ANG JUSTICE LEAGUE AT ANG REGAL SHOCKER NG MGA PINOY!


lagim

Naniniwala ka ba sa mga kuwentong kababalaghan?Multo?Bermuda Triangle?UFO?Chikinini sa singit?X-Files?Maliit palang ako,mahilig na ako magpakuwento sa tatay ko ng mga nakakatakot na istorya.Kaya kahit nung nasa edad na ako para mag macho dancer sa Recto,dala dala ko pa din yung kaduwagan ko sa mga ganyang usapan.Mayaman kasi ang kultura natin sa mga alamat at kuwentong katatakutan.Unless ipinanganak ka sa Amerika.Tapos yung biological parents mo ay parehong  dugong banyaga.Anu ang magiging bed time stories sayo ng tatay mo?Malamang kung babae ka,yung kuwento lang ni Cinderella at Sleeping Beauty.Kung lalaki ka naman,yung movie na space jam at Justice League lang.Boring nun.Alam naman nating lahat siguro na medyu may problema ang mga karakter sa Justice League na yan.Anu bang silbi at nilagyan ng sinturon yung brip ni Superman?Maluwag ba yung garter?Malaki ba itlog niya kaya kelangan may support?At itong si Batman,naglagay ng kapa,hindi naman pala marunong lumipad.In the first place bakit kelangan maglagay ng kapa?Bakit sa mga Japanese superheroes wala namang kapa pero nakakalipad at nakaka-teleport pa?Yung ibang miyembro naman panay pasikat na makapangyarihan sila.Kaya bet laging makipag away.Parang lalagnatin pag di nagamit ang super powers nila sa isang buong araw.Pansinin mo pag nasa watchtower sila,hindi pa din sila nagpapalit ng costume.Bakit,magkakalituhan ba sila pag naghubad ng wonder bra si wonderwoman?Ma-coconfuse ba sila sa kung sinu si Flash at sinu si Green Lantern?Samantalang close naman na sila at  first name basis din naman ang tawagan nila sa isat isa.Pasikat lang talaga eh.Gusto laging iladlad ang mga kapa at gadgets.Ahh ewan ko sa mga kano.Mabuti pa yung mga lolo natin dati,ibang klase umembento ng mga halimaw.

Ilan sa mga karakter na paulit-ulit na nating narinig,napanood sa TV ay yung mga kuwento tungkol sa white lady sa balete drive,yung pugot na ulo sa simbahan at yung  mga  mangkukulam na nag papalabas sa bunganga ng kung anu-anung bagay katulad ng daga,pako,ipis,uod,rice cooker at bentelador.Pero bukod diyan,gumawa ako ng listahan ng mga nakakatakot na elemento na  makikita mo mostly sa Pilipinas lang.

Sinu-sino ang mga regal shocker na ito?Dapat ba talaga nating silang katakutan?Sinu ba talaga ang tunay na nakakatakot?Tayo bang mga buhay o silang mga naninirahan sa kabilang mundo?Makakabuti ba talaga ang pagkaka-patong ng brip ni Superman sa leggings niya?Amineeen este Alamin.Maki-nerbyos.Pagnilayan natin.

Character: Kapre

Planet: Random Big Trees

Level: 1

Attributes: Pag patong-patungin mo ang 3 kalabaw,2 baka,isang sarao na jeep,isang Ferrari na dilaw at si Bonel Balingit,ganun kataas ang mga kapre.Tapos ipag-fusion mo ang mukha nina Chokoleit at Empoy,ganun naman ang eksaktong hulma ng mukha nila.Mabuhok mula ulo hanggang paa. Magugulat ka kung bakit kapre at  hindi “boy balbon” ang pinangalan sa kanila.Nagbabaga din ang mga mata at laging may hawak na malaking sigarilyo.Ito matindi bords,unlimited ang yosi.Kaya malamang may sakit na to sa baga at hihikain na to sa takbuhan.

Power: Laugh trip lang.Power Tripper lalo na sa mga bata.Hindi kumakain ng bituka o anu mang parte ng tao.Gugulantangin ka nalang bigla mula sa malaking puno kung saan siya nakatira tapos tatawa pag nakita niyang halos malaglag ang pustiso mo sa nginig.

Trivia: Friendly ang mga kapre.Puwede kang makisindi at humiling ng isang kahilingan pag nakita mo yung so called “magical white stone” nila.

kapre-tm

Character: Duwende

Planet: Anthill

Level: 2

Attributes: Sila yung mga tiny human-like creatures na naninirahan sa ilalim ng lupa.Kaibigan ng maraming albularyo.Parang pet sa pet society na binibigyan nila ng pangalan.Kaboses ni Mahal at maliit lang ng kunti kay Dagol.May dalawang uri to,isang puti at isang itim.Sinasabing parehong anti-social ang dalawang uri.Pero medyu iiwas kalang sa mga itim dahil mas suplado daw sila sa personal.Kung totoo yan,eh hindi ko na din alam.

Power:Patay malisya ang drama ng mga to unless sinira mo ang punso o lasing na lasing ka at tumae ka sa tabi mismo ng bahay nila na balasubas ka!Anung mangyayari?Wala naman.Mag bi-bleed to death lang naman ang testicle mo at malaki ang tsansang biglang sasarado ang butas ng puwet mo.

Trivia: Malalaman mong may nuno sa punso pag nakarinig ka ng sipol sa likod bahay nyu tapos biglang hinangin yung bangs mo na parang kay Dora.Puwede kang maka-iwas sa duwende basta sasambitin mo lang yung orasyon na “tabi-tabi po” at please wag ka nalang tatae sa tabi ng punso bords.

images (5)

Character: Tiyanak

Planet: Woods

Level: 3

Attributes: Ito yung parang mga teletubbies na nilagyan ng pangil tapos nag-suot ng pulang contact lens.Iwan ko lang kung di ka maihi sa takot pag nakita mo yan sa gitna ng daan,alas dose ng hatinggabi,brownout at puno ng chikinini ang leeg mo.Traditionaly,nakatira sila sa madilim na kakahuyan.Pero nowadays, madalas sa kuwarto ng mga kalalakihan o kaya sa mga kumot sila kumakapit.

Power: Parang mga call center agent ang tiyanak.Nag-iiba ng boses.Malilinlang ka sapagkat aakalain mong iyak ng bata na nag bi-breast feed eh.Tapos ikaw naman si tanga,maaawa ka sa bata (katulad ng mga napapanood natin dati sa Regal Films) at huli na dahil gagawin niyang parang combo meal ng Jollibee ang mga laman loob mo.

Trivia: Paano maiiwasan ang tiyanak?Gumamit ng condom.

amoy zonrox din kaya ang mga tiyanak?..

amoy zonrox din kaya ang mga tiyanak?..

Character: Tikbalang

Planet: Forest

Level:4

Attributes: Kung si Vice Ganda ang unang naisip mo sa character na to,binabati kita dahil nasa pagitan ng 120-130 ang I.Q mo.Pumangalawa ka kay Madam Auring na merong 130.5 na I.Q.Sinasabing may ulo na parang sa kabayo,katawan na pantao,may buntot at paa na sa kabayo ulit.Gulo diba?Malakas siguro suminghot ng apog yung mga lolo natin dati kaya kung anu-anu nalang nakikita eh.

 Power: Tulad ng kapre,harmless ang mga tikbalang.Power tripper din.Bet na bet niyang iligaw yung mga tatanga-tangang travelers na hindi marunong gumamit ng mapa,compass at gps.Ang masama niyan pag mukha ding kabayo ang hilatsa ng pagmumukha mo,ma-coconfuse ang tikbalang nun pards.Akala niya tropa kayo (sad).

Trivia: Pag napag laruan ng tikbalang,baliktarin lang ang damit at walla!Makakauwi kana ulit sa bahay mo.Puwede ka ding kumuha ng pinakamahabang hibla ng buhok ng tikbalang at magiging alila mo na siya habambuhay.Cool!Kung papaano yan eh problema mo na yun.

okey,sabihin nyung mali ang nilagay kung picture??!

okey,sabihin nyung mali ang nilagay kung picture??!

Character: Manananggal

Planet:  Barrio

Level: 5

Attributes: Code name:”tik-tik”.Ito medyu hardcore na to.Tinatawag na special breed sa pamilya ng mga aswang.Ang napapansin ko lang sa kanila eh panay babae yung mga manananggal.May gender preference ba si satanas sa pag-create ng mga tauhan niya?Porke ba lalaki hindi na puwedeng lumipad sa ere,mahati ang katawan at tubuan ng pakpak?May issue siya eh!

Power: Malakas ang pang amoy sa dugo ng tao lalo na sa mga buntis.Aerial attack to bords kaya medyu mahirap iwasan.Peyboret nila ang fetus,bituka,bakla,puso,atay at balon-balonan.At oo,hindi siya vegetarian hayup ka!

Trivia:Kung gusto mo siyang patayin,hanapin mo yung kahati ng katawan niya at budburan mo ng asin,vetsin,lagyan mo ng maraming bawang,sibuyas at paminta.Then sauté the garlic and onions.Put some vinegar and toyo,pakuluan,hayaang lumambot ang mga laman loob.Simmer for 20minutes then serve with mainit na kanin.

Character: Propesor X-Men (dating lalaki)

Planet: Math Department

Level: 6

Attributes:Mataray.Namamahiya sa klase.Pilosopo at hindi nagpapa kuha ng exam kung walang permit.

Power:Laging may dalang index card.Dun nakalagay yung pangalan ng mga estudyante na bubunutin niya para sa recitation araw-araw.Tila ba baraha na binabalasa tapos pag swerte ka,ikaw ang magiging hot item ni Propesor X-men.Hindi mo magugustuhan ang mukha niya pag hindi ka nakasagot sa recitation.Nakakatakot talaga!Kala mo lalabasan ng centipede sa mukha.At maririnig mo na tumutunog yung mga ngipin nya….at…at titigil na ako dahil kilala niya ako at friend ko siya sa fb.

Trivia:Hindi ko alam kung totoo o tsimis lang huh,pero nagiging manananggal daw si Propesor X-Men tuwing Friday ng gabi sa may circle sa Quezon City…..manananggal ng lakas hihihi!

si propessor x-men habang sakay ng LRT

si propessor x-men habang sakay ng LRT

Character: Si Boss

Planet: Office

Level: 7

Attributes: Merong mapupungay na mata.Parang yung mata ni Garfield na kala mo nakikipag-komperensiya sa mga alien gabi-gabi .Perfectionist.Lagi ding mainit ang ulo. Bukambibig: “deadline na yan sa makalawa”,”kelangan ko na yang report mo!”,”magaling ako”,”wala kayong increase” at “see you after office hour”.

Power: Matalim kung tumitig.Puwede mo nang ipanghiwa sa mongo.At mas gugustuhin mo pang magpakapon nalang sa harap ng mga ka-opismate mo kesa marinig mo kung paano mag mura “Si Boss” sa harapan mo habang nagliliparan yung mga sinubmit mong reports.

Trivia: Gumamit ng straw.Matutong lumaro.

 Character: Pulis Patola

Planet: Streets

Level: 8

Attributes:Maayos naman mag-uniporme si Pulis Patola kaso masyadong obvious ang laki ng tiyan.Hanggang pusod kung mag tuck-in.Animo isang malaking buwaya na pakalat-kalat sa daan.Pasita-sita sa mga dumadaang jeep at mga tindera sa bangketa.Prateng gutom.Parang tatay ng tiyanak na naghahanap lagi ng kawawang mabibiktima.

Power:Mas malakas pa ang power sa pinagsamang kapre at tikbalang.Matatakot ka talaga sa kanya.Ninong niya daw si “taning” kaya wala kang magawa kundi magbigay ng pang-delihensiya.

Trivia: Hindi uubra ang bawang o rosaryo.Makisama ka nalang kung ayaw mong gawing finger foods ng mga bulate ang small intestine mo.

Character: Kurap na Politiko

Planet: N/A

Level: N/A

Attributes:Pagsamahin mo ang tabako ng kapre,buntot ng tikbalang,sipol ng duwende,pangil ng tiyanak,kuko ng manananggal at yung mukha ni propesor x-men na parang lalabasan ng centipede-yun siya!

Power: Kaya niyang i-massacre ang buong bayan sa isang kumpas ng kamay.Kaya niyang yurakan ang pagkatao mo.Kaya ka niyang ibaon six feet below the ground na hindi na pinaglalamayan pa.Ganid sa kapangyarihan.Masahol pa sa isang batalyon ng mga asawang na hindi kumain ng 6 na buwan at atat na atat sumalakay sa isang baranggay. Takot ang lahat sa kanya maging ang mga lamang lupa at pulis patola.

Trivia: Kahit ipag-novena mo araw-araw to o kaya lumakad kang patalikod mula Quiapo hanggang Baclaran,hindi sila tatablan,kukurap at kukurap pa din mga demonyong to.Regal shocker talaga!

pinoy regal shocker

pinoy regal shocker

Ang kurapsyon,kuratong,panlalamang sa kapwa at crab mentality ang totoong horror sa bansang sinakop ng mga Espanyol,Hapon,Amerikano at mga Engkanto.Yung mga nilalang na gumagawa neto ang siyang tunay na “regal shocker” ng Pilipinas.Hindi lang sila isang alamat o kathang isip na gaya ng Justice League ng mga kano(pero sana nga naging guni-guni nalang din sila).Ito talaga ang mga totoong demonyo na gumagawa ng lagim sa lipunan.Nakakatakot!Marahil,sila ang dapat nating sabitan ng bawang at buhusan ng kumukulong arnibal sa mukha.Dahil sila talaga ang may hawak ng unlimited na yosi.Sila din ang sisipa satin na parang tikbalang sa lupet.Sila ang itim na duwende na may attitude problem.Sila talaga ang tiyanak na mahilig magpanggap.At sila ang manananggal na kayang luray-lurayin ang buong pagkatao mo.Ang mga aswang ng lipunan,hayok sa dugo at kapangyarihan,totoo,nagkalat,kaya mag-iingat ka kaibigan!

————————————————–RIP————————————————————–

Advertisements

4 thoughts on “ANG JUSTICE LEAGUE AT ANG REGAL SHOCKER NG MGA PINOY!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s