Paano kung ma-Luz Valdez si Pacman kay Pretty Boy?


mayweatherpacquiaomeme

Sa wakas,matapos ang anim na taong pag-tiklop ng bayag ni Mayweather,natuloy din ang ang tinaguriang the biggest and the largest grossing fight in history: ang labanang Manny ‘Pacman’ Pacquiao at Floyd ‘Pretty Boy’ Mayweather Jr.Kung meron man tayong dapat mapanood bago tayo sakupin ng mga aliens at magkaroon ng human extinction,malamang ito na yun!

Itong labanang ito ay mag aakyat ng napakalaking pera sa Top Rank,Golden Boy Promotions at sa ekonomiya ng Las Vegas.Tumataginting ng higit sa  $300 million ang maaring kitain maliban pa sa payper view,sponsors at sa magegenerate na pera galing sa mga turista at high-end gamblers.Plus kung turista ka na malibog at maghahanap ka pa ng chicks sa Vegas,eh kasama parin yun sa tally natin.

Sa laki ng pinag-uusapang figures,magkano kaya ang mapupunta sa ating pambansang kamao?Na-interview ko mismo si Bob Arum at ang sabi niya eh 60-40 daw ang hatian ng dalawang manlalaro.Lamang si Mayweather syempre.Nonetheless,sinasabing maaring kumita ng higit sa $100 million si Manny Pacquiao.At sa loob lang yan ng halos isang oras.Kung hihimayin natin ang anatomiya niyan eh ganito; Ang average na punches ni Pacquiao ayun sa CompuBox ay 69 per round.Suma total sa loob ng 12 rounds,meron siyang 828 punches per match.So kung iisipin natin,yung suntok na bibitawan ni Manny sa Mayo ay nagkakahalaga ng Php 5,314,009.66 kada-isa.Sapat na yang halaga na yan para makapatayo ka ng isang magarang bahay na may sports car at may tatlong sexy na yaya.At kahit araruhin mo pa ang buong probinsiya nyu,hindi mo kikitain ang ganyang kalaking halaga.Kahit nga siguro pasapak ka ng isang beses kay Manny,hindi rin aabutin ng 5 million ang burol mo eh.Pero sinu naman ang tarantadong makaka-isip gawin yun diba?

Speaking of epal,ito yung gagong to na nasa taas

Sometimes pinag pipray ko na sana hindi nalang talaga to isang photoshop eh..prames!

Ngayon ang tanong;kanino ka pupusta?(at anung pinaglalaban ni Justin Bieber dito?).Sigurado ako bilang pinoy, 8 sa 10 tao ang pupusta para kay Pacman.Yung dalawang natira,mga buraot nalang yun.Kung galing at bigote rin lang ang pag-uusapan,masasabi kong lamang ang ating pambansang kamao.Dagdagan mo pa diyan yung pagiging mapagpakumbaba niya at yung laki ng puso tuwing lumalaban sa ring.Kaya nung na-K.O siya nung huling laban niya kay Marquez,para akong pinagsakluban ng 10 kilong maruruming labada.Sobrang sakit nun.Mas matindi pa yun sa mga break-ups ko sa mga babae.Muntik na nga akong maging taong grasa nun buti nalang nadaanan ako ng mga nag-rorondang tanod sa barangay namin.Kaya ngayon,ayaw ko ng maulit ang ganung pangyayari.Lalong lalo na sa laban na ito.Pero dapat ready parin tayo sa kung anu mang kahihinatnan.Mahirap kasi yung ‘di ka mentally & emotionally prepared sa isang bagay na posibleng mangyari.Kaya narito,inihahandog ko sa inyu ang mala tele-radyo-nobela na pupukaw sa natutuyo nyung mga brain cells;

Paano pag natalo si Pacman kay Pretty Boy?

1.) Pag matalo si pakyaw;magkakagulo ang netizens.Magiging trending sa twitter ang #rematch,#puso,#teampacquiao,#kenginamojustinbieber,#walangforeversapagibig#foreveralone

2.) Marami nanamang celebrities,pulitiko,alagad ng simbahan,empleyado ng gobyerno,nagpapataya ng ending,magniniyog,miyembro ng networking company ang magiging instant sports analyst kung bakit natalo si Manny.Lahat mag pi-feeling pro sa boxing gaya ng ginagawa ko ngayon hehehe.

3.) Siguradong hihingi agad ng rematch ang kampo ni Pacquiao.Masakit isipin yun.Pero bago siguro ulit matuloy ang part 2 ng sapakan nila,eh may kalalabanin mo na siyang mga “not so famous” na boxer.Parang sa pag ibig,kung nabigo ka man sa una,hanap kalang muna ng rebound hanggang sa maka recover ka na ulit.

4.) Kung sakaling matuloy man ang rematch,siguradong mas lalong dadami demands ni pretty boy.Tipong papalagyan niya ng highlights yung buhok ni Manny;bawal na i-translate ni Buboy yung mga sinasabi ni Freddie Roach sa corner during the fight;Mighty Kid lang ang sapatos na puweding gamitin ni pacman;tubig na galing sa alulod lang yung puweding inumin ni pakyaw sa training at sa mismong fight at kung anu-anu pang mga kaputanginahan.

5.) Hindi madadagdagan ang collection na hermes bag ni mommy D.Madi-disappoint siya at yayayain niya nalang mag sexy time yung boylet niya araw-araw.Jusko,pag naiisip ko palang yan,parang gusto kong isangla nalang ang kaluluwa ko sa diablo,manalo lang ng sure itong si Manny.Ang stressfull eh!

6.) Mas lalong yayabang si Mayweather.Aabot ito sa sukdulan na kahit si satanas mapapasabi ng “ooohmeeghed”.Tancha ko diyan,hahamunin niya na ng sabay si Pacquiao at Marquez sa isang blindfold boxing match sa November.

7.) Tataas ang crime rate sa Pilipinas.Maraming iinit ang ulo.Isipin mo yung magiging reaction ng mga fans na pinusta pati yung asawa nila.Di ba?Pucha lahat tayo asang-asang papadilaan ni Manny sa canvas itong si Floyd eh.Kaya minsan talaga sa buhay,dapat di ka nag i-expect.Ma bobroke kalang eh.

8.) Kung magkataon, magiging 48 wins with 0 loss na itong si pretty boy.Godlike na yan kung sa dota pa.Meaning,ilalagay na yung mukha niya sa pera ng Amerika.Tatayuan siya ng statue katabi nung kay Jordan sa Madison Street.Gagawan siya ng wax museum at masusulat siya sa kasaysayan habang panahon.Saklap!

9.) Magpapa breast implant si Mommy D.Hindi ko lang sigurado kung may kinalaman pa ba yan sa topic natin.Pero if ever,wag nalang sana diba?Eh kung ilagay mo yung sarili mo sa silicon?Kawawa eh.

10.) Sa sobrang lungkot siguro sa araw na yun,baka ipa half-mast yung lahat ng bandila sa pinas.Tapos kasabay niyan bigla mo nalang mababasa sa news yung mga balitang gaya ng “p-noy nalilink di umano sa isang miss universe”..,i mean diba?!Wala na sigurong mas shi-shitty pa sa araw na yun.

11.) May lalabas na mga blind items sa tv “the who itong dating sikat na boxer na ngayon eh madalas mo nalang makitang lasing sa mga ktv bar sa Malate at may kandong-kandong na babae?clue;bigotilyo at tadtad ng abs sa katawan.Now you know?

12.) I-rereply ng paulit ulit sa youtube,hbo,solar tv at sa lahat ng sports channel yung pagkatalo ni Pacman.Torture sa utak yun.Parang i-wiwish mo nalang na sana totoong may relasyon nalang talaga sina Mayweather at Justin Bieber eh.Dafuq!

13.) Feeling ko hindi parin siya makaka lusot sa BIR.Kahit siguro magpaawa epek siya o kaya maging taong grasa nalang matapos matalo sa laban,tingin ko hahabulin parin siya sa kinita niya.Literal na double black eye yun.

14.) Mauuso ulit ang kantang “oh my pretty pretty boy..” ng bandang m2m.At feeling ko,sa sobrang hit neto,gagawing official soundtrack ng pelekulang The Expendables 4,Transformers 5 at Brokeback Mountain Reloaded.Syempre di papatalo ang mga pinoy,gagayahin nanaman nila yan sa mga teledrama.

15.) Guess what,maglalabas ng musical video si justin bieber kasama si floydie.Mag duduet sila sa kantang firework ni Katy Perry habang binobromance nila ang isat isa sa gitna ng boxing ring sa Las Vegas.Pang asar lang sa mga bashers.

16.) Magiging mas kapana-panabik na ulit manood ng PBA.Pero kung KIA fan ka,bad news to para sayo.Pero aminin na natin,nakukulangan talaga tayo sa playing time ni congressman.

17.) Mag reretero na si Pacquiao.Unfortunately,wala ng manlalaro ng boxing sa panahong ito na makakasunod pa ng gaya ng kalibreng pinakita niya.Pag nangyari to,pag tiyatiyagaan nalang nating panoorin ang azkals team at yung mga bumabakat na yagbols ng volcanoes sa rugby.How puta diba?

18.) Dahil wala ng susunod sa yapak at medyu kamote rin itong si Donaire,puwede natin sigurong pagtiyagaan nalang din itong si Bobby Pacquiao.Genetically speaking,si bobby lang ang legit na puwede nating sabihin na “puta ito na ang susunod na pacquiao!”.

19.) Since wala ng makatalo kay Mayweather,mapipilitan si Bob Arum na kunin ang serbisyo ni Rocky Balboa bilang susunod na ka-match ni Floydie .Nakaka excite diba?Kasi wala na talagang believable na puwedeng tumalo pa sa gagong yun eh.

Kung magiging malaki man ang impact ng pagkatalo niya sa ekonomiya ng bansa,history ng boxing at sa mga lablayp natin,eh hindi ko alam.Dahil matalo man si Manny,bilyonaryo parin siya.Ako,ikaw,tayong lahat ay babalik parin sa ulam natin kagabi.Matalo man si Manny,trapik parin ang buong Metro Manila.Matalo man si Manny,kurap pa din ang kasalukuyang gobyerno natin.Maaring wala nga namang kinalaman si Manny sa ulam,trapik at kurapsyon.Siguro nga ay hindi na rin mahalaga ang tanong sa title ng blog kong to.Mas importante ay kung paano niya uli ipaglalaban at bibigyan ng pride ang buong sambayanan.Kaya para sayo idol Manny,manalo ka man o matalo….yung balato namin wag mong kakalimutan.

——————————————RIP——————————————————

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s