PA-BEBE KA BA?…


images

Dumaan na pala ang xmass at new year ng di ko man lang namamalayan.Kakainit ng ulo.Paano ba naman,wala man lang akong nakitang kwitis sa ere at tinuhog na lechon.Kaya yung palad ko nalang yung pinutakan ko na kinalaunan eh ginawa ko ding pang spread sa tinapay.Nagkaroon ako ng matinding kabag at pag gising ko kinaumagahan,may nakita akong kaong sa brip ko.Sayang,gumawa pa man din kami ng salad.At dahil diyan, tatawagin ko ng planetang tarugo ang middle east.At walang sinumang makakapigil sakin.Ikokonsider ko na siyang hindi nag i-exist sa crust ng earth.Kundi,nasa parallel universe kung saan meron ding past,present at future.Naka passive ang lahat ng bagay at panahon.Pinadala kami dito ng NASA gamit ang device na tachymeter para pag aralan kong makaka survive ba ang human being sa isang harsh environment na katulad dito.Unfortunately,namatay na yung mga kasama naming daga at manok dahil sa mga dust particles.Kami nalang ang natitira at matindi ang imagination ko noh parang engot lang!Char!

Dahil ang 2015 ay taon ng mga puta este tupa,marami nanamang nilalang lalo na social media ang nag papa bebe.Tapos na ang era ng ‘pag may time’ at ‘boom panes’,jejemonatics nalang at judaywowie forever nalang ang legit na gumagamit niyan sa ngayon.Dahil narito na ang mga pabebe moves.Mga lahing indio na nagmula lupang sinakop ng kastila,hapon,amerikano at engkanto.Mga kalahi ni Rizal,Mabini,Bonifacio,Agoncillo at Apple de Ap.Sinu-sinu sila?Narito ang ilan.

Pa bebe moves ka kung:

1.) Gagawa ka ng new year’s resolution mo pero tinatamad kang umpisahan,sa huli maghahanap ka nalang din ng lalandiin mo#landipamore

2.) Nag lalagay ka ng hashtag OOTD sa picture pero halos butas lang naman ng ilong mo ang makikita.Sarap lang ipa vacuum.

3.) Mahilig ka sa salitang #ipupushkoto pero yung sarili mong dibdib hindi na kayang ipush.

4.) May naka ready ka palaging pang throwback picture tuwing thursday.At atat na atat ka na may mag comment ng “gandang di mo inakala!”,tapos dahil kinilig ka,reresbak ka ng “mana lang sayo”.

5.) Lumilinya ka ng “i need space!!its not you,its me!”,pero sa monitor ng computer ka nakaharap.

6.) Lagi mong binubulong sa sarili mo na “pakshet mag da diet na ako next month,at pag ako pumuyat who u kayo lahat sakin!”Pero last 2 years mo pa yun sinabi,hanggang ngayon yan parin ang binubulong mo sa sarili mo.

7.) Hindi ka marunong kumain ng balut at napagkakamalan mo pa itong itlog ng baby dinosaur.

8.) Naka suot ka palagi ng shades para malaman nilang mukha yun ng tao at hindi isang malaking siopao na naglalakad sa mall.

9.) Mahilig kang maglagay ng  #nofilter sa mga pictures mo.Okey, medyu lilinawin lang natin to.Hindi makakadagdag ng sex appeal ang paglalagay ng ganyang caption.Kung panget ka na talaga in the first place,panget na talaga yan,no excuses!

10.) Nag papanggap kang vegetarian para sabihing healthy ka.

11.) Masyado kang mahinhin sa harap ng pamilya ng bf mo.Tipong tatakpan mo pa ng panyo yung cleavage mo pagkukuha ka ng kanin sa lamesa.Ika nga,’the best way to sell yourself is not to be yourself’.At oo,epektib yan sa lahat ng pagkakataon.

12.) Na seenzoned kalang ng crush mo,nagpalit ka na agad ng status sa facebook ng “its complicated”.

13.) Nag away lang kayo ng nanay mo dahil hindi ka parin marunong maglaba ng panty mo kahit nasa edad ka na para magpokpok,eh nag post kana agad ng #hatersgonnahate sa facebook.

14.) Gumagawa ka lagi ng ‘note to self’ na lagi mo naman ding kinakalimutan.

15.) Hindi ka marunong magluto kahit na nilagang itlog pero yung itlog ng bf ng barkada mo,sina sunny side up at down mo pa.

16.) Meron kang planner ng starbucks na hindi mo naman sinusulatan.

17.) Hinahanap mo yung dating lagkit ng pagmamahalan nyu ng dyuwa mo sa natirang handang suman nung bagong taon.

18.) Ginagaya mo yung mga pormahan ng chicser.Mataas na ang rate ng mga salvage victim sa Pilipinas araw-araw,kaya pakiusap lang,umayos ka na kung ayaw mong masigawan ng “bigyan ng jacket!!” ni Willie.

19.) Sa tanda mong yan,naniniwala ka pa din na first love never dies at pomoporeber ka sa pag ibig.

20.) Malambing ka sa lahat ng kausap mo sa chat.Kala mo yung musmos na bagong kumpil;”puwede po makipag kaibigan?”,”mas masarap pa po ako koya sa luto ng asawa nyu”,”ang puti po ng hita nyu parang nitso”.

21.) Ginagawa mong photo studio ang loob ng gym at nag cacaption ka pa ng “im sexy and i know it!” sa mga pictures mo para ma confuse kami sa katotohanang size 45 ang pantalon mo.

22.)Mag memessage ka ng random thoughts sa crush mo tipong “ui anu kaya kong may expiration date yung gravity tapos bigla nalang akong mahulog sa puso mo?handa ka ba?lels”

23.) Hinuhugot mo yung true definition ng love sa bibliya pero yung salitang “kati” hindi mo mahanap.

24.) May selfie ka na nagtutulog tulugan.Please lang,tigilan na natin yan ate.Mas okey pa samin na ipitin mo nalang yung dalawang boobies mo tapos lagyan mo ng hashtag na #oohputamaglawayka

25.) Pa super clingy ka.May pogi lang na nag order sayo “puwede ba kumuha ng glutha next week?”,nireplayan mo agad ng “omg i love you too!!”

26.) Malalalim yung mga thoughts na pinopost mo sa facebook…”balon”,”bangin”,”pacific ocean”,”mariana trench”,”bermuda triangle”,”sa dulo ng walang hanggan”,ganun literal.

27.) Abangers ka.Numininja moves ka pag alam mong broken hearted yung matagal mo ng pinagpapantasyahang lalake.Nagiging shoulder to  cry on ang peg mo bigla at expert ka sa pag aadvice bout love.

28.) Nag hehello ka kay monday with sad face kahit alam mong noun siya at hindi siya first person na sasagot sayo ng “wala akong pakialam sayong hayup ka kung nababadtrip ka sakin,aga-aga eh,ito piso,kausapin mo si friday!!”..

29.)Sumasama ka sa mga prayer meeting ng church nyu pero at the end of the day,ma rerealized mo na mas matindi yung landi factor ng mga sperm cells mo,hindi namamatay sa mga simpleng bible verses lang.So alam na this.

30.) Paasa ka sa mga friends mong single.I-tatalkies mo ng matindi,kukunin mo ang tiwala,aayain mo mag kape then bebentahan mo lang pala ng kojic at cream na pang rejuvenate ng natuyong dyuga.

Ang salitang ‘bebe’ ay hindi tiyak kung saan nagmula.Kung hugot man to sa isang linya sa pelekula ni jolina magdangal dati eh walang nakakaalam.Basta ang sigurado ko sa ngayon,hindi nagpabaril si Rizal sa luneta para lang mag pabebe ka.Pero who cares?Buhay mo naman yan.May kanya kanya tayong diskarte.So hellooo mondayyyy :-(!!

 

 

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s