THE 12 COMMANDMENTS OF FACEBOOK Feat. Mark ZuckYourBird


download

BABALA: Ang blog na ito ay resulta lang ng unstable na pag-iisip ng author.Kung makaranas man kayo ng sintomas ng matinding depression,lagnat na may kasamang pagtatae,vertigo at pagkabaog,tumakbo agad sa pinakamalapit na albularyo sa bayan nyu.

Umaga,katatapos ko lang gumawa ng milagro sa banyo ‘nun nang bigla akong makaramdam ng down syndrome.Sakto,naalala ko may alak pa pala ako sa pridyider.”Tamang tama may pampakalma pa” ang bulong ko sa sarili ko.Pero hindi lang basta tipikal na alak to.Isang bagong inumin na mas matindi pa ang sipa sa red horse at pinatuyong tae ng pusa.Mabibili mo lang ito sa sulit.com.ph at may kasama ng free na isang platito ng mani.

“ZuckYourBird” ang pangalan na nakalagay sa bote.May 6.4% na alcohol content at may ibat-ibang flavor tulad ng apple,cinnamon,bubble gum at yung peyborit ko yung boom napanes flavor.Makalipas ang ilang minuto,naitumba ko na agad ang 3 bote.Suwabe talaga ang hagod sa lalamunan,walang sabit!Tuloy padin ako sa pag-inom at ng halos tumirik na ang dalawang mata ko at maabot ko na ang nirvana ng kaluwalhatian “holy mama,ansarap mo talaga i-zuckyourbird!!!” ang tanging namutawi sa mga labi ko.

…..at lo ang behold,lumiwanag ang buong paligid.Biglang may lumabas na elemento sa harap ko.Isang bayot lalaking may pink na kapa at naka suot ng itim na belo.”Shaider pulis pangkalawakan?” ang biglang tanong ko.”Nope” ang mabilis niyang sagot.”Hmmm,kachupoy?!” ang balik ko. “Tanga!Ako si Mark ZuckYourBird.Ako ang nag imbento ng peysbuk na kinaadikan ngayon ng buong mundo.Narito ako para ibigay sa ‘yo ang 12 commandments.Susundin ito ng lahat ng lahi ng tao kasama na ng mga jejemons at twilight fanatics.Ituro mo ito sa magiging anak mo at sampu ng magiging anak nila sa alak-alakan at sa mga susunod pang henerasyon.”At pagkatapos nyang umusal sa hangin ng ilang orasyon,lumabas bigla sa tabi niya ang 12 tablet na may iba’t-ibang brand (lenovo,samsung,sony,nexus etc) at dun nakasulat ang 12 sagradong utos….

The 12 Commandments of Facebook:

1.) Remember,selfies are strictly for women-Merong universal law ang mga kalalakihan pagdating sa pagpapakuha ng litrato.May apat na yugto lang ito:Una sa first communion nila;pangalawa pag nasosobrahan sila ng inom;ikatlo ay sa araw ng kanilang kasal at ang huli ay sa tabi ng poster ni Bruce Lee.Bukod dun wala na.Pero may exeption tayo:

a. Unless may cleavage ka na din na gaya ng sa mga babae

b.May cute ka na tuta na ang pangalan “kidlat bakat”

c. Nilalagyan mo ng extension ang kilay mo

d.Nagsusuot ka ng spandex na pajama na may tatak na “bebe” sa bandang puwetan

2.) Thou shalt not “like your own post”-Ang pag labag sa kautusang ito ay maituturing na crime of passion.Ang pagda-dial at pagbilog sa kulangot ng higit 7.3 seconds ay isang uri ng crime of passion.Therefore,ang pagla-like sa sariling post ay parang pagkain mo ng sariling kulangot sa paniniwalang mayaman ito sa protina at amino acid.Pero sa maniwala ka man o sa hindi,walang protina at amino acid ang kulangot.At hindi rin siya kinakain.

3.) Thou shalt not “tag throwback pix”- Wala kang moral na obligasyon na i-tag  yung 24 friends mo sa peysbuk ng isang karimarimarim na high school pix nyu.Ito ay isa lang sa matinding problema ng Pilipinas na kinahaharap natin sa ngayon na dapat bigyan ng agarang atensyon sa Senado.Paano?Magdagdag ng new settings sa peysbuk….

Option A- Pag nag upload ka ng lumang pix,automatic ikakategorya siya ng fb as “move to chest” at mag sesend ito ng message na “permission to fuck your day” sa lahat ng gusto mong i-tag.

Option B-I-scan ng fb kung gaano kapanget yung sinuot mong blazer sa JS prom nyu na ginaya mo pa kay Jolina Magdangal sa pelikulang “Ama,Ina,Anak” at pag lampas pa sa pusod yung pagkaka-tuck in mo,babasahin ito ng fb as “trojan virus“.

Sa ganitong paraan,mababawasan na ang krimen sa Pilipinas ng 80% at magiging madalang na ang mga headlines sa tabloid gaya ng “Isang peysbuk adik,sinikmuraan sa noo matapos niyang i-tag ng lumang pix ang kanyang tiyahin“.

4.) Thou shalt not “share your private life”- Hindi mo na kelangan ipagsigawan sa buong mundo na hinahataw ka palagi ng tabo sa ulo ng misis mo o natutulog kang naka dilat ang dalawang mata.Yang mga ganyang pribadong bagay ay hindi na dapat pinopost pa dito sa peysbuk.Kung kelangan mo lang naman pala ng moral support,eh bakit hindi ka nalang pumunta ng beerhouse.

Yng iba mag popost pa ng ganito:

Post: “wala na akong ginawang tama sa bahay na to huhuhu!!.…”

Comment:”anung problema pre?…..

Reply: “wala naman,hayaan nyu muna akong mapag-isa…

‘Di nga,anung problema mo bilang tao?Bukod sa natutulog kang dilat ang mata,anu-anu pang brand ng lason ang hiyang sayo?

5.)Thou shalt not “use profanity”-May mga sensitive na salita na puwede mong ibanat sa personal na para kalang nagulat (“Oh! tanginang mukha yan,musta?”) pero hindi mo puweding i-comment sa status at pictures at magkukupal ka ng “Hala gurl,parang tumaba ka prames!!!” Foul yan at very suggestive ang statement na ganyan.Dapat mellow lang “Hala gurl,mukha kang busog na bisugo sa suot mo”,ganun dapat.

Kasama din diyan yung mga comment sa fan page tulad ng “Walang bastusan ng syuta,tuwad!” or  “ang sarap-sarap mo naman miss,puwede bang maging boypren mo? “. Tapos pag binlocked mo sila,magwawala at sasabihan ka pa na mayabang/suplada/walang GMRC at kung anu-anu pa,parang engot lang.

6.) Thou shalt not “spoil any movies or books”-Naniniwala ako sa sistemang pantay na karapatan at freedom of expression ng bawat nilalang.Ayos lang naman kung mag post ka na nagandahan ka sa isang movie “OMG bumakat yung itlog ni Andrew Garfield!”.Pero yung i-kukuwentu mo ang lahat ng detalye pati yung romansahan nila sa talahiban,eh hindi na makatarungan.Kahit yung tipikal na Pilipino movies na alam nating lahat na darating lang ang mga pulis pag patapos na ang pelikula,hindi mo responsibilidad na ipaalam samin na “Nagpakamatay yung leading lady gamit yung chopstick sa chowking,tapos dumating na yung mga pulis haaay….end.”Eh kung hampasin kaya kita ng fluorescent lamp sa mukha para maliwanagan ka?….Char!

Kaya ka pinalitan sa spiderman eh!

Itong ngiting to ang nagpahamak sa kanya kaya ipinalit si Andrew Garfield

7.) Thou shalt not “invite friends to play random games” -90.99% sa pesybuk friends mo ay hindi naglalaro ng mga weird games sa internet.They don’t give a shit kung anu mang meron sa mga yan.Kaya bilang kristiyano,wala kang karapatang padalhan kami araw-araw ng invitation na maglaro ng criminal case,dragon city,words of wonder,bubble island at farm heroes lalong lalo na kung hindi naman tayo close.Dahil kung hindi rin lang yan picture ni Kate Upton na lumuwa yung suso habang namumulot ng shells sa Miami Beach,eh hindi na kami interesado.

8.) Thou shalt not “create a fake account/ fan page of your dog”-Tinatayang may 83 million fake accounts ang peysbuk sa buong mundo o 8.7% sa 955 million users nito ay bogus.Sa bilang na yan,almost 23 million ay misclassified accounts kasama na diyan yung mga gumagawa ng fb page sa alaga nilang aso.Pero siguro,kung totoo ngang natuturuan nang mag peysbuk ang mga aso sa ngayon,wag na tayong magulat na baka pagdating ng araw,aso na din ang magiging majority sa Kamara.Yung natirang 59 million ay mga account ng poser na wala ibang misyon sa mundong ito bukod sa padalhan tayo ng spam,malicious links at mga balitang namatay na si John Cena.Yup,kasama na din diyan yung mga babaing broken hearted na gustong i-stalked ang ex boypren nila.

396042_466017550125702_1324666303_n

9.) Thou shalt not “change or reverse your full name”-Nandun na ako,ang tao ay may kanya kanyang trip sa peysbuk.Yung iba hindi na nakukuntento sa pag seselfie lang o pag flood ng status sa newsfeed natin.Pinagdidiskitahan narin nila pati ang sariling pangalan katulad ng Mark Noel Cruz nagiging Kram Leon Zurc.Magugulat ka nalang na  kung saan at paano ka nagkaroon ng Nazi sa friends list mo.Kung sinu mang hijo de frutang nilalang na nag pauso nyan,hayup ka ginulo mo ang buhay namin!Yung iba naman, level-up:

“Loverboy ng Palawan likes your status”

“iAmHopelessRomantic poked you”

10.) Respect FB wall;seriously it’s not a chat box-Kung may isang bagay man kung bakit naging mas popular ang peysbuk over prenster at myspace,ito ay yung kakayahan niyang makipag chat in real time.Unfortunately,hindi ginawang idiot proof ni Mark Zuckerberg ang pesybuk.May mga tao lang talagang sadyang mas gustong pag usapan ang kanilang buhay-buhay at kahit anung mga irrelavant na issue sa wall ng iba:

WhiteAngel Post : “My gas,ang ganda ng araw ko ngayon.GBU all..”

view 65 more comments…..

Kupal A: Hahaha uu nga pucha ansaya ng reunion na yun the best ever!

Kupal B:Lol Musta na pala si misis mo?Balita ko nagpa raspa ulit last week?

Kupal A: Ayos pre!Mapula pa yung ihi ni misis pero pag malinaw na,score ulit!hihihi

Kupal B:Bangis talaga!Yung bunso ko nga may buni sa singit,may alam kang gamot?

Kupal A: Pahiran mo ng dagta ng virgin na kakawate…

WhiteAngel: OMG!Kaka online ko lang!!Anu tong mga Pu@#$%^&#@!!%$ nyu talaga!!!!

11.) Thou shalt not “share disturbing videos & pictures”-Talamak na sa social media ngayon ang mga impormasyon na may temang violence at sex.Wag mo nang tangkilikin pa ang mga videos o pictures na nagpapakita ng terorismo, wasak na katawan,picture ni Justin Bieber at yung video ng friend mo na nag-sising along mag-isa.Wag na nating tulungang kumalat pa yung mga ganyang walang ka susta-sustansiyang bagay;lalo na yung video ng friend mo na nag-sising along mag-isa.

12.) Thou shalt not “open your account if your under the influence of alcohol”-Maraming posibleng mangyari kung nakainom ang isang tao.Ayun sa research na ginawa ng PNP,8 out of 10 na facebook related crime sa bansa ay nag-ugat sa simpleng inuman; Okey, yung totoo inimbento ko lang yan at wala talagang naganap na actual research.However,kung manginginom ka,alam mong may basehan yang statistics ko.Ilan sa mga ginagawa ng lasing ay:

a.) Mag popost sila ng status na; “You know what? I’m done with hiding myself from you guys. Staying in the closet for this long has made me attention-thirsty. NOT ANYMORE BITCHES! I’M GAY!” 

b.) Mag dedeactivate ng account.Tapos kinabukasan,hindi na alam ang password.

c.) Mag popost ng ganito “Paalam na friends.Hirap na ako.Tatapusin ko na ang buhay ko!”.Then pagnahimasmasan, mag popost uli ng ganito “Sorry sa lahat ng nasaktan ko,lasing lang kagabi lolzzz”.Sayang,natuwa na sana kami eh 😦

“Teka teka,taympers,nasusuka na ako……(censored to the maximum level)”.Matapos kung mailuwa pati ang atay ko,tumingin ako ulit ako sa mukha niya.”Pero bakit ako yung.…………” .Hindi pa natatapos yung tanong ko nang biglang nalang siyang nawala.Dun ko lang napansin na nakakarami na pala ako ng nainom at nakapag post na ako sa pesybuk ng isang album ng selfie at tinag ko pa lahat ng mga kamag-anak ko.Na i-like ko na din yung picture ni Justin Bieber,binaliktad ko na yung pangalan ko sa peysbuk,nakapag padala na ako ng invitation ng farm heroes sa 120 random friends ko,nakapag status na ako ng “anu sapakin ko liver nyu eh!!” (ni-like ko din) at mag dedeactivate na ako ng account……..

—————————————————–RIP———————————————————–

*in memory of Tita Bing Suplido Cruz

Advertisements

3 thoughts on “THE 12 COMMANDMENTS OF FACEBOOK Feat. Mark ZuckYourBird

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s