DEAR MISS JANINE TUGONON….


safe_image

Dear Janine,

Kung hindi mo naitatanong at wala naman talagang nagtatanong,isa ako sa libo-libo mong taga-hanga.Hindi lang ako basta simpleng taga-hanga mo,dahil umabot na sa puntong  ini-stalk na kita sa facebook,twitter at instagram.Isa din ako sa mga lalaking matiyagang nakikipagtitigan sa mga  pictures mong nakadikit sa kisame at dingding na parang collage.Infact,tinadtad ko ng larawan ng mukha mo ang apat na sulok ng kuwarto ko.Kulang na nga lang maglagay ako ng laser at spy cam  at magmumukha na yung mini-museum mo eh.Pati nga yung nanay ko nagtatanong na sakin kung “anak serial killer ka ba?”,pero wala akong pakialam dahil sa tuwing pinagmamasdan ko ang iyong mga larawan ay tila ba nagsasabi silang “hello handsome”.Shit baliw na nga yata ako sau!

Nagsimula ang lahat ng ito nung una kang sumali sa Binibining Pilipinas.Nalungkot nga ako nung nalaman kung naging first runner up kalang eh.Ikaw naman talaga ang panalo para sakin dun.Pero hindi ka sumuko,determinado ka na mapasayo ang korona.Sa pangalawang pagkakataon,nanalo ka.Lalo tuloy akong humanga sau.Tapos nalaman ko pang mahilig ka palang gumawa ng candy at pastillas tapos ibebenta mo sa mga friends mo.Hindi kalang maganda,madiskarte pa sa buhay.Nalaman ko din na matapang at palaban ka.Dahil minsan mo nang niligtas yung kapatid mong babae sa isang magnanakaw ng cell phone.Sabagay,sinu ba namang hindi matatakot sa babaing kasing taas ni Bonel Balingit at baka yung gamit mong stilettos that time eh matulis pa sa dalang kutsilyo ng magnanakaw.

At hindi pa diyan nagtapos ang mga pangarap mo.Na excite ako dati nung nalaman kung ikaw ang mag-rerepresent ng bansa natin para sa international pageant na Miss Universe.Bagamat marami ang nagdududa sa kakayahan mo,hindi ka nagpaapekto.Kesyo kinukulang ka daw sa kagandahan,maitim daw masyado ang kili-kili mo, matangkad kalang daw,at kung anu anu pang paninira sayo.Pero never ako nag duda sa isang Miss Janine Tugonon.Idol ko yan eh!At hindi nga ako nagkamali.Sa dami ng nagagandahang babae na kasali sa pageant,yung cobra walk mo ang nag stand out sa lahat.Parang nung nakita kitang rumarampa sa stage,naisip ko,sana katawan ko nalang ginawa mong  tapakan.Pero syempre hindi kasama dun ang pagsuot mo ng 5inches na stilettos,baka magka butas-butas naman ang bituka ko nun.At nung inannounce nga na nakapasok ka sa top five,muntik ko nang malunok ang monitor ng TV namin.Hanggang sa dalawa nalang kaung natira ni Miss USA.Para nga ako manganganak na buntis na nagtatawag ng lahat ng kilala kong santo eh.Bigla tuloy nag spark ang mga cells ng utak ko,na kahit anu pang mangyari,pag nagka-anak ako,Janine Tugonon na ang ipapangalan ko,wala akong pakialam kahit lalaki!At yun na nga,dumating na ang moment of truth,naging first runner up kalang.Pero hindi na matatawaran yung binigay mong karangalan sa bansa natin.

Mas lalong dumami ang mga taga-hanga mo.Na curious ang lahat sa pagkatao at personal na buhay mo.Bilang isang lalaki na nangangarap na magkaroon ng gf na isang Miss U first runner up,nagdasal ako kay Lord,hindi para tubuan ako ng abs or gumaling yung buni ko sa singit,nagdasal ako na sana ay may pag-asa ako sayo,na sana single ka at naghahanap ka ng knight and shining armor mo.Pero parang bumagsak sakin ang buong kisame ng bahay namin at napisak ang utak ko ng malaman kung may BF kana!Sa sobrang taranta ko hinanap ko sa internet ang bf mo.Habang nagtatype ako ng “sinu bf ni janine?puta!” sa google search box,naiimagine ko kung gaano ka guwapo ang lalaking yun.”Siguro pinaghalong mukha ni Piolo Pascual at katawan ni Aljur Abreneca yun!”ang pabulong na sabi ko.At laking gulat ko!Tumambad sakin ang isang lalaki na hindi kaguwapuhan.Moreno at mukhang pinabili lang ng minola na mantika sa tindahan ng nanay niya.Akala ko nga isa sa mga random poser mo lang eh.Nabuhayan ako ng loob!Alam mo yung feeling na kaya mong sulutin si Janine Tugonon sa bf niya?Ganun ang naramdaman ko sa mga oras na yun!Parang bumalik ang confidence ko sa pagharap sa magagandang babae.Puwede palang mangyare yun.Kala ko sa ‘’mga love story movies lang na panget yung lalaki tapos saksakan ng ganda yung babae.Alam mo yung movie na “She’s out of my League”?,yun parang ni-remake lang nila sa totoong buhay yun.

Bigla tuloy naisip ko na siguro yung bf mo, kung hindi yan may ari ng mga pawnshops sa metro manila siya na ang pinaka-nakakatawang lalaki sa Pilipinas.Tapos may napanood akong interview  sabi niya kung puwede nga lang daw siya ang sumali sa mga beauty contest para sa gf niya,I mean gagawin ba yun ng bf mo na rumampa-rampa sa Binibining Pilipinas?Sure siya?Kalurs lang huh!Pero ang sweet naman nun if ever na gagawin niya nga.

Muntik na akong maiyak nung sinabi mo sa TV na hindi mo kelangan ng isang “Brad Pitt” sa buhay mo at mahal na mahal mo ang bf mo.Dagdag mo pa,na kung mukha lang over ang pagiging faithful ng isang tao,dun kana sa faithful.Lalo yata akong humanga sau sa pagkakataong yun.Naisip ko lang,ang swerte naman ng bf mo!(Pero tanong lang,papayag ka ba na maging dyuwa ni Janine pero lahat ng tao sasabihan kang ang panget mo para sa gf mo?Ang hirap diba,parang makakatadyak ako sa mukha pag sakin sinabi yan eh!)

Hanggang pumasok sa buhay mo ang isang lalaki na hindi naman kamukha ni Brad Pitt,si Danny O’ Donoghue  na lead singer ng bandang The Script…..Pero anyare te?Matapos mong magbigay ng assurance sa bf mo na “I love you very very much” tapos sabi mo pa na kahit may ma meet ka pang iba,hindi mo siya ipagpapalit?Tapos God-centered ang relationship nyu dahil pareho kayong born again Christian?Sinabi mo yung mga salita na yun in public sa press.So anu yun,publicity mo lang ba yun idol?Para ba mas lalong humanga sayo ang mga tao dahil hindi ka namimili ng partner kahit hindi guwapo at hindi mayaman kaya ganyan sagot mo sa mga press?Parang pang Miss U lang mga sagot mo charotera ka te!May nagparamdam lang na guwapo,lumuluwag na agad ang garter ng panty mo.

Tapos napanood ko yung guesting nyu sa kristv.Nalurks ako sa mga sinabi mo.Hindi naman ata tama na ipagsigawan mo sa national TV,na wala na kayo ng bf mo at kinikilig kilig kalang sa Danny na yun habang katabi mo ang ex mo!Ganun ka na ba ka-insensitive sa feelings ng ibang tao?Ang lupet mo ate!Parang gusto ko ngang ibato yung remote ng TV namin sa mukha mo that time eh!Kaso sayang,baka magasgasan pa yung 30inches na sony bravia namin.At kung ako yung bf mo nun,ipapasak ko sa bunganga mo yung hawak na mic ni john lapuz tapos i-chochoke slam kita ng tatlong beses sa floor.Naawa ako kay kuya,sana hindi mo nalang siya sinama sa show kung ipapahiya mo lang pala siya ng ganun.Hindi lang makaimik ang bf mo,pero kulang nalang mag teleport siya sa buwan  kasama nina Kris,John at yung camera man sa pagkapahiya sa mga sinabi mo.

Na-dissapoint ako Miss Janine Tugonon.Feeling ko masyadong below the belt at kabastusan ang mga sinabi mo.Kaming mga lalaki,mapa guwapo man yan or mukhang kinayas ng steel wool ang mukha,nasasaktan din ang aming ego at pride.Nirespeto mo nalang sana bilang tao si kuya kahit hindi na bilang karelasyon mo.Title holder ka ate at hindi ka artista!May reputasyon ka at dignidad na pinang hahawakan.Maging sensitive ka naman sa mga pinagsasabi mo lalo na sa press at sa TV.Ikaw ang role model ng mga kababaihan at hindi mo kelangan i-broadcast ang lovestory mo at pagiging malandi mo dahil hindi kami interesado!!(unless ako ang landiin mo)

P.S tinanggal ko na mga pictures mo sa kuwarto ko hmp!

 Lubos na naumay,

 Mang Kanor

___________________________end______________________________________

Advertisements

9 thoughts on “DEAR MISS JANINE TUGONON….

  1. Am really sorry for her unprofesional attitudes. I couldnt believe that she could humilate the person who luvs her truly. I agree with u, she could keep this split privately if she honors and respects her dignity as a miss universe 1 runner up. She should not win even in the fourth place becoz her behavior s not worthy enough to win. She is very viulgar and very flirty. s

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s