Ang Pro Tips sa Paghahanap ng Trabaho


dinosaurrr

Tinatayang nasa 9.1 million na sa ngayon ang bilang ng mga Pilipinong unemployed sa buong bansa.Mas mataas pa yan sa bilang ng mga walang lablayp at mga paasa na mahilig kumanta ng tatlong bibe. Ang kawalan ng mahanap ng isang disenteng trabaho ay siyang tinuturong pinaka dahilan kung bakit marami sa ating mga kababayan ang nasasadlak sa ibat-ibang uri ng illegal na gawain tulad ng pagbebenta ng shabu,pagnanakaw, pamemeke at ang karumal dumal na pagpatay (ng feelings). Oo, alam kong diyan ka magaling na quengina ka.Pang olympics!

Nakakalungkot isipin na sa bansang ito,pag pinanganak kang mahirap, mamamatay ka ding mahirap. Dilat pa ang mata.Kahit na nga may diploma ka, hindi ito assurance na makaka-ahon kana sa putikan at makaka gamit na sa wakas ang pamilya mo ng toothpaste na may calcium.Punyeta diba, toothpaste na nga lang eh tinitipid pa natin.

Imagine, 490 pesos lang ang pinakamataas na basic wage rate na binigay ng gobyerno natin.Masyadong maliit yun kumpara sa actual standard cost of living and yet ito ka,wala ka pa ngang mahanap na trabaho.The struggle is real!Naka tambay.Petix.Pa-hits hits ng yosi.Aba, mahirap ding tumunganga maghapon ah.Pero dahil nagbasa ka at naka-abot ka sa parting ito ng blog ko,change is coming para sayo. Employed ka man o hindi, bibigyan kita ng mga pro tips para mahanap mo ang dream job mo at mabawasan naman ang bilang na 9.1 million istambay sa buong Pilipinas. And your welcome.

Ang pro tips sa paghahanap ng trabaho:

1.)Gumawa ng maayos at maikling resume.Ilagay ang pang malakasang i.d pix.Dapat diyan eye-catching.Tipong edit level 998789999 hanggang sa mubura yung ilong mo.Tutal diyan ka naman magaling diba bes?

2.)Tandaan mo na kelan man hindi special skills ang pagsi-share ng mga memes na may temang “ganito sana tayo”,  #relationshipgoals o yung pagwo-woke up like this mo sa fb. Ang mga bagay na yan ay hindi nilalagay sa resume.

At yung mga nilalang na pa famewhore..nasaan na kayo?Kaway-kaway!

At yung mga gumagawa ng ganitong ka shitan sa fb

3.)Gumawa ng account sa jobstreet at ibang pang online job portal para mas mabilis kang mahanap ng mga employer.Gumamit lamang ng disenteng email address.Iwasan ang mga suggestive na username gaya ng lucy_hotmomoh@gmail.com or wagpokoya69@yahoo.com.

4.)Magsaliksik sa background ng inaaplayang kompanya. Tingnan mo agad yung vision-mission nila baka kala mo nagbebenta lang yan ng kape yun pala nag i-export na ng mga lamang loob ng tao sa Africa.

5.)Siguraduhing alam mo yung basics ng posisyon na inaaplayan mo. Nagsisimula ka palang kaya wag mag-aapply ng kung anu-ano. Ika nga ni Daniel Padilla, kung di mo naman talaga alam, shut up ka nalang po.

6.)Maging matiyaga sa pag sesend ng iyong resume lalo na kung fresh graduate ka at panay OJT lang ang nakalagay sa work accomplishment mo. Tandaan mo na kahit si Leni Robredo ay nagsimula din yan sa laylayan.

7.)Ihanda mo yung damit na susuotin mo para sa job interview.Hindi mo na kelangan mag suot ng tuxedo tapos yung necktie mo spongebob.Magmumukha kalang na ahente ng punerarya. Kahit semi-formal lang ayos na yun tapos pak pak pak ganern!

8.)Magtipid ka muna sa pagkain.Kape at pandesal sa umaga.Siomai sa tanghali at isang stick ng barbeque naman sa gabi. Wala munang meryenda.Gawin mo yan sa loob ng isang linggo.Tapos sa susunod na linggo,baliktarin mo lang; wala munang meryenda,isang stick ng barbeque sa umaga, siomai sa tanghali at kape at pandesal sa gabi.Ganun,literal.

9.) Huwag agad maniniwala sa horoscope. Ang paghahanap mo ng trabaho ay hindi nakasalalay sa pag-align ng mga bituin sa langit o sa kulay ng brip na susuotin mo sa araw na yun. Kita mo hanggang ngayon wala ka pang lablayp.

10.)Importante ang preparasyon sa job interview.By default, pare-pareho lang ang format na ginagamit ng HR.Narito ang ilang halimbawa ng question and answer na dapat mo nang kabisaduhin:

Q: So tell me about yourself…

Answer#1(medyu pumapageant): Thank you for that wonderful question! I’m Bogart De Magiba,single,23years old from Marikina City. Naniniwala sa kasabihang; ang baklang mataba, kung tumuwad plakda.I thank you!

Answer#2(medyu humuhugot): Tell me about yourself?Ganyan ganyan din ang unang sinabi sakin ng ex ko nung binibreezy nya pa ako sa chat.Wala ding nangyare.Pareho lang kaming nasaktan(sabay kagat sa stapler).

Answer#3( medyu bitch): Elsa. 24 years old. Irregular yung regla pero virgin pa.Naghahanap ng mayamang boypren.

Answer#4(medyu pacoolkid): Alam kung hindi mo ako papansinin dahil hindi naman ako nakapag aral sa mga pribadong school dito sa Manila o nakapag trabaho sa isang malaking kompanya pero gusto ko lang malaman mo na nagtitinda ng binatog ang tatay ko tuwing umaga.

Q: What is your greatest weakness?

A: Mmmm yung katulad nyu po hihihi (sabay thumbsuck)

Q: What can you contribute to the company?

A: Luh may contribution po agad?Grabe sila.

Q: Why should i hire you?

A: Kasi po wala pa akong trabaho?

Q: What was the toughest decision you ever had to make?

A: Nung minsan gumising ako na malakas ang ulan. Pinag isipan ko kung lalagyan ko ng itlog yung pancit canton.

11.)During the interview, importante yung eye contact. At hindi puwede mapunta ang line of sight mo sa pantalon nya lalo na kung pareho kayong lalaki na animal ka.

12.)Wag na wag mo ding matatanong kung magkano ang sasahurin mo o kung anung password ng wifi nila. Dahil may karapatan siyang itampal-tampal sa mukha mo yung resume mo pag ginawa mo yan.

13.) Makipag shake hands at magpasalamat pagtapos ng interview. Be confident and keep your composure.Wag mong ipapakita sa kanilang desperado kang pumatay ng HR pag di ka nila tinanggap. Baka matakot sila sayo.

14.) Tandaan din na wag aasa pag sinabi nilang tatawagan ka nalang nila after few days. HIndi totoo yan. Masasaktan kalang, tanga ka pa naman.

15.) Kung tinatamad kang mag-apply for some reason, just do me a favor. Maging taong grasa ka for 3 working days at for sure, makikita mo yung motivation na kelangan mo para maghanap ulit ng trabaho.

Ang paghahanap daw ng trabaho ay hindi yan sa kung sinu ang pinakakuwalipikadong aplikante kundi binibigay ito sa kung sinu ang pinakamahusay maghanap ng trabaho. So basicaly,naka depende ang lahat kung papaano mo ibugaw ang sarili mo.Kung di ka man matanggap sa una o ikalawang pag aapply mo, eh relaks kalang.Good things come to those who wait ika nga.Sadyang may mga bagay talagang nakatadhana na para satin. Sadyang may mga bagay din na hindi. Wala namang eksaktong mathematical equation para dito.Wala ding scientific explanation kung bakit o kung papaano. Basta ang importante sa ngayon, wag kang maging tambay at magbenta ng shabu.

————————————————RIP——————————————————-

 

Advertisements

One thought on “Ang Pro Tips sa Paghahanap ng Trabaho

  1. Hahaaaa dami kong tawa! Ewan nalang kung di pa makahanap ng trabaho yan 😂 salamat sa tawa 😁

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s