Ang ibat-ibang uri ng Extra Judicial Feelings


4880166466666666

Paunawa: Ang blog na inyung matutunghayan ay base sa tunay na mga pangyayari. Lahat ng pangalan at lugar ay sadyang iniba para maprotektahan ang author dahil siya ay menor de edad pa.

Nanlaban,lumaban,nagpaputok,bumunot,naghanap ng pokemon;lahat nang yan ang pinaka huling galawan ng mga adik bago sila nakipag meet and greet kay kamatayan.Ayon sa PNP, tinatayang  higit sang libo na ang bilang ng mga natotodas  ng dahil sa shabu. Kung tutuusin, puwede na ngang mag daos ng bazaar yung mga tiga-punerarya o  lamayan festival dahil sa dami ng mga namamatay araw-araw.Pero nakaka pang hinayang din sa isang banda. Maaaring hindi ganun ang naging kapalaran nila kung naintindihan lang sana nila ang kanta noon ni ka-Willy Garte.Yung kantang bakit papa?Hindi ko lang sure ang title nun pero tungkol yun sa masamang epekto ng pag gamit ng drugs. Ayun sa kanta, ang droga daw ang siyang sisira ng iyong mga pangarap sa buhay at pagsisisihan mo ang pag gamit nito sa huli.Isang matinding life lesson.Pero hindi sinabi sa kanta na wag kang manlaban o wag kang bumunot ng baril. Naiisip ko lang din; paano kung nalagay nalang din sana yun sa lyrics, posibleng nabago ang history natin?Hindi sana ganun ka bloody at wala sigurong mga extra judicial killings na gaya ng mga napapanood natin sa TV ngayon.Hindi rin sana ganun ka maoy ang mga tiga human rights at hindi rin siguro nauso yung mga pang adik na comment sa facebook gaya ng “how to be u po” or “Ni-like ko na,tumawag ka pa talaga” at kung anu-ano pang kabulastugan sa sosha media.

Speaking of social media, alam nyu ba na ayun sa pag-aaral, ang shabu at babae daw ay may mga pagkakaparehas at directly proportional sa isat-isa. Parehas silang nagmamahal. Pareho silang nakaka-adik. Yung shabu, laging pinag hihinalaan na shabu. Ganun din ang mga babae, mahilig mag hinala sa kapwa nila babae. Yung shabu pag tinira mo, titirik ang iyong mga mata. Yung babae pag …… oo tama yang naiisip mo! (how to be u po). Sa shabu pag nanlaban ka, mapapaaga ang padasal sa bahay nyu. Ang babae pag nilabanan mo, magdasal kana. Ang shabu pag minahal mo ng husto, mauubos ang pera mo at mawawala ka sa iyong katinuan. Ang babae pag minahal mo ng husto, magiging taong grasa ka. Coincidence? I don’t think so. Isa lang ang salarin.

Feelings.Isang salita na mahirap labanan. Infact, hindi mo puwedeng labanan at all. Dahil bilang tao, nagmamahal tayo instinctively. Hindi tayo makaka-survive kung hindi natin ma-feel yung adrenaline rush pag-umiibig tayo. Parang chemical composition ng ecstasy,shabu,marijuana,cocaine.Nakaka-high at hahanap-hanapin mo hanggang sa maging biktima ka ng tinatawag nilang extra judicial feelings.

Anu ang extrajudicial feelings?Yung feelings na hindi dumaan sa due process. Yung feeling na biglaan at hindi ka handa. At since pinag-uusapan nalang din natin ang shabu, narito ang ibat-ibang uri ng extra judicial feelings na niluto pa galling sa loob ng bilibid:

1. Buy lust operation- bilang isang mammal na may dalawang mapulang utong,dapat tandaan mo ang golden rule sa buhay: pag ang lalake nagipit,sa bakla kumakapit.Pag ang babae ang nagipit, sa walk kumakapit.
2. Loving in Tandem- mahirap daw mamangka sa dalawang ilog. Pero hindi ba mas mahirap sabihin yung “pak ganern!” habang umiinom ng tubig? Just saying.
3. Oplan tok-hang-Yung pinadama sayong espesyal ka, then bigla ka nalang iiwanan sa ere at kelangan mong mag pretend na hindi ka apektado.Kaya wag na kayong magtaka kung bakit mas lalong dumadami ang troll sa social media.
4. Seendikato- magpasalamat tayo sa pagkaka imbento ng “seen” sa facebook, dahil ito na mismo ang nag sasabi sayong balewala ka sa isang tao.Aray ko bhe!
5. Umassacre- ang dahilan kung bakit nag i-exist ang salitang “tanga” ay dahil sa mga taong mahilig umasa. Kung mahirap parin para sayo ang lahat, tandaan mo lang yung kanta ni Elsa…Let it go.
6. Summary EXecution- yung kakilala mong gangsta sa pag-ibig.Naka tatlong move on na si Taylot Swift, siya hindi parin maka move on sa ex niya.Anu yan,may pa contest ba sa baranggay?
7. Pat session- short for patangahan session. Yung broken hearted ka tapos hihingi ka ng payo sa mga kaibigan mong broken hearted din. Ayos, parang kumakain ka ng ampalayang sinawsaw sa asin.
8. Vigilandism- the act of making landi moves into someone without legal authority because the justice system in so called pag-ibig doesn’t exist.
9.User- yung parang mga friends mo.Pero madalas parang ikaw.
10. Pusher- gamit ng mga baklang manikurista para tanggalin yung mga dead cells mo sa kuko.Joke!Gamit talaga yan ng mga babaing maliit ang dede.
11.Republic Act 9165- ito yung nararamdaman ng crush mo para sayo.Hindi mo alam.
12.Ninja cop- yung bespren mong hokage na protektor ng ex niya at mahilig mag recycle ng feelings. Mambabasura lang ang punyeta.
13. Deadma on the spot- yung kaharap mo na pero para kalang naglalakad na paso sa paningin nya.Deadma.At ang matindi pa nun eh hindi man lang niya napansin yung bangis ng pagkaka-kilay mo bes.
14.Dead on karrival- karibal mong mapera,may kotse,edukado,may sense of humor pero panget.Tapos ikaw panget lang talaga eh.
15. Human rights violation- pag nilamon ka ng iyong sistema, lahat ng bagay kahit hindi makatao ay gagawin mo.Katulad ng karumal dumal na pagpatay…ng feelings at ala-ala.
16. Shabu love-boratory- sa shabu pag nanlaban ka, isang araw mamamatay ka. Pero subukan mong lumaban sa pag-ibig, araw-araw kang mamamatay. Tengene thug-life eh noh?
17. State of Lablessness- idinideklara pag sobrang tagal ka nang walang lablayp. Yung tipong wala ng friction ang daluyan ng ihi mo at tinutubuan na ng luya yung singit mo.
18. Search warrant – yung feeling na mas nag i-effort pa yung mga tao ngayon sa paghahanap ng pokemon kesa sa karelasyon. Tapos one time nag tuck-in ka, napagkamalan ka pang si snorlax.Ang sad diba?

19. Extrajudicial Kilig- pag yung kinakarengkeng mo eh kumarengkeng back sayo kahit may dyowa na siya. Hindi ko na kelangan i-explain pa, talent mo to.

20. Shoot to feel – minsan kelangan mo lang talagang malaman kung papaano masaktan ng husto ngayon para malaman mo kung papaano ka mas masasaktan bukas.Ansaveh!
21. Change is coming- yung malayo pa ang december, pero ramdam mo na ang panlalamig sayo ng karelasyon mo.Mas malamig pa sa split aircon unit ng opisina nyu.
22. Nandedelima- barkada nyung mahilig mag Tita moves. Galanti sa boypren. Namimigay ng pangkabuhayan package at pang down ng motor.

Anu ang moral lesson? Wag kang manlaban. Wag mong damdamin yung damdamin. Easyhan mo lang tohl. We only live once. Walang undo na command ang buhay kaya wag mong sasayangin sa mga kaputanginahan na bagay. At wag kang maniniwala sa mga kumakalat na balita na papatayin din ni Duterte lahat ng mga nag aadik sa pag-ibig. Dahil kung totoo nga yan, eh di sana pumunta na siya dito sa kina-uupuan ko ngayon at nginudngod niya na ang mukha ko sa keyeweqrtgsagg@!sagdsadhsakhuyhsjadty%$hjsgduqw&^%hjqdggdhsagdhsag#@!

 

———————————————-RIP————————————————

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s