HAYSKUL LIFE


highschool

Habang gumagawa ako ng milagro sa ilalim ng kumot ko,biglang may bumagsak na malaking itim na grand piano sa harapan ko.”Holy Mama!” ang tanging nasambit ng bibig ko.Kasabay nun,biglang bumagsak din si Alicia Keys at  tinipa ang piano habang kinakanta ang New York!New York!New Yoooork!Sa sobrang gulat ko,napunit ang suot kong pajama na may tatak na hello kitty sa may puwetan.Lalapitan ko na sana siya para mag pakuha ng picture ng biglang may nahulog naman sa di kalayuan.This time,medyu  malakas as in KABLAAAAAAM!Akala ko nga isang buong bus ang bumagsak!Ohh my ghed!Si  Adele pala!Akmang bubukas na sana ang bibig nya para kumanta ng biglang lumipad ang grand piano sa mukha ni Adele!Pero kahit medyu chubby ang mukha nya,nagawa nyang mag cartwheel at umiwas sa bagay na yun.Sinugod nya si Alicia at nagkagulo na sila sa kuwarto ko.Naisip ko lang sa mga oras na yun”sa taba ng pisngi ni Adele,hihingalin si Alicia kakasapak dun eh!”.Habang nagkakagulo sila,biglang lumipad  sa mukha ko ang picture ko nung hayskul.May naramdman ako,lumiwanag ulit at nag water effect ang paligid….

Ang hayskul life ang pinakamasayng yugto ng buhay ko.Dito ko nakilala ang ilan sa mga tunay kong  kaibigan.Maraming masasayang ala-ala na iniwan pero meron din namang malungkot.Ito na bale yung pinaka stepping stone mo sa buhay mo eh.Minsan nga,yung mga nakikilala mo nung hayskul eh sila din pala ang makakatuluyan mo bandang huli.Sari-saring personalidad ang mga nakilala ko.May  tahimik,palabiro,may mga naging kaklase din akong reincarnation nila Galileo at Copernicus,may malibog,may mayabang,may bopols din,may maporma,may mga pa macho epek na kinalaunan naging bakla,may hindi pa tuli,may sipsip at kung anu-anu pa.Hindi pa uso noon ang cellphone at wala pang  usb.Mga songhits palang ang kinaadikan ng kalalakihan  at pocket book naman  sa mga kababaihan.Pero noon pa man uso na ang paglagay ng face powder sa mukha para sa mga kelots at ang pagkakaroon ng salamin for vanity check from  time to time.Weakness spot ko yang mga salamin na yan eh,hindi ko mapigilan ang sarili  kong mag strike a pose na parang isang mr.poge.Hindi pa din  gaanong makapal ang pubic hair ko nun (balahibong pusa pa lang) at nagsisimula palang tumindig at mamula ang utong ko.Sa dami ng memories ko nung hayskul,ito lang ang ilang bagay na tumatak sa akin  hanggang sa ngayon:

Pimples– Tinatawag itong public enemy number 1 ng mga kabataan.Nung nasa first year highschool ako eh sobrang kinis pa ng mukha ko.Oil and blemish free at mukhang artistahin.Masarap nga dilaan eh.Ulol!Joke lang.Pero nung tumuntong ako ng Second year hayskul,bigla nalang nagsi-sulputan ang mga tigidig ko sa mukha.Bad trip eh!No choice ka din.Hindi naman yan parang laban o bawi na puwede kang bumawi pag hindi na acceptable ang offer sayo ni bosing.Pero mild lang pala yun sakin.Yung sa iba kong klasmeyt eh halos mag-umpugan na ang mga tigidig nila sa mukha.Minsan hindi mo na nga ma distinguish kung alin ang tigyawat at kung alin ang mukha.Tipong nung nag bigay si Lord ng tigyawat sa mundo eh nasa first row sila at may dala-dalang malaking palanggana,balde at drum.

at sinung nagsabing tao lang ang tinitigyawat??..

at sinung nagsabing tao lang ang tinitigyawat??..

Library-Hindi talaga ako mahilig magbasa ng libro simula pa dati.Kalimitin komiks at liwayway lang na bili ni erpats.Kaya nung tumuntong ako ng hayskul,eh naka 6 na buwan na ako eh hindi ko pa alam ang itsura ng library card na yan.Ang malala pa niyan,graduating na ako nun sa hayskul eh hindi ko pa alam ang dewey decimal churva!Biruin mo,kahit minsan eh hindi ko pa nagawang mag-aral sa library namin.Bawal  kasi ang maingay dun eh.Isa pa,yung mga librarian daw eh parang mga buntis na aso yan.Nakakatakot di  ba?!Kaya kung wala ka din lang gagawing matino sa loob ng silid-akatan,eh mas mabuti pang kumain ka nalang ng jolens or uminom ng zonrox kesa malasin ka pa at lapain ka ng buhay!

minsan naman nagiging parang buntis na pusa sila!mas mataray at doble!!

minsan naman nagiging parang buntis na pusa sila!mas mataray at doble!!

Upuan-Nakakamis ding balikan ang mga upuang kahoy dati kung saan  tadtad ng vandals at chewing gum.Minsan pasimple din itong dinidikitan ng kulangot at alam kong ginawa mo na yun na hayop ka!Meron ding cheating arrangement at naka alphabetical order base sa surname mo.Kaya malas mo kung katabi mo eh yung may putok sa kili-kili  at maingay.Dahil yun na ang makakatabi mo sa apat na taon sa lahat ng classrooms at sa lahat ng subjects.Saklap!Isa na ata sa pangunahing problema ng pampublikong paaralan ay ang kakulangan nito sa upuan.Since hindi naman ako nag-aral sa siyudad,hindi ko naman masyadong naging probema ito.May ilang pagkakataon lang.Tinatayang may 50 bilang ng estudyante kada section kami nun.Minsan pag kulang ang upuan,para kayong naglalaro ng trip to Jerusalem ng mga klasmeyt mo.Kaya kung mahina ang reflex mo,standing position ka.Laging ganun ang eksena namin.Hanggang isang araw ,na perfect ko ang exam  namin sa chemistry,wow!Ibang level diba.Perpek yun eh!Nagbago ang lahat.Lagi na akong may reserve na upuan sa kahit anung rooms.Respetado na at para kang diyos.

 Cleaners-Pag nag aral ka sa public school,obligado kang magwalis,mag dilig ng halaman,gumawa ng garden,magdamo,mag lampaso at  magbunot ng  buhok sa kili-kili ni mam.Wala kasing regular na janitor na mag mamaintain ng rooms.Hindi gaya ng mga nasa private school,kasama na sa bayad  yun.Meron din kaming janitor dati pero dun lang sya naglilinis sa banal na opis ng principal.Bukod dun wala na!Trabaho na ng mga cleaners for the day yan.Dahil letter “C” as in charming/cute ang first letter ng apelyedo ko,lagi akong natatapat sa Monday Group.Parang yung sa that’s entertainment ni  kuya Germs .Merong Monday Group,Tuesday,Wednesday hanggang Friday.Araw-araw iba iba yung cast.May kanya-kanyang  presentation.Pabonggahan.Eh awa ng diyos ipinanganak akong tamad,naging sakit lang ako sa ulo ng grupo namin.

Crush-Nung taong 1997  at nasa first year hayskul palang ako nun,nakita ko yung pinaka magandang babae sa campus namin.Bali graduating na siya nun at akoy freshmen palang.Ultimate crush ko to dahil matangkad  na babae tsaka maputi eh.Lage ko siyang tinititigan sa malayo at  binalak na kidnapin na lang.Kaso mukha pa akong  batang hindi kumakain ng nutribun nun,kaya hindi ko ginawa.Isang hapon  nun,naglalakad siya mag-isa papasok sa school namin,malayo palang eh nakatulala na ako sa kanya.Nag jujumping jack na ang utak ko sa mga oras na yun.Nakita ko kung paano biglang hinangin ang buhok nya pakaliwa!Inggit na inggit ako sa hangin nun!Bilang isang tao,alam  mong matindi na ang problema mo pag naiisip mo na yung mga ganung bagay.Naalala ko nun ,sinabi ko sa sarili ko na “kung hindi lalapit ang pagkakataon,ito na ang pagkakataon kung gumawa ng pagkakataon!”.Medyu  nalito din ako sa naisip kong yun pero buo na ang loob ko (tsaka gusto kong magpasikat sa mga kaklase ko).Nilapitan ko siya at sinubakang titigan ang kanyang nangungusap na mga mata…juice ko pong pineapple juice!Parang gustong tumalon  ng puso ko at mag paiwan sa kanya!Nataranta ako at hindi ko na talaga alam ang mga sumunod pa na nangyare.Grumadweyt na siya at nagkahiwalay kami sa mahabang panahon.Ako?well mas lalong gumandang lalake at  tuloy parin ang buhay siyempre charut!Wala na akong nabalitaan sa kanya simula noon.Pero syempre hindi naman siya naalis sa isip ko.Napaka cerebral ang tama ko dun.Ngunit makalipas ang higit sa 14years,nag cross muli ang landas namin.Para tuloy gusto kong mag harlem shake  sa boogie wonderland or sumayaw ng nakakadiring budots dance sa kalye!lolz

CR-May phobia din ako sa math dati.Kaya tumataas lang talaga ako ng kamay sa subject na yan tuwing  mag bubura ng black board tsaka pag nag mi-may I go out ako.Minsang nagkaroon kami ng surprise recitation sa math.Sa sobrang nerbyos ko nun,bigla akong  natae.Tumakbo agad  ako sa labas para maghanap ng takubets at viola!Naka jackpot ako ng CR na may lamang popo at  umaapaw na sa floor ang mga jerbaks!Mas nauna pa akong masuka kesa matae sa nakita ko.Kahit nga  siguro yung diarrhea mo  eh uurong pag ganung eksena ang  bubulaga sayo.Kaya hindi mo na matatwag na “comfort” room kundi “cadire” room na.Nasaan naman kasi ang comfort pag ganun diba?diba?!

unless naduduwal ka ng ganyang puwesto..baka buntis ka ng animal ka!!

unless naduduwal ka ng ganyang puwesto..baka buntis ka ng animal ka!!

Notebook-Kung nung nasa elementary ka eh sikat kana pag meron kang pencil case na maraming compartments,sa hayskul naman pagandahan ng notebook.Nasa alta sociedad ka pag ang notebook mo ay more than 50leaves at steno or yung notebook ni Garfield at Snoopy.Hindi ako gumamit ng notebook na may mukha ng mga  artista gaya nila Wowie de duzman ,Judy Ann Santos at Patrick Garcia.Nakakadiri kaya!Tamad din ako magsulat lalo na pag halos buong chapter ang ipapakopya sayo,susme naman!Uso yan  nung hayskul,pag medyu tinatamad si teacher na mag lecture,naku dudugo ang Reynolds mo na ballpen kakakopya sa black board.At ngayon ko lang din naisip na bakit hindi nalang ako nag pa-photocopy nun??….Mahilig din ako gumuhit  kaya halos mapuno ang kuwaderno ko ng mga free style imagination na drawings.Iba-iba ang makikita mo gaya ng bilog-bilog,guhit-guhit,oblong,parisukat,puno,bundok,sapa,ilog,lollipop,tirador,robot (na mukhang ipis),boobs ng mga kaklase ko,…yung ibang object hindi ko na maintindihan kung DNA or spem cells.

pero meron pala akong isang  notebook PEHM na parang ganyan hihihi

pero meron pala akong isang notebook PEHM na parang ganyan hihihi

FLAMES-Isang laro dati na kasabayan ng SOS  na  pinasikat ng kung sinu mang hijo de putang nilalang.Bali ang kelangan mo lang ay ballpen (siguraduhing sumusulat),papel at makamundong pagnanasa.Isulat mo lang ang full name mo at ang full name ng crush mo.Bilangin ang common letters ng pangalan  nyu.Ngayon,kung ilan ang total mo,yun ang feelings mo sa kanya.Kung ilan ang total nya,yun din ang feelings nya sayo.Kung ilan ang sum total nyu,yun ang posibleng marating nyung dalawa.Sa anim na letra sa salitang FLAMES,bilangin mo lang ang kung saang letra tatapat ang total mo.Ang F ay friendship,ang L ay love,A ay anger,M ay marriage,E ay engagement at S ay sweetheart.Madalas to gawin ng mga klasmeyt kong babae at pinipilit nilang Marriage or Love ang lumabas.May dagdag bawas sa total!

Teachers-Lahat ng naging teachers ko nung hayskul ay magagaling.Wala akong masabi sa style ng pagtuturo nila.Nakita nyu  naman ang produkto,isang mahalay na blogger chos!Masuwerteng naranasan ko ding maging teachers pet.Dalaga pa kasi si Mam kahit medyu may edad na siya (expired na actually hahaha).Adviser namin nung 4th year hayskul ako.Lagi nya akong tinatawag at inuutusan ng kung anu-anung bagay.Para akong warden eh,matindi!Gustong gusto ko siya magturo kahit na parang mukhang wala siyang energy.Yung mata niya  laging puyat at parang may pinupuntahang lamay gabi-gabi.At pag sinasabi nyang “Good morning class,open your textbook to page 45”,hindi ko siya pinapakinggan minsan  at kung tititigan mo lang ang mukha nya parang ganito ang sinasabi nya “Good morning class,nasunugan ako ng bahay kagabi,walang natirang gamit sakin,nahuli ko pang  nakapatong ang mister ko sa katulong namin at may sakit akong cancer at may taning na ang buhay ko”…..haaaaay ang stressful pala ng mga naiisip ko nun.

 Quiz.-maraming hiwagang nangyayari  pag merong quiz.Nandyan ang mga tagpong nagiging  giraffe ang mga kaklase mo.Yung iba naman biglang nagiging kuwago at yung iba naman  nag tatransform sa pagiging buwaya.Diyan din ang mga tagpo kung saan masasabihan ka ng katabi mo ng  “damot mo (10x)!”.Pag matalino ka,all eyes sau ang mga klasmeyt mo.Nagdarasal sila sa langit na sana eh may bumabang anghel at hipuin ang puso mo at i-share ang papel mo sa lahat.Minsan nga sa mata palang nagkakaintidihan na kayo eh.Parang nagkakaroon ka ng instant mind telepathy.Alam mong walang sagot yung mga taong umiiling at may malalim na buntong hininga.Malalaman mo na may sagot yan kung suplado at hindi umiimik.Naka-ngiting aso naman ang mga nilalang na naabutan ng grasya mula sa matalinong klasmeyt.At nakatingin naman sa ceiling fan ang mga nilalang na nagbibilang ng butiki at hindi nag aaral leksyon.

Paaaaak!Tumama sa ulo ko yung 5inches na  takong ni Alicia!Tapos sumunod na lumipad yung rice cooker,yung aircon (naks),yung washing machine tapos yung 32inches na Sony Bravia LED TV (charuts!). Halos masira ang buong kuwarto ko sa away ng dalawa.Gusto ko sanang awatin sila kaso biglang kumuha ng mongol pencil number 2 si Alicia at sinaksak si adele sa hita!Tumagas ang mantika at mas lalong tumindi ang sapakan ng dalawa.Hindi na ako nakatiis,umalis ako ng bahay,naghanap nang makakainan.Kanina pa pala nagrereklamo ang tiyan  ko at wala na silang na didigest na foods…..ahhh  isang matinding gutom lang pala ito.

____________________________end_______________________________–

dedocated kay Engr. Clydelyn Villa (tol pagaling ka huh!)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s