ANU-ANO ANG MGA TRENDING NGAYONG WET SEASON?


images321

“Hoy Carding!!!Nampucha kang batugan ka!Tumutulo nanaman yung yero natin!”…sigaw ng asawa ng kapitbahay namin sa Sampaloc.Naalimpungatan si Carding sa pagkakatulog niya kaya bumuwelta siya ng… “Shunga!Bobits!Imbecile!Hindi tumutulo ang yero!Dahil kung tumutulo yan,kanina pa nahati  yang bilbil mo sa tiyan at magiging masaya na ako nun.At wait,tatanungin mo ako kung bakit?!Dahil sa wakas magkakaroon na din ako ng katahimikan sa buhay na animal ka!!Paking Shet!!”.Pero syempre,sa isip lang yun sinabi ni Carding.Dahil yung talagang sinabi niya ay “Yes darling ,gagawin na po!I love you po subra!”.

Okey,so aaminin ko na ang totoo;na wala talaga kaming kapitbahay sa Sampaloc na Carding ang pangalan.Si Corazon lang na nagtatrabaho sa Phenomenal KTV Bar at si Boy Kulangot na medyu confidential ang true identity niya pero madalas tumanggap ng labada tuwing weekends at biyernes santo.Ganito lang talaga sa mundo ko,minsan parang nakakabuo ako ng mga karakter na gaya nung sa mga radyo.Bukod sa pambababae ni mister, yung  sigaw ng asawa ni Carding ang madalas nating marinig sa mga mag-asawa pag papasok na ang wet season dito sa Pilipinas.Kadalasan kasi ang nangyayari,kung di pa umulan ng malakas,hindi mo pa malalaman na may butas na pala ang bubungan ng bahay nyu.Eh alam naman natin ang ugaling pinoy,saka kikilos  yan pag nandiyan na ang unos.Saka tatawag sa Diyos pag yung hikaos.

Kung estudyante ka,tapos panay ang reklamo mo na laging delay ang suspension ng klase at hindi ka kamo waterproof,naku day mag-antay ka pag nakapag trabaho kana.Wala ng sasalba sayong DepEd or Ched.Tipong lulubog nalang ang buong Manila,pero sigurado akong may pasok pa din kayo.Kung hindi ka nga waterproof nung estudyante ka eh malamang mas lalong hindi ka waterproof ngayong may trabaho kana.Asahan mo na makikipagmatigasan ang boss mo sa bagyo.Kung may DepEd at Ched sila,dapat may Dole naman para sa mga nag-oopisina.O kahit yung PCSO nalang,basta may tutulong lang.

Ser,may pasok pa?

Ibang usapan na yung pagtipong kelangan mo nang sumakay sa Noah’s Arc

Tinatayang may 19 na bagyo ang pumapasok sa Philippine Area of Responsibility taon-taon.At sa bilang na yan,anim hanggang siyam ang posibleng humagupit sa kalupaan.Sa siyam na yan,dalawa lang mahuhulaan ng PAGASA.Mas may tsansa pang tatama ng lima yung mga hula ni Madam Auring sayo.Minsan nga kala mo nan-rereverse psychology lang sila eh.Oo!Para din silang mga chiks.Kasi tuwing sasabihin nilang  signal number 3 ang buong Metro Manila,asahan mo kinabukasan, mababasa ang kili-kili mo ng pawis dahil titirik ang araw.Kaya pag sinabi nilang “magiging makulimlim ang taya ng panahon bukas na may kasamang kalat-kalat na pag-ambon”,naku po!Kabahan kana dahil ang ibig lang nilang sabihin niyan ay “Wag ka nang lumabas ng bahay mo na tanga ka,dahil kung magpupumilit ka pa,bahala ka sa buhay mo.Basta siguraduhin mo lang na may dala-dala kang pansisid mo at lahat ng klase ng diving apparatus”..

images678Malalaman mong nasa Pilipinas ka pag yung tipong umulan ng 20 minuto na tuloy-tuloy tapos paglabas mo ng bahay nyu,maghahanap kana agad ng salbabida mo.Maiisip mo nalang na “ahhh nasa Pilipinas nga pala ako”.Tama ka.Hindi ka kasi nakatira sa isang bansa na may maayos na drainage system.Hindi ka kasi nakatira sa bansang may disiplina ang mga tao sa pagtapon ng basura.Nakatira ka sa bansang lulubog-lilitaw.Lulubog sa baha tapos maglilitawan yung mga tae ng tao,napkin,patay na daga,patay na kuko,bote,diyaryo,garapata,pustiso,diaper ng bebe,laruan etcetera-etcetera.Pero what to do?Matagal na tong problema ng buong Metro Manila na hindi mabigyan-bigyan ng solusyon.Hihintayin pa ba nating maging Presidente na si Manny Pacquiao para maayos to? Infact,nakasanayan na nga natin eh.Nasa sistema na kumbaga.Kaya instead na mapikon tayo sa baha,alamin nalang natin yung mga uso at magiging trending ngayong panahon ng tag-ulan.Kaya wag kanang mag-pahuli,sisirin mo na yung kuwan ko………yung blog ko.

Trending sa Tag-ulan:

 1.) Usong-uso ngayon ang sipon at ubo.Kaya kung wala kayo niyan,out kayo.Masarap din minsan yung feeling na uubo ka during meeting tapos bigla mong lulunukin ang plema mo.Baka ma-increasan ka kagad ng boss mo nun eh.

2.)Gurls ilabas na yung mga tinatago-tago nyung pekpek shorts dahil ito na ang tamang panahon para i-rampa yan papasok sa opisina nyu.Hindi kasi magandang tingnan kung halimbawang tiga-Malabon ka tapos may gana ka pang mag-suot ng mini skirt sa kasagsagan ng baha.Baka kung anu pang mag hello diyan ate at uminit pa bigla ang ulo namin.

tumblr_m5l3qsdBul1qax99wo1_5003.)Mag-enjoy gamit ang jetskie sa kahabaan ng espania or kung medyu hardcore ka,try mo mag-banana boating sa may underpass sa Recto.

images4534.)Usong-uso na din yung mga batang nagtatampisaw sa mabaho at mabuburak na kanal.Kaya mag-purchase na ng sarili mong goggles sa SM at makisisid sa kulay milo na tubig-baha.

5.) In na in na din yung mga empleyado ng gobyerno na pumasok ng late sa kanilang mga trabaho(although buong year nila itong ginagawa).Pag hiniritan ka ng boss mo na “anung oras na to buti pumasok ka pa?!”,puwede mo siyang banatan ng “Ina naman boss,bubong nalang nga ng bahay namin ang nakikita ko tapos ganyan pa ang ibubungad mo sakin!Magkukupal ka pa ng ganyan!”.Lusot yan boy.

images7896.) Tsupe muna ang mga jeep at taxi.Dahil ang mga padyak boys ang maghahari sa mga kalsada at eskinita ngayong panahon ng baha.Para silang Diyos.

7.) Bukod sa condom,magiging mabenta din ang flashlight,corn beef,tuyo,champorado,sopas at mga fast food chain gaya ng sa obese na bubuyog at yung sa clown na may sapatos na kasing laki ng barko ni Noah.

8.) Out muna yung mga nilalang na may flawless skin (thanks to glutha) dahil mauuso na ang fungus sa singit at alipunga sa paa.Tiyak na matutuwa ang mga dermatologist dahil tataas ang demand sa mga cream na pamatay fungi infection sa balat.

10.)Para sa mga fashionista,mauuso ulit yung mga polka dots na design sa likod ng t-shirts,shorts at sa lower part ng pantalon.

11.) Kung akala nyu alipunga lang sa paa ang magiging in sa tag-ulan,nagkakamali kayo.Dahil naghahatid din ito sa mamamayan ng libreng leptospirosis at dysentheria.

12.) Habang nag-wewet ang buong bansa,nagkakaroon naman ng matinding  global warming sa ilalim ng brip ng mga kalalakihan.Parating bed weather.So kung Abril ang buwan ng kapanganakan mo,bale nabuo ka habang nililipad yung bubong ng bahay nyu at busy ang tatay mo nun kakaromansa sa nanay mo.

sorry ang bastos ng pix na to!

sorry ang bastos ng pix na to!

13.) Mabubuhay nanaman ang mga bulate sa bituka ng mga holdaper.Dahil pagbaha,madali ka nilang molestiyahin at nakawan.Bakit?Sa mga ganyang pagkakataon,walang sira-ulong nilalang na mag-aala Aquaman para habulin at tulungan ka.

14.) Magkakadawalaan ang mga takip ng imburnal kaya humanda kayo dahil magiging malaking palaruan ng “step no-step yes” ang buong kamaynilaan pag bumabaha.Tipong kasunod mo lang sa linya ang gf mo tapos biglang mawawala.Kala mo kinuha na ng alien.Yun pala nahulog na sa imburnal,saklap!

15.) Asahan mo,uulanin yang news feed mo sa FB ng mga pictures ng payong na sira,jacket na butas ang kili-kili,nanginginig na utong,giniginaw na pusa,kape ng starbucks at yung mga nilalang na walang pakundangan kung makapag-emo ng status tuwing malamig ang panahon.Impakta ka tigilan mo yan kung ayaw mong ipa-higop namin sau yung lahat ng tubig sa imburnal!

16.)Bukod sa misteryo na bumabalot sa bunbunan ni Kuya Kim,lagi nanaman nating aabangan ang mga weather forecasting niya sa TV Patrol.Ako lang ba ang nag-iisip nito;na masyado talagang cheesy kung si Julius Babao ang magbibigay ng ulat sa taya ng panahon?…

17.) At sinung nagsabing hindi puwedeng magpakasal tuwing nagpapakawala ng tubig ang Lamesa at Angat Dam?….Okey,so wala pala talaga akong kausap dito shit!

ayun ooh!

kung hanggang bewang yang baha, ewan ko kalang maka-ganyan gayan kayo diyan..

Nowadays,pag bumuhos ang malakas na ulan,kaba at takot ang una nating maiisip.Parang tumutulo sa utak natin ang paranoi mula sa langit.Kelan kaya babalik yung dati?Yung tipong pag-umulan,ang una mong maiisip eh yung pag-higop mo ng mainit na sabaw ng noodles at sopas.O di kiya yung lagkit ng tinginan nyu ni misis dahil bed weather.Sa ngayon nga,kung halimbawang nasa pagitan ng Abril o Hulyo ang buwan ng kapanganakan mo,sigurado akong hindi ka sa bahay ginawa ng nanay at tatay mo.Dun sa evacuation center ka ginawa.Pero nakakalungkot yun isipin.Paulit-ulit nalang nangyayari ang ganyang eksena sa Pilipinas partikular na sa mga tiga-Metro Manila.Paulit-ulit na nga,pero wala parin tayong ginawa.Paulit-ulit na nga,pero hindi parin tayo matuto-tuto.Paulit-ulit na nakaka-bobo na!Kumakati na.Dumadami na ang alipunga ko sa paa!!…

——————————————–RIP——————————————————-

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s