BAKIT HINDI KA CRUSH NG CRUSH MO?


7262369-256-k185958Mabuhay!Kumusta kayo madlang people?Medyu matagal-tagal din pala akong nawala noh?Para na ngang regla ang blog ko ngayon,once a month nalang nga,delayed pa.Hirap pala magsulat pag naka-palibot sau lahat ng kasiyahan mo sa buhay.Pagpasensiyahan nyu na po ang inyung abang lingkod dahil sa madalas din na ulan dito sa Pilipinas,pati utak ko inaamag na.Kasabay niyan,lunod din ang puso ko.Dapat sakin ina-isolate sa isang isla tapos may kasamang 10 long legged na babae eh,charing!Lately,panay inom ang inaatupag ko.Kaya feeling ko namamatay nanaman ang mga batang cells sa utakels ko.Bukod kasi sa sabong at korupsyon,inuman pala ang tanging libangan dito sa aming crazy funky town pag sapit ng takipsilim.So pag-nakakainom ako,tatlong bagay lang naiisip ko;yung mukha ng kainuman ko,yung unlimited rice ng mang inasal at si Ramon Bautista.Oo tama ka!Crush ko si Ramon Bautista pero hindi niya ako crush.Ang hot niya kasi lalo na nung sinulat niya ang book niya na may title na “Umpugan ng Itlog sa pagitan ng Dalawang Hita” este mali pala!Yung book na “Bakit hindi ka Crush ng Crush mo”.Hindi ko pa siya nababasa pero mukhang patok dahil ginawan agad ng movie eh.So gagawan ko ngayon ng blog.Nag-aantay nga ako ng producer na mag-i-email sakin para gawan naman namin ng movie together with  Anne Curtis yung tungkol sa true to life sex story ni machopapa.Kaya tuloy napi-pressure akong magpaganda ng katawan ko ngayon.Para just in case,hindi naman magmumukhang nakikipag-lips to lips si Anne Curtis sa isang puno ng bayabas.

ka-double ko sa movie..poge eh!

ka-double ko sa movie..poge eh!

Naalala mo pa ba yung crush mo dati?Buhay pa ba este single pa din ba?Baka inaantay kalang?Tsaka bakit kaya pag-crush mo,sobrang nahihiya ka?Nakakataranta at parang gusto mong mag-evaporate pag palapit na siya.Pero aminin mo man sakin o hindi,iniisip mo siya ngayon?(At nag wewet kang animal ka hehehe!).Parang isang nostalgia na senemento na ng panahon at inukit ang mga titik hanggang sa lapida mo.Kumbaga,makalimutan mo na yung pangalan ng asawa mo,pero yung crush mo nung hayskul,hinding-hindi.Yung tipong nagdadasal ka pa dati na sana sayo mapunta ang test paper niya tapos mag-lalagay ka ng “corrected by” na may kasamang drawing na puso.May mamaliin kang isang number para lumapit siya sayo o paconcerned epek ka na sasabihin mo  “pssst mali yung sagot mo,palitan mo nga,kainis ka ba eh”…Ayiiiiiii gawain ni ate oh.Yung mag-ooffer ka pang ikaw nalang ang mag-sulat sa notebook niya kasi maganda ikamo ang sulat mo pero sa totoo lang,halos mamatay kana sa kilig pag nahahawakan mo ang notebook niya.Yung umaasa ka na sana ka-group mo siya sa cleaners para sabay kayong umuwi sa hapon.Pasimple mo ding pini-FLAMES yung pangalan nyung dalawa at pinipilit mong M-marriage ang kalalabasan.Tinry kung i-FLAMES yung crush ko na teacher dati.Tangina,marriage lagi ang lumalabas saming dalawa.Napapaiyak ako sa kilig nun.Ngayon,nakaka-dalawang asawa na siya.Yung una niyang asawa,kubrador ng huweteng,nalunok yung pustiso,patay.Yung pangalawa,hapones naman.Kaso pustiso din pala ngipin.Ayun patay pa din.Tapos nakaraang-araw nag message siya sa fb ko sabi niya “Hi,nakabalik kana Pinas?Dalaw ka naman dito sa school”.Sabi ko naman “Bungal ako mam.Pakyu!”.

so true!ang sad noh?

   so true para kay ate!ang sad noh?

Nagkaroon pa ako ng isang crush nung hayskul kaso ahead na siya sakin.Tuwing nagkaka-salubungan kami,susko po,para akong nauutot.Yung feeling na soulmate mo kasi lagi kayong nagkikita ng hindi sinasadya sa isang buong araw.Tapos magtama lang ng tingin ang mga mata namin,para akong dinuduyan sa crib habang tumutugtog yung kantang “bawal na gamot” ni willie garte.Mukha pa akong watusi at kempe pa yung buhok ko nun,kaya nahihiya din akong lumapit sa kanya eh.Mababa pa ang moral ko nun sa buhay.Wala pa din akong pandesal sa katawan,iniipit ko lang yung kunting taba sa tiyan ko para magmukhang abs.Tanda ko pa nun,napapa bulong ako ng mahinang “ohmyghed” tuwing nakikita ko siya sa hallway ng eskuwelahan.Imaginin mo,sa isang araw mga 10 beses ko siya makita,so nasa 10 “ohmygheed” ang nasasabi ko.Sa one week,nasa 70 ohmyghed’s na yun.In one month,more or less nasa 280 ohmyghed.At sa loob ng isang taon,pumapatak na nasa 3,360 ang ohmygheed’s niya sakin alone.Tapos malaman-laman ko may bf na pala ang hindot!Kaya simula nun,hindi na “ohmyged” ang binubulong ko kundi.. ”putangina panget ng bf jusko po” ang paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko hanggang sa maka-move on ako.Kaya bigla ko tuloy napagtanto na,bakit kaya ganun?Pag crush mo,10% chance lang na crush ka din niya  in return?10% kasi 90% panget ka sa personal.At kung sinu pa yung mga taong hindi mo gusto,sila naman yung umaaligid at nagpapapansin sau.Pero yung taong gustong gusto mong makasama,deadma ka.Bakeeet??Kasama ba to sa tinatawag na balance of nature?Isa ba tong sign na talagang nag-eexist ang illuminati?Cruel world!

Bakit hindi ka Crush ng Crush mo?

 1.) Taken na-lunod si crush as in bumubula pa ang bibig sa kandungan ng kanyang dyuwa at wala kang pag-asang mapansin unless madami palang kati sa katawan itong si ate at gusto ding magpakamot,eh di ang saya-saya diba.

2.) The Looks– Nuknukan siya ng kagandahan tapos sobrang panget ka naman.Korteng biskwit ang mukha mo at ang kulit-kulit mo pa.Ayaw mong paniwalaan ang mga friends mo na kalalaki mong tao eh medyu hawig kayo ni Oprah Winfrey.Sa asim nga ng pagkakatabas sa mukha mo,minsan kala ng ibang tao lagi kang may nginunguyang kamias.

 3.) Bling bling-Sa panahon ngayon kung saan usong-uso ang baha,food supplements,pork barrel,si janet napoles at si machopapa eh hindi na sapat na good looking kalang.Dapat matambok na din…ang bulsa mo.Hindi ko nga alam kung sinung hijo de putang nilalang na nag-pauso ng double standards na yan sa buhay.Look,sabihin nating nakakagigil talaga ang appeal mo,pero bambini lang naman pala ang kaya mong bilhin na pabango,kangkongan ka padin pupulutin eh.Pero kahit mukha kang katchupoy,pag naka kotse ka,nag-iiba ang aura mo sa mga kababaihan.Nagiging hot ka sa paningin nila.Yes,pera talaga ang totoong nag-papaikot sa mundo,hindi ang pag-ibig o si sponge bob.

 4.) Japorms-On the other hand,may mga tao naman na kahit mapera,madalas pa ding mapagkamalang holdaper tuwing sasakay sa jeep o mapagkamalang nagbebenta ng bolitas sa underpass.Hindi ka pa din mapapansin ni crush pag ganyan mga datingan mo.Sa madaling sabi,baduy ka.Hindi ka color coordinated at nagsusuot ka ng elephant pants at leggings  na camouflage.Dapat may signature ka pomorma.Yung simple lang.Kung hindi ka parin mapansin,try mo magsuot ng reflectorize vest na ginagamit ng MMDA o yung sa mga nagtatrapik na pulis sa Edsa.Pag yan eh hindi pa din epektib, its either mag saksak ka nalang sa puso gamit ang mongol pencil number 2 or hindi ka maligo ng 3 days tapos amuyin mo ang kili-kili mo,ganun.

 5.)Chossy siya– gusto niya mayaman,guwapo,mabait,tisoy,matalino at may sense of humor.Pero alam naman nating mga lalaki na katarantaduhan yan at masyado lang ilusyunada itong si ate.Kung sasabihin nya pang panget,mayabang,babaero na manyakis,eh 95% sa papulasyon ng mga kalalakihan ang tinutukoy niyan.May kasabihan nga na “kung di ka naman yummy,wag maging choosy”.

6.)Friendzone-hindi ka niya type.Hindi rin siya nalilibugan sau.Mas masarap kang gawing barkada,period.Ang masakit pa niyan,eh pag yung tingin niya sau eh nakakabatang kapatid na babae o yung tatawagin kang kuya.Bakit kelan pa kayo naging magkapatid?!Nasasaktan ako pag tinatawag akong “kuya” ng isang chiks eh.Yung feeling of rejection agad-agad.Kulang nalang sabihin niya “ulol!tanda mo na para sakin!at kahit anung gawin mo,hindi mo ako matitikman!”.Di ka ba malulungkot niyan?Ang stressful eh.

 7.) Feelingero ka-kung makapag-assume ka kala mo syota mo na siya.Excuse me,crush mo lang siya at wala siyang moral na obligasyon para i-textback ka or sagutin ang mga tawag mo oras-oras.Hindi kayo close yun lang yun.

 8.) Dakilang Stalker-bukod sa nakaka-irita na,nakakatakot pa.Wala pa akong nababalitaan sa TV patrol o napapanood na movies sa HBO tungkol sa isang stalker na pinakasalan ng babae or lalaking ini-stalk niya.Oo,minsan talaga nakukuha ko lang din sa mga pelikula yung mga logics ko sa buhay.Pero lately,madalas na akong manood ng cartoon network.Ang funny kasi eh.

 9.) Balasubas ka-nagkakamot ka ng bayag sa harapan ng parents niya habang nagkukuwentuhan kayo.Yung tipong kala mo may dinudukot kang uzi sa ilalim ng shorts mo.Hindi ka man lang nahiya at nagsabi ng “excuse me po,may kumagat lang na langgam sa balls ko tita”.Tapos lahat ng mga hirit mo na patawa eh flat.Kung gusto mong mainlove sau ang crush mo,dapat yung mga banat mo na jokes eh yung malupet at fresh.Yun bang kahit ibanat mo yan sa lamay,gugulong pa din sa kakatawa yung mga namatayan.

10.) Cheesy moves-nagpapadala ka ng love letter pero copy paste lang naman sa google.Yung chocolate na binibigay mo expired na last year pa.Tapos,yung bulaklak na bigay mo,recyled lang galing sa dangwa.Ang malala pa niyan,iniipitan mo pa ng picture na kita yung nipples mo.I mean who gives a shit sa utong mo?Meron din kami niyan pre,pink pa.Wag masyadong maligalig sa buhay.Nakakawala yan ng bahid ng pagkalalaki.Kahit si Piolo Pascual hindi ginagawa yan eh.

11.) Hindi kayo meant to be-sadyang hindi lang kayo para sa isat-isa.May mga bagay talaga na sadyang hindi puweding ipagtagpo ng tadhana.Kelan man,hindi magbabanggaan ang eroplano at ang barko sa karagatan.Kung barko ka,malamang barko din ang makakabanggaan mo.Ngayon,tingnan mo ulit yung facebook ng crush mo,mukha na ba siyang barko?Tapos tingin ka ulit sa salamin,mukha kang syokoy noh?naku!puwede yan!

 12.) Bakla siya-fatay!mahirap pa naman makipag-kompetensiya sa lalaki ate.Kakainin ka nila ng buhay.Okey lang kung kapwa babae mo ang kalaban mo eh.Kasi alam mong yung kahinaan ng asawa mo kaya mong tapatan.Eh kung kay kumpare siya naloloko?Ibang usapan na yun.Tingnan mo si Carla Abellana,panay nganga ang inaabot kay Dennis Trillio.Tapos narealize ko,bakit ba ako nanonood ng ganung klase ng palabas?Parang yung movie na Magic Mike yan eh.Enjoy na enjoy ka sa pag-giling ni Chaning Tatum,tapos huli na nang malaman mong hindi pang machong palabas yun,shit!

Hindi masama kung crush mo ang isang tao.Natural daw yan.Kasing natural ng pangungulangot at pag-utot mo sa public places.Isang ordinaryong bagay.Kasing ordinaryo ng pangungurakot ng mga lider ng ating bayan.Wag lang sosobra at maging obsession na.Dahil ang lahat ng sobra nakakasama.Kung hindi ka man crush ng crush mo,wag kang mag-alala,balang araw magmumukha din silang pinitpit na lata ng sardinas.Tandaan mo na bilog ang mundo.Kung di ka man niya pinapansin ngayon,malay mo balang araw,maka-move on ka na din.

—————————————-RIP—————————————-

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s