PAANO MO MALALAMAN NA SIRENA ANG BF MO?


gaydar

Dati,pag may ka blind-date ka,ang unang-unang itatanong mo sa bespren mo ay “guwapo ba?”,ngayon,ito na daw dapat ang unang itanong mo “lalaki ba?”.Sa panahon ngayon,kung saan naghahari na sa mundo natin si Lady Gaga,ang K-Pop at si spongebob,nagkalat na din ang mga kapatid nating nasa third sex.Pero naisip mo na ba kung sinu ang kauna-unahang bading sa Pilipinas?Noong panahon ba ni Rizal at Bonifacio eh meron ng baklang katipunero?Anu ang kauna-unahang pangalan ng salon na itinayo?Ricky Reyes o David Salon?Sabi naman ng isang aklat na nabasa ko na kinalaunan eh ginawa ko ding pambalot sa tinapa,halos lahat daw ng mga lalaki ay ipinanganak na bakla.Bakit?Kasi ang unang natutunan naming salita ay “papah”.Ngayon,aaminin ko na medyu korni yung banat ko na yun.Sabagay halos lahat naman pala hihihi!

Ang pagiging beki daw ay hindi natututunan sa kahit anung paaralan.Hindi rin naman genes yan na namamana or isang sakit na airborne tapos magiging epidemic sa isang lugar.Tulad ng ilang misteryo na bumabalot sa mundo(gaya ng pyramids,alien,tore ng babel,alipunga mo sa paa),ang pagiging beki ang isa sa pinaka mahiwagang pangyayari na hindi kayang i-explain ng siyensya.Pero those were the days ika nga,ngayon kasabay nung pag released ng iphone 5,naka-imbento narin ng pocket gay-dar (version 5.0).Oo!Mas matindi pa to sa jelly bean ng android.At umorder ako ng dalawa dahil may free na glow in the dark na vibrator.

Hindi po ako against sa mga baklings.Infact,meron din akong prenship na mga beki.At lagi ko ding hinihiram ang ilang language nila katulad ng chos,..chos!Ginagalang at nirerespeto natin yang mga yan.Ang blog na to ay pawang kagaguhan lang at  base sa pinaghalo-halong  opinyon at experience  ng mga real life badingarze.Seryoso lang,umusok talaga ang pocket gay-dar ko habang ini-interview ko sila.Pumalo ng higit sa siento bente.Tindi bords!

 Paano mo malalaman na Sirena ang BF mo?:

 1.)Pictures- sila yung mga nilalang na mahilig magpakita ng utong sa FB.Pasimpleng nag cacamwhore at madalas mag-pout ng lips sa lahat ng pictures.Kaya pag nakita mo ang isang lalaki na may album sa FB na panay mukha nya lang ang nakalagay,shoot na sa banga yun!Hindi gawain yun ng tunay na adan at babae lang ang may karapatang gumawa nun.Kung sinu ka man,makati ka pa sa higad ng palawan!!

camwhore

camwhore

2.)Shirt-mahilig mag-suot ng v-neck teeshirt at maong.Usually mga body fitted at laging may scarf na nakapulupot sa leeg.Mahilig din magtaas ng kwelyo.Kaya pag niyaya mo ang barkada mo mag-bar tapos biglang nag-suot yan ng sleevless shirt  tapos sasabhin nya sayong “Pare,gorabels na tayo!”(habang naka-pout ang lips),puta tumakbo kana brad!Lagi din silang updated sa mga latest fashion trends.Sunod sa uso.Kung magsusuot ng polka dots si Lady Gaga,hindi papatalo yang mga yan at mag-popolka dots din sila.

Dora the explorer,gay version

Dora the explorer,gay version

3.)Relo-Pansinin mo,pag ang boypren mo mahilig mag suot ng ibat-ibang style ng relos,naku kabahan kana.Usually mahilig yan sa puti at minsan naman kulayful.Ang masakit pa sa ulo nyan,nakuha pang i-match ang kulay ng t-shirt at ang suot nyang relo??!I mean,diba?To the highest baklination level na yun ate!Kinabog ka pa!hahaha!

4.) Abs-ang tunay na lalaki ay walang abs!Wala  yang pakialam sa mga ganyang bagay.Mas safe parin pag-ang lalaki eh yung mukhang laging busog.Kaya yung mga punyetang nilalang na may six pack abs,isa lang masasabi ko sa inyu,mga bayota kayo!Wag nyu kaming inggitin sa mga mala pandesal nyung tiyan dahil……masarap kumain ng kanin at wala sa vocabulary words namin ang salitang diet hehehe.

gay-japanese-people-sucks-funny-pinoy-jokes-photos-atbp-2012

 5.)Shower-ang tunay na lalaki ay mabilis maligo.Dapat yung parang ligo ng itik,wisik-wisik lang.Hindi yan nagtatagal ng 10minuto sa banyo(including happy time at pagtae).Para din yan yung pag-huhugas ng kamay tapos kakanta ka ng happy-birthday,dapat ganun kabilis!Kaya orasan mo ang bowa mo,pag lumampas yan ng 10minuto at mga kanta ni Adele ang tinitira instead of happy birthday,naku day,mas malandi pa sayo yan!

 6.)Shows-Ito yung mga kelot na kinikilig sa movie na Twilight Saga.Tapos may libro pa at nag-cocollect ng mugs at shirts na may mukha ni Robert Pattinson.Mahilig din manood ng mga beauty pageant tulad ng Miss Universe,Binibining Pilipinas,Miss Talipapa,Mutya ng Tagburos,etcetera-etcetera

pag ganito kayo ng mga barkada mo...magduda kana sa sarili mo tsaka sa mga barkada mo hehehe

pag ganito kayo ng mga barkada mo…magduda kana sa sarili mo tsaka sa mga barkada mo hehehe

 7.)Ritwal-Kung ang mga babae ay may ginagawang ritwal gaya ng pagpahid ng kung anu-anung lotion at langis sa katawan bago matulog,ang mga beki ay walang pinipiling oras.Mahilig yan pumunta ng CR para mag lagay ng pulbos sa mukha at moisturizer.In short parang mga artista.Mayat-maya ang pagreretouched ng peslak.Hindi yan gawain ng tunay na lalaki bords!Ponds lang ang pwedeng gamitin sa mukha,tandaan mo ponds.

8.)Boses-Modulated ang boses.Usually malalim at may paghagod.Parang baritone,machong-macho ang dating,buong-buo.Pero wag ka,pag tinapunan mo ng daga yan sa harap nila,kala mo nakalunok ng megaphone sa lakas ng tili!Biglang mag fafalsetto ang animal at kala mo pinipitpit ang bayag sa liit ng boses.

9.)Sensitive-mas sensitive pa sila sa babae.Kaya pag ang dyuwabel mo ay mas nuknukan pa ng arte sayo,bading yan todamax ate!Yung pag nag-aaway kayo,siya pa yung magpapasuyo at may ganang mag post sa FB ng “Nakakalurkey ka,imbeyerna ako sau!”…Iwanan mo na agad,as in now na!

10.)Food-Sabi nila,malalaman mong bading ang isang lalaki kung ito ay isang vegetarian.Hindi ko lang sure kung anung koneksyon nun sa pagiging malambot nila.Tapos laging may subong lollipop!Yung chupachups na lollipop!Magduda kana pag ganyan ang bf mo.Malamang nag papraktis siya sa mga subo-subo na yan at may mga bagay na pinaghahandaan gaya ng tamang buga ng hangin,laro ng dila,eh hindi ko na alam.

11.)Tambayan-Sabi nila kung gusto mong makakita ng mga genuine na pamentang buo,pumunta ka sa gym.Bukod sa instructor,90% sa mga nag bubuhat diyan ay miyembro ng federasyon.Tandaan mo na ang lahat daw ng baklang hipon,sa gym nagtitipon-tipon.Isa din yang mga bar na yan,pag meron kang isang lalaki diyan na nakita mong nag-iisa at palinga-linga,naku umaaura yan!Naghahanap ng maha-hada!

nganga ate!

nganga ate!

 12.)Inuman-Malakas uminom ang mga bakla.Parang may imbudo yan sa katawan.Mapapansin mo,tahimik sila sa isang tabi.Pangiti-ngiti lang pero wag ka late gamer yang mga yan!Yung iba diyan nagyaya uminom sa mga barkada nila tapos aamin sila na bading sila.Yung iba namang lalaki diyan,magyaya sa friends nila na girls para uminom at magbonding tapos yun aamin na bakla sila.So kung gusto mo mahuli ang bf mo,lasingin mo,pag walang ginawa sayo after nyang makaubos ng 5 bote ng red horse,naku mare,green blooded yan.

pag natutulog ang bf mo tapos biglang may mga nahulog na ganyan galing sa langit....sign na yan ate!

pag natutulog ang bf mo tapos biglang may  nahulog na ganyan galing sa langit….sign na yan ate!

13.)Banyo Queen-Ito yung pagkatapos nyung mag-inuman,tapos mag-yayaya ng “Tara boys CR tayo!”.Babae lang ang gumagawa nun at hindi kayo puweding magsabay sabay sa loob ng CR tapos nagawa nya pang mag self pix sa harap ng salamin!Bayota yan!Yun isa pang style nyan eh tatabi sau pagjijingle kana.At bilang isang lalaki,tatlong bagay lang ang puweding mapuntahan ng line of sight mo;yung kisame,yung pader at yung patotoy mo.Bukod dun wala na at hindi ka puweding sumilip sa hinahawakan ng katabi mo tapos sasabihin mong “Tol,need help?”.Kaya nya nang ipagpag yung sarili nyang hawak kuya!!

ang masama niyan kung pareho kayong nagkatinginan at may naramdaman na koneksyon sa isat-isa..aaaw!

ang masama niyan kung pareho kayong nagkatinginan at may naramdaman na koneksyon sa isat-isa..aaaw!

 14.)Sports-Hindi masyadong mahilig sa sports.Wala siyang alam sa UFC at walang interes sa mga outdoor activities.Tanungin mo din bf mo kung sinu si Carmelo Anthony.Ngayon pag sinagot nyang “Sinu itechewa?!”naku patay na ate,sigurado akong lumuluhod yan ng walang belo!Sigurado akong crush nya yung kapatid mong nasa hayskul kaya lagi niyang sinasama manood ng sine kumpara sayo.

15.)NGSB-Ito yung mga lalaking no girlfriend since birth.Pihikan daw at walang time sa pakikipagrelasyon.Hindi mo puweding idahilan ang eczema mo sa pisngi dahil kahit yung pinaka panget na lalaki sa bayan nyu eh sigurado akong nagka dyuwa na yun minsan sa buhay nila.At sa edad na 35years old wala ka pang asawa?Baka kelangan mo nang mag soul-searching brod.

 16.)Songs-Mahilig makinig sa mga kanta ni Regine at Adele.Ang tunay na lalaki,mga kanta lang ni Bon Jovi at Metallica  ang pinakikinggan.At ang pakikinig sa mga kanta ng Boyce Avenue ay considered na isang matinding gayness act.Kahit pa yung kanta nilang “what makes you beautiful”,considered as brokeback song yun.

17.)adams apple-biglang nalulunok ang adams apple pag may kaharap na machopapa na gaya ko.Yun na yun,no need for further explanations.

Ang mga bakla ay dapat binibigyan ng pantay na respeto sa lipunan.Mas maabilidad sila at mas reponsable sa pamilya kaysa sa mga tunay na lalaki. Kaya nararapat lang na mahalin din sila gaya ng isang tunay na babae.Sa inyu mga beks,saludo ako!Masyado lang raging ang hormones ko ngayon kaya yan ang naisulat ko.At hindi ako bakla pre haler!Hug kita ng mahigpit diyan eh.Tsaka inspired ngayon si machopapa.Parang laging bumibilis lagi ang tibok ng kuwan ko…puso hehehe!

________________________end_______________________________-

dedicated kay Garner Bullungan (Happy Bday),kay Virgilio Bornea (sa info at pinagkanulo mo silang lahat hehehe) at kay Shani SJ (isang true blooded beki)

Advertisements

7 thoughts on “PAANO MO MALALAMAN NA SIRENA ANG BF MO?

  1. Hi ! Can I share this on my notes sa FB ? Ang kulit kasi eh haha
    Ilalagay ko nalang yung website kung saan ko kinuha ? Salamat

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s