BAKIT MAS MASARAP MAGING LALAKI?


images

Katatapos ko lang mag-burn ng mga kanta ni Katy Perry today.At nakikiusap ako sa inyu na kung ito  man ang huling araw ko sa mundong ito,wag sana yun ang maalala nyu sakin.Gusto kong alalahanin nyu ako bilang isang malibog na nilalang na mahilig magsulat ng mga walang katorya-toryang blogs.Isang male specie na nagmula sa order ng kingdom animalia at phylum chordata.Isang maralita na nagmula sa bulubundukin ng Palawan,nagsumikap,nakipag sapalaran sa Qatar  at naging miyembro ng One Direction charut!Nung nakaraang araw kausap ko sa tango ang soulmate ko (nakamputs!).Sa dami ng pinag-usapan namin,may isa siyang sinabi na nagsumiksik sa neurons ng brain ko.Mas gugustuhin nya pa daw na maging isang lalaki kesa maging babae.Muntik ko nang ihampas sa ulo ng pusa ko yung telepono na hawak ko matapos kong marinig yun! Infact,ayun sa survey 95.45% sa populasyon ng mga kababaihan sa buong mundo ay mas gugustuhing  maging isang lalaki.At 100% naman sa sinabi ko ay gawa-gawa ko lang.Kaya matapos kung titigan ang aking pagkalalaki este pagnilayan pala,napagtanto kong napaka-swerte pala namin na mga lahi ni Adan.Isipin mo nalang pards na laking ginhawa na hindi tayo naglalagay ng pads sa ating brip buwan buwan.

Sa School:

Boy 1: Bords may extra ka ba nyan na pads?Shit meron yata ako ngayon eh!

Boy 2: Nireregla din ako ngayon pre eh.Isa lang reserba ko.

Boy 1: Sige na pre pahiram muna,baka tagusan ako may praktis kami mamaya ng basketbol eh!

Boy 2: Tangina naman pre,ilang beses ka ba inere ng nanay mo?!Sabing meron din ako eh.Eh kung ako naman ngayon ang tagusan?Gusto mo sapakan nalang tayo eh!

Boy 1: Grabe siya oooh…nagtatanong lang naman eh hmp!

Boy 2: Pasenya kana pre,meron lang ngayon….lika nga dito *hug*

Dahil hindi ko pa din na-experience maging isang babae(hopefully wag  naman na sana),medyu magiging bias ang blog ko na to.Hindi ka ba napatanong sa sarili mo habang napadaan ka sa Edsa at nakita mo yung mga naglalakihang billboard nila Derik Ramsey na kung anung klase ba ng mundo ang ginagalawan ng mga male specie?Anung mga perspective namin at insight sa buhay?Kung nag-iiyakan din ba kami pag broken hearted ang isa sa mga tropa?Bakit parang andali-dali para samin ang lahat ng bagay? Seryoso lang,masarap talaga maging lalaki.Parang magagawa namin ang lahat ng bagay dito sa mundo na walang limitations.Kasing lupet  namin ang virus sa matrix sa mundo ng kompyuter  na kayang pumasok sa lahat ng programs at makina.

Kaming mga lalaki madalas meron kaming pagkakapareho sa lahat ng aspeto o yung tinatawag na “something in common”.Mahilig kami sa basketbol,dota,UFC,boksing at womanizing- chos lang!Kaya parang andali lang samin na magkagaanan ng loob eh.Minsan nga makasabay mo lang sa bus,parang mega-close na agad kayo eh.Dami kasing puweding pag-usapan eh.Magmula sa PBA,sa pulitika,sa susunod na fight ni pakyaw,sa cover girl ng FHM,sa boobs ni Angel Locsin,ekonomiya ng pinas,steroids,bubble gum,sapatos ni Lebron,sponge bob at kung anu-anu pang machong bagay.Unlike sa babae,kumplikado at hindi masyadong malinaw.Hindi naman kasi lahat ng babae mahilig sa make-up,mamahaling bags at sapatos.Hindi rin lahat ng babae ay may crush kay Ryan Gosleng at sakin (ulol!).So parang ang hirap magka-amuyan ng something in common nila eh.Sila na ata ang pinaka misteryosong nilikha dito sa mundo.Minsan napaka unpredictable pa at pag may saltik,naku day,bubuka na ang lupa at hindi yan magpapatalo sayo.Pero ang lahat ng yun ay kasama na sa minahal namin sa inyu.Hindi rin magiging masarap at challenging ang isang relasyon kung walang mga ganyang eksena sa buhay.Kung tutuusin nga kami pang mga lalaki ata ang may mas attitude problem eh.Feeling ko mas animalistic kami eh.Tingnan mo,pag nag-aaway ang mga babae,madaming salita pa yan,parinigan,taasan ng kilay,irapan at magpopost sa FB ng kung anu-anu.Sa mga lalaki,hindi puwede yung ganyan.Para kaming mga aso eh,wala ng salita pa suntukan na agad.Masyadong violente at brutal hahaha!Marahil ipinanganak nga kami para maging superior sa mga kababaihan.Pero parang ang tamang pananaw diyan ay,kaya nag-eexist ang male specie sa mundo ay para alagaan at mahalin ang mga kababaihan hindi para maging superior sa lahat ng bagay.Sa haba ng intro ko,dumating na din tayo sa point na kelangan ko nang ibato ang tanong na to…..lol

unless  pasimpleng crush nyu pala si Justin Bieber  at hindi si Ryan Gosleng

unless pasimpleng crush nyu pala si Justin Bieber at hindi si Ryan Gosleng

 Bakit mas masarap maging lalaki? (Part 1 of  500)

1.) Hindi na kelangan  pang mag-bunot  ng buhok sa kili-kili.Mas mahaba,mas macho ang dating.Yun nga lang pag dinurog na tawas ang ilalagay mo,nagiging visible sa naked eye ng  tao ang mga left over particles….eeew!

Kahit maganda pa at makinis,magiging issue pa din sakin ang buhok nya sa kili-kili!

Kahit maganda pa at makinis,magiging issue pa din sakin ang buhok nya sa kili-kili!

2.) Wala kaming moral  na obligasyong ahitin ang bigote namin sa mukha.Kahit magmukha pa kaming sinaunang  tao gaya ng mga caveman sa Palawan, eh walang problema.Pero kanina nag ahit ako ng bigote  bago pumasok  sa opis.Kakamadali ko,one side lang ang na-ahit ko.Medyu naging hawig ko tuloy si Voldemort,shit!

3.) Hindi rin malaking issue samin kung  maging kasing itim man ng puwet ng kaldero ang kili-kili namin.Naalala ko nung minsang umuwe kami ng barkada ko na lasing na lasing.Sumakay kaming pareho ng  jeep tapos kala ko biglang nag-brownout!Eh tanghaling  tapat pa naman yun.Yun  pala naka-subsob ang  nguso ko sa kili-kili niya.Sa sobrang itim nun,kahit si kamatayan  matatakot  eh!

4.) Acceptable din saming mga lalaki  kahit na tumaba.Kahit pa maging kamukha namin yung mascot  ng  Michelin  sa  juba.Pero sa mga babae,ikamamatay nila pag naging kahulma ng katawan  nila si Adele.Mahihirapan silang sumout ng panty.

Gusto yatang mawalan ng kita si  manong eh

Gusto yatang mawalan ng kita si manong eh

5.) May choice kami kung sinu ang bet naming ligawan.Ito na ata ang  isa sa pinakamagandang features ng pagiging isang barako.Hindi katulad sa mga babae,walang ibang gagawin kundi mag-antay at madalas “nganga” ang eksena.Kahit na gustong-gusto mo na ang lalaki,yung tipong kulang nalang mag lambada  ka sa harap nya para mapansin kalang.

6.) Kahit hindi masyadong kagandahang lalaki,may chance parin  na mag ka syota  ng maganda.Basta magaling kalang dumiskarte at matalino,makaka tsamba ka eh!Yung crush ko nung college nakita ko sa instagram dati, hindi guwapo ang boypren!Nakaka shit lang na mag boboypren nalang din pala siya ng di guwapo,bakit hindi pa ako??lolz

pero hindi lahat guwapong lalaki eh.....basta!

pero hindi lahat ng guwapong lalaki eh…..basta!

7.) Ayos lang ipakita ang  utong namin sa publiko.Kahit ikis-kis pa namin sa pader,hindi big deal yun.Pero wag mo lang akong papakitaan  ng mantits mo habang nag-iinuman tayo, dahil baka maisipan  kung gawing sisig yan.At sana mauso din sa mga kababaihan yung ganito,yung pagpapakita ng utong sa publiko.Hindi naman  big deal samin eh,pramise!As in!Hindi talaga!Kaya gurls,paki trending  nyu  nga yan.

8.) Hindi na kelangang mag suot ng bra araw-araw.Ang hassle nun eh noh?Ako nga brip nalang sinusuot ko,tinatamad pa ako eh.

9.)  Hindi na mamomroblema kaiisip tuwing gabi  kung bakit hindi pantay ang dyuga at kung bakit mas bulky ang kaliwa sa kanan.Well gurls,hindi rin pantay ang betlogs namin,mas lamang  ng 10%fats ang kaliwa sa kanan.Napakahiwaga talaga  ng  mundo.

10.) Puwedeng matulog ng nakadapa.Gusto mo ding naka-bukaka?Go,walang pumipigil sayo.Malakas ba ang trip mo sa katawan at gusto mong naka-tuwad  matulog?Ayos lang!

11.) Hindi na kelangang  maglagay ng kung anu anung extensions sa katawan.Imaginin mo nalang kung maglalagay kami ng eye lash extension,magiging kamukha  naming  lahat si Betty Boop.Saklap!

12.) Madaling  labhan  ang mantsa saming underwear.Dalawang kulay lang eh.Kadalasan  kulay puti na may kasamang kaong which is hindi masyadong mahahalata ng  nanay  mo. Dilaw naman  pag bagong suweldo at niyaya ka ng kumpare mo sa biglang-buka KTV bar.Unlike sa babae,merong kulay pula,dilaw,brown  at puti.Kung may glow in the dark pa na lumalabas,eh  ewan ko na din sau.

13.) 95% saming mga lalaki ang hindi naghuhugas ng kamay pagkatapos mag wewee.Pag-pag  lang solb na kami.Kaya pag galit ako sa boss ko,jijingle ako tapos makikipagkumustahan  ako sa kanya ng  matagal bago tatapikin ang  pisngi nya ng bahagya.

14.) Hindi ko alam kung ako lang huh,pero laging hindi bulls eye ang wewee namin sa bowl.Lalo na pag madaling araw at  kasing tigas ng poste ng meralco ang manoy namin,naku  mahirap kontrolin.Nakakatuwa nga eh!Laging  nag-ooverlap ang  projectile  ng  wewee namin  sa perimeter ng inidoro.

15.) It doesn’t matter  kung flat chested ka or  kahit may buni ka pa sa dibdib mo.

16.)  May lisensyang umutot sa elevator or Fx na hindi  nababawasan  ang  gandang lalaki.Pero pag ang babae ang gumawa niyan,nakaka pakyu eh!Nakakawala ng moral at dignidad.Kahit maganda pa yan.Unless mag sabi  ng “excuse me!” sabay papalakpak  ng 3 beses.

17) Hindi na kelangan i-fake ang orgasm.Nakakalungkot  isipin  na gawain pala ng mga babae to…haaayyy.Pero paano kaya kung lalaki ang gumawa nun?Ampanget siguro eh noh,parang magmumukhang constipated lang.

18.) Puweding dumighay na parang baka at magtanggal ng tinga in public.

19.) Magsuot ng sando at elephant pants.

20.) Umihi sa bote ng coke at sa gulong ng nakaparadang sasakyan.

21.) Mabubuhay kami kahit one piece lang ang brip namin.

22.) Puwedi sa kahit anung sports na gustuhin namin tulad ng UFC at Wrestling.

23.) Dahil lalaki ang Santo Papa?…

24.)  Hindi magiging problema kahit ipanganak   ka ulit sa China sa Second life mo.

25.) Hindi kami magdadalang  tao ng  9 na buwan at bumukaka para  mag-iwi ng bata

26.) Mas may  “k” kang sumapi sa Abu Sayaff

27.) Puwede mong sapakin agad ang kalaro mo sa tong-its ng walang sabi-sabi

28.) Dahil lalaki ang Tito,Vic and Joey.

29.) Ang lalaki pag naging bakla eh nakakatuwa,pero pag ang babae naging tomboy medyu masakit sa mata tingnan.

30.) Kaya naming mabuhay ng wala ang starbucks at mga pasta.

31.) Kaya din naming tumagal ng 3 araw na walang iniinom na tubig and up to 3weeks na walang foods.

32.) Mas tanggap sa norms of society ang pagiging babaero kumpara sa pagiging lalakero.

33.) Mas magaling sa decision making ang mga lalaki.Though nagiging raging din minsan ang hormones namin,pero wala kami masyadong mood swings.Sensya na gurls,pero hindi talaga ako bilib pagdating sa mga bagay na kelangan ng inyung pagpapasya.Parang andaling mag buckle ng mga salita nyu.Pero not all naman.

34.) Ligtas ka at hindi ka puweding i-alay ng mga barkada mong satanista habang pinapatugtog ang Aringkingking bilang background music.Isang maganda at birheng babae lang ang puwede,ilusyunada ka!

bukod sa bangs ni vice ganda,anu pang ibang pagkakahawig nyu??

bukod sa bangs ni vice ganda,anu pang ibang pagkakahawig nyu??

35.) Hindi namin kelangang mag wash ng aming genitals 3 times a day.Kahit nga hindi kami maligo ng 3 araw,mukha pa din kaming hot.Wag mo lang aamuyin ang kili-kili namin,suntukan talaga yun!

36.) Hindi namin kayang mabuhay ng walang babaing nagmamahal samin,shit!

 Bakit mas masarap maging Babae (Part 1 of 1)

1.) Walang malisya kung mag-add  ka ng kapwa babae sa FB.Pero kami,hindi puwede yung ganun.Kung parehas tayong may lawit at hindi magkakilala,wala kang karapatang i-add ako sa Facebook o mag like ng picture ko sa Instagram!

2.) Kung panget ka,may pag-asa kang gumanda sa gabi.Makapal  na foundation  lang tsaka mga extensions tapos kunting pakita ng legs, chiks na dating mo nun.Eh sa mga lalaki?Wala talagang pag-asa eh.Maglalagay lang kami ng binolang medyas sa loob ng pantalon  namin,tapos yun na yun??..unfair!

3.) Kapag nagtatrabaho ka ng trabahong panlalaki,astig ang tawag sau.

4.) Maraming puweding i-dahilan pag gustong umabsent sa opisina or sa school.Tulad ng pagkakaroon ng dysmenorrhea.Kung ayaw talaga maniwala,puwede mo ding sabihing katatapos mo lang magpa-raspa at kelangan mong mag soul searching.

oi gawain ni ate!hehehe...ang magpa-raspa...

oi gawain ni ate!hehehe…ang magpa-raspa…

5.) Mas maraming uri ng damit at sapatos na mabibili.Mas mura din dahil mas kunti ang telang ginamit tulad ng pekpek shorts.

6.) Naimbento ang salitang “ladies first” para sa inyu.

7.) Kung maganda ka,malaki ang chance na lagi kang makakatanggap ng tsokolate at bulaklak.Lagi ka ding VIP sa mga shows.Laking tipid nun te!

8.) Mas mataas ang probability na maging mayaman kumpara sa mga lalaki.Bakit?Kung panget ka at medyu exotic ang dating ng aura mo (yung as in mukhang lungkatots),puwede kang maka-bingwit ng mayamang foreigner.Pag medyu maganda ka naman at may hawig ka kay Ethel Booba,puwede kang kumabit sa isang pulitiko ng bayan nyu.

9.) Puweding i-beso yung mga kalaro  mo sa mahjong,yung ka-opisina mo,yung kapitbahay mong beki,yung ninong ng panganay na anak mo.Lahat eh,no restrictions.

10.) Kayo lang ang may karapatan sa salitang “basted!”.

seryoso lang,hindi nyu ba naisip na nakakatakot si Lady Gaga?!..

seryoso lang,hindi nyu ba naisip na nakakatakot si Lady Gaga?!..

Kung babae ka at pagkatapos mong mabasa ang blog na to,biglang nagbago ang pananaw mo sa buhay eh bahala ka te!Wag mo akong idamay hahaha!Pero naniniwala naman ako sa sinasabi nila na every month lang daw at tuwing manganganak naiisipan nilang makipag swap ng gender.Bukod dun happy na sila sa pagiging babae nila.Lalo na pag may nagpaparamdam na special silang nilalang.Ang sabi nga ni idol Ramon Bautista,na ang kagustuhan ng mga lalaki na magpasikat sa kababaihan  ang siyang pinaka dahilan kung bakit bumibilis ang sibilisasyon at pag lago ng ekonomiya ng isang bansa.Bakit pa naimbento ang cellphone?bakit merong mvp sa basketball?bakit merong word cup?bakit gumawa ng nucler bomb ang korea?Dahil sa mga babae.Ang  kagustuhang magpasikat at maging habulin ng mga lahi ni Eba.Anung pinupunto ko?Marami man kaming advantages sa mundo,kayong mga babae parin ang nag-iisang disadvantage ng buhay namin.Dahil hindi namin kayang mabuhay ng wala kayo at mas masarap paring maging lalaki sa piling ng babaing iniibig mo chos!

_______________________end_________________________________

Advertisements

5 thoughts on “BAKIT MAS MASARAP MAGING LALAKI?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s