Top 20 Weirdest Pinoy Superstitious Beliefs


hqdefaultMatapos ang medyu matagal tagal kung pananahimik sa mundo ng showbiz este internet,ito nagbabalik na ulit si machopapa!Kahapon habang kumakain ako ng fish that is sealed in an airtight container and was sterilized under high temperature mixed with the finest ingredients like salt,corn oil,pepper or yung mas kilala sa tawag na sardinas,tumaas bigla ang testosterone level ng katawan ko.Alam mo yung feeling na parang ni-wre-wreck ni Miley Cyrus yung magkabilang balls ko habang gumigiling si Bruno Mars sa awiting treasure,ganun eh!Kung kabilang ka man sa contemporary subculture ng ibang bansa,o di kaya isang babae na mahilig mag post ng selfie sa facebook, o isang jologs na naghahanap lang ng random porn sites sa google,eh tamang tama ang mga blog ko para sau.Ngayon,kung ikaw naman yung tipong boring ang buhay,laging nag seself pity,virgin since birth,kinikilig kay Justin Beiber at hindi open minded,maaari mo nang pindutin ang new tab sa browser mo at manood ka nalang ng mga tutang nag uusap sa youtube.Moving on…

Yup,mababaw lang talaga ang kaligayahan ko sa buhay..

Yup,mababaw lang talaga ang kaligayahan ko sa buhay..

Kasabay ng tindi ng sikat ng araw dito sa kaharian,tumitindi din ang sex appeal ko.Parang global warming sa lupet.Gusto ko tuloy maligo sa dagat!Kaya wag nyu akong iinggitin diyan sa facebook lalo na yang mga kuha nyu sa boracay  habang may naka-kandong na dalawang babae  dahil baka puksain ko kayo ngayon sa kinauupuan nyu.Kung may pakialam ka sa lipunan mo,alam mong malapit na ang mahal na araw pag ganito na katindi ang buga ng haring araw.Dahil nga panahon ng kuwaresma,naisipan kung mag penitensya guys.Hindi nga lang yung katulad ng mga napapanood nyu sa tv na pinapako sa krus sa pampanga o yung mga nagpapahiwa ng blade sa likod,so messy!Kinuha ko lang naman yung mga sipit sa sampayan namin kanina tapos inipit ko yung dalawang utong ko hanggang sa mamula.Awwwts!

Korak sister!

Oh diba?hihihi

Speaking of penitensya,hindi yan ang laman ng blog ko.Tuwing holy week kasi napag-uusapan ang mga anting-anting at ilang mga pamahiin.Tutal wala naman akong masyadong gimik ngayong summer,naisipan kong gumawa ng listahan ng mga pinaka nakakatuwa or pinaka weird na pamahiin ng mga pinoy.Yung iba diyan talagang mapapakamot nalang kayo sa ulo.Halika,bosohan na natin….

Top 20 Weirdest Pinoy Pamahiin:

1.)Kapag pinalo ng buntis yung isang hayop,ganun din magiging mukha ng anak niya- Kung nagulat ka sa nabasa mo at narealized mo bigla na sana hindi nalang talaga nag alaga ang tatay mo noon ng mga iguana,sad to say eh huli na ang lahat para sau. Ngayon alam mo na kung bakit at hindi ko na din kelangan i-explain,,,,labyu!

2.)Kapag panganay na anak ang bibinyagan,dapat lolo o lola ang pipili ng pangalan- Magkakaroon daw kasi ng masaganang buhay ang bata. Kaso papayag ka ba na Luningning Pala-pala ang ipapangalan sau? O kung malakas mantrip lolo mo,papangalanan ka niyang Agatha Biglangbuka.Then yung apelyedo nyu Sabaytira.

3.)Ang sinumang makakuha ng panyo na ginamit pantali sa ulo ng patay ay makakapagnakaw ng hindi nahuhuli- Na tetempt akong subukan to sa totoo lang.Kayo ba?Pag may hawak kang ganyang panyo,talo mo pa daw yung pinagsamang anting-anting ni Nardong putik at Ben tambling.Yup,kahit bangko sentral kaya mong pag nakawan.Hindi siya detectable ng CCTV,scud missile at k9.Maliban sa isang  timbang tubig na puno ng kutsilyo na ilalagay lang sa likod ng pintuan at presto,mawawalan ng bisa ang panyo.

4.)Kapag may eklipse,dapat lumabas ng bahay ang buntis para di maging abnormal ang junakis niya– Kaso nakatulog nanay mo nung araw na yun.Puyat daw,galing sa saklaan kena mayora.Tinanghali ng gising pre eh.How puta diba?

5.)Kapag hinalikan ang sanggol habang dumudumi,babaho ang hininga neto paglaki-Tipong pag nagsalita daw yung bata kala mo may umutot sa paligid.At kahit ihalo mo pa sa kanin yung colgate,hindi eepekto.Ganun katindi!Pero kung di mo matiis na di halikan si bebe,i strongly suggest na dilaan mo nalang.

Yan ganyan ka mismo paglaki..atleast may bangs

Yan ganyan ka mismo paglaki..atleast may bangs

6.)Bawal mag pa litrato ng tatloYung nasa gitna matsutsugi,tapos yung dalawang nasa gilid na naka backless na medyu mahaba ang baba…mga panget,chos hahaha!Ewan ko,pero gawa gawa lang daw to ng mga photographer noong araw para makadami sila ng mako-kodakan.

Tinamaan ka ba?Para sau yan ate hehe

Tinamaan ka ba?Para sau yan ate hehe

7.)Ang isang biyuda na hinaplos ang mukha ng kanyang patay na asawa,ay siguradong mag-aasawa uli- tingin ko diyan ganito yung sinasabi ng biyuda sa namayapa niyang mister ” Dear,mag-iingat ka sa biyahe huh.Wag kang mag-alala,nandito naman lagi si kumpare mo eh.Sabi pa nga niya,pagkatapos na pagkatapos ng libing mo daw eh pupunta kami agad sa hongkong.It’s kinda awkward nga eh but im so excited na. Siya nga pala,yung panganay natin si Usher,hindi ikaw ang ama nun.Si Ramon,yung hardenero natin na pinalayas mo last few months.Tapos yung bunso natin si Kylie, si Bertong tubero naman ang tunay niyang ama…..(hikbi).”

8.)Mamalasin ang sinumang magsusuot ng baligtad na medyas- teka,bat mo naman gagawin yun diba?Unless medyu engot ka rin at isa lang ang pair ng medyas mo for the whole week.Push mo lang yan!

9.)Bawal maligo pagkatapos maglaro,mapapasma- naaalala mo pa siguro to nung lagi kang sinasabihan ng tatay mo na wag munang maliligo pagkatapos mong maglaro ng patintero at monkey monkey annabelle.At dumating ka din ba sa punto ng buhay na naitanong mo sa sarili mo ang “pucha,sinu ba si annabelle?meron ba talagang nag i-exist na blue black sheep?”…di nga seryoso?..

10.)Gawing unan ang libro pag matutulog,nakakapag patalino- Sinu ba naman kasing abnormal na tao ang hindi gumawa neto dati?Aminin mo man sakin o hindi,na try mo na to minsan gawin sa bahay nyu.Iipitin mo sa ilalim ng unan mo yung libro na mathematics tapos sasamahan mo ng dasal na  sana matanggal na din yung mga tigidig mo sa mukha.Ang cool sa part na yan ay yung the moment na marerealized mong hindi pala siya cool.

11.)Kapag naligaw ka sa kagubatan,baliktarin mo lang iyong damit para makita mo ang tamang daan pabalik- Pinauso lang to ng mga mountaineers na gustong makipag orgy sa ka-group nila (na may abs) at gustong makipag hook up sa random strangers/animals sa bundok.Isama mo na din diyan yung mga elementong hindi nakikita tulad na white lady,kapre,tikbalang,buni sa singit,alipunga sa pisngi,keloids sa gums.

12.)Kapag lumabag ka sa batas trapiko,halikan mo ang iyong daliri at himasin mo ang bubong ng iyong sasakyan- Bakit?Para daw hindi ka mahuli ng pulis.Pucha dapat matagal na tong ginawan ng campaign ad sa tv eh.Gawin nilang model si Empoy.Nakasakay siya sa austin mini coop habang sinusubo ni Anne Curtis yung hinlalaki niya tapos pahimashimas sa bubong ng sasakyan sa may Edsa.Ewan ko lang kung tiketan pa yan ng pulis.

Kahit si Mask Rider hindi nakakalusot sa MMDA

Kahit si Mask Rider hindi nakakalusot sa mga tiga MMDA 😦

13.)Hindi mahusay manghuli ng daga ang pusang ipinanganak sa buwan ng Mayo- Talaga?Ahh baka may ibang talent yung mga pusang ipinanaganak sa buwan na to tulad ng pagko-cross stitch at pag-papak ng isang pakete ng racumin..

14.)Ang pagreregalo ng arenola ay buwenas sa bagong kasal- Sabagay,mas makakatipid ka nga naman diba.Humanda ka nga lang,dahil may karapatan ang bride na ipukpok sa ulo mo yung arenola na niregalo mo.Kunat eh!

15.)Kapag may nahulog ang tinidor o kutsara habang kumakain,may bisita-kung tinidor ang nalaglag,lalake yan.Pag kutsara naman,babae daw yan.Pero pag kutsilyo?Naku,biyenan mo yan!

16.)Iwasang lumapit sa kulungan ng mga baka pag masama ang panahon,dahil ang mga baka daw ay nakakaakit ng kidlat- Mas maganda sigurong itanong diyan kung anu ang ginagawa mong animal ka sa kulungan ng mga baka pag ganyang kasama ang panahon?Tinotropa mo ba sila? Oh may maitim kang balak hihihi?Alin man diyan sa dalawa ang isasagot mo sakin,tamaan ka sana ng kidlat!Landi mo!

17.)Di baleng matapon na ang bigas,wag lang ang alak- For some reason,kelangan ko tong isama sa entry ko.Parang kang nagkukuwentu ng magagandang love story na napanood mo tapos hindi mo sinama yung Titanic,ganun!Kung pamahiin man to,diyos lang ang nakaka alam ng lahat.

Ouccch! hahaha

Ouccch! hahaha

18.)Bago ka dumaan sa malit na burol,kelangan humingi ka muna ng pahintulot sa mga engkanto- Para daw hindi ka magkasakit o malagas yang buhok mo sa kili-kili.At bakit ka naman dadaan sa maliit na burol diba?Anung gagawin mo dun?Unless nag so-soul searching ka.Unless may ka komperensiya kang mga tiga ibang planeta.Unless kasama mo si Jessy Mendiola.Unless…

19.)Bawal magpahangin pag may bulutong tubig-chicken pox to sa english at sa wikang latin eh hindi ko alam.Pag nagpahangin ka daw,mas lalong kakalat sa katawan mo yung bulutong.Wow hanep!Kaya dapat ikulong mo yung sarili mo sa karton tapos naka packing tape para wala talagang hangin.O kung di naman kaya,pagkasyahin mo ang sarili mo sa lata ng minola.Paano?Try mo i-search sa google tapos yung key word ay “how to become an idiot in 5 seconds”..

Parang may blackhole noh?Parang anytime hihigupin ka eh hihihi

Ganito itsura ko minsan pag na i-stress ako hihihi

20.) Dapat palitan ang pangalan ng sakiting bata – ito ay para daw malito ang espiritung naghahatid ng sakit. So kung dati ang pangalan mo ay Corazon Pante at lagi kang tinutubuan ng kalyo sa ulo,palitan mo na yan. Gawin mo nang Corazon Bagonggahasa para ma-confused ang espiritu. Garantisado or get your money back.Limited appointments available.So hurry,call now!Just dial 8-7000 toll free!But wait,there’s more! 50 first callers will redeem a calorie fit assessment and will have a chance to get a free pantakal ng kanin na made in china.Tawag na!Chos!

Ang mga pamahiin nating mga Pilipino ay nagdulot ng malaking impluwensiya sa usapin ng kultura,pag-ibig,pulitika at maging sa pang mga araw-araw natin na gawain.Wala man itong lohikal na basehan,itoy pamana pa din sa atin ng mga ninuno natin.Para silang pinastol na mga baka sa mga paniniwalang ito.Hindi naman daw masama o wala naman daw mawawala kung susundin nalang natin ang mga pamahiing ito.Pero tingin ko,medyu badboy din talaga yung kukunin mo yung panyo na nakatali sa ulo ng patay….tingin nyu?

———————————————-RIP———————————————————–

P.S-Dahil naka limang tawa ka naman sa blog ko,check nyu naman to  https://www.facebook.com/shopzula

.

 

 

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s