SHIT HAPPENS!….


shit-happens1

Naranasan mo na ba yung gigising ka isang araw tapos lahat ng ginawa mo palpak?Yun bang ang tanging ginawa mo lang namang kasalanan eh yung magkulangot ka sa loob ng opisina nyu tapos ididikit mo sa ilalim ng desk mo?Then mula almusal hanggang pag-uwi mo galing opisina eh comocombo yung mga badtrip moments mo .Parang wala ka ng ginawang tama puros mali.Tila ba para kang sinumpang panget sa araw na yun.Sabi ng ilang nagmamarunong,kaya daw may bad hair day tayo minsan eh dahil namali yung posisyon natin sa pagtulog.Ang sabi ko naman,walang kinalaman diyan ang pagtulog natin,dapat pinapa-feng shui natin yung positioning ng kalan natin sa kusina.Tapos imaginine mo nalang na makabuluhan ang mga sinabi ko.Dahil kung hindi ganito aabutin nyu sakin……

tumblr_lrv84wzFAk1qhsz2c

Dahil napi-feel ko na may tumutubong buhok sa pagitan ng itlog ko at wetpaks today,gusto kong maglaro tayo kunti.Magbibigay ako ng listahan ng ilang mga nakaka-badtrip na pangyayari tapos i-rarate natin yung katangahan.Parang baklameter,pero hindi tayo mang kikidnap ng bakla ngayon kaya relaks lang kayo.

Level ng Katangahan: 1-Keri Lang 2-Shunga(2X) 3-May pagka Bopols 4-magmature as a person 5-pakamatay ka nalang

Shit happens!:

1.)  Biglang hinigop ng electric fan ang buhok mo

Description:  Yung tipong nagpapatuyo ka ng buhok mo tapos kumakanta-kanta ka ng pusang bato este pusong bato tapos hindi mo namalayan kinakain na pala ng elese ng fan yung kulot mong buhok.

Level ng katangahan : 3-May pagka bopols

2.) Yung  pa-level up kana sa candy crush tapos biglang nalowbat yung phone mo

Description: Ito yung mga nilalang na naglalaway maka-level up sa candy crush.Nalilipasan na ng gutom at tipong hindi mo makausap ng maayos.Sila din yung mga taong laging nang-gugulo sa notification ng FB mo kaka send ng invitation sau para maglaro at manghingi ng lives.Mainit lagi ang ulo nila lalo na pag mabagal ang internet connection.

Level ng Katangahan : 1-Keri Lang

intiendes???!!...

intiendes???!!…

3.) Na-janine tugonon

 Description: Ito yung mga lalaking kamukha ni Boom Boom Bautista tapos yung gf nila eh beauty queen.Usually,sila yung mga lalaking wagas magmahal at sumasama-sama kung saan rarampa ang dyuwa.Since beauty queen at kasing taas ni yao ming ang gf nila,lapitin ng mga papa.Tuloy na coconfused ang lola mo.Resulta?Hihingi ng space tapos ipi-friendzone ka nalang pag gising mo isang umaga.

 Level ng Katangahan: 4-Magmature as a person

eh kung ganyan ba naman mukha mo malamang kuya!!

eh kung ganyan ba naman mukha mo malamang kuya!!

4.) Yung pinu-“push” mo ang pinto ng malakas tapos yung nakalagay pala sa karatula “pull”

 Description: May dala kang mainit na kape sa loob ng 7eleven at nagmamadali kanang lumabas kasi malalate kana sa opisina then dalawang beses mong tinulak ng malakas yung pinto.Tapos nag pause for a moment ka dahil medyu nalito ka sa salitang “PULL”.Nagmukha ka tuloy mongoloid sa mata ni manong guard.

 Level ng Katangahan: 2-Shunga (2x)

5.) Nabiktima ng biglang weather change

 Description: Ito yung mga nagmomotor papasok sa opisina  tapos naka-suot ng helmet,kapote,jacket at bota dahil sa malakas na ulan kahit summer.Sa kalagitnaan ng trapik,biglang uminit ng napakatindi!Badtrip yun!Panira ng porma eh!Sa Pilipinas,dalawa lang talaga ang taya ng panahon.Kung hindi ka basa sa ulan,basa ang kili-kili mo sa pawis!

Level ng Katangahan: 3-May pagka bopols

6.) Hindi lumingon ang crush mo nung nag “peace be with you” naL

Description: Ito yung mga kabataan na pag nagsisimba,pumupuwesto sa likod ng crush nila tapos aantayin lang yung part ng misa na kung saan mag babatian ng “peace be with you” ang lahat.Ganun kababaw ang kaligayahan ng mga hayop na to!(Trivia: Ginawa ko na dati to nung hayskul ako.Pag naaalala ko ngayon yun,natetempt akong magpakalbo)

Level ng Katangahan: 5-Pakamatay ka nalang

7.) Yun bang sagot ka ng sagot tapos hindi pala ikaw yung kausap

 Description: May katabi kang chiks sa LRT na may malaking dyuga,tapos nagtanong siya ng “kumusta ka na?”,nagulat ka pero sabi mo “okey lang,ikaw ba?”,sumagot yung babae sabi niya “ayos lang hahaha,anlakas ng appeal mo!”,medyu kinilig ka sa part na yun tapos banat mo “hihihi sabi nga nila,anyway im (insert name here) nga pala”..tapos sumagot yung chicks “babe,sandali lang may kupal dito na katabi ko,sagot ng sagot!”,huli na ng nalaman mong naka headset pala siya…

Level ng katangahan:5-Pakamatay ka nalang

8.) na-wrong sent ka sa gf mo

Description: Patay kang bata ka!!

Level ng katangahan: 3-may pagkabopols

9.) Yung tipong basa pa yung brip mo sa sampayan

 Description: Ito yung mga lalaking may 2 pares lang na brip.Sila din yung mahilig magpatuyo ng medyas sa electric fan.Mahilig sila kay Justin Bieber at nanonood sila ng Glee!Usually mga atheist.Ito yung pag nagsimba ka sa simbahan nila,may makikita kang inaalay na birhen sa altar tapos may sumasayaw ng aringkingking.Shit sobrang paranoid ko sa buhay!

 Level ng Katangahan: 4-magmature as a person

nasabi ko ba na ganitong babae ang mga inaalay?hindi?....okey bye!

nasabi ko ba na ganitong babae ang mga inaalay?hindi?….okey bye!

10.)Biglang kinain ng ATM yung card mo

 Description: Yung pumila ka ng napakahaba na kala mo manonood ka ng  movie ni iron man tapos malalamon lang ng machine yung card mo na animal na yan!Parang chiks din minsan eh,pinapasabik kalang pero sa huli madedebit ka din.

 Level ng Katangahan: 1-keri lang

11.) biglang tumama sa kanto ng mesa yung pekpek mo…aaay bastos!hihihi

Description: Para sa mga babae,di bale ng mabroken hearted sila wag lang tatama yung hiyas nila sa may kanto ng table.Ansakit nun siguro noh tsaka medyu nakakahiya eh.Parang kung sa lalaki yun,katumbas yun na kina-castrate ka sa araneta coliseum sa harap ng libo-libong tao pag half time ng PBA..puta!

 Level ng katangahan: 2-Shunga(2x)

am reli veri much sori to hurting you!again,badly,im sori so much...

am reli veri much sori to hurting you!again,badly,im sori so much…

12.) nakulangan ng piso yung pamasahe mo

Description: Yung tipong nagdadasal ka ng mataimtim na sana may biglang bumabang anghel mula sa langit at abutan ka ng piso.Ito rin yung mga pagkakataon na maiisip mo na sana naging anak ka nalang son goku para makapag teleport ka just in case.

Level ng Katangahan: 2-Shunga (2x)

13.) “i-gegerald anderson” mo sana,kaso panget yung bestfriend niya

Description: Ang sabi ng mga tsismosang bakla sa parlor habang nag-shashampoo;” kapag na-janine tugonon ka..puwes igerald Anderson mo!”Na ang ibig sabihin sa Webster dictionary ay,pag pinagpalit ka daw ng gf mo dahil mukha kang boksingero,landiin mo ang bestfriend niya!Makaganti lang ba.

 Level ng Katangahan: 4-magmature as a person

i told you!!

i told you!!

14.) Nakalimutan mo bigla yung password mo sa yahoo mail

 Description: Yung kahit anung tanong sau ng yahoo ng “name of your pet?” hindi mo rin maalala dahil yung name lang ng pet mo sa pet society ang alam mo.Nung nag-alaga ka kasi ng pusa,pinangalanan mong Richard Parker,tapos nung tinanong kana ng yahoo sagot mo Richard Reynoso?Anu bang problema mo bilang tao?

Level ng katangan: 4-magmature as a person

15.) Ikaw yung unang tinawag sa recitation sa math

Description: Kahit pinagdasal mo pa ng buong diwa na wag kang matawag dahil hindi ka nag-aral/wala kang alam/bopols ka sa math ay nangyari parin ang hindi mo inaasahan.Tapos bigla mo nalang maiisip,na sana totoo nalang yung bato ni darna lalo na sa mga pagkakataong ganyan.Yun bang pagwala kang masagot,lulunok ka nalang bigla ng bato tapos sisigaw ka ng “darnaaaaaah!”,tapos ma-aamaze yung prof mo,pauupuin ka nalang.

Level ng katangahan: 4-May pagka bopols

16.) Nakalimutan mo bigla yung pangalan ng kausap mo

Description: Ito yung mga pagkakataon na bigla mo nalang makakasalubong sa MOA yung taong nakilala mo sa isang birthday party.Beso,batian at chika to the max kayo na may kasamang pag-luwa ng utak mo sa kakatawa. Tapos nung hiningi mo na ang number at habang nakatitig siya sa cell phone mo,hindi mo matype yung name niya dahil nalimutan mo.

 Level ng katangahan: 2-Shunga (x2)

17.) nasa kalagitnaan ka ng paliligo ng biglang nawalan ng tubig

 Description: nag dadance number ka pa at nagpapanggap na miyembro ng grupong backstreet boys tapos biglang nawalan ng tubig.Hindi ka daw kasi nagbabayad ng bill mo kuya.Buti nga sayo!

 Level ng katangahan: 1-Keri lang

18.) Kausap mo parents ng syota mo,then biglang lumobo sipon mo

 Description: Bumabanat ka ng mga jokes dahil gusto mong magpasikat sa gf mo.Dahil mukha ka naman talagang pigsa,bumebenta,kaso na-carried away ka,biglang lumubo sa harapan nila yung sipon mo.Ang balasubas mo dre!

Level ng katangahan: 4-Magmature as a person

19.) Yun bang itatapon mo ang cellphone mo sa sobrang galit,tapos iche-chek mo kung okey pa

 Description: Ito yung mong moment na galit galit ka sa boypren mong babaero.Hayvoltage ka at ambilis-bilis mong mag text parang 10words per 5seconds.Tapos yung mumurahin mo na siya ng “putangina ka break na tayo!!!”..biglang na check operator ka.Then after 3minutes nag txt siya,break na daw kayo.Puta naunahan ka pa!

Level ng Katangahan: 3-may pagka bopols

20.) Yung feeling na,pati yung paglalagay mo ng napkin nakalimutan mo

Description: yung totoo ate,babae ka ba?Bigla ko tuloy naisip na okey siguro kung mag nenegosyo ako ng mga napkin na yan.Yung waterproof at shockproof.Tipong kahit ikiskis mo sa pader hindi ka tatagusan.Guaranteed no leaks,no odor tsaka feeling fresh palage.

Level ng Katangahan: 4-magmature as a person

21.) nag-request ang gf mo na “i-dawn zulueta” mo siya kaso hindi mo siya kayang buhatin

 Description: Bubuhatin mo ang babae na parang katulad sa ginawa ni Richard Gomez kay Dawn Zulueta sa isang showbiz talk show.Ganun lang yun kasimple.Bakit sumikat?Dahil isang Richard Gomez ang nagbuhat kay Dawn.Kung si Empoy yun,tingin mo magiging trending yun?Balita ko nga,pati  mga old PBA players gumagamit na din ng salitang “i-dawn zuleta mo ako” para makapag-dunk eh!Hayup ka vice ganda,sinisira mo ang utak naming mga kalalakihan!

Level ng Katangahan: 5-pakamatay ka nalang

yung moment na ganito...nakakapakyu lang!

yung moment na ganito…nakakapakyu lang!

May mga araw talaga na masama ang gising natin.Minsan nga pag sinuwerte ka pa,sunod-sunod na kamalasan pa ang darating sayo.Yung mapapamura ka pa ng malutong na “putang-ina namang buhay to!”.Pero ganyan ang life eh,hindi araw-araw pasko.Shit happens sabi nga!Para din yang malapot na tae sa puwet na hindi mo kayang pigilan.Kusang lalabas at mangangamoy.At pag nangamoy,hahabulin ka ng langaw.At pag hinabol ka ng langaw,mapapansin ng ibang tao.At pagnapansin ng ibang tao,matatawa sila,mandidiri,papanget ka ng sobra.Pero sabi nga,”tomorrow is always another day”,bawat gising mo sa umaga na puno ng muta,bawat higop mo ng mainit na kape at paglunok ng pandesal,bawat tilaok ng manok ng kapitbahay nyu,bawat bukas ay may pag-asa.Darating ang araw na makakahanap ka din ng ligaya sa buhay,yung i-dadawn zuleta ka sa harap ng madaming tao..charing!

__________________________end______________________________________

Dedicated to Mam Fritz Ann Rodriguez,Divina Gracia Bainto and sa birthday girl Shani May San Juan,Happi Burthday babe!

Advertisements

One thought on “SHIT HAPPENS!….

  1. wow nmn ian, super thanks.. ewan ko ba bakit ang taba taba talga ng utak mo.. galing mo! napag usapan ka nga nmin ni jeff eh.. di rin sya makapaniwala na may talent ka sa mga gantong bagay.. well anyway, appreciated ko sobra.. nice one.. more to come.. im one of your avid reader.. ingat lagi :

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s