SOME RANDOM (STUPID?) QUESTIONS….


celebrating randomness

Habang pinagmamasdan ko ang kahubdan ng aking katawan,nakaramdam ako bigla ng init…init ng ulo.Summer na pala kaya ambilis ma-dehydrate netong utak ko.Kung gaano ka-hot ngayong summer eh mas lalo lang pinalala ito ng aking nakaka-gigil at talaga namang nakaka-uhaw na sex appeal.Since malapit na ang mahal na araw at malibog ka pa din,naka-isip ako ng bagong trip na magdadala sayo sa nirvana ng kaluwalhatian.Sinubukan  ko nung araw na yun,naghanap ako ng jebs ng pusa at binalot ko sa aluminum foil na parang lumpia.Nagsindi ako ng isang maliit na kandila bago isinalang ang foil tapos sininghot ang usok gamit ang toter.Makalipas ang 3minuto,shit para akong  nasa heaven  men!Nabalot ng makapal na  puting usok ang aking kuwarto ng biglang lumabas mula sa kawalan ang isang babae.”Patay na ba ako?” ang pambungad na  tanong ko sa kanya.”Hind pa naman” ang sabi nya sabay kindat sakin.”Ahhh mukha ka kasing anghel eh,teka sinu ka ba?” ang sabi ko.Ako si “DJ Shan ng Magic 89.9,isang baguhan”..”anung kelangan mo sakin?”ang pasupladong tanong ko “May new program kasi kami,ang title ay some random questions,bali pumalit sa nalaos na forbidden questions ni DJ Mo.”…..”????”(ako)….”So basically wala kang ibang gagawin kundi sagutin ang mga tanong na ibabato ko sayo ngayon”.Wala na akong ibang nagawa kundi tumungo at nagdasal na wala sanang lumabas na questions tungkol sa math at economics.

Anung masasabi mo sa mga billboards ng Hanford at Bench Underwear  sa Edsa?-Unang-una masakit sa mata tingnan!Yung makikita mo yung mga bumabakat na  itlog nila Jake Cuenca,ng Volcanoes at Piolo Pascual?Nakaka distract  eh lalo na pag nagmamaneho ka.Para sa mga gurls at mga pa-gurl,ang tipikal reaction nila ay “wow ang yummy ng balls!” or “extra rice please!!”Pero para sa mga kalalakihan,bad trip yun!Hindi talaga nakakatuwa eh.Madidismaya lang ang karamihan  samin at sasabihing “shit,dapat hindi na ako nag i-extra rice at  dapat  talaga hindi na ako namumulutan ng crispy pata pag umiinom  ng beer!”Tsaka  nakakadiri kaya na binabalandra nila yung yagbols nila.Tama ba naman yun?Buti nga walang nag-hehello na pubic hair eh noh?Kundi sobrang nakaka-stress yun pagnagkataon.Isa pa,feeling ko may mali sa konsepto  ng pag-aadvertise nila ng mga underwears na yan.Usually kasi ang nilalagay nilang model eh yung mga hunky at merong  uber na sex appeal na gaya ko chos!Parang mali diba?Nakaka-insecure lang tingnan eh.Ang suggestion ko diyan,gawing model si Jose Manalo o yung mga katulad niya(Long Mehija,Dagol,Jovit Baldivino).Tingnan  mo bords  huh,subukan nilang pag-suotin si Jose ng pulang brip tapos naka-pulupot yung mga hita nila Georgina Wilson at Anne Curtis.Anung sinasabi sayo ng commercial?”Oo hindi man ako ganun  kagandang lalake,puro butas  man  ang mukha  ko at kunting tapal  lang  ng  ketchup eh magmumukha ng  Zombie sa Night of the Living Dead,pero pag binili nyu itong brip na to,babae ang magkukumahog pumulupot sa inyu!”…Ewan ko nalang kung hindi ka pa bumili nyan.90% sa populasyon  ng kalalakihan sa Manila ang tinutukoy niyan  eh.

kung nagmamaneho ko at napatingin ka sa billboard na ito ng higit sa 5seconds,mag soul searching kana brod

kung nagmamaneho ka at napatingin ka sa billboard na ito ng higit sa 5seconds,mag soul searching kana brod

Anung  masasabi mo sa mga babaing commercial model ng beer?-Hindi katulad  ng pag-eendorso ng brip,hindi puwedeng kumuha ng model na katulad  nila Pokwang or Tiya Pusit.Bakit?Simple lang,dahil hindi kami maniniwalang masarap ang produkto na yan pag hindi kasing ganda ni Sam Pinto ang hahawak ng bote.Iba kasi ang hatak nun.Tsaka sinu ba ang umiinom  ng  San Miguel Light?Mga nanay  na  nalolosyang na sa kaaalaga ng mga anak nila?Hindi di ba.Yung ninong mo na madalas makipag-inuman sa bayaw ng pinsan mo?Hindi rin diba.Kadalasan  iniinom yan  ng mga bagets na lalake at mga dalagang nasa kolehiyo.So dapat yung model mo yung fresh,may mala anghel na mukha at may  nakaka-demonyong katawan.Bukod  kay Sam Pinto,pasok din sakin si Solenn Heusaff.Imaginin  mo,hawak ni Solenn yung bote ng beer,tapos isusubo nya ng dahan-dahan papasok sa bunganga nya habang nakatitig sa mata mo.Anung sinasabi ng commercial?”Oo kahit panget ka at walang magandang gf,pero pag ininom mo ang beer na to,para na din taung nag-inuman”.Oh diba?Epektib yan eh.Kahit nga siguro krudo mapapainom  ka basta si Solenn yung nag endorse eh.

kung ganito ba naman lage ang kainuman mo eh di sana walang gulo!

kung ganito ba naman lage ang kainuman mo eh di sana wala ng  gulo!

Paano mo malalamang  open sa sex ang kadate mo?-sabi sa isang pag-aaral sa amerika,na ang mga babaing beer drinkers daw  ay merong mataas na probability na puwede  mong ma-ikama sa first date nyu.Pero hindi naman  porket beer drinkers  eh ganun na,mas open lang daw sila sa sex on the first date.Tulad ng  dumadaming bornek mo sa puwet,eh hindi ko rin alam kung bakit.Kaya kung naghahanap ka ng machichiks mo eh pumunta kalang  sa  bar.Wag mo nang titingin ang  boobs at puwet ng  babae,tumingin ka nalang sa hawak nya na  inumin.Cocktails ba?Wag bakla yan!Red horse ba?Puta ka,uncle mo yan!Beer ba?Panalo yan pre!Wag kalang pahuhuli sa asawa mo at baka maisipan nyang ipasok  sa ilong mo ang bote ng San Miguel light bago hugutin sa puwet at ipukpok sa ulo mo!

Ang pinag-uusapan natin ay bote lang....eh paano kung yung mga tumutungga ng pitsel??....yes!galing mo talaga,kaya ka na promote eh!

Ang pinag-uusapan natin ay bote lang….eh paano kung yung mga chiks na tumutungga sa pitsel??….yes!galing mo talaga,kaya ka na promote eh!

 Life and death  situation,Lebron  James na may keps or  Maria Sharapova  na may itits?-Shit moral dilemma!Ang hirap eh.Nakaka-buang!Mas gugustuhin ko pang mag compute ng mga calculus problems  kesa  sa tanong na to.Pero dahil hindi ko talaga ma-imagine na makipag lips to lips kay Lebron,pipillin ko si Maria Sharapova.Papayag  na akong makipag MOMOL (make-out make-out lang) sa kanya provided  na  purely necking and petting lang  ang gagawin namin at bawal siya tigasan  na animal na yan!Pero bago yun,kelangan ko pa munang uminom  ng 3redhorse….Nakaka-pakyu  namang question  na to!

kaya nasisilat ang miami eh!

kaya nasisilat ang miami eh!

May Armalite na nakatutok sa ulo mo,Jobert Sucaldito,Madam Auring  o mamatay nalang?-Puwede bang wag nyu nang itanong  to at patayin nyu  na agad ako?Hindi naman sa kung anu pang ibang dahilan,may respeto lang din talaga ako sa mga nakakatanda sakin.

 Bakit laging sinasabi ng mga panget,MAPUTI LANG SIYA-Kung panget ka na nga tapos hindi mo pa alam  kung paano i-uplift ang sarili mo eh kumusta ka naman diba.Meron talagang mga babae na kahit kasing kulay ng puwet ng kalan  ang kutis nila eh malakas ang appeal.Meron  din namang mga babae na kahit maputi at gumagamit ng Chin Chun Su sa mukha eh walang dating at parang walang kasusta-sustansya sa katawan.Meron  namang mga babae na maganda sa malayo,pero pag nilapitan mo eh malayo na sa maganda(marami to!lolz).Kaya pag feeling insecure ang isang chiks sa kapwa chiks,(dahil mas malaki ang boobs ),yan ang sinasabi ,”maputi lang siya”.Ganun  yata ang mga kababaihan eh.May mga psywar pa silang nalalaman bukod  sa pag-aadjustan nila ng bra sa isat-isa sa banyo.Pero sa mga lalake,wala ng usap-usap pa,sapakan  na agad!

Anung pangyayari ang hindi mo makakalimutan tuwing summer?-11 years old ako nun,halos katatapos lang ng klase at mag-uumpisa palang ang summer vacation.Halos ka-uumpisa ko palang din mag wet dreams nung araw na yun  ng biglang ginising ako ng aking nanay ng isang malakas na “Anak!May libreng tule sa baranggay,papatule  kana ngayon!!”Parang literal na bumagsak ang buong  kisame ng kuwarto  ko  at  napisak ang ulo ko sa nasambit ng nanay ko.Alam  mong summer na pag biglang nabubuhay ang mga pulitiko at gumagawa ng kung anu-anung pakulo at raket.Dahil ang kasunod  nun  ay eleksyon  na.Tuwing ganung buwan (abril) ginaganap ang libreng tule sa aming wasted funky town.Pukpok ang tawag samin nun.Ang kelangan  lang ay isang labaha,pamukpok,dahon ng bayabas at sangkatutak na lakas ng loob.To cut my penis short este to cut the long story short,nag-wash na ako ng aking patotoy at nagdasal na sana ay biglang magkaroon  ng malakas na lindol sa mga oras na yun or may mahulog na malaking meteor  sa baranggay hall namin.Pero lumipas na ang kalahating oras,ni-ipot ng ibong Maya,walang nalaglag!Sa madaling sabi,pumunta na ako sa oplan -tule  na may daga sa dibdib at halong kabaklaan.Medyu  mahaba ang pila at maririnig mo ang sigaw ng  mga bata.Mas lalo akong kinabahan.Sa sobrang nerbyos ko,parang biglang nagkaroon  ng bula yung dugo ko.Nang malapit na ako sa pila,naisipan kong dyumingle sa di kalayuan.Masuwerteng nandun din yung kapitbahay namin.Matanda ako sa kanya ng isang taon pero siya yung bestfriend ko nun.Agad na nagkatinginan  kami,ngumiti siya,ngumiti din ako sabay sabing “TARA!”.Matinding kurot sa singit at isang matinding hataw ng walis tambo sa napaka-guwapo kong mukha  ang inabot ko kay  nanay  nung pag-uwe  dahil successful ang pagtakas namin.Nung sumunod  na summer eh hindi na ako nakalusot,pero sa doctor ko na pinadale.

 Bayag  mo ang nakataya,sinu ang papakasalan mo si Princess Fiona ng Shrek or si Neytiri ng Avatar?-hmmm payag na sana akong pakapon pero naalala ko wala pa pala akong trophy.So kelangan ko talagang sagutin ang napaka henyo mong tanong.Shit ka!Wala naman sigurong matinong lalake o kahit yung pinaka panget pa na nilalang na nabubuhay ngayon sa mundo na gugustuhing magkaroon  ng asawang 7 footer,merong kulay blue na balat,dilaw na mata,may buntot,naka-dreadlocks ang buhok,12 inches ang haba ng leeg at merong tuyong dyuga.Masakit din sa bangs isipin na yung asawa mo eh parang babaing version ni Yao Ming.Kaya obviously ang pipiliin ko na ay si Princess Fiona.Kahit na nababadtrip ako sa ideyang magkaroon  ng anak na mukhang Ogre ay titiisin ko na.Pero tingin ko magiging issue pa din sakin yung kulay ng balat nya eh.Kahit siya pa ang Julia Roberts ng mga ogre!

kahit cup C pa siya!

kahit cup C pa siya!

Ang guwapo mo pala pag tinititigan ng matagal.At alam  mo bang joke ko lang yun?-TENGINENG MO!

 Naniniwala ka ba sa love at first sight?-Hindi,pero na love at first sight na ako.Hindi dahil naniniwala ako na ang pag-ibig daw ay parang hangin,hindi mo to makikita  na parating,pero basta mo nalang ito mararamdaman.Para din yang umutot  ka sa loob n g fx,hindi alam ng mga katabi mo,hanggang sa maamoy nalang nila ang nakaka-pakyu mong dalang bomba na mala imburnal sa bagsik.Siguro kung sasabihing  lust at first yan,I think 99.9% sa populasyon  ng mga lalake ang mag-aagree sakin.Pero ayun  sa nabasa kong article,it takes 8.2seconds to love at first sight.Seryoso yan  bords.Nagkaroon sila ng  pag-aaral sa 115 males students,gathered  in one single location and confronted with models and actresses.Pinag-aralan ang eye movements nila as they interacted with the women.Study shows that a man who rated  lady attractive  held eye contact for about an average of 8.2seconds,which increased  his chances  in falling in love at first sight.Kaya pag tinitigan ka ng lalake ng 20seconds,tumakbo ka na dahil holdaper yang hayop na yan! Minsan lang akong na love at first sight.Nakita ko siya sa isang bar.Grabe sobrang yummy nya kahit  medyu  kulay brown ang balat nya.Sa una nahiya ako eh,pero hindi ko talaga natiis.Hindi na ako nagdalawang isip pa at pinapak ko na ang mouth watering crispy pata!Susme na fall talaga ako kaya tuwing may inuman,hinahanap hanap ko na ang love at first sight ko…oooh crispy pata.

 Anung exotic food ang natikman  mo na?-exotic bang matatawag ang tao?hahaha joke lang.Kung pamilyar kayo at napanood nyu  sa Kapuso mo Jessica Soho yung “tamilok” ng Palawan eh isa lang ibig sabhin nyan,may TV kayo.Ang tamilok ay isang uri ng bulate na nakukuha sa mga bakawan.Naalala ko nung una kong natikman yun sa isang event  sa bahay ng barkada ko na supposed  to be sex orgy  turned  inuman  session.Imaginin mo nalang na isang malaking bulate na may habang 0.5meters tapos lalagyan  mo lang ng suka at asin and viola!Pagkatapos kung kumain nun,feeling ko ang macho-macho ko.Maghahamon na sana ako ng suntukan ng biglang maalala kong hindi lang pala ako ang kumakain nun sa mga sandaling yun.

Magpasikat ka sa tatay mo,singhutin ang tamilok habang nagkakape

Magpasikat ka sa tatay mo,singhutin ang tamilok habang nagkakape

 Anung mga bagay ang puweding  gawin ngayong summer?-bumili na ng  thongs at pang swimming outfit nyu.Bumilad  na parang tinapa sa gilid ng beach at magpagulong-gulong na parang bata sa white sand.Kung yung ham ang bida tuwing pasko,Halo-halo naman ang bida ngayong summer.Magpakasawa ka na sa pagkain niyan dahil tuwing Marso at buwan ng Abril mo lang ma-eenjoy ang pagkain ng kaong at leche plan .Sa mga batang may edad 10-15 years old,magpatule na kayo!Kung masyado ng makapal ang bulbol mo at nahihiya ka  nang magpabawas ng excess skin sa patotoy mo,eh  mas mabuti pang magpapako ka nalang sa krus,tutal malapit na din ang mahal na araw eh.Tapos nun,pagnilayan mo ang sarili mo at isipin mo ang mga ginawa mo nung 11years old ka pa lang.Kung gusto mo naman maging trending ngayong summer,magpasikat ,yayain mo ang mga kupal mong friends at gumawa kayo ng video ng harlem shake…..sa ilalim ng dagat.

Kung may mas tatanga pa dito,eh ewan ko na din

Kung may mas tatanga pa dito,eh ewan ko na din

Magtatanong pa sana siya ng maalala kong naka-hubad  pala ako!!Susmaryano garapon!Kaya pala hindi siya sa mata ko nakatingin kundi dun sa pamana ng tatay ko.Nagkagulatan kami at unti-unting nawala ang usok sa paligid ko.Deym hindi man  lang ako naka-goodbye  kiss!Ubos na din pala ang laman  ng foil at hindi parin pala ako kumakain.

__________________________end_____________________________–

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s