12 TIPS PARA SA ISANG MABILIS AT SIGURADONG LABLAYP…


tumblr_lcpuxeqYD41qf76m1o1_500Kung pagkakita mo sa nakakadiring title ng blog ko tapos parang biglang dinaluyan ng kuryente ang dalawang utong mo,iisa lang ang ibig sabihin niyan;single ka at uhaw ang katawang lupa mo sa pag-ibig.So kung single ka at certified USB (untouched since birth) hanggang ngayon,meron kang dalawang balita na dapat malaman.Isang good news at isang bad news.Ang good news ay;may solusyon ako sa pagiging single at USB mo.Ang bad news ay;hindi ko kamag anak si Vicky Belo at lalong hindi ako isang doctor na mag-susurgery sa pagmumukha mo.Tanggapin mo nalang ang masakit na katotohanan tuwing haharap ka sa salamin.Besides,yung good news naman ang mahalaga diba?

Siguro maka-ilang beses mo na din itinanong sa sarili mo na “ganun na ba talaga ako kapanget?”Ultimo sarili mong nanay hindi masagot ang tanong na yan.Madalas isang malalim na buntong hininga lang ang tugon niya sayo.Pag yung tatay mo naman ang tinanong mo,bigla-bigla nalang siyang magbabasag ng bote sa harap mo.Nakaka-confuse diba?Para bang walang nakaka-intindi sa problema mo.Kung pagbabatayan natin ang theory of evolution ni Charles Darwin,hindi ka naman siguro ganun kapanget talaga.At some point,na-delay lang ang pag evolve mo bilang tao.Pero it doesn’t matter.Ang mahalaga ay wala kang buntot at bulbol sa mukha.Furthermore,baka malas kalang talaga ngayong taon sa pag-ibig (again?).Baka hindi ka din kasi nag-aabuloy sa simbahan tuwing may love offering (makunat ka!).O dahil hindi mo pina-feng shui ang bangs mo sa mga intsik sa binondo (magkano ba?).At baka naman tuwing TGIF kalang din naghihilod ng libag mo sa singit (kadiri ka!).Puwede ring masyadong kalang workaholic at nakakalimutan mo nang makipag communicate sa real world.Yung boss mo nalang na kamukha ni Majin Buu ang lagi mong kausap.Pati yung xerox machine na walang malay.Yung kikindat-kindat na monitor sa harap mo.Yung madaldal na telepono sa tabi mo.At isama mo na rin diyan yung mga ka-opismate mong mukhang E.T na wala nang ginawa kundi i-flames kayo ng boss mong kamukha ni Majin Buu.

FOREVER ALONE :-(

FOREVER ALONE 😦

Ang Pilipinas ay nasa rank 12th sa most populated country in the world.Tinatayang aabot na sa bilang na 105,760,644  ang population natin ngayon.More or less,60% diyan ang nasa edad 15-64 years old.Therefore,merong 63,456,386 male and female sa buong Pilipinas ang naghahanap at nabubuhay sa pakikipag-relasyon.Sa bilang na yan,halos kalahati diyan ay mga kababaihan.Samakatuwid, kung lalake ka talaga,nasa 31,728,193  ang puwede mong pagpilian bilang kapartner.Sabihin nating choosy ka at ayaw mo sa babaing  nangungulangot sa harap ng pagkain,meron ka paring 15,864,096 na posibleng makapareha.Sabihin nating mahilig ka ding mangulangot sa harap ng pagkain na animal ka at choosy na din ang mga kababaihan ngayon,may natirang 7,932,048 bilang ng mga babae na puwede mo pa ding pagpilian.Moreover,roughly 40% sa bilang na yan ay married/in a relationship/its complicated or nasa 3rd sex.So yung natitirang 60% ay bilang ng mga babae na single at handang makipag-relasyon sayo which is around 4,759,229.Andami diba?Pero sa figures na yan iisa lang ang nakatadhana para sayo.Siya yung tinatawag na “the one”.Maaaring kilala mo na siya.Puwede ding nakasalubong mo na siya sa national bookstore habang numenenok ka ng 1 whole illustration board.O nakabanggaan mo na  nung sumakay ka sa LRT.Maaaring nakatabi mo na din siya sa jeep tapos pagbaba mo,laslas na yung bulsa ng pantalon mo.Pero bago mo mahanap ang “the one” mo,merong tinatawag na mga “stop over”.Parang station of the cross yan tuwing mahal na araw.Yung “the one” ay hindi hinahanap,kusang darating yan sau sa tamang panahon.Tadhana na ang bahalang dumiskarte sa inyung dalawa.Yung “stop over” ang hahanapin natin ngayon.Kasi si “stop over”  ang magtuturo sayo ng posisyon este ng aral sa buhay para i-handa ka sa pagdating ng babae or lalaking  naka-tadhana para sayo.So sa dami pala ng pagpipilian natin,papaano?Narito ang ilang tips:

1.) Go out and Socialize-kung lagi kalang naka hilata na parang tinapa sa kama mo at maghapong naka-tunganga sa tv tapos nag-iisip ka kung papaano ka magkakaroon ng lablayp,eh congratulation,may pagka shunga ka.Kelangan mong umalis sa private zone mo para makahanap ng pag-ibig.Hindi yan tae ng ibon na basta nalang mahuhulog galing sa langit o vibrator na mabibili mo lang sa overpass.Diyan papasok ang networking.Sumali ka sa mga organization sa school nyu,clubs,choir groups o sumama ka sa mga friends mong satanista.

2.) Huwag hahabulin ang pinaka-chiks at ang pinaka guwapo sa lugar nyu-Mapapagod ka lang.Sanay na yang mga yan sa habulan at atensyon kaya wala kang mapapala.Isipin mo,hindi lang ikaw ang nangangarap sa kanya.Para din yang pag pupunta ka sa beerhouse.Wag mong ititable ang stardancer nila.Overused na yan at mabilis ang metro.Piliin mo lagi yung hindi pansinin.Yung hindi mabenta sa mga parokyano.

 3.) Lower your standards-Wag masyadong choosy.Unang-una,hindi ka naman ganun na kagandahan o kaguwapuhan talaga.Kung ang hinahanap mo sa isang lalake ay mukha ni Alden Richards,katawan ni Aljur Abrenica,kili-kili ni Piolo Pascual at sex appeal ni Daniel Padilla,puwes walang ganun ate.Hindi pa siya pinapanganak or nag-eexist sa mundong ibabaw.Kaya tigilan mo yang pagiging ambisyosa mo.

4.) Focus sa Target-huwag makikipag-date sa kung sinu-sino.Nakakasira ng diskarte yun.Hindi ka puweding mamingwit ng bangus at tilapia na magkasabay.Isa-isa lang.Conserve your enery,time and money.Otherwise parehong makakawala sa kamay mo yan.Pansinin mo yung mga mababangis na hayop sa gubat kung papaano umatake.Yung Lion halimbawa.Hindi yan kakain ng dalawang Zebra na sabay.Kahit nasa harap nya pa ang 5 malulusog na zebra,iisa lang ang uupakan nya.

 5.)Diskarte Militar– Pag meron ka nang target,alamin mo ang routine nya.Anu-anu ba ang mga hilig niya?Tuwing 9:30am ng umaga,san ba siya madalas magpunta?Anu bang madalas niyang kainin?Medyu stalker ang dating pero mas mataas ang probability na mapansin ka niya.Bago ka sasabak sa kahit anu mang giyera,dapat madami kang dalang bala.Snipe mo muna.Observe.Then attack.Pero bago ka umatake,dapat may contingency plan ka din.May Plan B.Anu ang plan B?Yung kung anung mga plano mo sa buhay pag na “B-basted” ka.Plan B.

6.)Prenzone Epek-Wag mo agad ipapakita sa taong gusto mo na may maitim kang balak.Matatakot sayo yun.Lalo na pag nakita nyang anim pala ang daliri mo sa paa.Give her/him some time.Show your interest and your thoughts.Wag agad cheesy yung moves.Sablay yan.Kelangan kasi maging komportable muna siya sayo.Wag din masyadong touchy baka isipin nya feeling close agad kayo.Tamang distansya lang muna.Pag masyadong maarte,sikmuruan mo na agad o kaya tuhurin mo yung mukha.

7.)Use your humour– Magiging madali daw ang “how to get a bf/gf “ mission mo kung witty ka at chilled out kausap.Kahit sarcastic pa yan,slapstick joke or toilet humor,pasok yan sa banga.Sabi nga nila, na daig daw ng mga komedyante ang mga guwapo.Kung totoo nga yan,mas malakas pala ang tsansang sagutin ni Anne Curtis si Empoy kaysa kay Derik Ramsay.Confusing yung logic eh.O komedyante siguro sa salita,pero kung medyu nakakatawa ka talaga as a person,ibang usapan na yun.

8.)Flirt-Bolahin mo si ate.Titigan mo siya at sabihin mo na bagay na bagay sa kanya yung yellow na tube na suot nya.Kahit na sa totoo lang,mukha na siyang binalot na suman.Madali lang maniwala ang mga gurls lalo na pag good ang compliments.Para sa mga babae naman,pakiligin mo din si kuya.Sabihin mo,may kamukha siyang artista.Tapos pag tinanong ka nya kung sinu,kamo nakalimutan mo na yung pangalan.Matagal na kasing patay ikamo.

9.) Dress to Kill-Prenzone,check!Use your humour,check!Flirt,check!Pero may kulang pa.Hindi matatawag na Superman si Superman kung wala yung costume niya.Diyan papasok ang japorms.First impression last ika nga.So kelangan dress to kill tayo baby.Pero hindi naman tayo papatay ng tuta na lintek ka.Meaning,importante yung kung papaano ka manamit.Pini-present mo kasi ang sarili mo so dapat lang medyu color coordinated din tayo ate.Iwasang mag-suot ng damit na may fishing net.Nakakadiri.Para sa mga lalaki naman,wag teternohan ng rubber shoes yung barong tagalog nyu,please lang.

10.) Be natural-Wag mong pipilitin ang sarili mo sa mga bagay na hindi mo tlaga gawain.Kung hindi ka naman talaga hip-hop,bakit ka magsusuot ng bling-bling?Kung mahirap ka naman talaga,bakit mo sasabihin na “badtrip nga eh,grounded ako kay mommy for one month,I make sira kasi yung kalan namin eh”.Kung hindi ka naman talaga matalino,bakit mo kelangan i-explain ang GDP growth ng Pilipinas?Mas magmumukhang tanga kalang sa paningin nya.Be confident.Yung tamang angas lang.Pero wag naman yung yabang.Mas nakaka-impress ang taong nagsasabi ng totoo sa sarili niya.Wag maging trying hard.Kalma lang.

Babala:Kung ginawa mo na ang numbers 1-10 pero for some reasons,wala pa ding tangang nilalang na magkamali sau; eh kelangan ko nang ibigay sayo ang “panic button”.Binibigay lang ang “panic button” sa mga nilalang na sobrang hopeless na talagang magka-lablayp.Tipong tumambling tambling na sa alambre,kumain na ng buhay na manok,sumayaw na ng kuracha,lumunok na ng gasolina pero bokya pa din sa pag-ibig.Narito ang 2 panic button.

 11.) Backdoor Style-Hirap na hirap ka na ba sa paghahanap ng lover mo? Gusto mo ng easy access sa pag-ibig?Simple lang.Humanap ka ng mas panget pa sayo.Garantisado,magkakaroon ka ng lablayp or get your money back.

 12.) Wag maging panget– Ito pinaka importante sa lahat.Dapat nyu itong tatandaan religiously.Wag nyu nalang ako tatanungin kung papaano at baka puksain ko kayo ngayon diyan sa mga kinauupuan nyu.

Ang pag-ibig ay parang pamimingwit mo ng tilapia sa isang malalim at malawak na ilog.Madami pero iilan lang talaga ang magpapahuli sayo.Madalas nga,hawak na ng dalawang palad mo,nakakatakas pa.Minsan pa nga imbes na tilapia,basura ang nabibingwit mo.Suwertehan lang din siguro.Pero sabi nga nila,wag mo daw hahanapin ang pag-ibig.Hayaan mong ang pag-ibig ang humanap sa iyo.Kasi kung mas lalo mo itong hinahanap,mas lalong hindi mo ito matatagpuan.Kung single ka pa din hanggang ngayon at madaming agam-agam sa buhay,wag kang mag-alala.Isipin mo nalang na lahat naman ng kaldero ay may nakalaang takip.At kung yung isda nga at kawali nagtatagpo,ikaw pa na tao…na kamukha ng isda at kakulay ng puwet ng kawali.

————————————————-RIP———————————————————–

Advertisements

One thought on “12 TIPS PARA SA ISANG MABILIS AT SIGURADONG LABLAYP…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s