlalandi nung una mo siyang nakilala.Kumuha ng bola at i-dribble dribble nang makailang beses sa floor at paglaruan mo sa iyong mga palad.Tutal sanay na sanay ka namang bola-bolahin at paglaruan yung mga babae diba.Panis na sayo yan.

The Rules:

By default,dalawa lang naman ang general na settings sa basketball; opensa at depensa.Unahin natin ang opensa.Isa sa  basic rule nito eh ma-shot mo yung bola sa ring ng kalaban mo. Pagkatira mo,tumakbo ka na agad sa kabilang court.Diyan ka naman mahusay diba;matapos niyang i-ngudngod sa mukha mo yung panty niya,tatakbuhan mo nalang ng basta-basta tapos hindi ka na magpaparamdam na quing inamoka. Yung tira mo na yun,dalawang puntos yun. Pero may option kang itira ang bola behind the arc which is three-points yun.Dahil nga hindi ka makuntento sa malapit,naghahanap ka pa ng ibang puwedeng ma-iskoran.Dun sa malayo,dun sa hindi ka mahuhuli.May option ka ding ipasa ang bola sa mga kasama mo pag matindi ang depensa sayo.Kaso mahilig kang pumeke,kala ng mga kasama mo ipapasa mo,yun pala idederetso mo.Gaya ng pamemeke at panloloko mo sa tunay mong nararamdaman para sa kanya.Pa-fall kang tangina ka hindi mo naman birthday.Depensa naman ang tawag pag-wala na sa iyo ang bola.Ang layunin mo dito ay alagaan at protektahan na hindi dapat makaka puntos ang kalaban sa court mo. Pero dahil nga gago ka, instead na alagaan at protektahan mo siya, hinayaan mo lang. Naging defensive kalang sumagot sa mga tanong niya sayo.Aggressive kalang pag ikaw ang titira,pero pag kelangan na ng effort mo wala ka nang gana.Bakit nasa loob ba ng pekpek niya ang source ng potassium sa katawan mo?

The Fouls and Substitution:

Basically kapag  maglalaro ka sa hardcourt, hindi ka puwedeng manakit ng kapwa mo manlalaro.Gaya ng ginagawa mong pananakit sa damdamin niya araw-araw. Mag sosorry ka tapos gagawin mo din ulit.Personal foul  ang itatawag sayo kapag kinapitan mo yung player na may dalang bola.Parang ikaw,kumakapit kalang kasi may kelangan ka sa kanya.Pag wala,hindi mo siya nirereply kahit “active now” ka pa sa facebook.Technical foul naman ang itatawag pag nagmura ka or bigla ka nalang sumigaw ng “walang forever!!!!” sa court during the game.Puwede mo lang yang gawin sa halftime.So alin man sa dalawa,binibigyan ng free charity or free throw yung kalaban mo.Okey lang kasi sanay ka namang i-throw yung feelings nya for you diba.Bawat koponan ay binibigyan ng pagkakataong mag timeout para pag usapan ang susunod na gagawing play.Gaya sa pag-ibig, kung tipong parang malabo na ang lahat,timeout lang naman ang kelangan nyung dalawa hindi hiwalayan.Yun ang gusto niyang ipa-intintidi sayo.Pag- pagod ka nang maglaro,puwede ka nang magpa-sub sa iba mo pang mga kasama na nakaupo sa bench. Tutal lagi mo din naman sinasabi sa kanya yan na pagod kana,hindi mo na kaya at sawang sawa ka na sa mga kadramahan niya sa buhay.Eh bakit hindi ka nalang mamahinga sa habang panahon diba?Pag naka-upo ka na sa bench,maglagay ng tuwalya sa katawan para hindi ka matuyuan ng pawis at pasukin ng lamig ang katawan mo.Pero okey na siguro na hindi na,dahil sanay na sanay ka naman sa panlalamig mo sa kanya.Hindi mo na siya sinusurprise at nagtetext ka nalang sa kanya pag nalilibogan ka.At pagtapos ng game maligo ka narin agad-agad para mapasma yang katawan mo para mamatay ka na at mabawasan na ang mga katulad mong mvp player sa mundong ito na tangina muh kah with feelings!Tapos…..oooh shit tapos na pala.

alam kong walang kinalaman yan sa blog ko pero anyway funny kasi eh

alam kong walang kinalaman yan sa blog ko pero anyway funny kasi eh

 

———————————————–RIP————————————————————

Orayt! Ayos ba kayo diyan mga Aldub Fans?….


 

nidora

Babala: Asawa ni Babalu. Ang blog na ito ay para sa ekonomiya ng Pilipinas. Bawal ang jejemon dito.Patnubay ng Tiyuhin ang kelangan.

Beastmode ako nung nakaraang mga araw. Nagwala yung tatlong cells ko sa utak.Paano ba naman kasi, bukod sa makupad ang serbesyo ng  internet connection ko nung araw na yun eh antagal pang i-upload sa EB facebook page yung episode ng kalyeserye. Naghintay ako ng matagal.Hanggang gabi.Hanggang 10pm.Pero halos pag sakluban ako ng langit at lupa ng ma-realized kong Sunday nga pala nung araw na yun.

Shit hindi na yata kumpleto ang araw ko pag hindi ko nakikita si yaya dub. Parang akong lalagnatin. Napaka-cerebral ng tama. Sa katunayan, hindi na ako nakuntento sa simpleng panonood lang. Dumating na ako sa punto ng buhay ko na kelangan ko nang i-blog ito. Dahil naaaliw ako sa mga epic na performance ng mga tauhan dun,minabuti kong ilista isa-isa ang mga karakter na nagpapagulo ng mga balahibo natin tuwing tanghalian:

1.) Karakter  : Lola Nidora

    Scientific Name : Tuyotnesdyuganesses

    Planet : Golden Acres

    Attributes :  isang donyang nagmamayaman na pinaglihi sa sama ng loob. Lola Aunor minsan,lola hitler kadalasan.Disciplinarian at galit sa forever.Sakitin daw pero aaminin ko na medyu may kurot padin pag nagpapabebe-tongue itong si lola. Ipaghalo mo yung mukha ng minions, grinch at ng avatar,ganun ang resulta ng mukha niya;abstract!

    Role: si Lola ang maituturing na epitome ng mga kontrabida. Ang leche sa halo-halo,ang tinik sa lalamunan at ang ampalayang wawasak sa matamis na tambalan ng aldub. Siya din ang may-ari ng diary na kung saan nakalista ang lahat ng may sex scandal sa showbiz.Okey joke yun.

2.)  Karakter :Duhrizz or Duh for short

Scientific Name : …………..’error 404′

Planet: Big apple

Attributes: sosyalerang apo ni lola Nidora na galing ng Amerika.Spokening dollar, fashionista at yung buhok eh gawa sa pinagdikit-dikit na pancit canton tapos pinatong sa ulo. Sa biglang tingin hindi mo agad aakalaing tao si Duh,iisipin mong isang malaking buntis na hito na naglalakad lang sa mall para mag chill.

Role: Umuwi ng pinas para bisitahin yung nag hihingalong lola.At sa hindi inaasahang pagkakataon, naging instant crush niya si Alden. Wala naman siyang ibang special powers maliban sa mala-Ariana Grande nyang performance sa pag sayaw. Bukod dun wala na.

Aldub_2015_08_18_19_20_42

3.) Karakter : Frankie A. Arinoli

Scientific name: basagenmukhanessin

Planet: Apes

Attributes: milyonaryong jologs na patay na patay kay Yaya Dub. Maporma at medyu hawig kay Justin Beiber.Okey na sana itong si Frankie maliban sa highly visible na butas-butas sa mukha nya.Masyado silang feeling close sa isat-isa.Sa sobrang close,nagkaka-ubusan na ng space.At pag tinitigan mo pa ng mabuti yung pisngi nya, kakabahan ka dahil parang lalabasan ng sto.nino.

Role: mahigpit na karibal ni Alden. Dahil na rin sa inaasam na mana,nakipag-kasundo kay lola Nidora para pakasalan si Yaya dub kapalit ng milyong halaga ng pera.

4.) Karakter: Dra. the Explorer

Scientific Name: bekpekbekpek

Planet : Safari

Attributes: masayahin at matalino.Okey yung totoo?Virgin,walang dede,hindi nakakalibog at hindi rin nag-aahit ng buhok sa kili-kili.

Role: apo ni lola nidora na galing pa sa Africa. Big fan din ng tambalang aldub. Kung magkakaroon man ng matinding twist ang istorya ng  kalyeserye, ito na siguro yung malalaman nating lahat na si Dra. at si Alden ay mag 3rd cousin#justsaying.

mqdefault

5.) Karakter: Don Franing

Scientific Name: kulubotinnahangutin

Planet: Sa dako pa roon

Attributes: Matandang mayaman na slow motion na ang pagkilos at pag-hinga. Nag ba-buffer na din kung magsalita.Sa tancha ko, hindi na magtatagal itong si Don Praning. Tipong sampalin mo na lang ng cornbeef yun sa mukha eh kukunin na din ni lord.

Role: ama ni Frankie Arinoli. Wala siyang ibang hangad sa buhay kundi makasal yung anak nya kay Yaya dub otherwise walang mamanahin si Frankie boy. At pag nagkataon,lalong hindi mapapa-repair ni Frankie ang mukha niya.

6.) Karakter : Unknown Caller

Scientific Name: N/A

Planet : N/A

Attributes : so far wala pang nakaka-alam ng totoong itsura niya maliban sa maitim niyang batok at modulated na boses.Yung parang nakalunok ng electric fan,ganun suwabe.

Role: misteryosong ka SOP-sex on phone ni lola nidora.Siya din ang mastermind sa pag-nenok ng pinaka importanteng book of secrets.Mas importante pa ito sa kahit anung pinoy cook book recipe na mabibili natin sa national bookstore.Sa ngayon habang sinusulat ko ito e hindi parin naibibigay ni lola Nidora ang ransom money na nagkakahalaga ng pipti million.

7.) Karakter : Riding in Tandem

Scientific Name: gorabelsengamitangmotorin

Planet: Undisclosed

Attributes: ang tambalang nagpataob sa mga sikat na loveteam dati tulad ng juday & wowie, guy & pip, john & marsha,pugo & togo, B1 at B2.Goons ang datingan.Badass.Discreet.Strike anywhere ang peg.Magka-angkas sakay ng motorsiklo.Laging naka-jacket ng itim kahit tirik na tirik ang araw.

Role: inupahan ng unknown caller para agawin ang diary ni lola nidora. Minsan nauutasan ding mag-deliver ng kung anu-anong bagay tulad ng sulat,bulaklak,isaw,korona ng patay at kendi.

8.) Karakter : Rogelio,rogelio,rogelio

Scientific Name: mgadakotatitih

Planet: Mobile (just pm me for details)

Attributes: Malalaki ang mga braso.Tipong puwede kang tumambay ng 2 days dun.Ganun kalaki,literal.Hindi rin sila nagtatanggal ng shades regardless kung umulan man o umaraw o mamatay man ang lahat ng pu-quing inang pabebe sa mundo.Basta wala silang pakialam.

Role: mga loyal na bodyguards ni lola nidora.Wala silang emotion at hindi rin sila nagsasalita.Parang mga emoticons.Steady lang. Nag aantay lang ng susunod na mangyayari or kung sinong gustong ipatira ni lola nidora. Kaya hindi mo din dapat kakausapin ang mga rogelio’s dahil baka ma-friendzone kalang nila.

9.) Karakter: Dr. Tan-ning

Scientific name: majumbodenota

Planet: ICU

Attributes: matangkad, medyu gwapo at hirap mag memorize ng script niya.

Role: personal na doctor ni lola nidora. Bagamat cameo role lang itong si doc,kaya niyang mag predict ng eksaktong araw at oras kung kelan ka mamamatay. So far,sa lahat ng daring na stunts na ginawa sa kalyeseryeng ito (kung meron man), marahil ito na iyong pinaka malabo.Shabu pa doc!

10.) Karakter: Jimmy Santos

Scientific Name: hydrocephalusinquehorrorin

Planet: Kurimaw

Attributes: Kahit na yung mukha nya eh parang laging may nginunguyang kamias, yummy pa din  considering the fact na halos magka batch lang din sila ni lola nidora . Patok din sakin yung mga immortal na choice of songs para kay Jimmy.Retro.Cool.

Role: love interest ni lola nidora sa nakakagutom na tambalang Lommy. Wag nalang nating isipin kung anu ang itsura ng magiging anak nila kung sakali dahil baka makapatay lang ako.

lommy

11.) Karakter: Tidora

Scientific Name: paolosenensebadingarze

Planet: Masachusets, Massachussets,Tondo na nga lang!

Attributes:  dalaga pa at kapansin-pansin ang makapal na kilay.Sa sobrang kapal,puwede kang magtanim ng kamote both sides.Finesse kung kumilos at may pagka suplada. Statistically speaking, lamang lang si Maria Ozawa ng dalawat kalahating paligo kay Tidora.Basta maniwala ka nalang.

Role: ang kakambal ni Lola Nidora na maraming alam tungkol sa laman ng diary.

12.) Karakter: Bernardo,bernardo,bernardo

Scientific Name: duroginmgapamintahin

Planet: R.Papa Station

Attributes: Pacute. Walang dialogue.Hindi rin halatang mga bodyguards.Parang grupo lang ng mga kalalakihan na trip mag audition sa PBB.

Role: dakilang mga alalay ni Tidora.Ang counterpart ng mga Rogelio’s. Wala naman silang halos pinag kaiba sa role maliban nalang sa mas mukhang naliligo itong mga Bernardo’s.

13.) Karakter : Yaya Dub o Divina Ursula Bukbukoba Smash

   Scientific Name : kiligingitisbukbukobasmashes

Planet : near Metro Manila

Attributes: Kung ang tunay na kahulugan ng isang magandang babae ay ang pagiging simple at walang kaartehan sa katawan, off the charts itong si Yaya Dub. Saludo dalawang kamay ko dito sama mo na yung appendix ko.Ito yung tipo ng babae na kahit tumulo yung sipon sa harap ng camera eh maganda pa din.

   Role: anak-anakan ni lola nidora na ka-labteam ni Alden. Ang mala-cinderella niyang love story sa kalyeserye ang siya ngayong nagbibigay ng inspirasyon sa lahat ng kababaihan (especially yung mga single) na walang imposible sa pagmamahalan basta’t hihintayin mo lang ang tamang oras at panahon na asawa ni……..

14.) Karakter : Alden

Scientific Name : darling-ay-darling-ay-twerkit-my-twerkit-my

Planet: Broadway

   Attributes: ang pambansang bae.Ang lalaking niroromansa ng milyon milyong kababaihan sa isip nila tuwing tanghalian.Ang dahilan kung bakit pumapanghi na ang buong Pilipinas araw-araw.Dimple palang daw eh talagang mapapa-slide na ang panty mo.Hayup ka Alden,nese eyo ne eng lehet lehet!

    Role: ang ultimate ka-forever ni yaya dub at ang mortal enemy ni lola nidora. Ipaglalaban ang pag-ibig niya kay Maine at kakayanin ang lahat ng ibibigay na hamon. Kahit ang mag-igib, tumakbo sa edsa, bumili ng pili nut sa Bicol at hiwain yung cornea gamit ang tansan ay gagawin niya. Okey fine so medyu hardcore na yung pang huli.

Ang kalyeserye ng Eat Bulaga ay phenomenal, a breath of fresh air para sa’ting lahat na nagsasawa na sa mga paulit-ulit na palabas sa telebisyon. Para sakin, ito ang totoong komedya. Klasik yung dating at malinis.Walang halong kacheapan. Natural yung delivery ng mga tauhang gumanap na may dalang kilig para sa mga kagaya kong hopeless romantic at single.Hindi na kelangan manlait pa ng kapwa para ma i-deliver ang punch line . Hindi na kelangan mag pakita pa ng kuyukot o dede para tumaas lang ang rating. Hindi ko alam kung hanggang kelan tatagal ang aldub invasion, pero may dapat tayong matutunan dito; na ang pag dudubsmash ng twerk it like miley ay may binabagayan na mukha…orayt rock en roll!

————————————–RIP——————————————-

Reasons Kung Bakit Tanga ka sa Pag-ibig


y-u-so-tanga

May dalawang uri ng boltahe sa isang relasyon.Isang 110v at isang 220v.Anu yung 220?Yun ang badass.Eh yung 110?Nasa 110 ka kung ikaw ang mas natatanga sa inyung dalawa.Ikaw yung mas weak.Ikaw yung mas laging umiiyak at madalas luminya ng “wow ayaw ko na talaga prames!”Ikaw yung mas nag mamahal kesa sa minamahal.Ikaw yung masarap kalbohin ng mga friends mo.Sa madaling sabi,ikaw yung tanga sa relasyon.Never naman kasing naging equal ang lahat.Pero wag kang malungkot.Isipin mo nalang na yung itlog nga ng mga lalaki hindi rin naman yan pantay.At ganun naman daw talaga ang true meaning of love.Ibibigay mo lahat pati yung sss number mo.Masaya na malungkot ang magmahal.Masakit.Mahirap.Nakaka baliw pa nga kung minsan.Hindi naman kasi yan na parang networking lang na pag naka invite ka ng dalawang mas tanga pa sayo,puwede ka nang umexit.Minsan,hindi ganun kadali bitiwan ang mga bagay na alam mong yun nalang din mismo ang hawak mo.Naks!So bago kung saan pa mapunta ang usapan natin,gusto kong himayin natin yung mga posibleng reasons kung bakit natatanga tayo sa pag-ibig.At wala kayong paki kung pabebe man ang sulat ko,kung gusto nyu gayahin nyu….

1.) Dahil sa social media-sa panahon ngayon,mga ermitanyo nalang ang walang alam sa facebook,youtube,twitter at kung anu anu pang platforms sa internet.Kung anu ang mainstream,yun ang nagiging idelohiya ng mas nakakarami.Ganun tayo eh,parang mga tae sa Manila bay,sumasabay lang sa agos.Masyado tayong affected sa mga hugot lines,showbizz paandar at mga telenobela na nagsasabing may forever.Lahat sila inu-impluwensyahan kang maging hangal sa pag-ibig.

2.) Dahil may loophole ang educational system natin-sa school natin natututunan ang halos lahat ng bagay  katulad ng pagbabasa at mahahalagang values tulad ng hindi pagtae mo sa salawal.Infact,itong institusyon ding ito ang magdedecide ng kapalaran mo sa  buhay kung magiging punkista ka,jejemon,kampon ng mamon,matagumpay na embalsamador o magiging dealer ka ng shabu in the future (kung wala kang pang enroll).Hinahanda tayo ng paaralan para maging sibilisadong tao tayo pero hindi tinuro satin kung anu ang basics kung paano hindi maging tanga sa relasyon.

3.) Dahil mali ang circle of friends mo-kung babae ka at may sampu kang kaibigan,dapat anim dun panay lalaki.Dahil kung dumating ang time na wasak ka sa pag-ibig,for sure mag-iiyakan kayo ng apat na gurl friends mo at yung anim na lalake ang magsasabi sayo ng “ulol tigilan mo ako,wag ako,wag kami!”Mga machong motivation ang kelangan mo at hindi mga pabebe qoutes.Tandaan na less drama sa buhay,less katangahan.

4.) Dahil mali ang pagpapalaki sayo-kung lumaki ka sa isang napaka buting pamilya,ituturo sayo ang pagiging soft hearted at matiisin.Kaya mas malaking tsansa mong magpakatanga sa isang relasyon.Unlike kung binubugbog ka ng tatay mo at pinapaamin ka niya lagi na bakla ka,nagiging mas matatag at palaban ka.Minsan mas okey din kasi yung may kunti kang demonyo sa katawan para di ka inaabuso ng iba.

5.) Dahil madali kang maniwala-sinabihan kalang ng bf mo ng “sorry na bae,di na mauulit,uwi kana..”pumula na agad ang utong mo.Beast mode kana agad.Wag ganun,minsan try mo ding magpa hard to get.

6.) Dahil hindi ka kumakain ng breakfast-ang hindi mo pagkain ng agahan ay magiging sanhi ng mabilis na degeneration ng mga cells mo sa utak.Kaya ang resulta,bumababa ang intelligence mo over emotional quotient.Imbes na mag process ang utak mo ng mga rationale,mas pinipili niyang mag isip ka ng mga ka-emote emote na bagay.So hindi kalang natatanga,nagiging bobo ka pa.

7.) Dahil panget ka-deep inside,alam mo kung panget ka.Low yung self-esteem mo kaya mas pinipili mong balewalain nalang yung sakit na nararamdaman mo.Natatakot kang iwanan dahil alam mong madami-dami din ang populasyon ng mga panget sa mundo.Matinding kompetisyon itu!!

8.) Dahil nagtatanga-tangahan ka-sabi nga nila,mas nakakatawang tingnan yung mga taong nagpapanggap na may alam kesa sa mga taong nagpapanggap na walang alam.Pero hindi siguro yan applicable pagdating sa usapin ng pakikipag relasyon.Kung masyado mo nang inadjust ang brain setting mo sa pinakamababa,magmumukha ka na nun na mangmang at ignorante sa pag-ibig.

9.) Dahil malaki na ang na-invest mo-kung may time deposit sana yung pag-ibig,tipong yung ginastos mo nung first date nyu na 50 pesos,magkakaroon ng interes at puwedeng i-withdraw pag umabot na sa maturity period.Kaso wala,kaya nganga.

10.) Dahil takot kang mapag-isa- sinu bang hindi?kahit yung pinaka maliit na garapata,naghahanap yan ng ka partner sa buhay.Pero kung mag-isa ka man ngayon,hindi ibig sabihin bukas o sa susunod na sahod eh mag-isa ka pa din.Matuto kang pigilan yang bumubulwak na kalandian mo sa katawan.

11.) Dahil iba priority mo sa buhay-mas inuuna mo pang aralin yung art ng paglalandi kesa pag saing.Mas inuuna mo pang bulatlatin yung brip ng bf mo kesa sa mga libro.Mas inuuna mo pang hanapin yung forever kesa sa sarili mo.Masyado kang pa-hardcore sa love.Kung mayaman ka puwede,pero kung ultimo napkin mo hirap kang bumili,aral-aral muna siguro.

To wrap up this whole pabebe conversation;Lahat naman tayo dumaan sa pagpapakatanga sa pag-ibig.Pero it doesn’t mean na gagawin na nating pangkabuhayan ito.Isipin mo nalang na hindi tayo dinala ng siyam na buwan sa sinapupunan ng mga nanay natin para lang saktan tayo ng ibang tao.Ilang bote ng viagra,hits ng yosi at calories din ang na burn ng tatay mo para lang mabuo ka tapos hindi mo yun papahalagahan?Bakit bayani ka ba?Hindi kalibogan ang dahilan kaya  nagpabaril si Pepe sa luneta. Kaya kahit anung twerk mo diyan sa bf mo,hindi ka parin tatayuan ng monumento sa gitna ng Edsa.Pero choice mo yan,karapatan mong magpalaspag ng sarili mo sa iisang tao.Kesho mahal mo?Punyeta uweee!Mas mahalin mo muna sarili mo bago ang iba.Masyadong maikli ang buhay at masyadong malawak ang mundo para magpaka extreme ka sa pag-ibig.Kaya kumalma,mag explore,humagod at lumasap ng mga bagong bagay sa paligid.

———————————————————–RIP—————————————————————

ANG SULAT NG ISANG LALAKING NAKULANGAN NG SEX APPEAL


 

images (1)

Dear machopapa,

Una sa lahat,gusto kong pasalamatan yung patron ng mga guwapo at lahat ng mga santo sa purgatoryo na nagbibigay ng glow in the dark na sex appeal sa kalupaan.Kay haring araw,na laging binabasa yung kili-kili ko lately.Sa serbesyo ng internet dito sa bayan namin,na kahit kasing kupad ka ng mga projects ng gobyerno namin,pinapasilip mo pa din ako sa iyong mga trending and latest showbiz and news updates.Dahil sa kanila,nagkaroon ako ng lakas ng loob para ibahagi ang aking mga hinanakit sa buhay.At sa mga fans ng one direction,mga leche kayo,bat hindi nalang kayo magsabay sabay uminom ng milk tea nang magkaroon naman ng justification yung pagpapabaril ni Pepe sa Luneta.Sa mga fans naman ng boxing,mag group hug tayo.Alam kung masakit ang nangyari pero kelangan na nating mag move on pareho-pareho.Guess what,talo tayo period.

Sumulat nga pala ako sayo dahil sa isang matinding problema na matagal ko nang gustong ihingi ng payo.Alam kung nabubuhay tayo sa isang democratic country run by bitches & political insider pero feeling ko,unti-unti nang nagkakaroon ng tinatawag na double standard ang lipunan.Nagkakaroon na ng separation yung kung sinu ang mayaman sa mahirap,yung kung sinu ang matalino sa may alam,yung kung sinu ang may lablayp sa wala,yung kung sinu yung tanga sa mas tanga at yung kung sinu ang maganda sa panget.

Kung di nyu po naitatanong,ipinanganak po akong premature ng nanay ko.Mahilig daw po kasi akong mag twerk sa loob ng tiyan niya kaya napilitan siyang ilabas ako ng 7months gamit yung dulo ng hanger.So sa madaling sabi,hindi dumevelop ng masyado yung kaguwapuhan ko gaya ng inaasahan ng nakakaraming tricyle driver.Hindi ko naman inaaming panget ako,medyu kulang lang sa appeal.Kaso lately napagtanto ko na parang nakakaranas ako ng unfair treatment simula pa dati.Hindi ko na keribels kaya gusto kong isa-isahin to sau at sana mabigyan ng hustisya ;

1.) Yung guwapo pag pinagpawisan,masarap punasan…bakit nung ako pinagpawisan,masarap daw gawing basahan?Nasaan ang hustisya?

2.) Yung guwapo pag naka-iphone,conyo agad…bakit pag ako naka-iphone,may lalapit agad at magtatanong “pare saan mo tinira yan?kinis pa ahh!”Nasaan ang hustisya?

3.) Nung one time na may umutot sa opisina namin,lahat sila ultimo yung kupal na sekyu namin,ako ang tinuturo.Yung mas nakakalungkot sa part na yun eh….absent pa ako nung araw na yun.Nasaan ang hustisya?

4.) Bakit nung nasa elementary pa ako,pag guwapo o maganda ka,ikaw na yung siguradong magiging escort o muse ng klase nyu…ako laging nalalagay sa pagiging sgt at arms kasi mukhang pang crime scene daw ang mukha ko.Nasaan ang hustisya?

5.) Yung guwapo pag nag lip bite,hot…pag ako nag lip bite,sexual harrasment resulting to damage to property daw!Nasaan ang hustisya?

6.) Yung maganda,pag nag apply yan sa mga SM department store,panigurado ilalagay sa sales.Nung ako nag apply,nilagay agad ako sa stock room…at pang-night shift.Eh diba hanggang 10pm lang naman ang mga sm malls?Nasaan ang hustisya?

7.) Ang guwapo pag nag apply yan sa chowking,kundi yan manager,gagawing assistant ng manager.Nung nag apply ako,ginawa akong cook para daw hindi nakikita ng mga customers.Matapos ang isang taon,sa wakas na promote ako.Ginawa naman akong mascot.Nasaan ang hustisya?

8.) Yung guwapo;kahit parang giniginaw lang ang boses at marunong lang kumaskas ng gitara,artista na agad.Ako,kelangan ko pang palabasin sa mata ko yung buhay na alupihan para bigyan ng jacket.Nasaan ang hustisya?

9.) Yung guwapo pag naka jacket,cutepy.Ako pag nag suot ng jacket, jejemon.Nasaan ang hustisya?

10.) Yung tipong pag sasakay ako ng jeep,bigla nalang may mag aabot sakin ng sobre na may lamang barya at prayers.Tangnuh salamat pero tangnuh talaga.Nasaan ang hustisya?

11.) Yung guwapo pag nag post sa facebook ng status kahit kapunyetahan lang,may 30likes.Ako kelangan pang near death experience para may pumansin at may mag comment ng “tumaas yung GDP ng Pilipinas dahil 7.50 nalang ang ariel”.Nasaan ang hustisya?

12.) Pag guwapo may karapatang mag suplado a.k.a pa-mysterious effect.Pag panget,wala kang karapatang mag inarte sa harap ng chicks.Nasaan ang hustisya?

13.) Yung guwapo pag pinagpawisan ang kili-kili,athlete.Yung panget pag nabasa yung kili-kili,may putok.Nasaan ang hustisya?

14.) 95% sa population ng mga guwapo sa buong mundo ay napagkakamalang matalino.Samantalang 100% naman sa population ng mga panget sa buong mundo ay napagkakamalang manyakis.Nasaan ang hustisya?

15.)Pag grupo ng mga guwapo,boy band.Pag grupo ng mga panget,rugby boys.Nasaan ang hustisya?

16.)Yung guwapo pag na broken hearted,mas tumataas ang appraisal sa mga bakla at chicks.Yung panget pag na broken hearted,mas lalong nag dedepreciate ang value.Nasaan ang hustisya?

17.)Pag guwapo,tirador ng mga kolehiyala.Pag panget,tirador ng tutong na kanin.Nasaan ang hustisya?

18.)Pag guwapo,salamat lord.Pag panget,salamat doc.Nasaan ang hustisya?

19.) Laging exempted yung mga guwapo pag may nangyaring nakawan ng manok sa barangay nyu,pag panget ka,humanda ka dahil pati yung DNA mo ipapa-test nila.Nasaan ang justice league?

20.) Pag guwapo,mag diet lang ng kunti,may lablayp na.Pag panget ka,kelangan mo pang kainin lahat ng plates sa gym at kahit anu pang mangyare,hipon pa din ang itatawag sayo.Sakit noh?#gympamore

21.)Yung guwapo pag walang asawa,bachelor.Yung panget,pang walang asawa,sumpa o kaya nabarang o namaligno.Grabe na diba?

22.) Yung guwapo pag nalasing,nakakatuwang panoorin.Yung panget pag nalasing,nakakatuwang patayin.Nasaan ang justice league?

23.)Yung guwapo pag nag wiggle-wiggle,trending.Pag panget tapos nag wiggle-wiggle,uweeeee!

24.) Yung guwapo pag sinuotan mo ng pulang brip,derek ramsay.Yung panget pag sinuotan mo ng pulang brip,elizabeth ramsay.Hustisya?

25.) Yung guwapo pag naka braces “masherep kageten”,yung panget pag naka braces,mas masarap tuhurin.Hustisya?

26.) Bakit walang superhero na panget?Sabagay,kung panget tapos lagyan mo ng kapa,magmumukha lang superhero ng mga garapata.Hustiya?

27.) Guwapo lang ang may karapatang luminya ng “walang poreber sa pag-ibig”.Pag panget ka,”poreber walang pag-ibig”.Hustisya?

57998458

Kahit yung forever21 na tindahan nagsasara din yan eh

 

28.) Pag guwapo,crush ng bayan.Pag panget,sarap i-crushed sa bayan.Hustisya?

29.)Yung guwapo pag nagkaroon ng shota na maganda,”love moves in a mysterious way”.Yung panget pag nakaroon ng shota na maganda,”prayers can move mountains”.Hustisya?

30.) Yung guwapo,tatlong bote lang ng red horse,may lablayp na.Yung panget,tatlumpong bote na ng red horse litro,panget pa din.Nasaan na  ang equality and justice ng mundo?

Hanggang dito nalang ang aking sulat.Naway magkaroon ng national agency ang lahat ng mga panget sa buong pilipinas,magkaroon ng mga clubs at organization na exclusive lang para sa lahat ng mga panget,mga tv shows na lahat ng tauhan eh panget,magkaroon ng search for mr. & ms. kick-ass panget 2015,magkaroon ng run for a cause para sa mga panget at kung anu-anu pang kapangetan.Hustisya ang sinisigaw ko.Nasaan??

Lubos na gumagalang,

Estot Dela Cruz (magniniyog/part time model)

 

 

 

 

Paano kung ma-Luz Valdez si Pacman kay Pretty Boy?


mayweatherpacquiaomeme

Sa wakas,matapos ang anim na taong pag-tiklop ng bayag ni Mayweather,natuloy din ang ang tinaguriang the biggest and the largest grossing fight in history: ang labanang Manny ‘Pacman’ Pacquiao at Floyd ‘Pretty Boy’ Mayweather Jr.Kung meron man tayong dapat mapanood bago tayo sakupin ng mga aliens at magkaroon ng human extinction,malamang ito na yun!

Itong labanang ito ay mag aakyat ng napakalaking pera sa Top Rank,Golden Boy Promotions at sa ekonomiya ng Las Vegas.Tumataginting ng higit sa  $300 million ang maaring kitain maliban pa sa payper view,sponsors at sa magegenerate na pera galing sa mga turista at high-end gamblers.Plus kung turista ka na malibog at maghahanap ka pa ng chicks sa Vegas,eh kasama parin yun sa tally natin.

Sa laki ng pinag-uusapang figures,magkano kaya ang mapupunta sa ating pambansang kamao?Na-interview ko mismo si Bob Arum at ang sabi niya eh 60-40 daw ang hatian ng dalawang manlalaro.Lamang si Mayweather syempre.Nonetheless,sinasabing maaring kumita ng higit sa $100 million si Manny Pacquiao.At sa loob lang yan ng halos isang oras.Kung hihimayin natin ang anatomiya niyan eh ganito; Ang average na punches ni Pacquiao ayun sa CompuBox ay 69 per round.Suma total sa loob ng 12 rounds,meron siyang 828 punches per match.So kung iisipin natin,yung suntok na bibitawan ni Manny sa Mayo ay nagkakahalaga ng Php 5,314,009.66 kada-isa.Sapat na yang halaga na yan para makapatayo ka ng isang magarang bahay na may sports car at may tatlong sexy na yaya.At kahit araruhin mo pa ang buong probinsiya nyu,hindi mo kikitain ang ganyang kalaking halaga.Kahit nga siguro pasapak ka ng isang beses kay Manny,hindi rin aabutin ng 5 million ang burol mo eh.Pero sinu naman ang tarantadong makaka-isip gawin yun diba?

Speaking of epal,ito yung gagong to na nasa taas

Sometimes pinag pipray ko na sana hindi nalang talaga to isang photoshop eh..prames!

Ngayon ang tanong;kanino ka pupusta?(at anung pinaglalaban ni Justin Bieber dito?).Sigurado ako bilang pinoy, 8 sa 10 tao ang pupusta para kay Pacman.Yung dalawang natira,mga buraot nalang yun.Kung galing at bigote rin lang ang pag-uusapan,masasabi kong lamang ang ating pambansang kamao.Dagdagan mo pa diyan yung pagiging mapagpakumbaba niya at yung laki ng puso tuwing lumalaban sa ring.Kaya nung na-K.O siya nung huling laban niya kay Marquez,para akong pinagsakluban ng 10 kilong maruruming labada.Sobrang sakit nun.Mas matindi pa yun sa mga break-ups ko sa mga babae.Muntik na nga akong maging taong grasa nun buti nalang nadaanan ako ng mga nag-rorondang tanod sa barangay namin.Kaya ngayon,ayaw ko ng maulit ang ganung pangyayari.Lalong lalo na sa laban na ito.Pero dapat ready parin tayo sa kung anu mang kahihinatnan.Mahirap kasi yung ‘di ka mentally & emotionally prepared sa isang bagay na posibleng mangyari.Kaya narito,inihahandog ko sa inyu ang mala tele-radyo-nobela na pupukaw sa natutuyo nyung mga brain cells;

Paano pag natalo si Pacman kay Pretty Boy?

1.) Pag matalo si pakyaw;magkakagulo ang netizens.Magiging trending sa twitter ang #rematch,#puso,#teampacquiao,#kenginamojustinbieber,#walangforeversapagibig#foreveralone

2.) Marami nanamang celebrities,pulitiko,alagad ng simbahan,empleyado ng gobyerno,nagpapataya ng ending,magniniyog,miyembro ng networking company ang magiging instant sports analyst kung bakit natalo si Manny.Lahat mag pi-feeling pro sa boxing gaya ng ginagawa ko ngayon hehehe.

3.) Siguradong hihingi agad ng rematch ang kampo ni Pacquiao.Masakit isipin yun.Pero bago siguro ulit matuloy ang part 2 ng sapakan nila,eh may kalalabanin mo na siyang mga “not so famous” na boxer.Parang sa pag ibig,kung nabigo ka man sa una,hanap kalang muna ng rebound hanggang sa maka recover ka na ulit.

4.) Kung sakaling matuloy man ang rematch,siguradong mas lalong dadami demands ni pretty boy.Tipong papalagyan niya ng highlights yung buhok ni Manny;bawal na i-translate ni Buboy yung mga sinasabi ni Freddie Roach sa corner during the fight;Mighty Kid lang ang sapatos na puweding gamitin ni pacman;tubig na galing sa alulod lang yung puweding inumin ni pakyaw sa training at sa mismong fight at kung anu-anu pang mga kaputanginahan.

5.) Hindi madadagdagan ang collection na hermes bag ni mommy D.Madi-disappoint siya at yayayain niya nalang mag sexy time yung boylet niya araw-araw.Jusko,pag naiisip ko palang yan,parang gusto kong isangla nalang ang kaluluwa ko sa diablo,manalo lang ng sure itong si Manny.Ang stressfull eh!

6.) Mas lalong yayabang si Mayweather.Aabot ito sa sukdulan na kahit si satanas mapapasabi ng “ooohmeeghed”.Tancha ko diyan,hahamunin niya na ng sabay si Pacquiao at Marquez sa isang blindfold boxing match sa November.

7.) Tataas ang crime rate sa Pilipinas.Maraming iinit ang ulo.Isipin mo yung magiging reaction ng mga fans na pinusta pati yung asawa nila.Di ba?Pucha lahat tayo asang-asang papadilaan ni Manny sa canvas itong si Floyd eh.Kaya minsan talaga sa buhay,dapat di ka nag i-expect.Ma bobroke kalang eh.

8.) Kung magkataon, magiging 48 wins with 0 loss na itong si pretty boy.Godlike na yan kung sa dota pa.Meaning,ilalagay na yung mukha niya sa pera ng Amerika.Tatayuan siya ng statue katabi nung kay Jordan sa Madison Street.Gagawan siya ng wax museum at masusulat siya sa kasaysayan habang panahon.Saklap!

9.) Magpapa breast implant si Mommy D.Hindi ko lang sigurado kung may kinalaman pa ba yan sa topic natin.Pero if ever,wag nalang sana diba?Eh kung ilagay mo yung sarili mo sa silicon?Kawawa eh.

10.) Sa sobrang lungkot siguro sa araw na yun,baka ipa half-mast yung lahat ng bandila sa pinas.Tapos kasabay niyan bigla mo nalang mababasa sa news yung mga balitang gaya ng “p-noy nalilink di umano sa isang miss universe”..,i mean diba?!Wala na sigurong mas shi-shitty pa sa araw na yun.

11.) May lalabas na mga blind items sa tv “the who itong dating sikat na boxer na ngayon eh madalas mo nalang makitang lasing sa mga ktv bar sa Malate at may kandong-kandong na babae?clue;bigotilyo at tadtad ng abs sa katawan.Now you know?

12.) I-rereply ng paulit ulit sa youtube,hbo,solar tv at sa lahat ng sports channel yung pagkatalo ni Pacman.Torture sa utak yun.Parang i-wiwish mo nalang na sana totoong may relasyon nalang talaga sina Mayweather at Justin Bieber eh.Dafuq!

13.) Feeling ko hindi parin siya makaka lusot sa BIR.Kahit siguro magpaawa epek siya o kaya maging taong grasa nalang matapos matalo sa laban,tingin ko hahabulin parin siya sa kinita niya.Literal na double black eye yun.

14.) Mauuso ulit ang kantang “oh my pretty pretty boy..” ng bandang m2m.At feeling ko,sa sobrang hit neto,gagawing official soundtrack ng pelekulang The Expendables 4,Transformers 5 at Brokeback Mountain Reloaded.Syempre di papatalo ang mga pinoy,gagayahin nanaman nila yan sa mga teledrama.

15.) Guess what,maglalabas ng musical video si justin bieber kasama si floydie.Mag duduet sila sa kantang firework ni Katy Perry habang binobromance nila ang isat isa sa gitna ng boxing ring sa Las Vegas.Pang asar lang sa mga bashers.

16.) Magiging mas kapana-panabik na ulit manood ng PBA.Pero kung KIA fan ka,bad news to para sayo.Pero aminin na natin,nakukulangan talaga tayo sa playing time ni congressman.

17.) Mag reretero na si Pacquiao.Unfortunately,wala ng manlalaro ng boxing sa panahong ito na makakasunod pa ng gaya ng kalibreng pinakita niya.Pag nangyari to,pag tiyatiyagaan nalang nating panoorin ang azkals team at yung mga bumabakat na yagbols ng volcanoes sa rugby.How puta diba?

18.) Dahil wala ng susunod sa yapak at medyu kamote rin itong si Donaire,puwede natin sigurong pagtiyagaan nalang din itong si Bobby Pacquiao.Genetically speaking,si bobby lang ang legit na puwede nating sabihin na “puta ito na ang susunod na pacquiao!”.

19.) Since wala ng makatalo kay Mayweather,mapipilitan si Bob Arum na kunin ang serbisyo ni Rocky Balboa bilang susunod na ka-match ni Floydie .Nakaka excite diba?Kasi wala na talagang believable na puwedeng tumalo pa sa gagong yun eh.

Kung magiging malaki man ang impact ng pagkatalo niya sa ekonomiya ng bansa,history ng boxing at sa mga lablayp natin,eh hindi ko alam.Dahil matalo man si Manny,bilyonaryo parin siya.Ako,ikaw,tayong lahat ay babalik parin sa ulam natin kagabi.Matalo man si Manny,trapik parin ang buong Metro Manila.Matalo man si Manny,kurap pa din ang kasalukuyang gobyerno natin.Maaring wala nga namang kinalaman si Manny sa ulam,trapik at kurapsyon.Siguro nga ay hindi na rin mahalaga ang tanong sa title ng blog kong to.Mas importante ay kung paano niya uli ipaglalaban at bibigyan ng pride ang buong sambayanan.Kaya para sayo idol Manny,manalo ka man o matalo….yung balato namin wag mong kakalimutan.

——————————————RIP——————————————————

Ang Doomsday ng mga Single na Babae


keep-calm-and-hate-14-february

Emerghed ilang araw nalang at balentayms nanaman pala!Ang tanong;may kasama ka na ba mag-motmot sa araw na yan?May pang-date ka na ba?Pang-taxi?Pambili ng flowers?Pang tip sa waiter?Pambili ng condom?Ilan lang yan sa mga tanong na dapat pinaghahandaan tuwing sasapit ang buwan ng mga puso.Logically speaking,bukod sa magastos ang araw na yan eh magastos pa.At yes,im looking at you bro!Pero guess what,mapamaraan ang mga male species.Sa ngalan ng kalibogan,lahat ng resort gagawin niyan maka date lang ang babaing iniibig nila.Kung kinakailangang mangalakal  ng basura o tumanggap ng labada gagawin niyan eh.

download (2)

Ang mga babae?Dalawang bagay lang daw ang kelangan nila para lumigaya sa buhay:trabaho at lablayp.Okey isama nalang din natin diyan si Channing Tatum.Pero nowadays,kung gaano daw kahirap maghanap ng trabaho eh siya ding hirap maghanap ng lablayp.Kung pandate lang ang pinoproblema ng mga kalalakihan sa araw ng mga puso,ibahin nyu ang sa mga single na babae.Yung maging single ka sa february 14th ay mas nakakatakot pa sa November 1,mas madugo pa sa Friday the 13th,mas malungkot pa sa good friday,doomsday,death march,zombie apocalypse,massacre,pag align ng mga planeta at propesiya ni norstradamus.Fortunately,naisulat ang blog na ito.Kaya para sa mga gurls na walang ka-date diyan ngayong balentayms day,inihahandog ko sa inyu ang aking yummy na katawan este ang aking mga tips and tricks para makakuha ng boypren sa mabilis na paraan.

1.) Lock agad sa target-sa kahit anu mang suicide mission,kelangang merong malinaw na target.Kung nagbabasa ka ng blog ko at naka-abot ka sa puntong ito,sigurado akong kanina pa nag pop up sa utak mo yung mukha ng lalaking  gusto mong molestiyahin.Tatawagin nating ‘Oplan Kati’ ang misyon na to.Isipin mong isang high value ang target natin at hawak niya yung password ng 3 dimensional na panty mo.

2.) Early Access sa Pag-ibig-Mas magiging madali ang lahat para sayo kung may early access ka sa lalaki.Parang noodles,instant.Meaning either kababata mo to,childhood sweetheart o yung lalaking madalas mamboso sayo dati nung highschool days mo.Since magkakilala na kayo,hindi na mahirap i-establish yung trust nyu sa isa’t-isa.Kunting pasada nalang pak na yan.

3.)Background check-mag ala james bond ka.Alamin mo yung lahat ng bagay na gusto niya o meron siya kasama na diyan yung kung gaano kakapal yung tartar niya sa ngipin o kung paano siya mangulangot in public-binibilog ba or rektang pinapahid sa jeans.Para pag nag start ka ng conversation sa kanya,sabihin mo na hilig mo din ang lahat ng hilig niya….pati na yung pagbilog at pagpahid ng kulangot sa jeans.Kikiligin yun,iisipin niya na soulmate agad kayo.Eh di wow!

4.) History repeats itself-pag aralan mo ang past nya.Minsan predictable ang galawan ng mga lalaki.Kung yung target mo ay may syota/taken na,alamin mo kung may history ba to ng pambababae.Kung oo ang sagot,may 80% chance ka sa kanya provided na mutual ang feelings nyu.Kung hindi,eh wag ka munang uminom ng zonrox,balik ka agad sa ating step number 1.

5.) Self denial-Chubby ba?Tipong pagtapos ng mukha balikat agad?Yung baba mo ba puwedeng ipang hiwa ng monggo?Kakulay mo yung keyboard ng desktop nyu?May solusyon diyan.Sa self denial technique,lolokohin mo lang sarili mo at voila!Paano?;magsindi ng kandila,humarap sa salamin at sabihin mo sa kaharap mo na “you’re so sexy and i know it” ng 30x.Ulitin ito hanggang sa makakita ka na ng bitak sa paligid ng salamin at boom,ma-uuplift na bigla ang level ng confidence mo.

6.) Be presentable-Para sureball na mapansin ka,dapat magpa saloon ka,mag pa highlights,mag pa diamond peel,mag pa wax ng sobrang buhok sa hita at armpit.Kung di masyadong kagandahan,daanin sa porma at talent.Kung marunong ka lumunok ng diesel o gasolina,puwede na yun.

7.) Medyu backdoor mode-Kung walang budget,alang talent at hindi pa kagandahan,mag-aya ng dalawa sa pinaka panget mo na kaibigan.Mag selfie ka kasama nila at gawing cover ng fb mo para isipin naming blooming ka.Tapos isama mo din sila pag i-memeet mo na yung guy para sure na mag stand out yung beauty mo.Ganyan naman talaga ang konsepto ng tunay na magkakaibigan diba,nagtutulungan lalo na sa oras ng kagipitan.

8.) Highlights your best asset-kung babae ka talaga,malamang aware ka at alam mo yung physique mo.Kaming mga lalaki ay visually driven species unlike girls na may mga deductive reasoning pang nalalaman sa pag pili ng partner.Samin,malaki lang boobs mahal na namin agad.Tandaan mo ang 4 weak spots ng mga kalalakihan;magandang mukha,bouncing boobies,matambok na behind at camel toe.Anu?!Camel toe lang sau?Hayup ka hihihi.

9.) Reverse Polarity Technique-diba madalas na kung sinu pa ang gusto natin ay kundi taken na eh hindi ka pa pinapansin.Reality bites ika nga.Yung pinapangarap mo,ay binabalewala lang ng ibang tao. Kaya kung ganyan ang law of nature ng pag ibig,dapat i-reverse mo.Humanap ka ng lalaking hindi mo type.Mas madali kasing mahanap ang mga bagay na nasa harapan mo na kesa yung mga bagay na ayaw talagang magpahanap in the first place.

10.) Activate Beast mode-kahit gaano ka pa kapanget sa paningin ng ibang tao,meron at merong lalaking magkakagusto sayo o nagkagusto na sayo dati nung hindi pa ganun kalaki yung braso mo.Balikan mo yung mga lalaking may crush sayo dati.Landiin mo ulit.Kung walang nag kaka crush?Hanapin mo yung mga lalaking laging nag lalike ng pictures at status mo sa fb.Abangers yang mga yan.Kung wala pa din?Pucha lasingin mo nalang kapitbahay mo!

11.) Deep bench-sa larangan ng basketball,lamang ang team na may deep bench.Meaning may mga reserba pang magagaling bukod sa first five players.Ganun din sa paghahanap mo ng bf,dapat may line up ka na agad.Ilista mo sinu first five mo,sinu yung mga nasa bench.Sigurado akong mahihirapan kang paibigin ang first five mo kaya i-konsider agad yung mga naka lista sa bench.

12.) Lumandi with dignity-wag masyadong clingy na tipong kulang nalang eh hubarin at ingudngod mo sa mukha ng lalaki yung panty mo.Relaks lang,parang “ui hulaan mo kulay ng panty ko ngayon kuya?”,sasagot yan ng “eh anu??”,reply ka with dignity,”wala hihihi”.

13.) Imyuhin mo (MU)-pag hindi mo na makuha sa landi,lituhin mo nalang.Out of nowehere,banatan mo bigla ng “hindi kita gusto,asa ka boi!”,for sure sasagot yan ng “shit di rin kita gusto adik!”,sabay balikan mo ng “so mag-on na tayo ngayon bhe?”.

14.) Hard Move on-tandaan mo na wag kang masyadong mag iinvest ng emotion.Kung sablay ka man sa isang lalaki,move on agad sa isa,tingin agad sa bench,wala ng eksenang papagupit ka pa ng buhok mo at sleep over with friends.

Ang love ay may sariling timeline kung kelan darating sa buhay mo.Besides,hindi narin masyadong mahirap maghanap ngayon ng kapartner dahil nandiyan na si facebook.Kaya relaks ka lang.Lahat naman tayo,mapa babae man o lalaki,minsan dumarating  talaga sa puntong mailap ang pag-ibig sa atin.Baka,baboy,daing,kulisap at mga ipis lang ang hindi nag ii-struggle sa love.Kaya kung wala ka mang ka date ngayong balentayms day,hayaan mo lang,isang araw lang yan,tandaan mo na may 364 days ka pang natirang araw para makapag landi.

——————————————————RIP——————————————————————–

 

Ang 17 Batas ng mga Adik sa Pag-ibig


download (1)

Gaano ka powerful ang love?Kung titingnan mo,apat na letra lang yan-L.O.V.E.Pero yang apat na letrang yan ang siyang bumago sa kasaysayan natin at siya ngayong nagpapa ikot sa sibilisasyon ng mundo na may 7.2 bilyong katao sa orbit ng solar system.Kung hindi nabuo ang mga letrang yan,malamang hindi kana nag i-exist ngayon at naputol na ang generation ng human race matapos makapamuhay ang mga dinosaurs 231.4 million years ago.Kasunod ng pagkakadiskubre ng tao sa pag gawa ng apoy,nakatuklas din sila ng ibang pampainit sa katawan na kinalaunan ay tinawag nga nating romansa.Hanggang sa kumalat na ang chizmiz at dumami na nga ang mga tao exponentially.Pero syempre,gawa-gawa ko lang yan.

Screenshot_2014-09-29-11-03-09

Paano ba tayo naiinlove?Kung iniisip nyu na puso ang umiiral pag tayo ay inlab,nagkakamali kayo.Dahil ang puso ay isa lang malaking organ  na nagdadala ng dugo at oxygen sa  ating buong katawan.Pero yung sex drive natin na maghanap ng kapartner at yung attachment natin sa isang tao,lahat yan nagaganap sa utak sa pamamagitan ng pagkaka trigger ng pinaka malulupet nitong circuits.Pag inlove tayo,nag lalabas ang brain natin ng chemical na tinatawag na dopamine na siyang nagbibigay sa atin ng feeling of euphoria,energy at focus sa taong ating minamahal.Biologically speaking,kapareho yan ng feeling pag high ka sa shabu tapos susundutan mo pa ng red horse.Therefore,ang pag-ibig ay parang droga na isasaksak mo sa sarili mong katawan.So illogical man sabihin,lahat tayo ay mga adik sa pag-ibig.Kung adik tayo,dapat may mga batas tayong nakalatag para makontrol at magkaroon ng tamang disiplina.Unfortunately,wala pang mambabatas ang nakaka isip niyan sa senado.Kaya for the good of mankind,ako na ang gagawa ng mga bagong batas na yan.Ito ay para sa lahat ng single,broken hearted,in a relationship,married,domestic partner at it’s complicated.

Ang 17 batas ng mga adik sa pag-ibig:

1.) Driving after break up law-bawal magmaneho ang mga nilalang na katatapos lang sa matinding break up.Yun bang after 1hour palang at kaka sink-in lang ng salitang “tapos na tayo!!”Delikado ito sa mga babaeng ginagawang catwalk ang kalsada at lalong lalo na sa mga lalaking jologs na mahilig maghanap ng salamin sa kalye sabay strike a pose na parang sa mga commercial sa tv.

2.) Frienzoned code of the Philippines-ang frienzoned daw is the new basted pag dating sa pakikipag digmaan sa pag-ibig.So nakapaloob sa code na ito na hindi mo na puweding i-friendzoned ang isang lalaking nanligaw sayo na pinaabot mo ng 3-4months.Malaki na ang na invest nun sayo.May karapatan siyang i-refund lahat ng mga ginastos niya tulad ng load,dinner,deodorant at pamasahe na back and forth.

3.) Jerk and run law-kung merong parusa para sa mga wreckless driver na nakaka hit and run,dapat bigyan din ng parusa yung mga lalaking jerk na matapos mong ibigay yung password ng panty mo,eh bigla nalang mawawala at hindi mo na matrace kahit na fingerprints.

4.)  Benefits for emotionaly unstable law-obligahin yung mga kompanya na bigyan ng leave with pay yung mga taong may matinding pinag daraanan sa pag ibig.Imbes na maging unproductive sa office yan,might as well na bigyan nalang ng one way ticket papuntang africa para makapag soul searching kasama ng mga hyena at lion.

5.) Anti-Paasa Act of 2015-sa batas na to,puwede mo nang ipahuli kung sinu mang hayup na nanlandi sayo at nangakong pagdidikitin ang buwan at ang neptune sa ngalan ng putang inang pag-ibig tapos yun pala,pampalipas oras kalang niya.

6.) Single Security System or SSS-Tatandang dalaga?No bf since birth?Wag ka ng matakot pa.Dahil sa sistemang to,ipapa prioritize lahat ng single na babae na may edad 30 pataas.Magbibigay ng gift certificates buwan buwan para pang spacol at pang shopping.Yung buwanang kontribusyon nyu puwede nyu ding i-lump sum yan sakaling himalang magkaroon na kayo ng lablayp.

7.) Wasak foundation-samahan ng mga na basted,naloko,umasa,nabuntis at iniwang sugatan ang puso.Sa foundation na to,tuturuan kung papaano makakarecover step by step ang lahat ng wasak na members.Moreover, magkakaroon din ng mga outreach program para sa iba pang nasalanta ng pag ibig.

8.) CDA law or Cyber Display of Affection-ang virtual na lampungan ng mag shota sa social media ay talaga namang masakit sa mata.Kaya naman sa batas na to,hindi mo na puwedeng i-flood yung news feed namin ng mga landian moments nyu ng bf mo.Bawal na i-upload yung mga skype pix nyu lalo na kung mukha lang ding sumabog na appendicitis.Bawal din yung mga pre nup pix kung hindi rin naman talaga engaged pa.

9.) Karapatang Pangkabit-ang karapatang pangkabit ay nagsusulong sa pinaglalaban ng mga sulutero at sulutera na wala nang ginawa kundi bigyan ng anghang at pait ang salitang pag ibig.Kung meron ngang animal welfare act,sila pa na tao din at nagmahal lang daw sa maling pagkakataon.

10.) Seenzoned act-ayun sa batas na to;considered na naseenzoned ka pag hindi ka nireplayan ng ka chat mo sa loob ng 20minutes.Bukod diyan,wala karapatang mag seenzoned ang isang babae kung hindi  din naman ganung kagandahan talaga.Unless hindi kayo magkakilala personally ng guy at nag papabebe lang din sayo.

11.) Makaka Move On ka din Rehab Program-bukod sa pagpapa laki ng suso,ang pag momove on from a relationship ang isa sa pinakamahirap na gawin.Kaya dito sa loob ng rehab,walang magiging access sa facebook kaya di mo na ma-iistalk ang ex mo,bawal din ang cellphone.Dito isinasagawa ang throwback therapy session kung saan pinapatitig sa pasyente buong araw yung pinaka panget na picture ng ex niya habang tinutugtog ang kantang “my heart goes shalala lala…” as background music.

12.) Legalized Cheat Day-kung merong cheat day para sa mga so called health conscious,magkakaroon din ng cheat day para sa mga magkasintahan.Sa loob ng isang taon,meron kang 24hours para tumikim ng bagong putahe.Dito masusubok ang disiplina at tatag ng samahan nyu.

13.) E-bat law or expanded babaero added tax-itataas ng 30% ang tax ng mga lalaking mahilig sa chicks.Halimbawa sa beerhouse.Lahat ng items dun kakargahan ng e-bat pati yung kakandungin mong bebot.70% ng malilikom sa tax na to ay mapupunta sa wasak foundation at yung natirang 30% ay para sa mga hopeless romantic.

14.) Alone Forever National Agency-kung atat na atat ka ng magkalablayp pero kulang ang network mo at access para makipag mingle sa ibang single,ang alone forever national agency ang bahalang maghahanap sayo ng posibleng maging ka partner mo in life.No placement fees to be collected.Just bring your minus one tape and beware of fixers.

15.) Landimeter act of 2016-kasama ito sa tinatawag na modernization program ng bansa.Kakabitan ang lahat ng mga bus station,malls,simbahan,paaralan,opisina sa buong Pilipinas ng landimeter device.Sa device na to,malalaman mo na agad kung nilalandi at nagpapalandi ang bf mo.Automatic na magsesend ng sms sa phone mo ng “higad on the house!”

16.) Declared February 14 as Single Awareness Day-gagawing special non working holiday ang February 14.Double pay para sa mga single.Magkakaroon ng ibat ibang programa sa araw na yan tulad ng  painting contest na may temang “tigang noon…at magpakailanman”.Then magtatali ng itim na panyo sa ulo ang lahat ng mga single at magmamartsa mula quirino hanggang R.Papa lrt station ng nakahubad.

17.) Reporma sa Pag ibig-for some reason,darating sa punto ng relasyon nyu bilang mag syota at mag asawa ang panlalamig sa isa’t-isa.Mas malamig pa sa ilong ng pusa.Sa batas na to,renewable na ang relationshit nyu.Puwede kang umayaw sa legal na paraan at puwede ka ding humingi ng #libogpamore kung nakukulangan ka na sa performance ng partner mo.

Ang love ay parang itlog ng mga lalaki,abot kamay mo lang pero hindi mo puwedeng pitasin.Hindi equally distributed.May sinusuwerte,meron din namang minamalas.Pero kung feeling mo eh lage ka nalang walang suwerte sa pakikipag-relasyon,ayos lang yan,lahat ng pangyayaring masalimuot sa buhay natin ay may silver lining.Lagi mo nalang iisipin na ang salitang ‘love’ ay noun lang.Hindi parin yan ang everything.Kung high ka ngayon sa pag-ibig,eh good for you.Basta kung maubusan ka ng source,tandaan mo na puwede kang rumekta sakin.