Ang 12 Tips Para sa Isang Malupet na #makeup transformation


Ang hirap gumawa ng intro sa blog!Para kang mag po-propose sa babaing hindi mo naman kilala.Bakit ko nasabi?Kadalasan kasi,babasahin lang ng mga earthlings ang una at ikalawang pangungusap ng blog mo.Kung sa una palang,hindi na sila nag cum este ginanahan,aba,malamang pati siguro ikaw eh hindi na din aabot sa puntong ito.Kaya feeling ko minsan,sarili ko lang talaga ang kausap ko dito eh (sad).Anyway,kung updated ka ngayon sa kung anu mang latest,malamang alam mo na din yung nauuso ngayong #makeup transformation.Gusto kong pag-usapan natin ito kaibigan!

Nakikita mo ba yang katarantaduhan na yan sa taas?...Kung lalaki ka,please wag mo na itong gayahin pa

Nakikita mo ba yang katarantaduhan na yan sa taas?…Wag lang makikita to ng tatay mo Hihihi

Basically,hindi naman masyadong demanding ang mechanics ng #makeup transformation.Thank god at hindi na daw required ang abs.Hindi mo na din kelangan mag-nominate pa ng kung sinung demonyo o mag-ihaw ng uterus ng buwaya para gawin ang nasabing activity.Kelangan mo lang ng camera,computer na may internet connection,creativity at sandamakmak na self-confidence.Since wala din namang  international rules para dito,naisipan ko nalang din gumawa ng ilang tips  para kung sakaling hindi mo pa alam,eh wag mong kalimutang nabasa mo ito sa blog ko.

Paano nga ba ginagawa ang isang malupet na #makeup transformation?

Step 1: Unang una,dapat mo munang masagot ang tanong na “anu bang problema mo bilang tao?!”  “bakit ko ba gagawin ito?”.Kelangan mong i-justify sa sarili mo na tama at mas importante pa ito kaysa sa ice bucket challenge at pagkaka-imbento ng paper clip.

Step 2: Kung ang sagot mo sa tanong sa step 1  ay dahil lang sa hindi ka parin nagkakaroon ng bf eversince dinatnan ka ng unang regla mo, pinapayuhang wag mo na  itong ituloy at makipag blood compact nalang sa mga maligno.Sorry,feeling ko mas epektib yun eh.

Step 3:Maligo gamit ang sabong safeguard tapos kausapin mo ang konsensya mo.Kelangan prepared ka mentally & emotionally.Isang beses mo lang ito dapat gagawin sa buong buhay mo.Kaya might as well na planado dahil reputasyon mo din ang nakataya sa pagkakataong ito.

Babala: Ang makeup transformation ay nakakagutom.Kumain ng heavy breakfast at magbitbit ng sitsirya.

Step 4: Pumili ng picture ng celebrity na gusto mong isama sa collage.Patay sila dito!Piliin mo na yung artista na pasekretong gusto mong i-tukso sayo ng mga kaopisina mo.Kung medyu hindi ka naman kagandahang lalaki or babae,utang na loob,iwasan mo ang mga artistang gaya nila Brad Pitt,Kim Kardashian,Marian Rivera,Anne Curtis,Piolo Pascual at Dingdong Dantes.Bakit?Dahil para mo naring pinagdikit yung alulod ng bahay nyu tsaka yung puwetan ng kaldero ng kapitbahay nyu.Walang connect.

Trivia: Kung for some reason eh wala ka talagang kahawig na sikat na personalidad,puwedeng piliin yung mga larawang maaaring may pagkakapareho sa tabas ng pagmumukha mo gaya ng sangkalan,bread knife,deodorant roll-on,matabang garapata at buni.

Step 5:Ngayong nakapili ka na ng larawan ng gusto mong artista at tutal wala na din naman kaming magagawa pa sa lintek na yan,importanteng magaya mo ang suot na damit at ang pagkakaayos ng buhok neto.Then maghanap ng tahimik at komportableng puwesto na kung saan puwede kang makapag cam selfie,tulad ng sementeryo at loob ng poso negro.

Step 6: Para sa mga kababaihan,gumamit ng props sa larawan gaya ng lipstik,concealer brush at face powder para ma-achieve yung transformation effect.Para naman sa mga kalalakihan,kumuha ng colgate,ilagay sa dalawang palad,pag haluin at itampal-tampal sa mukha hanggang sa mamula.

Step 7: Sa pagkuha ng larawan,dapat tandaan ang constant na 70-30 principle; 70% mukha at 30% boobies.Kung medyu chubby ka,baliktarin mo nalang ang constant principle natin,make it 30-70(30% mukha-70% boobies) para nandun pa din yung tinatawag nating “quality” ng pix.Wala akong pakialam sa mga lalaki.

Step 8: Meron din tayong standard na emosyong dapat ipakita sa mga larawan:

Ang unang larawan ay may pamagat dapat  na “Pinakamagandang Lupa sa balat ng hayop”

Ang ikalawang larawan ay may pamagat dapat na “Kayurin mo ang kulugo sa itlog ng Diablo”

At ang Ikatlong larawan ay may pamagat dapat na “Kung mamamatay na bukas ang lahat ng panget,paano ka na?”

Step 9: Pagdikitin ang mga  larawan sa step 4 at step 8 gamit ang computer ayon sa pagkakasunod-sunod nito.Iposisyon sa pang-apat na puwesto ang celebrity look a like mo at pucha suntukan na este patapos ka na!

Step 10: Gumawa agad ng suicide note dahil baka hindi umabot ng 5 likes ang ipopost mo.Ilagay ito sa lugar na kung saan madaling makita ng SOCO gaya ng imburnal o di kaya i-flush sa inidoro.Sisihin mo sa sulat yung mga friends mo na pini-preassure kang gawin ang make up transformation na yan.Sisihin mo yung gobyerno natin;na kung nakaka-kain ka lang ng tatlong beses sa isang araw,hindi mo maiisipang gawin ang kabalbalang ito.Sisihin mo ang mga manufacturer ng gatas;dahil huli na naimbento ang bitaminang  folic acid,tuloy hirap na hirap kang i-edit yung mukha mo sa picture.

Step 11: Ito ang pinaka exciting na part.I-upload sa facebook ang iyong obra habang pinapatugtog mo yung kantang “arikingking-king!!”Pero beware,hindi lahat ng friends mo sa facebook ay matutuwa sa gagawin mo.Tandaan mo na maraming kupal sa mundo.Sila yung mga hijo de putang mag cocomment sayo ng:

“Kapal ng mukha,Marian daw,ang itim-itim naman ng kili-kili!”

“Tangina ang layo brod,laki ng butas ng ilong mo!”

“Feeler kalang te,libre mangarap!”

“Shabu pa!”

“Hahaha pucha nakakatawa.Ito na yung the best make up transformation na nakita ko lolz”

Step 12: At dahil diyan,kailangang loaded ng safety features ang post mo.Kailangang isipin ng viewers at haters mo na hindi ka masyadong nag-effort.Pero deep inside,kinakabahan ka na baka yung nanay mo lang ang mag comment tapos sablay pa,tipong “anak,patay na pala yung lola ng tiyahin ng kapitbahay ni kumpareng kulas na nagpapataya ng ending sa kabilang baranggay,nakalunok daw ng charger”.Shit happens diba.So kumbaga,wag kang susugod sa giyera na baril at bala lang ang dala mo,dapat may condom ka din for emergency purposes.Narito ang ilang epektibong safety features na dapat i-caption sa pix mo:

#nakikiusolang

#hindiakoangmaygawaniyan

#walangkokontra

#ipupushkoto

#trykolangguys

#walapangmakeupyan

#napagtripankolang

#pagbigyannyuna#minsanlangnamanako#magingkupal

#artekolang

Kaya para sa mga nilalang diyan na meron pading agam agam sa buhay,wag ka ng papigil pa,sige na uso naman eh!Hindi ka naman namin i jujudge base sa pictures mo kundi base sa pinili mong artista hihihi.Kaya transform na!

————————————————–RIP——————————————————-

 

 

Advertisements

One thought on “Ang 12 Tips Para sa Isang Malupet na #makeup transformation

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s