THE INVENTION OF LYING


7700483410_b41d2017e9_z

Kahit  umaabot na sa zenith ng kaligayahan ang nadarama ko pag kinikiskis ko sa kama ang aking nipples at madalas tinitigasan ako sa madaling araw dahil sa lamig,hindi parin ako mapalagay sa ilang mga bagay na gumugulo sa buhok kong wavy.Minsan I feel bored,minsan parang gusto kong pumatay ng egyptian,minsan naman gusto ko lang magsulat ng mga walang ka torya-toryang blog na gaya nito.Tapos pag kumati naman ang eczema ko sa singit,nagpapalobo ako ng sipon at bigla akong tatawa ng malakas na parang lunatic.Trip-trip lang din.

Ganyan talaga kahirap ang buhay OFW.Minsan talagang nakakabaliw lalo na at wala kang makausap kundi ang sarili mo lang.Tapos maswerte ka na din pag nakatagpo ka ng mga taong totoo at hindi sinungaling.Sabi nga daw nila,nagkalat ang mga nilalang na mapag-panggap sa abroad.Naku,numero una diyan ang mga lalaki.Sasabihin nilang binata at walang sabit,pero may 3 anak na pala na pinapagatas at iba pa yung naanakan niyang babae na naka-table niya minsan sa Biglang Buka Sing Along and KTV Bar.Style nyu bulok uy!At kayo naman gurls,wag namang tatanga-tanga pagdating sa mga ganyan diskarte.Gamitin nyu ang mala-NBI instinct nyu sa katawan.Pero aminin na natin,face to face,mas magaling mag-sinungaling ang mga babae lalo na sa mga bagay na masyadong personal sa buhay nila.Hindi mo talaga sila mapapaamin at kahit magkapitpitan pa kayo ng ilong,hindi pahuhuli ng buhay yang mga yan.Handa akong makipag-duwelo sa sinumang babae diyan na mag-sasabing hindi??!…Well hindi ko naman nilalahat yan,besides sinungaling din naman ang mga lalaki eh.Pero mag-kaiba nga lang ng degree.Bali parang ganito yan…

90% sa populasyon ng mga babae ang sasagot ng TAMA pag-tinanong mo ng “Ilan na ang naging boypren mo?” at 97% naman sa kanila ang sasagot ng MALI pag tinanong mo ng “Ilan na ang naka sex mo na lalaki?”.Kung ang bilang ng naka-sex nila kasama ang mga hook up sa random strangers/one night stand ay 5 lalaki,ang sasabihin lang nila sayo ay 1 at pangalawa ka palang.Parang ganun din naman sa mga lalaki.90% sa populasyon namin ang sasagot ng TAMA pag tinanong mo ng “ilan na ang naging gf mo?” at 97% naman sa aming mga lalaki ang sasagot ng MALI pag tinanong mo ng “ilan na bru ang naikama mong babae?”.Kung ang bilang ng naka-sex kasama na ang mga hook up sa random strangers/one night stand namin ay zero as in bokya,ang sasabhin namin sayo ay 7 babae.

naka-3 random hook up na daw siya??....weeeeh??!!

100% sasabhin niya sayong  “naka pitong chiks na ako asshhole!”…

Nakita nyu ba ang diperensiya?Sabihin nalang nating medyu exaggerated statistically ang aking mga figures,pero most likey tama yan hehehe.Kaya ang unang tanong ko,bakit ba naimbento ang “pagsisinungaling”?…

Sabi sa isang article na nabasa ko,may apat na uri daw ng pagsisinungaling;pro-social,self-enhancement,selfish and anti-social.There are many reasons why people lie,and most of them relate to protect self ,avoid embarrassment or hurt another intentionally.Kalimitan nagagawa nating mag sinungaling dahil gusto nating pagtakpan ang mga bagay na mali at ang mga panget nating pag-uugali.Kaya ang pangalawang tanong ko,may kabutihan bang dulot ang pag-sisinungaling?..

madami..puwede kang magka lablayp ng bongga

lesson?wag maniniwala sa magandang profile pix ng ka chat mo

Well depende yan siguro sa sitwasyon at sa taong tinatanong mo.Kung si pinocchio ang tatanungin mo,sigurado akong magsisinungaling siya at hahaba bigla ang etits este ang ilong nya ng ilang pulgada.But obviously,ginagago lang kita at hindi tao si Pinocchio.Kung akong tatanungin mo,okey lang mag sinungaling pagdating sa mga bagay na  ika-uunlad ng sarili gaya sa pag-aaply mo ng trabaho (sasabhin mong masipag at can work under pressure ka..tssss!) or kung mag-aaudition ka sa starstruck or PBB Teen edition(sasabhin mong mahirap ka,galing sa broken family,at ampon kalang).Mismong mga magulang natin ginagawa ang isang makatindig balahibong pag sisinungaling pag sinasabi nila sayong “shit ang guwapo naman ng anak ko,mana sa tatay!!”(tapos biglang kukulog ng malakas at magtutumbahan ang mga puno sa paligid!).Pero pagdating sa larangan ng hutanginang pag-ibig,para  itong  isang deadly mutated virus na makakasira ng samahan at utakels nyu bilang mag-partner.Ako kasi basta nag-sinungaling na ng bigtime sakin ang babae,mahirap na ibalik ang tiwala eh at nakaka-paranoid lagi.Parang isang salamin na may lamat at hindi na kayang ayusin ng glue at epoxy.Kaya mas maganda kung ilalatag mo na agad ang lahat ng baraha mo.Ang sabi nga,ang nagsasama ng tapat ay sa simbahan din ang tuloy….???

i like this movie

i like this movie

Napanood nyu na ba ang pelikulang “The Invention of Lying”?Pinalabas ito noong 2009 na pinagbidahan ni Ricky Gervais(alam kong hindi mo siya kilala).Tungkol ito sa isang mundo na kung saan ang lahat ng tao ay hindi marunong magsinungaling at sinasabi ang lahat ng nasa-isip nila.Hanggang may isang lalaki sa katauhan ni Mark Bellision(Ricky) isang douchebag na screenwriter  na gumawa ng kauna-unahang kasinungalingan sa nanay niyang  may sakit at na-overhear ito ng isang nars na biglang kumalat at pinaniwalaan ng marami na isa siyang propeta.Pero syempre hindi ko naman na i-kukuwento ang lahat noh!Gusto ko lang i-share yan para maibato ko ang third question….Paano kong namumuhay tayo sa mundo na walang kasinungalingan?…

Im-Lying

Naiimagine nyu ba?Malamang malulutas natin agad ang mga krimen.Bakit?Eh wala ng challenge dahil aamin na agad kung sinung suspek eh.Mawawalan na din ng trabaho ang mga abogado at wala ng matitirang mga congressman sa puwesto nila.Hindi na mauuso ang mga blind items ni Boy Abunda at Cristy Fermin at aamin na din agad ang asawa mo na hindi talaga siya nag-overtime kundi dumaan pa siya sa beerhouse at nambabae.Kaya naisip ko kung halimbawang magkatotoo man yan,magiging mas lalong maganda ang mga ilalagay nating write-ups sa yearbook natin noong college.

storypics_highschool2

Usually ang makikita mo sa year book ay mga cliché na

  • He’s/She’s the greatest friend anyone can have!
  • At first he seems “mayabang” but once you get to know him you’ll realize that he’s actually blah blah ba blah
  • You missed out on a lot if you never got to meet this person!
  • He’s/she’s  the funniest & cuddle person in the class

Eh paano kung hindi nga tayo marunong mag-sinungaling at tipong mga ganito ang isusulat natin ,

“Si Rhea,okey naman yan eh.Naging mag-kaklase kami sa ilang minor subjects noong 1st year college at naging ka seatmate ko siya nung 4th year college ako sa thesis writing.Kaso minsan matindi ang sapak sa ulo eh.Noong minsang meron kaming long quiz sa Algebra,tapos nakita kong pinakopya siya ng matalino naming kaklase,ang sabi ko “Rhea pasa mo naman dito ang grasya!”.Alam mo ba ang sabi sakin “Wala pa akong sagot!”.Tanginang yan andamot lang!Gusto ko sanang sabihin na “Kaya hanggang ngayon wala pang nanliligaw sayo eh bukod sa masama na ang ugali mo eh ang kapal-kapal pa ng kilay mo!”.Kaso baka biglang umiyak at magwala.Ampanget pa naman nun pag umiiyak eh.Mukhang suso na tinubuan ng pigsa sa mukha.Tapos nakatabi ko siya sa English subject namin at men ang baho ng kili-kili!Amoy napanis na suka!Shit gumuguhit talaga na parang blade sa ilong!Kaya nga dati madalas akong mag cutting class eh.At heto pa huh,one time nasa likod nya ako,biglang umutot ampusang gala!Deym nakakadiri talaga,amoy imburnal!Siguro twice a week lang siyang tumae sa kanila eh!Panung hindi ko malalaman na siya yun eh dalawa lang kami sa row na yun at absent ang karamihan dahil nga bagyo.Malakas din talaga ang duda ko sa kanya na madalang lang siyang maligo eh.One time hindi ko sinasadyang nasulatan ko ang kamay niya ng ballpen,lumipas ang ilang araw hindi pa din nabubura ang sulat sa kamay niya.Yun din marahil ang dahilan kung bakit amoy panis na suka ang kili-kili niya.Hindi ko rin malilimutan ng minsang pasimple syang bumilog ng kulangot  tapos bigla nya itong dinikit sa ilalim ng upuan nya.Lumingon-lingon pa siya bago niya ginawa yun,tapos pasimple siyang ngumiti.”

Kung Rhea ang pangalan mo,patawad pero hindi ikaw to at nag-imbento lang ako ng pangalan unless bumilog ka din ng kulangot at dinikit mo sa ilalim ng armchair mo.Nakakadiri ka sa ginawa mong yun!

si rhea,during our english class

si rhea,during our english class

Bigla ko tuloy naalala dati noong nakatira pa ako sa Eloisa sa Sampaloc.Nagkaroon ako ng nakakatakam na ingrown sa aking hinlalaki sa paa.Dahil sa sobrang sakit na at talagang namamaga na siya,nag decide na akong pumunta ng parlor para ipa-putol este ipatanggal.Nagkataon na yung crush ko na parlorista ang mag-oopera sa paa ko.Kinakabahan talaga ako that time pero dahil maluwag ang suot nya na damit,sinadya nya atang ipa dungaw sakin ang malulusog niyang hinaharap.Siguro alam niyang masakit talaga ang gagawin niya at parang tulong na din yun sakin.So lo and behold,nagsimula na ang operasyon.Tumagaktak ang malamig na pawis sa napakagwapo kong mukha.Tumindi ang kapit ko sa armchair at nangitngit na aking mga ngipin.Halos lumabas na ang uhog ko sa ilong at gusto ko nang tumambling sa sakit.Grabe ang tindi,para akong mamatay!Tapos naalala ko sa mga oras na yun parang may puting liwanag na akong nakikita at may mga taong kumakaway sa malayo….”Okey kalang ba?Masakit ba?” ang sabi ni crush…ang sagot ko naman “oooh,aaaaaah,medyu lang ate,ooooh!”…pero ang totoong nasa-isip ko ay..

“PUTANG INA!TAMA NA!HINDI NA AKO MANONOOD NA PORNO TUWING MADALING ARAW.KAKAIN NA AKO NG GULAY AT IINOM NG GATAS.HINDI KO NA PAGNANASAAN SI MOMMY DIONISIA.MAG-BIBIGAY NA DIN AKO NG ABULOY SA SIMBAHAN.MAGPAPALIT NA AKO NG BRIP ARAW-ARAW.HINDI KO NA LALAITIN SI JOBERT SUCALDITO.I-SHOSHOT KO NA ANG WEWE KO SA INIDORO.MAGPAPAKATINO NA AKO SA BUHAY.PUTANGINA!AYAW KO NA!AYAW KO NAAAAH!…

Ang pag-sisinungaling ay parang bad bacteria sa ating mga tiyan na kailangan para ma-digest ang ibang fuds at magkaroon ng balanse sa katawan ng tao.Ginagamit ito depende sa sitwasyon at hinihingi ng pagkakataon.Siguraduhin mo lang na hindi mo ito gagamitin sa larangan ng pag-ibig at pakikipagrelasyon.Dahil nakakasama naman talaga sa puso ang bad bacteria.

————————————————-end——————————————————-

dedicated ang blog na to sa aking poging tatay (Antonio) na nasa langit na ngayon.Tay sana mabasa mo to,pero wag kana mag like at magcomment sa FB ko.mizu!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s