DEAR QATAR….


imageseeee

Dear Qatar,

Kumusta ka na?Yung mga Camel mo,may bago bang gig?Balita ko masyadong kang hot ngayon?Ako?Ito okey naman.Sumulat nga pala ako sau para magpasalamat at magpaalam na rin.Nagkasama din tayo sa hirap at kunting ginhawa sa loob ng 730 days-1,051,200 minutes-138,925,325 microsecond at umubos ng 1,460 tasa ng kape,365 gallons of mineral water,3 palapag ng eye bags,at balde-balding luha at uhog.Medyu mahaba-haba nadin pala ang pinagsamahan natin.Andami na ding nangyari sa buhay ko.Merong masama at meron ding mabuti.

Unang-una ,gusto kong magpasalamat sa matinding sikat ng araw na dinudulot mo at nagbibigay sakin ng Vitamin D na tumutulong para mapanatili ang matinding sex appeal ko.Salamat din sa mga pagkain mong mayaman sa protina at zinc na nagbibigay ng suporta para makapag-isip ako ng mga mahahalay na bagay.Pinasasalamatan ko din ang internet connection mo na kahit ubod ng kupad,pinapasilip mo pa din ako sa mga peyboret kong porn sites.Gayundin sa Eskinol dahil sa oil and blemish free ko na face.Salamat din at binigyan mo ako ng mga ka-opismate na tinuturing na heinous crime ang paliligo araw-araw.Dahil diyan,lumala ang sinusitis ko.

Pinapasalamatan ko din ang aking sponsor na century tuna sa binibigay nitong omega 3 fatty acids para ma-regenerate ang aking mga cells sa katawan.Isasama ko na din ang walang kamatayang lucky me pancit canton (hot and spicy) na di umanoy may nutritional value content na energy (453kcal),carbohydrates(65g),dietary fiber (2.4g),fat (17g),protein (9g),thiamine,riboflavin,niacin,folate,sodium etcetera-etcetera na siyang responsible para magmukha akong tao at hindi parang isang pinitpit na lata.Halos makabisado ko na din ang  lahat ng tatak ng sardinas na galing sa Pilipinas.Pati lahat ng pagkain na may tatak na “instant” at mga pagkain na pang quickie at pang-threesome.Napurga din ako sa lahat ng klase ng luto ng itlog kaya pag-uutot ako,hindi ko na kelangan tumaas ng kamay para mag-excuse me.Malalaman mo agad na ako yun dahil mangangamoy nabulok na itlog sa paligid.

Salamat din sa mga babae mong nagpaiyak at nagpaloko sakin.Naging parte na sila ng buhay ko.Nang dahil sa mga yan,naging malungkot ako gabi-gabi.At nung naging malungkot ako,nakahanap naman ako ng makakausap.Nabuhay sa mundo ko si Machopapa.Isang karakter na minsan nang nag pa-wet sa panty ng nanay at ate mo.Dahil sa kanya,nakapag sulat ako ng mga blog gamit ang pinaghalong dugo at tamod bilang tinta.Sa kasamaang palad,may mga taong nauuto pa din akong magbasa ng mga sinusulat ko.Kayo ang dahilan kung bakit tumaas lalo ang libido ko.At dahil diyan,isang taos sa pusong pasasalamat ulit.

Bagamat halos mapunit na ang kuyukot ko sa paghihiwalay natin na to,dumating na sa puntong kelangan na nating magkanya-kanya ng buhay.Paalam na sau.Paalam na sa mga kaibigan at tropa kong nag-pollute sa aking musmos at walang malay na pag-iisip.Paalam na sa aking kama,lalong lalo na sa aking bed sheet na halos tumayo na sa sobrang tigas at lagkit.Paalam na sau Delilah,aking laptop,dahil hindi mo ako binibigo na makapag facebook at gumawa ng blog sa opisina araw-araw.Paalam na din sa mga pusang naging piping saksi sa mga ginagawa kong milagro sa ilalim ng kumot tuwing wet days ko.

Paalam na Qatar dahil mayaman ka,mahirap lang ako.Dahil masyadong mahal ang mga de lata mo at can’t afford ako.Paalam na dahil sa sobrang init mo,dumidikit na sa singit yung brip ko.Paalam na Qatar,dahil isa parin kaming alipin sa sistema ng gobyerno mo.Paalam na sa langis mong ni minsan ay hindi ko man lang na-dilaan sa mga palad ko.Sana sa susunod nating pagkikita,akoy bigyan mo naman ng kunting consuelo at kaginhawaan.

Nagmamahal,

Author

P.S : mamimiss kitang hayup ka (super cheesy)

Advertisements

8 thoughts on “DEAR QATAR….

  1. Lupit mo macho papa ano yang pamamalam n a yan for good na ba?:-) sa kuyukot ng roxas nalang tau magkikita hangang sa muli machopapa :-p

  2. hahaha… tawa much naman ako d2 pre.. ingat ka din poh lage ah?! mamimiss ka namin ni insan.. ^_^ sorry ndi ka man lang us mahatid.. huhu ;( see u soon… kitakits sa palawan.. 😉

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s