WANTED: ULTIMATE BODYGUARD


funny-salman-bodyguard

Haloooo!Pasensya na kayo medyu matagal tagal na din akong hindi nakapag entry dito sa blog ko.Kaya heto na ule si machopapa,nagbabalik at arouse na arouse.Naging busy sa work at naisip kong hindi pala talaga ako isang writer kundi isang buraot na inhinyero.Kung si Rey Valera nagsusulat ng mga kanta sa sementeryo,ako naman sa opis nagsusulat ng mga blogs ko.Kanya kanya namang diskarte yan.Gusto mong magsulat nang nakatingala sa ibabaw ng takobits?Go!Gusto mong magsulat sa loob ng washing machine nyu?Walang pumipigil sayo. Kung saan ka kumportable.Yun nga lang,pag sa opis,parang may mga impaktong nagsasakla sa paligid ko.Pag hindi nakatingin ang boss ko,yun nakakanakaw ako ng sandali.Kaya medyu natagalan si machopapa.Speaking of impakto,naka-survived ako sa balentayms mga repa!Ikaw ba ate?Alam ko sasabhin mo sakin”masaya ako,kasama ko prens ko!”,pero di ba nakaka- syet ding isipin na wala ka man lang tinanggap na bulaklak kahit kalachuchi netong nagdaang mga araw.Ang stressful nun! Hahaha!Biru lang,hayaan mo na,sabi ko naman sayo magbunot  ka ng kilay mo eh.Tsaka iwasan mo na ding mag susuot ng spaghetti strap dahil baka akala ng mga boys uling ang ginagamit mong deodorant.So kung napa-syet kayo nung nagdaang mga araw,ako napa FML (fuck my life) sa mga nangyare sakin:

Nagoli-2days na pala akong hindi naliligo.Naamoy ko na ang sarili kong kili-kili.Parang suka ng paombong sa asim!Sa sobrang tindi ng humidity sa ilalim ng short ko,kusa nang dumidikit ang brip ko sa aking singit.Since balentayms namen,napagpasyahan kong maligo.

 Caller-Nagulat ako dahil ang aga-aga may caller kagad ako sa opis.Akala ko tsiks na nabuntis ko at babati sakin ng “happy belantayms kupal!”.Pero syet lalaki pala.Narito ang recorded conversation namin:

Guy: Hello,ito ba si machopapa?

Me: Yes?

Guy:Nagbabasa ako ng mga blogs mo,nakakatuwa ka pala noh hihihi

Me: Tlaga lang huh?(kilig)

Guy: Pero Put@#$%?!  mo ka!Nagsisimula palang ako!Sira-ulo akong tao baka akala mo!Tang&%$#@@! Mo!….(censored to the highest level).

Sa sobrang gulat ko,biglang napunit ang suot kong spandex.Mula sa telepono,hinugot ko ang dila nya at sinaksak sa 220volts na outlet ng kuryente namin.Hindi pa ako nakuntento,hinatak ko naman ang mukha nya sa may scanner  at ginawan ng PDF file.Nagkagulo ang mga tao sa opis.Tumili ng napakalakas ang boss kong Egyptian ng ” ooh my ghed,ian,nakakalurkey ka!!”….Pero since love is in the air ika nga,hindi ko ginawa yun.Tsaka sira din ang scanner namin.Nawindang ako.Umurong ang dalawang balls ko.Nawala ata ang pagka-machopapa ko sa mga oras na yun at “papah” nalang ang natira.Fuck!

mababaw lang ang kaligayahan ko,sorry.

mababaw lang ang kaligayahan ko,sorry.

 Nagpajupet-Sa sobrang stress ko,naisipan kong magpagupit.Balak ko sanang magpakalbo,kaso baka mapagkamalan akong middle aged lesbian na may stage 4 na breast cancer.Ibang lahi nag-gugupit sakin dito(Bangladesh).Pero pag sa Pinas ako,mas gusto ko mag pagupit sa mga bading.Alagang-alaga ang buhok mo eh.Ginagawa nga nilang parang 3rd person “Sir medyu kumukulot na SIYA”,”Gusto nyung kulayan natin SIYA ng pink?”.”Kuya,mas cute SIYA kung lalagyan natin ng kunting bangs”…Ohh di ba,parang may nakapatong lang na patay na shih tzu sa ulo ko at ganun nila ituring ang buhok ng customer.Kaso nagtataka lang din ako dahil madalas malaglag ang gunting sa ibabaw ng hita ko.For some reasons,baka gusto din nila gupitan ang karugs ko,eh hindi ko na alam.Pero mas okey na ang mga beks mag jupet sakin.Minsan kasi pag dun ka sa mga barberong mukhang tatay na kalong-kalong ang sariling tiyan,ginagawang gupit CAT ang buhok ko.Eh ayaw ko ng barbers cut na yan,under cut,clean cut  at lahat ng mga hinayupak na cut.Nagiging kamukha ko si baby james ng hindi sinasadya eh!Na trauma kasi ako dati,sabi ko kay manong barbero na merong malaking tiyan “Kuya kunting tabas lang po”..Puta ang tinira sa buhok ko ay kunti na nga lang.Hindi ko tuloy alam kung bulol ba ako magsalita o talagang tinarantado lang ang buhok ko.Nagmukha tuloy akong tinipos na mongoloid.Tapos lakas pa mag-paandar ng electric fan habang nag-gugupit.Naka number 3.Halos magkahika na ako at muntik ko nang maisuka ang baga ko sa floor.Nalunok ko na lahat ng buhok ko.At ito pa kinaiirita ko huh,sobrang dami maglagay ng pulbo!Ginawang puwet ng bata ang ulo ko.Tuloy nung natapos ang gupitan,para akong bagong kumpil.

Barber-Shop_0_o_funniest_lol

Watch Mobe– “Tama na!!Alam ko marami kang sikreto sakin pero wala akong paki-alam dun.Sa maikling panahon na pagsasama natin dito ha,marami akong natutunan sau,yung mga bata marami rin eh.Alam mo nakakainis mang tanggapin.Nakakainis tanggapin eh.Pero champion ka talaga!!Taas na nga kamay ko sayo!Nagkakagusto na nga ako sayo eh.Mahal na nga kita sa palagay ko eh.Maging sino ka man”…..-Isang nostalgia scene sa obra maestra ni Eddie Rodriguez,Viva Films 1991,Starring Robin Padilla & Sharon Cuneta.Yan lang ginawa ko nung gabi bukod sa pagse-sexy time with my self sa ilalim ng kumot. Masarap kasing balikan ang mga pelikula ni Robin lalo na at buwan ng mga puso.Seryoso lang,matagal ko na ding pangarap na magamit sa argumento ang mga linyang yan.I mean sa lahat ng mga naka-relasyon ko dati.Naghahanap nga ako minsan ng perfect excuse para masimulan ko ang ganyang conversation eh.Pero for some reasons,hindi ko nagawa,hirap eh!At for the record mga repa,gusto ko tlagang e-banat sa isang sosyalera at palengkerang babae.Tapos haharap sya sakin at isang matinding  “putanginang yan,anu bang pinagsasabi mo??!!”…then I will scratch my balls and say “im sorry,may kumagat lang na langgam please continue…”…

kinis din pala si Robin noh?

Anung problema ng kaliwang utong ni Robin at kelangang ipakita sa poster?Bakit hindi nalang utong ni sharon?Ipaliwanag mo sakin kung bakit ganyan ang suot ni shawe?

Yun lang naman ang ginawa ko nung balentayms.Kaso naloka ako sa caller na yun.Iba na pala pag-sikat chupoy ka na.Dumadami na ang circle of friends ko pati kaaway ata magkakaroon na din.Stepping stone ko lang naman talaga sa showbiz itong blog ko eh.Eh kaso ngayon palang,andami ng intriga,mga umaaligid na paparazzi sa bahay at nagtatangka sa buhay ni machopapa.Kaya naisip kong kumuha ng ultimate bodyguard.Mahirap na eh,sa panahon ngayon una-unahan nalang ang labanan.Gusto ko ng matinding security na magbabantay sakin 24/7.Nag pakabit narin ako ng CCTV sa bahay namin.So basically ito ang mga requirements ko:

 Wanted Ultimate Bodyguard:

Single

Female (hindi operada at  genuine ang obaryo)

15-35years old (or basta nireregla na at nagsusuot na ng bra,pwede na)

5’5″ minimum height requirement

Vital statistics 37-24-35 (kelangan maganda ang curve ng bewang)

Pinay or Korean,wavy or straight,short to midlength of  hair(yung parang model ng mga commercial ng shampoo na kamay lang ang ginagamit para magsuklay ng buhok)

White  and Flawless complexion (gusto ko yun kasing puti ng bond paper ang balat,puwede rin yung kutis bayawak medyu shiny and smooth)

Black or Brown Eyes (Ayaw ko naman ng pure black at wala ng puti ang mata gaya ni Sadako,katakot kaya!)

Ayaw ko ng mala Vina Morales na braso

Mukhang anghel at hindi mukhang bakla na naglalagay ng makapal ng face powder sa mukha

Must know how to cook sinigang and make labada

Marunong mamalengke

Atleast college graduate and literate

Must be fluent in English

With above average knowledge with Kamasutra

Can work under pressure,under water and under the table etcetera etcetera

Willingness to work overtime and to have sex marathon.

Must be seductive and  be aggressive when doing sex marathon

May long alabaster legs na gaya neto

Kung kanino mang hita yan,patawarin mo ako!hehe

Kung kanino mang hita yan,patawarin mo ako pero nalaglag ang panga ko!hehe

Sana lang talaga makahanap na ako ng bodyguard ko sa lalong madaling panahon.Natatakot na talaga ako para sa sarili ko.Yung basic salary pag-uusapan nalang depende sa performance.Kaya kung sinu man pong nilalang diyan na merong ganyang qualifications,hanapin nyu na po ako or ipadala nyu ang sarili nyu sakin dito sa Qatar.Wag nyu lang kalimutang mag-suot ng kinky underwear para sa oral interview at magdala ng minus one tape ni Norah Jones.

__________________________end________________________________

dedicated kay Jonathan Camacho,Rachel Tirador,Rene Romero (salamat po sa advised at suporta)

Kay Mam  Peachie Rodriguez (salamat sa eport at oras)

At kay Shan SJ (salamat at smile kana hehehe)

Advertisements

One thought on “WANTED: ULTIMATE BODYGUARD

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s