BOBITS NGA BA SA PAG-IBIG ANG MGA TAONG MATATALINO?


thumb_COLOURBOX4720582

“Bago po tayo mag-simula,inaanyayahan ko po lahat ng single na tumahik at yumuko ng ilang sandali at ipanalangin po natin ang ating mga sarili at……uutot ako……amen!”

“Kuya bili ka na po ng bagong facial cream namin!”ang sabi ng saleslady na merong makapal na face powder sa mukha at halata mong gumagamit ng wonder bra.Hindi ko alam kung sinabi nya ba yun dahil sa gusto nya lang maka-benta or sinabi nya yun dahil mukhang kelangan ko na talaga.Hindi na rin siguro sapat yung pag-gamit ko araw-araw ng likas papaya at ilang facial products na nag-pramise sakin na merong diamond peel epek.Medyu magaspang at  tumatagas na minsan ang mamilagrong oil saking napaka perfect na mukha.”Anu namang bago sa cream mo ate?!” ang pasupladong tanong ko “mas lalo ka pong guguwapo pag ito po ang pinahid sa pisngi nyu”.Hindi ko lang masabi na “sus ate ginawa mo pa akong bata,expert yata ito at propesyunal!”Oooh talaga?”ang sabi ko.”Opo kuya,in just one week may rosy cheeks na po kayo,sure po yun!”,”eh magkano naman yan?”ang pakli ko,”70riyals (Php784) lang po,pang buwena mano lang”,”ang mahal naman!”.Akmang paalis na sana ako ng biglang siyang humirit ng “kuya,pag binili nyu po ito,may kasama na po siyang kulay blue na tabo,tsaka biglang dadami ang tsiks mo,madami din pong benefits to sa mukha tulad ng blah ba blah ba blah blah!”…Wow huh!…kala nya hindi ako naniniwala.Parang gusto ko na ngang maiyak at yakapin siya ng mahigpit habang nagpapaliwanag siya eh.Ang hindi niya alam,kahit  yung batang yaget kaya akong utuin kumain ng basag na plato eh.”Sige na kuya bili ka na po!!”.This time medyu madiin na ang pagkakasabi niya dahil alam nyang last chance nya na yun para makapambola sakin.Naisip kong “may free na kulay blue na tabo??not bad yan-yan!”.So umuwe ako ng bahay na merong  ngiti sa aking mga labi.Isipin mo,bumili lang ako ng facial cream,may kasama ng blue na tabo!Pag sinusuwerte ka nga naman oo!Sa sobrang exited ko,nilagyan ko kagad ang puwet ko ng cream.Ansarap,anlameg pala sa feeling!Yung tabo?Shit yung tabo!Saan ko naman pala gagamitin yun?Bigla akong kinabahan.Tsinek ko yung presyo ng cream sa internet,50riyals lang at may kasama ng 3G na flashlight with Bluetooth,lupet noh!

Kaya tuloy naisip ko,lume-level up na pala ako ngayon ah,dati tanga lang ako sa pag-ibig eh,ngayon isang dipa nalang bobo na din ako hahaha!Naalala ko tuloy ang tanong na “Boplaks nga ba sa pag-ibig ang taong matatalino?”.Depende kung sinung tinatanong mo,pero kelangan kung sagutin ito ng oo or hindi at OO ang sagot ko (bilis diba).Pero lilinawin ko lang po, hindi ko po sinasabing matalino ako,hindi rin naman ako ganun kapanget,malibog pa aminado ako dun.May kanya kanya naman tayong pananaw at opinion sa buhay kaso nagkataon na blog ko ito kaya wala kang ibang choice kundi makisabay sa agos ng utak ko.

“Bobo nga ba sa pag-ibig ang mga taong matatalino?”

1.) Expectations-nabubuhay sila sa pinakamataas na lebel ng ekspetasyon at laging nasa pressure cooker.Parang there is no room to commit any mistakes.Tsaka given na yun pag matalino ka,mainit ang mata sayo ng publiko,kasi nga matalino ka eh.So yung ganung sistema nadadala pag dumating na si lablayp.Maraming silang bagay na naiisip sa ka-partner nila at pag hindi yung nangyari,ma-didissapoint at dun na mag-uumpisa ang problema hanggang sa mag domino epek na yan.So ang hatol ko diyan,don’t expect!Instead na gumamit ng iodized salt,mag rock salt ka nalang para bumaba ang talino mo,tapos…don’t expect.Ganun!

2.)Standards-nakasama na sa pang-araw araw nila sa buhay ang pag set ng mga programa base sa kanilang tugma at galaw.Kaya kung iisipin mo ang isang relasyon na merong sinusunod na  pattern ay parang isang samahan na matabang at nawawala na yung kilig factor.Alam mo yung pinapasayaw ka ng boypren mo ng macarena,kaso ang alam mo lang na sayaw ay yung lumiyad liyad  na parang bulate na binudburan  ng asin  at  mag-strip  dancing?Aba mahirap yun ate!

unless ganito pala ang talent mo

mahirap diba?masakit sa itlog yan shit!

3.)Logic mind-Kalimitan sa mga decision making nila ay ginagamitan nila ng lohikal na pag-iisip.Pero nagiging sablay ang bagay na to pag ginamit mo na sa isang relasyon.Bakit?Dahil ang lohikal daw na pag-iisip ng tao ay madalas na hindi kasundo ng emotional na pakiramdam.Dahil ang matamis na pagmamahalan ay galing sa  isang malayang pag-iisip at damdamin ng bawat isa.Nagmamahal naman tayo dahil sa ating pakiramdam at hindi dahil sa ating naiisip.Di ba nga pag inlababo tayo,anu ang tumitibok satin?Anu kamo… itits?!Hayup ka,pero maliban dun?Siyempre puso dib a?Ampanget naman kung yung ulo natin ang tumibok tibok,nakakadiri isipin!Puso is the key ng isang masayang pagsasamahan at hindi yung utak ang ginagamit para lang mabuhay ang isang relasyon.

4.)Mahilig manood ng telenobela at magbasa ng books-ganyan ang karamihan sa mga smart na babae eh,adik yan sa panonood ng mga koreanobela at meron yang libro ng men are from mars and women are from venus.Tuloy sa mga ideas na nababasa at napapanood nila,gusto din nilang i-apply yan sa lablayp nila.Ganun yan sila mag-isip,gusto nila ng romantic love story sa isang relasyon.In short,mga hopeless romantic at emotional yang mga yan!Dahil lagi nilang pinapangarap na isang araw merong isang lalaki na kamukha ni coco martin na nakasakay sa itim na kabayo tapos haharanahin sila.Oo naniniwala din sila sa prince charming!Kaso ang tendency,na-ooveranalyzed nila ang mga bagay bagay dahil sa malikot nilang imahinasyon.Kumbaga hindi na nila alam yung panaginip sa realidad.Napanood mo naman siguro yung movie na inception?Yung last part ng movie na nag-iwan sa buong mundo ng matinding tanong?Hindi?Pakamatay kana,now na!!

5.)Under experienced-kumbaga sa trabaho,wala pa silang  masyadong alam at karanasan pagdating sa larangan ng pag-ibig.Hindi pa yan sila marunong mag tanggal ng bra gamit ang isang kamay lang chos!They usually overwhelm with their feelings.And without any experience in love and all they become vulnerable.

kaya minsan,masarap din na ipinanganak kang marunong kalang mag-add at minus

kaya minsan,masarap din na maging normal na estudyante eh,yung laging may kodigo at umaasa sa kopya,marami kang lablayp eh…

6.)Late gamer-ito raw yung tawag sa mga nilalang na laging sawi sa pa-ibig pero may mataas na academic grades.It just so happened na hindi effective ang approach ng matatalino academically sa pag-ibig.Pero pag yan naman ang naging successful,hahabulin naman sila ng isang dosenang tsiks,kahit ayaw man  nila pero parang naka auto-pilot na sa kanila yun….Pero siguro bago nila maabot yun,may sakit na din silang rayuma at bulok na ang mga tamod nila sa bayag.Kung sa mga babae pa,expired na at nagsara na yung kung anu man yun hahaha!

hindi ganitong late gamer ang sinasabi ko,sarap isupot eh!

hindi ganitong late gamer ang sinasabi ko,pero sure ako sawi to lagi lol!

7.)Giving their best shot-naniniwala sila sa konsepto na ang tunay na pag-ibig ay maaabot lamang kung ibibigay mo ang lahat ng makakaya mo or yung best abilities mo.Kasi madalas hindi nila alam kung kelan dapat gamitin ang utak at kung kelan gamitin ang puso.Katulad ng mga smart na babae,para din yan silang bakla magmahal eh,lahat ng meron sa kanila ibibigay nila ng buo sa lalaki.Kahit cellphone nila,wallet,pera,wala silang pakialam,kahit magmukha na silang tanga sa mata ng ibang tao.Dahil nasanay ang matatalino sa pag-bigay ng best sa lahat ng ginagawa nila.At alam mo na pag binigay mo ang lahat lahat sa dyuwa mo including ang pin code ng panty mo?Wala na!Hindi na yan mag-eefort pa sayo!Tandaan nyu lagi girls na magtitira kayo lagi para sa sarili nyu.Wag mong ibigay ang lahat,para alam mo yun,may hahanapin pa siya sayo.Ganun yun ate!Wag tanga.Mura nalang ngayon ang bentahan sa cartimar ng mga brains na slightly used,kaya gamitin mo din paminsan minsan yan.

Ang IQ daw ng tao ay inversely proportional sa EQ at ang money is directly proportional to IQ.Nosebleed ka ate?Parang ganito lang yan,magkaiba ang nagmahal ka dahil ginamit mo ang utak mo at nagmahal ka dahil ginamit mo ang puso mo.Hindi ka totoong nagmahal,kung utak ang ginamit mo.At pag sobra mong ginamit ang utak mo,nawawala ang tunay na kahulugan ng tamis ng pag-ibig.At pag sobrang ginamit mo naman ang puso mo,nagiging toxic naman to sa relasyon nyu.So dapat pala balanse lang?Dapat alam mo lang kung kelan mo gagamitin ang utak mo sa depende sa sitwasyon  at kung kelan mo naman gagamitin ang condom este ang puso mo na merong pag control sa nararamdaman.Tandaan natin na wala naman talagang formula sa love eh,eh tangina kong totoo yan eh di kaming mga engineers nalang lagi ang may lablayp.Depende yan sa dalawang nagmamahalan.Di ba sabi nga,it takes two to tango.Hindi puweding isa lang ang gumagawa ng effort,dapat tulungan lagi yan..,,Naks!Kaya pag naniwala nanaman kayo ngayon sa blog ko,sureball ako magiging single kayo katulad ko lol!Happy Belentayms sa lahat!

Advertisements

One thought on “BOBITS NGA BA SA PAG-IBIG ANG MGA TAONG MATATALINO?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s