ANG JEEP,SI MANONG DRIVER AT ANG PILIPINAS…


5371838715_2b7dee91cd_z

“QUIAPO,QUIAPO…tatlo nalang aalis na!”..sigaw ng barker.Barker o starter ang tawag sa mga nilalang na sumisigaw para mag tawag ng pasahero.Kalimitan,naka puwesto sila sa mga pilahan ng jeep.Ito na yata ang isa sa pinaka madaling trabaho sa mundo.Bakit?Laway lang kasi ang puhunan mo eh.Hindi mo na kelangan magbanat ng buto buong maghapon para makahawak ng pera.Sa ganitong propesyon,instant ang money.Hawak mo pa ang oras mo.Puwede kang mag break time or manood ng sine kahit anung oras na gustuhin mo.Yun nga lang territorial ang mga barker.Para din silang mga aso,hindi sila tatahol sa hindi nila bakod.

Pinagmasdan kong maigi ang cuts sa braso este ang tindig ni kuya (barker).Malaking tao na merong malaking tiyan.Mukhang laging busog.Garalgal din ang boses niya at medyu kakulay ni Nancy Binay ang skin tone. Marahil dahil bilad lagi sa initan.Halata mo ding nagbibitak na ang balat niya sa mukha at sigurado akong  mai-stress si Dr.Vicky Belo pag nakita niya si kuya barker.Mababakas mo sa mukha niya ang ibat-ibang anyo ng kahirapan ng Pilipinas.Putangina nasa third world country nga pala tayo.Bakit sa mga so called first world country ba walang barker?Ewan ko din,problema na nila yun.

Ilang sandali pa,tiningnan ako ni kuya (barker),tapos sabi niya “Puge,quiapo ka ba?maluwag pa yan”..dahil may puge siyang binanggit sa unahan,tumango nalang ako at sumakay.Naisip ko nalang “shit puge daw ako??hihihihi”.Pero sa totoo lang,yung “puge” na sinabi niya sakin ay katumbas lang pag inutusan ka ng ninong mo na  ” Poge bili ka nga ng yosi sa kanto”.May sumusunod saking babae sa likod ko.Maganda sana kaso parang tatanga-tanga.Tumigil siya sa harapan ng jeep,tila ba nag-iisip.Patuloy pa din ang pag sigaw ng barker “QUIAPO,QUIAPO,dalawa nalang aalis na!”.Naisip ko,minsan nga yung mga barker na yan, sisigaw ng “APAT PA,APAT PA!”,pero yung totoo dalawang tao nalang ang kakasya.Trip nilang pag untugin ang tuhod ng mga pasahero at gawing parang mga pinitpit na tinapa sa loob ng sasakyan……….Samantala,buwis buhay pa din ang performance ni kuya sa pagsigaw.. ”QUIAPO,QUIAPO aalis na oooh!!!”,nang biglang lumapit sa kanya yung babaing kasunod ko kanina tapos bigla niyang tinanong sa barker “Kuya,Quiapo ba to??”…sumimangot si kuya sabay sabing “Hindi ate!!Sa buwan to pupunta!!Halos lumuwa na ang dila ko kakasigaw ng QUIAPO na animal ka tapos tatanungin mo ako kung pa-quaipo ba to?!!Nakakahiya naman sayo te!Hashtag,You don’t do that to me!!”…

Nakakainip mag antay sa loob ng jeep.Wala kang ibang masyadong makikitang tanawin kundi yung hita ni mam na may run ang stocking,yung matandang lalaki sa harap mo na nangungulangot,mga estudiyanteng nag-rereview,magsyotang naglalamasan,yung rosaryo na nakasabit sa rear view mirror,yung mga pangalan ng pamilya sa kisame ng jeep mula kay bunso hanggang kay lolo’t lola at mga pamangkin,yung miniature figure nang kumakaway na pusa,yung lantang sampaguita at mga karatula na may nakasulat na:

1.)Hatak mo stop ko

2.)Bayad muna,bago mag txt at matulog

3.)Pull “D” string to make para

4.)Katas ng Saudi

5.) God Bless our trip

6.) Gasolina ka pamasahe ako.At ikaw ang dahilan kung bakit nagmamahal ako.

7.) Basta sexy libre,buntis no way.Pag bakla gulpe

8.)Subukan mo akoy ibigin,kung ikaw ay mabitin,saka mo ako sisihin

9.)Magandang dalaga,nais kitang makilala ngunit akoy abala sa aking manibela.

10.)Sexy..kung nais mong libre,sa driver tumabi.

Siyempre pag napag-uusapan ang jeep,mawawala ba naman sa eksena ang mga authentic pinoy driver.Para din yan yung batmobile ng mga kano,hindi naman magiging sikat yun kung wala yung tsuper mismo,si batman.Dahil hindi naman si batman ang bida ngayon sa blog kong to,eh kalimutan nyu na siya.Narito ang ilang uri ng tsuper sa Pinas:

Sardinas Boys-  Driver na masipag mag antay ng pasahero sa pilahan.Tutubuan ka nalang ng kalyo sa puwet pero hindi yan aalis hanggat hindi puno.Ito rin yung mga driver na may allergy sa salitang “wala ng space” kaya yung 22 katao pilit na isisiksik sa upuan na pang 16.Bukambibig: “Ooh maluwag pa yan,dalawa,kabilaan,ayos lang po tayo!”

 Crocs- ito yung mga sardinas boys na umaastang buwaya sa kalsada.Walang sinasantong lugar to.Lahat ng madaanan isasakay.Bina-block ang daanan ng ilang jeep para sila ang maka-kuha ng pasehero.Parang kala mo naglalaro ng video game na pacman at komolekta ng madaming points para maka-kuha ng extra life.Kulang nalang eh pagawan nila ng extension na upuan sa bubungan.Bukambibig: “Paki-bilis lang po at may pulis sa unahan!”..

Mr.Asimo-Pilosopo,laging mainit ang ulo at palamura.Kala mo nung nagsaboy ng lahat ng kapangetan si Lord eh may dala-dala siyang malaking palanggana.Galit sa pasahero,sa pulis,sa takatak boys,sa batang babae na nagbebenta ng sampaguita,galit sa mga rugby boys na sumasabit,galit sa kapwa driver,galit sa mundo,galit sa lahat.Laging nagdadabog lalo na pag wala siyang panukli at pini-pressure mo siya.Bukambibig: Putang-ina talagang buhay to!Pakshit lang eh!Yung putanginamerts na pulis sa kanto..tangina niya eh!”…

kung ikaw yung pasahero at mahal mo pa yung buhay mo,kukunin mo pa ba ang sukli??...

kung ikaw yung pasahero at mahal mo pa yung buhay mo,kukunin mo pa ba ang sukli??…

The Transporter- ito yung mga driver na uber sa pagka-kaskasero at tipong mauubusan ng kalsada kung magpatakbo.Hindi katulad ng mga crocs,walang pakialam sa pasahero at kala mo laging may appointment sa pentagon ang the transporter.Bago ka makarating sa destinasyon mo,siguradong magkakaroon ng bula ang dugo mo at magkakapalit-palit ang posisyon ng  ilang internal organs mo.Bukambibig: Wala,tahimik lang at hindi mo makaka-usap.

 Segunda-mga driver na walang kasusta-sustansya sa katawan.Kulang sa energy at medyu baritone ang boses.Kung gaano kabilis ang mga The Transporter,eksaktong kabaliktaran naman nila ang Segunda.Sa sobrang bagal ng mga to,aakalain mong may sinusunduan kayong karo ng patay sa unahan.Parang prusisyon ng Dolorosa sa bagal.Maiinis ka nalang at matetempt kang i-untog ang mukha ni manong driver sa manabela habang pinipiga ang itlog niya.Bukambibig: “wala na pong ibibilis ang sasakyan ko”

kinakabahan ako sa wifi ni manong,baka kung anung bagal ng jeep niya ganun din kabagal ang connection...

kinakabahan ako sa wifi ni manong,baka kung anung bagal ng jeep niya ganun din kabagal ang connection…

 Mr.Suave- mga binatang tsuper na madalas magpa-poge pag namamasada.Naka-gel at nag-susuot lagi ng bling-bling.Kadalasan naka-baseball cap at merong maluwag na damit.In short,hip-hop.May kurtina ang bintana ng jeep at tadtad ng spray painting ng naruto,slam dunk,dragon ball,doraemon at kung anu-anu pang anime.Ito yung  mga 3rd generation na  jeepney na may flamboyant decorations.sosyal sa term!Matamis ang dila lalo na sa mga pasaherong babae.Bukambibig:”kunting ipit lang po ng hita mam,baka pasukin ng langaw yan..”

 The DJ-mga tsuper na mahilig magpatugtog ng mga kanta ng salbakuta,renz verano,aegis, at masculados.Sa sobrang lakas mag patugtog,kahit lumunok ka pa ng megaphone eh hindi ka maririnig ng katabi mo.Kinakelangan mo pang mag-effort na sumigaw ng matinding “darnaaaaaaah!” para huminto.Kalimitang may mga super-alalay ang DJ.Minsan sa dami ng nakiki-hitch na barkada,ma-o-OP ka eh.Iisipin mong sabit kalang sa isang grupo ng kabataan na nagpi-field trip sa luneta.Bukambibig: Madami,pero hindi mo marinig

 Si Manong Butchok-mga tsuper na kamag anakan ni Jollibee.Malaki ang tiyan,kala mo lumunok ng isang buong litson.Pawisin ang mga manong butchok kaya laging may naka-sabit na good morning towel sa balikat.Laging gutom at mahilig mag yosi.Medyu tamad din mamasada kaya laging bitin ang pang-boundary.Bukambibig: Wala,dahil laging may naka-subong hamburger

Bomberman-sila yung mga manong butchok na may malakas na putok sa kili-kili.Sa sobrang tindi ng anghit ni bomberman,manunuot yun sa ilong mo na parang hinihiwa ng blade sa sakit.Minsan nga kala mo umutot yung katabi mo eh.From a certain point sa unahan,hanggang sa tangential point sa pinakadulong upuan,lahat yun mabubusog sa amoy ni bomberman.Pag matagal ang exposure mo sa radiation ng anghit ni manong,kakapit sa damit mo ang amoy,tindi!Bukambibig: “ang init talaga sa pinas!”…

 Thundercats-matandang tsuper na merong matandang jeep.Mga driver na tumanda nalang sa pagmamaneho at nakapagpatapos na ng Engineer,Doktor,Nurse at Teacher na anak.Gaya ng sasakyan nila,madalas nang rayumahin ang mga thundercats.Amoy lupa na at isang uod nalang ang hindi pumipirma eh kukunin na ni lord.Hindi mo na nga halos ma-identify din kung alin ang kalawang sa pintura ng jeep nila.Pag sakay mo,magdadalawang isip ka pa kung kakapit ka ba sa hawakang bakal or mag tatake risk ka sa tetano.Kadalasang nakikipag palitan ng kuro-kuro tungkol sa usaping politikal sa katabing pasahero na medyu may edad na din.Madalas ding sanhi ng matinding trapik ang mga  thundercats dahil laging tumitirik at nasisiraan.Bukambibig:” Sensya na po kayo nasiraan tayo,lipat nalang kayo sa iba”…

isa sa mga thundercats na naka-usap ko at pumayag ipakita ang mukha niya...

isa sa mga thundercats na naka-usap ko at pumayag ipakita ang mukha niya…

 Mang Kanor-Ito yung mga thundercats na malibog.Mabangis sa mga banat.Madaming baong green jokes.Walang makakahadlang na rayuma at ubo sa pagka pilyo.Kalimitan mga under de saya to dati nung bata-bata palang kaya late bloomer ika-nga.Libangan nalang ang pamamasada para maka-snipe ng maputi at mahabang hita ng dalaga.Bukambibig: “kumapit ka ineng,isasagad ko ang preno” o “kunting ipit lang baka mangamoy”..

The Messiah-ang driver na masayahin at bibo.Masarap kausap.Kaibigan ng lahat.Laging sumisipol at galante magbigay ng tip sa barker.Ito rin yung madalas na nag tutune-in sa mga FM radio station.Nagbibigay ng payo sa kapwa tsuper at katabing pasahero.Bukambibig: “Pare kumusta ang kita?Ayos naman ba?Ang tumal ngayon ng biyahe ko pero mabuti na ito kesa sa walang trabaho.Kumusta pala si misis?Succesful ba yung ginawang raspa?Magaling na ba yung eczema ng bunso mo?..”

isang messiah na naging  viral sa internet...

isang messiah na naging viral sa internet…break it down yow!

 Si Bay-bisayang tsuper na nakipag sapalaran sa Manila.Medyo seryoso at pili lang ang mga circle of friends niya.Walang panahon makinig sa mga kanta ni Justin Bieber.Masipag pumasada pero minsan sumasideline sa mga kolurom na jeep.Bukambibig: “Ilan po sa binti?Pahingi nalang po mam ng city sa inyu para masuklian ko kayo”…

 Ultimate Manong Driver-Ang tsuper na mabango,magalang sa mga pasahero,laging naka-ngiti,magiliw kausap,maayos magpatakbo,laging nasa kondisyon ang jeep,ang messiah at higit sa lahat sumusunod sa batas trapiko.Perpekto na sana ang ultimate driver,ang problema lang,hindi pa siya nag-eexist sa mundo.

At kung merong ultimate driver,meron ding ultimate pasahero…

dahil diyan.manonood ako ng movie mo sa sinehan at hindi ako bibili ng pinarata na dvd sa Quiapo...

dahil diyan,manonood ako ng movie mo sa sinehan at hindi ako bibili ng pinarata na dvd sa Quiapo…

Bukod sa basura at korupsyon,ang  jeep ang pambansang simbolo ng Pilipinas.Naghahatid sa milyon-milyong pasahero araw-araw.Malayo-layo na rin ang narating ng sasakyan na to sa buhay nating mga Pinoy.Naging bahagi na ng ating sistema.Kung tutuusin,itoy isang ordinaryong bagay nalang para sa atin.Kasing ordinaryo ng pagkain ng kanin,pagsisipilyo,dayaan tuwing sasapit ang eleksiyon,pag tae sa umaga at pag utot mo sa public places.Pero sa mga dayuhan,itoy kahanga-hanga at kakaiba.Dahil para sa kanila,hindi kalang basta sumasakay sa isang modified CJ3B ng mga amerikano,kundi sumasakay ka din sa kultura ng mga Pilipino.

__________________________end_______________________________

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s