TITIGASAN KAYO SA MGA PATALASTAS NA TO…


images (11eeeeeeee)

Armpit Whitener!…

Safe and Effective Liposuction…

Wart Removal…

Wanted:Tubero(For details look for Boknoy)…

Bumibili ng Sirang Payong,Electric Fan at Magnet…

Kung nagbabasa ka ng diyaryo minsan sa buong buhay mo,malamang nakita mo na din ang mga ganyang klase ng patalastas.Minsan katabi yan ng obituary section at mga balitang gaya ng “Sirena,natagpuan sa Manila Bay;Piolo Pascual,nag-react!”.

Batay sa microeconomics;ang supply at demand ang siyang basehan sa presyo ng produkto sa market.Pag may demand ang tao,tao din ang nag-iisip panu ito matutugunan.Pag may demand,may pera.Pag mataas ang demand,mas maraming pera.Diyan pumapasok ang salitang “invention”.Nabuo ang salitang yan dahil nadin sa salitang “necessity” ng mga tao.Isipin mo kung wala sanang kili-kiling amoy nabulok na utot,wala sana ngayong rexona.Eh kaso nga meron kang hayup ka.Kaya nag-imbento para sau ang kapwa mo ng deodorant.Para hindi kana daw masyadong mahirap kasabay sa Fx tuwing uwian.Kaya din naimbento ang gulong ay para may ma-ihian ka tuwing galing ka sa inuman.Kaya may pridyider ay dahil may mga nilalang na nagpapatuyo ng medyas tuwing tag-ulan.Kaya naimbento ang cellphone ay para sa mga holdaper.Kaya naimbento ang circle sa may Quezon City ay dahil maraming bakla ang gustong humada sa gabi.Kaya meron tayong Facebook ay dahil merong long distance relationship.Dahil sociable being tayo.At dahil sociable tayo,naimbento ang candy crush.Nagkakaroon tayo ng demand sa extra-moves,lives at ticket.Natuto tayo ulit mag-request,makiusap at makipagkapwa tao.

To wrap up this whole conversion,demanding tayong mga human beings.Hindi tayo makuntento sa kung anung meron lang satin.Kumbaga,naghahanap tayo lagi ng  messiah na magbibigay satin ng kunting pag-asa sa buhay.Isang messiah na magsasabing saung “oo panget ka nga sa paningin ng lahat pero…….may point naman sila”.Ngunit  kung susuriin mong maigi ang mga patalastas sa diyaryo ngayon o maging sa telebisyon man yan,tila ba dumadami na ata ang  “necessity” ng tao.Halika,bosohan natin.

1.) Kankunis Slimming Tea-

Usage: Pampaseksi.Biruin mo,iinom kana ng tea,malulusaw pa ang bilbil mo sa tiyan.Kaya mas mabuting laklakin mo nang laklakin to pati yung tasa nguyain mo na din para mas lalong epektib.

Side Effects: Pagkawala ng friction sa puwet

Rating: Necessity

2.) Bangkok Diet Pills-

Usage: Isa nanamang “pampaseksi” but this time mas less hassle.Puwede mong gamitin kahit saan at kahit kelan.Sa dami nga ng naglalabasang diet pills,parang sinasabi nilang wala ka talagang karapatang maging majuba nowadays.

Side Effects: Para tong pagsubo mo ng Pringles na once you pop you can’t stop.Bakit?Pag tinigil mo,doble ang balik sayo.Kung dati KC ang katawan mo,pag tinigil mo,Ate Shawe ang labas mo.

Rating: Necessity

3.) Natural Juice (Burn Calories in a Refreshing Way)

Usage: Dito mo makikita yung obsession ng mga Pinoy sa pagpapapayat.Halos karamihan na sa inumin ngayon kung hindi diet yan,malamang may add-ons yan na pansunog ng taba.Iniisip ko lang kung natural pala,bakit hindi nalang uminom ng tubig baha.Sigurado akong hindi lang calories ang masusunog sa katawan mo.Pati mga bulate,tipok.

Side Effects: Pag tubig baha ang ininom mo,makakakita ka ng liwanag tapos maraming kumakaway

Rating: Necessity

4.) Wonderbra (with free manual)

Usage: Para to sa mga babaing hindi “mapalad”.Meaning,hindi mo kayang hawakan ng palad ang dyuga dahil parang pantal lang sa laki.Panget nga naman tingnan ang babaing kahit nakaharap,kala mo nakatalikod sayo.

Side Effects: Dadami ang followers mo sa Instagram.

Rating: Necessity

5.) Virginity Soap (Limited Edition)-

Usage: Tinitigan ko uli ang produkto.Nampucha!Kala ko malabo lang mata ko.Mali bang isipin na dapat hiranging  Man of the Year ng Times Magazine ang taong naka-imbento neto?At panu ba yun?Tipong pagkiniskis mo,virgin kana ulit?

Side Effects: Hallucinations and Vertigo.

Rating: Sobrang Necessity

images ere

6.) Anti-Aging Facial and Body Scrub-

Usage: Tipong ikakayas mo lang sa mukha mo at presto!Magmumukha ka nang musmos na nag-aaral ng mga kanta ni Barney.

Side Effects:Wala naman masyado.Unless na-curious ka at nilagay mo sa mata mo na hindot ka.

Rating: Necessity

7.) Anti-Aging Tablet (with new antioxidant power)

Usage: Nung nasa elementarya ka palang,inip na inip kang tumanda.Ngayong malago na ang buhok mo sa kuyukot,gigil na gigil kang maging bata.Pero wala nga yata talagang taong gustong malipasan ng panahon.Kung ganun,dapat uminom nalang sila ng pesticide o di kaya naman wag magsalita ng isang buong araw tapos lunukin mo bigla yung napanis na laway mo.

Side Effects: Magmumukha kang wax sa museum.

Rating: Necessity

8.) Viagra Maximum Strength +++

Usage: Pampatigas ni tatay.Hanep!Puwede tong ipalaklak sa mister mong laging nanlalambot sayo misis.At wag kang maniwalang pagod lang siya.Galing yan sa kulasisi niya.O baka naman talagang sumusobra na din ang lawit ng taba mo sa kili-kili?Kadiri ka kung ganun.Kaya kahit ipahithit mo pa sa kanya ang Viagra,kung mukha kang nilamukos na pandesal,hindi na tatayuan ng bandera yan.

Side Effects: Titigas na parang sa poste ng Meralco

Rating: Necessity

kahit sa kabilang buhay hindi ka bibiguin netong viagra bords!

kahit sa kabilang buhay hindi ka bibiguin netong viagra bords!

9.) Natural Whitening Pills (fast result)-

Usage: 8 out of 10 sa mga Pinay ang gugustuhing maging kukulay nila ang mga nitso sa sementeryo.Yung natitirang dalawa eh hindi ko din kilala.

Side Effects: Wala,as long as hindi mo ipapasok sa ilong mo.

Rating: Necessity

10.) Breast Implant plus Pink Nipple Installation –

Usage: Sabagay kung flat chested ka,mahina ang sex appeal mo.Para kalang naghihinupang na lesbiana.Pag wala kang pera,gumamit ng wonderbra.Pag meron,padagdag ka ng boobs tapos papulahin mo yung utong mo para cool.

Side Effects: Dadami ang suitors mo.Ayos ate!

Rating: Necessity

11.) Body Peeling with Wrinkle Pigmentation (Painless)-

Usage: Body Peeling daw.Patay tayo diyan!Talagang babalatan ka ng buhay at ipapalitada ang mukha mo para kuminis.

Side Effects: Magiging kamukha ni Madam Auring

Rating: Necessity

12.) 30 days 6 pack abs Training (Or Get your Money Back)-

Usage: Nasa grade 5 ako nun nang binulong ko sa sarili ko na “tandaan nyu,balang araw magkaka-abs din ako!”…Hanggang ngayon,ganyan pa din ang binubulong ko sa sarili ko (sad).

Side Effects: Nakakagago eh.Isang buwan may pandesal ka na?Gusto ko pa naman yung parang sa abs ng Ninja Turtles.

Rating : Sobrang Necessity.Para sa amin,ito ay kasing halaga ng pagkain ng crispy pata,pag lagok ng napakalamig na beer,panonood ng porno at pagtampisaw sa lumalagablab na dagat na puno ng mga nag-gagandahang babae.

ganito ang mangyayare sa inyu pag lagi kayong nag i-extra rice...pramise!

ganito ang mangyayari sa inyu pag lagi kayong nag i-extra rice.,nagmumukhang animated character ng pixar

13.) Natural Anti-Obesity (Lose weight in 7days)-

Usage: Isa nanamang “natural” na paraan para matagtag ang mga natutulog na taba sa katawan mo.Hirap ka na nga mag mukhang tao,mas mahirap pa tong pesteng pagpapapayat na to.From chemical to natural,pinagsasabong na eh.Bakit hindi nalang kaya bigyan sila ng sakit na  tuberculosis para talagang natural na natural?Proven effective pa.

Side Effects: Papayat ka na parang isang dehydrated na langaw.

Rating: Necessity

14.) Pamparegla 1-2months Delay (Need Safe Raspa?Inquire inside and look for Aleng Bebang)-

Usage: Binasa ko yung nakasulat sa bote;1/3 sa baso 3 beses maghapon bago kumain.Bawal ang malamig at maasim.Madami to sa Quiapo,sa gilid mismo ng simbahan.Katabi pa ng mga anting-anting at sumasayaw na Sto.Nino.

Side Effects: Kaya merong Empoy,Tita Swarding,Pokwang at Tsokoleit sa Showbizness ngayon.Tsaka ikaw na nagbabasa netong blog ko chusera ka hihihi

Rating: Sobrang Necessity

Kaya pala yuma-yaman si Willie eh

Bigyan ng Jacket yan!!…

15.) Radiant Skin Theraphy-

Usage: Tipong iilaw talaga yung balat mo.Yun bang kahit brownout makikilala ka ng nanay mo na “Ayy mare anak ko yung umiilaw ang balat sa may kanto.Kinis noh?Unico hijo namin yun”…

Side Effects: Paglalagas ng buhok sa kili-kili

Rating: Necessity

16.) Bikini Wax

Usage: Wow!Usapang singit.Sabagay,panget nga naman na naka-bikini ka tapos may dumudungaw na pubs.O yung singit na mukhang armpit.Sagwa!Pero iniisip ko na ang sakit nun diba?Nag try ako niyan dati.Bumunot ako ng isang hibla tapos parang narinig ko na may nagkakantahang pulutong ng mga anghel mula sa langit.Aleluya!Kala ko sinusundo na ako.Napa-ihi na pala ako sa sakit.

 Side Effects: Pagkahilo at pagkawala ng malay

Rating: Necessity

17.) Pocket Vagina and Love Doll-

Usage: Sandali,briefing muna.Alam kong may mga batang nasa edad 8-12 ang nagbabasa ng blog ko.Kung hindi mo ngayon katabi ang nanay mo,pinapayuhan kitang i-click ang new tab at manood nalang ng mga videos ni Adele sa youtube.Pero kung di ka paawat iha,sige ituloy mo lang ang pagbabasa.Basta siguraduhin mo lang na magdadasal ka ng 10 amanamen at 5 huli meri pagkatapos mong basahin ang blog kong to.

Usage: Okey saan na ba tayo?…Hanepakingtyet talaga!Pati pocket vagina meron na din!Isa lang patunay yan na talagang exhibitionist ang mga pinoy pag dating sa usaping sexual.Aaay mali ata.Di ba conservative tayo?O guni-guni ko lang din yun?Kung totoo man yang mga produkto na yan, sa tingin ko eh walang masama.Isipin mo kung parang cellphone lang ang pocket vagina na mabibili sa mga malls;mababawasan ang krimen sa Pinas eh.Magiging busy ang mga kalalakihan sa pagpalit ng housing at pag upgrade ng version ng mga pocket vagina nila.

Side Effects: Hindi maipaliwanag na paglalaway,pagtatae na may kasamang kombulsyon

Rating: Super-Mega Necessity

18.) Brain Installation (upgradable version plus free 30 points I.Q)

Usage: Para sa mga pulitikong walang alam sa batas.Para sa ka-klase mong laging kumokopya sau sa math.Para sa kapitbahay nyung malakas mag videoke.Para sa kuya mong batugan at walang alam sa buhay.Para sayo ate na paulit-ulit nalang nasasaktan sa pag-ibig.Para sa masa.Para sakin.Para na sa may kanto manong….baba na po ako.

Side Effects : Unfortunately,wala pang nakaka-imbento neto.

Rating: Necessity?Hindi ako sigurado.Medyu hardcore na kasi to eh.

Marami na talagang pangangailangan ang human species.At sa patuloy na pag-ikot ng mundo sa kanyang orbit,mas dumarami pa ang demand ng tao.Kaya hanggat may Pilipinong sarat ang ilong,mas kelangan ang nose lift ni Calayan.Habang mas bumabagal ang evolution mo bilang tao,mas napi-pressure ang mundong tugunan ang mga imperfections mo sa buhay.At isa lang ang medyu malinaw sa ngayon,na kelangan talaga natin ang nose lift na yan.Dahil ang nose lift,tulad ng pocket vagina,ay isa ring necessity.

——————————————–RIP———————————————————–

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s