Ang 16 Universal Code ng mga Kalalakihan


download (1)55555

Magmula sa mundo ng physics na merong law of gravity & relativity hanggang sa law of logic,law of karma at iba pang immutable Universal Laws sa buong mundo,lahat yan…..lahat yan ay hindi ko din alam.Kasama na din diyan ang meaning ng immutable.Pero when you say Universal Code,ito ay isang sistema na applicable to every sentient being (thanks to google).Pag pumapasok ka sa trabaho mo,diba meron tayong dress code?Hindi naman puweding papasok ka sa opisina mo na necktie lang ang suot mo.Meron din tayong tinatawag na professional code.Kasama na diyan yung mga professional mandurukot at akyat bahay gang,lahat yan,merong sinusunod na moral standards.Ang universal code of ethics ay nakasulat na parang batas at dapat sundin regardless of religion,political,social & economic context.

Pero may mga bagay dito sa mundo na hindi pa nasusulat katulad nalang ng librong  “The 7-minutes Shredded Six-Pack Abs Workout”.Pucha sinu namang gagong maniniwala na magkakaroon ka ng abs pag umere ka lang?Yung librong “Paano maging kutis Bayawak”.Katarantaduhan yan.Walang matinong writer ang magsusulat ng ganyan.Bagamat may ilang lohikal na bagay daw na hindi na kelangan i dokumento at pag aralan pa.Kasama  dito ang tungkol sa  code of ethics ng mga lalake.Ang “bro code” na ito ay alam ng almost 90% sa populasyon ng mga kalalakihan sa buong mundo.For some unknown and weird reason,hindi nakasulat at hindi rin tinuturo sa paaralan maging sa simbahan ang mga bagay na ito.Curious ka na ba?Nakuha ko na ba ang atensyon mo?Nalilibogan ka na ba sakin?Naaasar ka ba sa tuwing sinasabi ko ang salitang nalilibogan?Eh yung libog?Magkaiba ba?Masyado na ba akong madaldal?Kung oo lahat ng sagot mo,puwes,mabuti pang pag nilayan na natin to.

1.) Hindi ka puweding mag comment sa picture ng barkada mo ng “wow yummy naman ng abs!” o di kaya “blooming ka ata pre!”.Bawal yan.Mga babae lang ang may karapatang magbolahan ng ganyan sa peysbuk.”Bobo mo” tsaka “sooo gay” lang ang puwede mong i-comment.

2.) By default,hindi puweding tumagal ng higit sa 10minuto ang pakikipag video chat sa kapwa lalaki.Unless mga machong bagay lang ang pinag uusapan nyu tulad ng dyuga,manok na panabong,balls enhancement at steroids.Balls enhancement?Nakakita ka na ba ng glow in the dark na itlog?Kung wala pa,thank god.

3.) Bawal makipagtitigan sa lalaking katabi mong umiihi sa public urinal.At habang “on-going” kang nakahawak kay manoy,bawal umikot ng 180deg ang ulo mo na hindot ka.Masyadong provocative.Baka biglang uminit ang ulo niya sayo at balatan ka niya ng buhay tapos isasabit ka sa sampayan hanggang sa maging daing ka.Oo,morbid talaga ako mag-isip!

4.) Kung lasing na lasing ka,hindi mo puweding i-text or tawagan ang isa sa mga kaibigan mo ng hatinggabi at sasabihin mong “wish you were here tol (insert sad face)”.Mga babaing broken hearted lang ang gumagawa niyan at hindi maka-move on sa ex boypren nila.

5.) Para maiwasan ang ilang kilig moments sa paglalaro ng basketball,wag kang mag call ng group hug sa team or mag initiate ng chest bump sa kakampi mo.Malinaw na binobromance nyu ang isat-isa pag ganun.High five,fist bump tsaka batok sa ulo lang ang accepted na gestures sa hard court.

6.)Bawal magsama ng kapwa mo lalaki pagkukuha ng cam selfie at mas lalong bawal yan pag dalawa lang kayo.Puwede lang natin i-consider pag tatlo or higit pa provided na hindi naka pout ang mga lips nyu.Tsaka bakit nyu naman i-popout ang mga lips nyu diba?

7.) Hindi ka puweding mag-aya sa isa mong tropa na lalaki na manood kayo ng sine exclusively lalo na kung romantic chick flick movies yan.Puwede niyang i-ngudngod ang nguso mo sa labi ng inidoro pag ginawa mo yan.

8.) Bawal sulutin ang chiks ng tropa mo.Kahit na nililigawan niya palang or under surveilllance palang yan,hindi ka puwedeng mag umepal.Antayin mong supalpalin siya ng babae saka ka dumiskarte.

8.) Hindi mo puweding talunin ang kapatid na babae ng isa mong barkada.Ang saklap noh?Para naring sinabing;hindi mo puweding sutsutin ang mainit at malinamnam na sabaw ng bulalo na nasa harapan mo.Ngayon,kung mali man yung analogy ko,patawad.

9.) Pag tinext ka ng isa sa mga gf ng barkada,automatic na ang isasagot mo lang ay “magkasama kami kagabi” or para mas safe eh “hindi ko po alam”.Wag na wag mong masasabi na may naka kandong na babae sa kanya last night kaya may naiwang kiss mark sa kuwelyo ng polo niya.Pag kelangan ng matinding justification,dapat creative ka sumagot.Sabihin mo na napagtripan nyu lang talaga na magkakaibigan ang magsampalan gamit ang red lipstik.Yeah right, kinda sounds like a super gay.

10.) Kahit gaano pa kayo ka-close ng kaibigan mo,hindi mo siya puweding tawaging “best”,”chubbychamps” or “BFF”.Mga babae lang ang nag pauso niyan.First name basis padin ang dapat na tawagan nyu or yung mga kanto names like tokmol,kupal,boy ratbu(burat),bertong bayawak,tarugo at negro.

11.) Pagkatapos ng inuman session,wala kang obligasyon para i-check ang kapwa mo lalaki kung safe na ba siya,kung nasa bahay na ba siya,kung masakit ba ulo nya or kung kelangan nya ba ng hot towel.Sa chicks lang pinupunas ang hot towel at hindi sa bigote ng kainuman mo,okey?

12.) During or after ng anu mang sports activity,hindi kayo puweding magpunasan ng pawis sa mukha ng kaibigan mo.Sobrang cheesy.Mas acceptable pa na magpahiran kayong dalawa ng tawas sa kili-kili.To think na sobrang nakakadiri yun huh.

13.) Ang mga salitang gaya ng kalurkey,peg,feeler,imbeyerna,echusera,at chena ay hindi dapat gagamitin sa anu mang uri ng usapan.”Prames” lang ang pupuwede.Maliban dun wala na.Prames?

14.) Kahit gaano pa kasiksikan sa loob ng MRT,hindi kayo allowed na magkiskisan ng patotoy na mga animal kayo.Hindi yan parang freebies sa mcdo na dahil alam mong free,eh mag aavail ka na.Leche bat ko ba naisip yun?

15.) Kapag nagbubulongan,iwasan na sobrang idikit yung mukha mo sa tenga ng kausap na lalaki.Yun bang halos magkapalitan na kayo ng mukha.Dapat nasa pagitan ng 2-3 inches ang layo ng bibig mo sa tenga niya at ang pinaka importante pa diyan;wag mong ilalabas ang dila mo na bayota ka!

16.) Kung ayaw mong pulutanin ka lagi sa inuman nyung magbabarkada,huwag mong shoshotahin ang ex ng kaibigan mo.Dahil para mo narin siyang binigyan ng extreme double blow job sa harapan ng maraming tao.

Kung may mas mamacho pa sa larawan na ito eh hindi ko na alam.

Kung may mas mamacho pa sa larawan na ito eh hindi ko na alam.Idol jun sabayton.

Yan lang ang ilan sa rules and guidelines na dapat nirerespeto at sinusunod by heart and by soul ng bawat lalake sa mundo.Ang hindi sumunod diyan?Yan yung madalas na inuupakan at pinag titripan ng barkada.Kaya para hindi magkaroon ng awkward moments sa kahit anu mang sitwasyon,sundin mo nalang ang mga nakasulat sa itaas ng walang labis at walang kulang.

Advertisements

One thought on “Ang 16 Universal Code ng mga Kalalakihan

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s