READY,SET,DATE!….


64947_10151277809531723_1199702948_n

Holy shit!February na pala!Selebrasyon ng araw ng mga puso sa mga may ka-relasyon at SAD (Single Awareness Day) para sa mga single na tulad ko.Pansin mo ba,acronym palang malungkot na eh.Ilang taon ko na ding ipinagluluksa ang petsang February 14 sa buhay ko.Paano ba naman,tuwing sasapit ang araw na yan,pilit lang pinapaalala sayo na walang nagmamahal,nag-iisa kalang sa mundong ito at wala kang makayakap sa mga malalamig at wet days mo.Wow ang saklap nun diba?Lalo na yung sobrang lamig na panahon at nag-niniyebe na ang mga haploid sperm cells sa itlog mo.Sobrang sad nun!

Matapos kong kikilin ang kalyo sa aking mga palad at mag-vanity check sa aking hubad na katawan,naisipan kong pumunta sa mall nung isang araw para makapag-isip at malibang na din at the same time.Pero imbes na malibang,sumakit lang ang puson este ang ulo ko at biglang umakyat ang lahat ng dugo sa katawan ko papunta sa aking utakels dahil sa mga mag syuta na walang habas mag holding hands with matching pa-sway sway pa ng kamay amputa!Since masakit sila sa mata tingnan,iniwasan kong gawing catwalk ang hallway at sumakay ako ng elevator.Kaso dahil nga sa kaartehan ko, para naman akong siniksik na tuna sa loob at kulang nalang eh magkiskisan ang aming mga labi at patotoy.Tapos bigla kong napansin itong isang lalaki na ansama makatingin sakin.Kala ko nga naghahamon ng suntukan eh.Malaking tao at medyu tayo ang dalawang utong niya sa dibdib.Yung mata niya ay parang yung metal scanner na laging hawak ng mga sekyu sa mall.Sinipat ang napaka guwapo kong mukha pababa hanggang sa mapunta ang line of sight ng animal sa zipper ko.Matagal siyang nakatitig dun.Nakakapang-init ng ulo eh,gusto ko sanang sabihin “anu malaki ba pre?bet mong hawakan?!” pero pinilit kong dedmahin.Kaso nananadya si gago,nung papalabas na kami,pasimple nyang hinampas ng kamay ang aking totooot and boooom!Hindi na ako nakapagpigil pa,umusok ang tenga at puwet ko!Pumutok ang natutulog na bulkan sa katawan ko.Hinablot ko siya papasok ulit at inumpog ang ulo niya sa apat na sulok ng elevator at pinagtatadyakan ang mukha niya hanggang sa madurog ang ilong niya.Nagkagulo na ang mga tao sa paligid namin.Lalo pa silang nataranta nang bumunot ako ng isang plastic fork na nenenok ko pa sa pizza hut at tinadtad ng saksak yung mama.Dumanak ang dugo sa loob ng elevator.Nagsisigawan ang lahat,takot na takot habang tumatawa ako ng malakas na parang isang serial killer at puno ng talsik ng dugo ang aking damit at mukha.

Pero dahil pareho naman kaming anak ng Diyos,hindi ko yun ginawa.Dumagdag lang siya sa init ng ulo ko at mas lalong lumala ang pag tatantrums ko that day.Speaking of tantrums at init ng ulo,hindi yan ang pag-uusapan natin ngayon pards,gusto ko lang i-intro para naman isipin mong bibo si machopapa.

speed_dating

Gusto mo na bang magka-lablayp agad-agad?Pini-pressure ka na ba ng mga baluga mong  friends na magkaroon ng dyuwa?Pagod ka na bang maging isang NBSB (no bf since birth)/NGSB,USB(untouched since birth),CVF(certified virgin forever)?Well may sagot ako diyan mga kafatid.Kung single ka at pinoproblema mo ang ka-date ngayong balentayms,i will highly recommend you try speed dating.Not only you will get dates immediately,pero mapapraktis mo din ang pakikipag-usap sa babae or lalaki and will significantly increase your self-confidence.Anung gagawin mo?Una siyempre magparegister ka sa nasabing event.Pangalawa,mag-dress to kill ka at pangatlo ang pinaka-importante sa lahat,make a good first impression.Paano?Kelangan ipakita mo na meron kang malupet na sense of humor at handa ka sa mga tanong na ibabato nya at ibabato mo.Paano kamo kung wala kang sense of humor?Di bale,yung hilatsa palang ng mukha mo pre eh isang malaking joke na yun sa babae.Madali lang mechanics niya at para ka din lang nag-aaply ng trabaho,isipin mong nasa final stage kana ng interview mo and you only have 3minutes para ibenta mo ang sarili mo.So I make handa na for you some questions na puwede mong itanong at itatanong sayo ng ka-speed date mo:

 1) What do you do for work? –Anu raw trabaho mo?Depende kung sinung tinatanong mo,pero kung akong sasagot sa tanong na yan mas maganda kung hihiritin mo ng ibang style. Sabihin mong manikurista ka sa umaga pero namamakla ka naman sa gabi.Weird diba!Pero pagsumimangot ang mukha nya,kelangan mabilis ka din kumambyo afterwards.

2.)Is the glass half-empty or half-full?lakas maka HR question to eh.Pero dito malalaman kong may utak ang ka-date mo…at wag nyu akong tanungin dahil hindi ko din alam ang sagot diyan.

3.)Do you stir your coffee clockwise or counter clockwise?-ang tamang sagot daw dito ay,”Im sorry but mas prefer ko mag-tea kaysa mag-kape”.Actually,dapat marunong kalang din lumusot sa mga nakaka-baog na question na gaya neto.Di ba?The nerve naman kung clockwise,over the counter,or counterstrike pa yan??!Sabihin mo “minsan clockwise pag-matino kausap ko,pero pagnakikita ko ang mukha mo,parang mas masarap i-stir ang kape ng pa-counter clockwise lalo na sa burol mo (tapos smile ka)”…

285624_462452670460074_859364351_n

4.) What is your stance on cannibalism? For or against.-maaring mag-end agad ang usapan nyu at maging extra speed dating pag ito ang tinanong mo.Pero pag maganda  ang pagkakadeliver mo neto at meron palang siyang “dark sense of humor”,panalo to repa!Paano magiging maganda ang delivery?Puwedeng ganito ang banat mo “Ate anu pong masasabi nyu sa mga Cannibal sa Africa?Bukod sa kulay ng balat nila at ilong,anu pang ibang bagay ang pagkakapareho mo sa Cannibal?”…

im sorry pero natawa ako!wahahaha!

im sorry pero natawa ako!wahahaha!

5.) If you where an alien, with your very own spaceship and you could abduct anyone on earth. Who would you abduct and why.-Sinu daw crush mo tsaka mukha ka daw kasi alien chos!At sa tanong na ito maaring malaman mo kung mas interesado ba siya sa mga taong nasa pulitika or sa showbizness.Pag sinabi niyang “Miriam Defensor Santiago”,tiga UP yan or miyembro ng Gabriela…Pag sinabi niyang “Willie Revillame”,wala yan jologs yan bords!

6.) If you could have any type of pet, what would it be?-Sa tanong na to malalaman mo kung pet lover ba ang ka-speed date mo.Pero mas maganda kung medyu creative din ang sagot mo sa tanong na to.Boring pag sinabi mong dog,cat or birdy este bird.Taena,hindi na kayo sa elementary dude,tandaan mo speed dating yan at hindi slam book.Sabihin mo gusto mo mag-alaga ng malaking buwaya sa bakuran nyu!Syempre magugulat siya nun.Dalawa lang iisipin nya,its either sira-ulo ka or adventurous ka.Pero wag na wag mong ipagmamalaki ang alaga mong pet sa pet society sa FB at baka mag transform yang kaharap mo at lamunin ka ng buo sa kinauupuan mo.

7.) Why is sex so sexy and how can you make sex even sexier?
This question is loaded to get them thinking about sex.Mas maganda naman ka-date ang babaing may sexual openness at hindi pa virgin epek diba.Well kung babae ka at type mo ang ka-speed date mo,sagutin mo ng medyu malandi ate!Sabihin mo “Sa totoo lang hindi kasi ako fan ng kamasutra book eh,pero kung i-dedemo mo sakin how to make sex even sexier…(tapos bigay mo na number mo at smile kana,ayos na yun!landi mo te!)”.

8.)Oo o hindi,hindi ka ba naliligo?-wag na wag mong itatanong ito kung ayaw mong maligo ng dugo sa mukha mo na hayup ka!

9.) If I was hanging over an active volcano, would you run in and save me.-Sa tanong na ito malalaman mo kung sweet ang kausap mo.Pag sinabi niyang “Aaay hindi na siguro kuya,may lakad pa ako eh”..Sad to say hindi ka type,pero don’t worry,speed date naman yan kaya puwede mo siyang pakyuhan pag ganyan ang sagot niya hahaha!

10.)What do you do other than work-Anu raw mga hobbies mo.Puwedi mong sabhin na sexually active ka pero baka biglang tumambling sa tuwa ang ka-speed date mo.So dapat medyu kalma at  hindi mahalay ang dating mo.Sabihin mong komokolekta ka ng mga red thongs at kinky underwears ng mga babaing nakaka table mo sa KTV bar tuwing kinsenas at katapusan ng buwan.

11.)Explain the theory of relativity in Latin-medyu tricky ang question,kung bigla nagsalubong ang kilay niya at sinagot ka niya ng nakaka-nosebleed na explanation in Latin,manang yan pards at boring kausap.Ang tamang sagot diyan ay “next question please ” or “pass” or “next!!”…Tsaka gago ka ba,bat mo naman itatanong yan!

blind date nalang kasi!

blind date nalang kasi!

12.)Kung naimbento nga ng tao ang sasakyan papunta sa buwan,bakit ang instant abs hindi nila magawa?-di ba??tangina yang mga scientist na yan eh!pinagloloko tayo eh.Ang sagwa kaya tingnan sa lalaki na kinakarga niya ang sarili niyang tiyan.Matindi na ang paghihirap naming mga kalalakihan para magkaroon lang ng pandesal sa tiyan,bat hindi nyu pa gawin ang instant abs na yan!….aaay sori bords,masama lang loob ko kaya siningit ko siya,pero puwede mo ding ibanat yan.Malay mo,matapos mong itanong yan,magkaroon ka na ng abs.Yun nga lang sa mukha.

images (11)

13.)Puwedi mo rin itanong ito:Kung may naliligo na tao sa banyo,paano mo malalaman na chubby at may ‘mantits’ siya??-siyempre tanga si ate at ang i-reresponse niya sayo ay “hala?paano?”..tapos banatan mo ng “Eeeeh di hintayin mong makalabas wahahaha!”… korni yun pero puwede na rin atleast may baon ka,eh kung sumaktong mababaw lang kaligayahan nyan at nag-eenjoy sa mga toilet humor?!Patay na,lablayp na yan koya!

mantits lol!

mantits lol!

At nasabi ko na ba sa inyung hindi pa ako nakakaranas ng speed-dating sa buong buhay ko?Kaya bahala kayo sa buhay nyu kung paniniwalaan nyu mga sinabi ko.Ang mas maganda nyan,ako nalang i-date nyu.Sagot ko na ang kuwento at patawa,pero siyempre sagot mo ang  pantaxi,pansine at dinner natin!Game???hehehe….

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s