ANG 15 “BOOM PANES” NA STATUS SA PEYSBUK!


FB_Story

Psssst Pogeee!”…Pupungas-pungas pa ako ng mga sandaling yun nang narinig ko ang isang maliit na boses  na para bang nalilibogan sakin.”Anu beh?Istorbo naman!Ang aga pa eh!” ang pasuplado kong sagot.”Check mo na status ko” sabay turo nya sakin sa Log-in.Bagamat inaantok pa ako ng mga oras na yun,tila ba may kung anung puwersa ng kadiliman ang tumulak sakin na itipa ang aking mga daliri sa keyboard.”Welcome to Facebook” ang pambungad niya.Mabilis kung sinipat yung napaka guwapo kung profile pix.”Paking tape,ganun pa din,bangis talaga!” ang pabulong kong sabi sa sarili ko.Biglang lumakas ang hangin kasabay nang pag tayo ng mga balahibo ko at parang maririnig mo yung alulong ng mga aso sa labas.Ngunit nakatingin parin siya sakin at walang kaabog-abog na nagtanong ng  “What’s on your mind?“.Natigilan ako ng bahagya, sabay flex ng muscle…..

Sa loob ng halos anim na taong love-hate relationship namin ng peysbuk,nagkaroon ako ng 1,245  na friends at may 43 pending request.Sa 1,245 na yan,nasa 60% lang talaga ang kilala ko at 40% diyan make-out make-out lang.Roughly 30% sa kabuang bilang ng peysbuk friends ko ang active users at kulang-kulang isang daan lang ang bumabati sakin tuwing birthday ko (sad).Therefore out of the average number of your facebook friends (1,200/person),almost 8% lang diyan ang talagang nagmamahal sau and the rest panget ka na sa paningin nila.Sa araw-araw nga na pagboso ko sa news feed,nakabuo ako ng mga makabagong karakter sa mundo ng world wide web.Kung isa ka sa mga nakasulat sa ibaba…..patawarin ka nawa.

Ang 15 “Boom Panes” na Status sa Pesybuk:

1.)Selfie Overload– Ito yung mga babaing may mala-anghel na mukha sa nakaka-umay na katawan.Lollipop kung tawagin ng iilan.Pag nag post to sa FB,isang album na puros mukha niya lang ang makikita mo mismo!Sasakit ang batok mo kakatitig sa matataba nyang pisngi.

1st pix-nakaharap na parang nag hahamon ng suntukan

2nd pix-naka side view (kagat labi)

3rd pix- yung mukhang naubusan ng kanin sa kaldero (filtered)

4th pix-naka suot ng helmet (filtered!)

Ganyan tayo eh!...

Ganyan tayo eh!…

2.)Da Nerve Post- Ito naman yung mga bebot na may uber oozing self-confidence na mag post ng mga sexy pix kahit walang karapatan!Lahat ng anggulo mahalay at tipong ikaw nalang ang mahihiyang tumingin.Parang may nakadikit na malaking karatula sa noo nila na “for sale:kuyukot na maitim“.Ilan sa mga posted pix nila ay may caption na ganito…

Me,myself and I..

Ako at ako lang…

Sexy ba?jejejeje…

Walang magawa (no bad comments please jejeje)…

Walang himala!!...

Walang himala ate!!…

3.)The Douchebag- Male counterpart ng pinagsamang selfie overload at Da Nerve post ng mga kababaihan.Sila yung mga lalaking health conscious na mahilig magpakita ng nagagalit na utong sa mga news feed natin.Madalas din silang kumuha ng selfie pix sa gym at habang nag wo-workout.Ito lang ang masasabi ko diyan sau pre….”ANG PANGHI MO!!!“.Ilan sa status na ginagamit nila ay..

Need motivation to go to the gym today…

It’s a cheat day for me:-)

I’ve just bought a copy of Men’s Health Magazine #collection

4.)FML (Fuck My Life) Post- Ang mga taong nung nagsaboy ata ang langit ng kapangetan este ng problema sa mundo,gising na gising at nakalaklak ng cobra energy drink. Ito yung mga generic na banat sa fb na palaging malungkot at walang kasusta-sustansyang basahin.Minsan naman tila ba nagpaparinig sa kaaway at kung makapag-hamon kala mo kakain ng dalawang buhay na baka.Pero pag hinarap mo sa personal,mas mabait pa kay hello kitty.

“Haaaaay buhay”….

“Gusto kong mapag-isa!Deactivate my facebook in  5…4…3…2…”

“Ang kapal ng mukha mo!Wag kalang papakita saking inamerts ka!!”….

“Zzzzzzzz”

“———————–”

BOOM PANES!!...

BOOM PANES!!…

5.)Noah’s Apprentice-  Also known as “the greet flooder”. Sila naman yung   halos   every minute kung mag update ng status sa FB.  Random thoughts,daily,activities,routines,music,movies,qoutes, showbiz you name it at lahat yan mababasa mo sa news feed mo maghapon.Pag may laban si Pacquiao,kahit hindi kana mag subscribe sa pay per view dahil i-uupdate ka niya blow by blow!Ganun katindi!Network service lang at brownout ang tanging makakapigil sa mga hindot na to!Narito ang ilan sa mga status nila…

7:10am: good morning pipz…

8:15am: grabe trapik!..

8:45am: OMG late na ako…

10:32am: is feeling sexy today…

11:30am: Lumunok ng laway,mga tatlo…

1:30pm: Hinangin yung bangs..

6:40pm: is watching MMK

6.)ODA (Online Display of Affection)– Ang virtual na lampungan at tampuhan ng mga mag syota sa facebook.Ito yung status na naglalaman ng kanilang monthsary, kilig moments at ilang juicy details na wala tayong pakialam at  hindi naman nakakatulong sa pagbaba ng unemplyoment rate sa Pilipinas.Ang ipagsigawan mo sa mundo na mahal mo ang isang tao ay isang napakatamis na bagay.Pero ang gawin mo to araw-araw sa news feed namin?Three words; Get A Life!

“Ay labyu so mats mameh!! with (insert name here) “…

“is feeling loved ❤ with (insert the F*ckin name here)”…

Saktan na yan!!..

Saktan na yan!!..

7.)The Confused- Ang hot chick na mahilig magpaboso sa ibat-ibang parte ng katawan niya  and then for some reason,susundan ng mga post na bible verses.Yun bang akala mo eh dual ang citizenship na gamit.Minsan Maria Clara,tapos minsan naman Maria Ozawa.Ohh anu ba talaga ate??Kinu-confused mo kami eh!

“Boracay Escapade Hotness Overload” (kita ang dyuga,singit at lamang loob)

“I can do everything through him who gives me strength”-Phil 4:13

“Pisti nyu mga chizmosa!Hindi ako kabit ui!”…

8.)The Forever Alone- Noah’s apprentice version 2.0. Ang mga NBSB (no boypren since birth).Kung anung ginanda ng kanilang karera sa trabaho,tila ba isang malaking kalokohan naman para sa kanila ang salitang “pag-ibig”. Present sa lahat ng gimik ng opisina,retreat sa tagaytay at walang pinalalampas na movies o teleserye.Karamihan sa kanila ay mahilig kumain at pet lover.Katunayan niyan,halos karamihan sa mga pix nila eh may  kasamang tutang naka jersey o pusang pinag suot ng pink na leggings.Ilan sa mga status nila ay..

“Single (adjective)-Too fabulous to settle”-Mandy Hale

“Sinu gustong sumama manood ng sine?”..

“RT:Guys yung totoo,panget ba ako?” …

9.)Doombringer- Naranasan mo na ba yung sobrang ganda ng araw mo?Tipong na dengue ang boss mo then may fire drill pa sa opisina nyu?Tapos pag bukas mo ng facebook ,magugulat ka nalang na naka-tag kana sa isang nakakakilabot na throwback pix na wala kang kalaban-laban?Yung pix mo nung hayskul kung saan suot mo pa yung paborito mong kupas na kulduroy at maitim lang ng bahagya sau yung sarili mong anino.Then na highlights pa yung tulis ng baba mo.Sa sobrang talim,puwedeng ipang-buriki sa sako ng bigas.

“Throwback thursday…batch paki-tag nalang yung ibang wala diyan buwahahaha!”

“Before and After pix”….

10.)What The Fuck Post– Ito yung  hinayupak na nag popost ng mga mega out of this world na status.Aakalain mong tigahatid ng mensahe mula sa mga tiga ibang planeta.Siya lang mismo ang nakaka intindi ng mga sinasabi niya at kahit gawin mo pang tongue twister ang post niya hanggang sa mabulol ka eh hindi mo magegets!

“bakit p page intrisan ang cp q bakit cp q wla tuloy aq cp gmit evryday pahelp aman tionkkzz!”…

“hahaha natawa naman ako”…

“eEoWpFhUeEhsxz pfHoe uZtaH phOw kEo?IAbqCkyOuHh jajaja!”

11.)Power Hashtag User-Isang homo sapiens na pinanganak atang may galit sa pag gamit ng #number sign at sobrang inaabuso ang power ng hashtag sa facebook(kung meron man).Mag uupload sila ng isang larawan na may isang caption at merong dalawpung hashtags or more depende sa trip.Wag naman sanang ipahintulot ng diyos na gamitin pa ng mga jejemon ang hashtags,kundi aahitin ko na ng sabay ang dalawang kilay ko in public,pramis yan!

Pix uploaded : Babae sa dagat

Caption : “Went to the Beach!”

Hashtags: #OMG#Sun#Tanning#Superinit#Ocean#Water#Jellyfish#Corals#Fish#Fisherman#Aquaman#Bioman#Bikini#Bra#Swimsuit

#Towel#Icecream#Shells#Sunscreen#SPF40#Hats#Boats#Bananaboat#Sand#Whitesand#Beachball#Instamag#

#Instagramshit#Pakingshit#Pinayhot#Tuyongdyuga

#KakalurkeysasobrangdamingHashtagsAlamkongmukhakanangAbnormalmagbasangmgasinusulatko#

12.)Conyotic- Oh em gee,why ba kasi may mga conyo sa facebook?Sila yung pag-nag post ng status,pa sosyal ang epek na minsan nagmumukha ng retarded. Hilig nilang i-broadcast sa lahat na nagkakape sila sa starbucks,bumili sila ng pang ahit sa ganitong lugar na may ganitong tatak,may bago silang mamahaling gamit at nanonood sila ng sine sa IMAX.Kung tatanungin mo ako kung anung kontribusyon nila sa biodiversity ng mundo,eh hindi ko din alam.

“You’re making me inggit naman..I’ll make bili nga ng new iphone “..

“I know right! the aircon, it’s, like sira, so init!”…

“What ba?Stop nga being maarte noh”…

“Eh as if you want naman also diba?”…

13.)The Messiah- Facebook friend mo na nagpopost ng  mga nakolektang tseke tuwing biyernes at nakaka inspired na mukha ng tao na may hawak na sandamakmak na pera. Isang propeta na bumaba galing sa bundok ng pusang gala na may misyong payamanin ang lahat ng tao sa Pilipinas.Pakainin ang lahat ng nagugutom at nauuhaw.Ang sagot sa kahirapang hindi kayang solusyunan ng matatalinong paham sa gobyerno.

“Kung bibigyan ka ng pagkakataon na sa halagang 50 pesos ay magkakaroon ka ng sarili mong negosyo na maaring kumita ng mahigit 500K,di mo ba susubukan kung papaano?”

“Hahatawin mo ng 1year ang superduperwealth69 online at madami kang ihaharvest…”

“Grabe talaga ang Orgy Global,in just 2 months,napagawa ko na ang dyuga ko,tatlo na siya ngayon…Power!”…

14.)Epic Post- Mga feelingera/feelingerong mortal na madalang lang mag post ng status sa fb pero imported ang tabas ng dila.Trying hard gumamit ng wikang ingles kaya kadalasan karambola ang spelling at grammar.Unfortunately,wala pa tayong batas na puweding ikaso sa mga nilalang na to.Yun bang pag mali ang spelling,puweding kasuhan ng 2 counts of murder o di kaya pag mali ang grammar,tatapyasin ang dalawang utong tapos ipapalaman sa pandesal.Dont tell me ako lang ang naka-isip ng ganyan?Magtagalog nalang kasi!

Poise-poise din if may time…*pose

Finally we meat again! ….*meet

I used to be conceded,but now i’m perfect….*conceited

No affence,but you ass whole! I’m a girl,and yes,but i’m probably smarter then you!…*pakyu ka!

epic pala huh...

epic pala huh…

15.)The Chosen One- Kabilang sa kingdom mamalia na pinaniniwalaang nabuhay sa earth crust sa gitna ng biosphere isang dekada bago isilang sina Miley Cyrus at Justin Beiber.Ang pogi at maganda na peyborit ng mga netizen.Sa dami ng likes at comments tuwing may wall post,aakalain mong isang sikat na celebrity endorser.Kahit mag status lang siya ng “hinawi yung bangs pakaliwa”,sandamakmak ang may pakialam kung bakit niya hinawi ng pakilawa at hindi pakanan o patagilid.Ito yung mga critically endangered species na hindi natatakot sa stolen pix,throwback thursday at wacky face.Sinubukan ko dating mag selfie (wacky face) habang kumakain ng kamias,nagmukha akong tiyuhin ng isang kalabit-penge gang:-(

Ang peysbuk ay parang pag-sasaing mo ng kanin sa kaldero,laging mong binubuksan at tinatakpan,inaantay mo kung may mangyayaring maganda at hindi maganda.Ang lugar na kung saan lahat ng panget,nagiging photogenic.Lahat ng relasyon,nagiging perpekto.Lahat ng demonyo,nagiging santo.Lahat ng bobo,nagmumukhang may alam at matalino.Ang lugar na puwedi kang makahanap ng pag-ibig,kaibigan at kaaway.Tila ba lahat nag-uunahan sa atensyon at kasikatan.Isang makabagong mundong lunod sa impormasyon at showbiz chika………….”Pssst poge may mensahe ka” ang sabi niya sakin.Dali-dali kong binuksan ang inbox ko at laking gulat ko nang binasa ko “#HeLouwH.,!GuD #aFpternun PfOuHh,.#QamuxZta,?SzorRieEeiY PfOuHh.AhNhOuh PfOuHh…..”……LOG-OUT!!!

 

————————————————-RIP—————————————————

 

 

 

 

Advertisements

6 thoughts on “ANG 15 “BOOM PANES” NA STATUS SA PEYSBUK!

  1. one word.. awesome!!!
    dami kong utut nung binasa ko to, hahaha
    kita ngala ngala ko habang tumatawa.
    great job master.

    • nung sinabi mong “utut” nalungkot ako dahil its either beki ka or lalake na mahilig mag gym…hindi ka babae dahil kung babae ka pede mo akong i add sa fb…pero kung yun pareho taung nagpapagpag,kiss nalang kita muaaah!thank you

      • hahaha beki agad.. di rin naman ako nag ji gym, bahala ka master pero aliw talaga ako sa mga post. waiting for your next.. mwaahhh

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s