Ang13 Survival Tips Kapag Nakasalubong Mo Si Ex


Ang pag momove-on ang isa sa pinakamahirap na gawin sa buhay ng isang normal na tao. Kasing hirap ng pagpasok natin tuwing araw ng lunes at kasing hirap ng signal ng globe. Mahirap din naman kasi talagang kalimutan yung taong nakasanayan mo nang kausapin araw-araw diba? Lalo na pag naaalala mo yung mga selosan moments nyu at yung mga gabing naghahampasan kayo ng underwear sa mukha (kadiri ka). Kaya para mabilis tayong maka-recover, its either iba-block natin sila sa facebook or hindi nalang papansinin at all.

Pero paano pag naka salubong mo ang ex mo somewhere? Handa ka ba? Kung iisipin mo, may higit 12.8 million ang populasyon ng tao ngayon sa Metro Manila. At by chance, puwede mo yang maka salubong sa LRT or maka sabay sa jeep o sa entrance ng Sogo. Infact, mas mataas pa ang probability na maka salubong mo ang ex mo kesa manalo ka sa lotto.Bad trip diba? Minsan mapaglaro talaga ang tadhana eh. Sa dinami-dami ng pupuwede mong makasalubong, eh yung taong ayaw na ayaw mo pang makita. Puwede naman maka salubong si Kim Domingo na nakatapis lang sa hallway  o si Coco Martin na naka brip lang habang bumibili ng slurpee sa seven eleven?Bakit yung ex mo pa?!

Fortunately, napadpad ka sa walang kuwentang blog na ito. Dahil naisip ko lang din; kung gumagawa nga tayo ng survival tips para sa zombie apocalypse at alien invasion, bakit wala tayo masyadong survival tips para sa mga ex natin? Eh wala naman silang pinag kaiba sa zombie, dahil pareho na silang patay sa buhay natin at wala ng feelings charot.

So dahil wala din naman akong masyadong ginagawa sa buhay, naisip ko nalang din na ilista ang ilang paraan para hindi ka mag mukhang talunan pag naka salubong mo ang ex mo.And you’re welcome.

Ang 13 Survival Tips Kapag Nakasalubong Mo Si Ex:

1.) Steady ka lang. Tumingin ng diretso sa dinadaanan at wag huminga ng mga 5 seconds para makontrol ang namumuong emosyon sa pagitan ng dalawang hita mo. Malandi ka pa naman.

2.) Pag nakaramdam ka ng kunting kilig, humanap agad ng pinakamalapit na poste ng MERALCO at i-untog ang ulo hanggang sa maalala mo yung mga panlolokong ginawa niya sayo dati.

3.) Mortal sin ang lumingon. By default, kung sinu yung unang lumingon, siya yung hindi pa nakaka move-on. Dapat may six degrees of separation na kayo sa isat-isa.

4.) Pag naramdaman mong hinihila ng gravity ang luha mo, alalahanin mo yung mga pelekula ni bruce lee at lahat ng mga machong bagay tulad ng manok na panabong, steroids, suso ni Kim Domingo at mukha ng pinaka panget mong kaibigan. Para sa mga babae, gawin mo lang yung huli kong nabanggit.

5.) Hindi ikaw ang dapat na mag first move sa inyung dalawa. Besides, hindi din naman ikalalaki ng suso mo kung papansinin mo pa siya.Deadmahin mo.Mag maganda ka.

6.) Kapag nag hi siya, dapat mag hi ka din confidently beautiful with a heart. Tapos banatan mo ng ” Musta? Sabi mo you need space, ba’t mukha kang dehydrated na Alien?”.

7.) Wag kang papa-apekto kapag bigla ka niyang nilapitan at hiningi ang number mo, baka gusto kalang tikman for the last time.

8.) Kapag mga 10meters approaching siya sayo, sampalin mo agad pisngi mo para pumula, maglagay ng kunting lipstick at mag kilay on the spot. Sabay harap sa kanya  “panget ba ako?!kapalit-palit ba ako?!!!” Yan naman ay kung kamukha mo si Liza Soberano. Pero kung di naman, chill-chill lang bes.

9.) Pag niyaya ka niyang magkape, wag agad bigyan ng malisya. Sa mga movie lang nangyayari ang second chance. Malamang niyaya kalang niyan para tanungin kong open minded ka ba.Tapos bebentahan ka ng napkin na may force field. Power!

10.) Kapag biglang nagtanong kung saan ka pupunta, sagutin mo ng “ito naghahanap….naghahanap ng paki ko sayo ” sabay cartwheel.

11.) Kahit gaano siya ka yummy, wag mong susundan or hahabulin besh. Kahit yung mga bakla hindi ginagawa yan.

12.) Pag tipong you can’t live without him ang drama mo tapos bigla mong nakasalubong, magbaliw-baliwan ka nalang ” Sinu ka?Sinu ako? Bakit ako nandito?Krillin tumabi ka!Itong sau..kaaaa-meeeeee-haaaaa-meeeee-waveeeeee!!!”

13.) Wag kang mataranta kung kasama niya yung bago niyang dyowa at bigla niyang ipakilala sayo…

You: Hi, ako nga pala yung dating sinayang ng bf mo (flip your hair sabay walk-out)

Ex:

New GF:

Gary V: Kung wala ka nang maintindihan, kung wala ka nang makapitan, kapit ka sakin…

Love is inevitable feeling daw. It’s either you deny it or you embrace it. Sadyang may mga bagay talaga na hindi natin kontrolado katulad ng tadhana at pagkakataon. But regardless, dapat lage tayong handa. Dapat kaya nating harapin yung mga takot natin.Anu ang moral lesson? Sa lagay na yan maghahanap ka pa ng moral lesson?Pero sige. Siguro para sakin, wag na tayong maging bitter sa mga past natin, useless lang eh.Nagsasayang lang tayo ng energy at oras.Learn to forgive & forget agad ika nga.At dapat lagi tayong naliligo para magkita man kayo ng ex mo somewhere else, hindi niya iisipin na siya ang dahilan kung bakit mukha ka nang natokhang ngayon…

 

—————————————————-RIP————————————————

 

Advertisements

2 thoughts on “Ang13 Survival Tips Kapag Nakasalubong Mo Si Ex

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s