ANG MGA NAUDLOT NA PAG-IBIG NI MACHOPAPA(a true to life love story)


images34

BABALA: Ang blog na ito ay sobrang emo at naglalaman ng ilang mga ka-inutilan ko sa buhay.Pinapayuhang kumuha ng arenola at magsuot ng 3D glass.

“beeelat,walang ka-date sa valentines,beelat walang ka date!!”..tila parang isang musika na hango sa passacaglia in minor C ni bach na paulit-ulit sumusuot sa tenga ko.Naligo kasi ako kanina gamit ang sabong safeguard kaya biglang lumabas ang “konsensya” ko.Nagulat nga ako dahil medyu may pagkakahawig pala kami?Oo yummy din siya!Hahamunin ko na sana ng suntukan nang biglang lumabas naman sa kaliwa ko si “alter ego” ..”stop the meaning of this!”ang sabi ng huli…”bopols ka sa pag-ibig,masyado kang emo!” ang singhal ni konsensya kay alter ego..biglang dumilim ang paligid tapos nagkaroon ng parang makapal na usok na kulay blue sa bandang puwetan ko at poooof!Lumabas ang isang lalaki na kamukha ko din,but this time  naka tight na leggings at may hawak na tsupon!Puta kala ko si kachupoy!..”wow huh,bongga ng entrada mo!” ang sabi ko kay “guni-guni” sabay pakyu nya sakin…

Kung mapapansin nyu eh meron akong tatlong katauhan at ganito talaga sa mundo ko,puwedi kong kausapin ang isa sa mga yan.Una si konsensya tapos si alter ego then si guni-guni na mas gusto nyang tawagin siya sa palayaw nyang Daniel Matsunaga.Lately,nagkaroon kasi ako ng matinding nervous breakdown at kinailangang i-close door meeting ang tatlong yan.Ipinagbawal ko na ang media at paparazzi dahil ayaw ko ding makaladkad ang personal na buhay ko kay mother earth.But due to insistent public demand(na wala naman talaga) and most specially para sa mga tsimozo at tsismoza na nagbabasa ng blogs ko,para sa inyu i-kukuwento ko ang mga naudlot kong pag-ibig…

utang na loob hindi po ako yan promise!!..pinsan ata ni majin buu?ahh ewan!

utang na loob hindi po ako yan promise!!..pinsan ata ni majin buu?ahh ewan!

Pero parang masyadong mahaba at gusto ko yung ganyang reaksyon mo sa mukha na bigla kang ma-didisappoint at kukunot ang noo..hahaha!Biru lang,medyu i-shoshortcut nalang natin dahil baka abutin kayo ng piyesta minatay at pumuti na mga pubic hair nyu sa singit pag sinama ko pa ang mga naging ka flirt ko during my puberty age at mga random hook ups nung college days charuts!!…

Lingid sa kaalaman ng marami,nag seryoso ako sa dalawang huling babae na dumating sa buhay ko.Dati,nagkaroon ako ng dyuwa at tumagal kami ng 5years.Wala akong masabi sa babaing yun dahil siya na ata ang pinakamabait at mapagmahal na babae na nakilala ko,si Nikki.Well I think deserve nyang i-mentioned ko ang name nya dahil hindi ko siya nagawang ipag-sigawan sa mundo dati.So dahil tolonges nga at babaero,pinabayaan ko at na fall out of love kami sa isat-isa. And then I met this bulacania girl sa isang inuman session.Almost 1year din ata kami nun but unfortunately,naging rebound ko lang.Hindi ko na babanggitin ang name nya pero dahil pinilit mo ako,sige siya si Haibell.Nasaan ka man ngayon bell,patawarin mo na ako at malakas ang kutob kong  pinakulam nya ako sa lola nya na kilalang witchcraft guru sa bayan nila.Handa akong mag-alay ng itim na pusa sa puno ng kakawate at sumayaw ng waka-waka sa ilalim ng underpass sa quiapo,matanggal lang ang kulam ko pleassse!Seriously,just wana say sorry sa nangyari and all.

ako yung naka dreadlocks sa bandang kanan ni Voldemort...maniwala ka nalang!!!

ako yung naka dreadlocks sa bandang kanan ni Voldemort…maniwala ka nalang!!!

At nung nasa edad na nga ako para mag-macho dancer,lumipad na ako papunta sa Japan este dito sa Qatar para makipagsapalaran sa mga arabong merong makapal na bulbol sa mukha.Tapos dumating na ang isang babaing tatawagin nalang natin pangalang Jaire.Naloka talaga ako sa babaing to at binigay ko ang buong puso ko at yummy na katawan sa kanya.So ayun nga,nagkaroon lang kami ng malanding ugnayan at hindi rin nag work  kasi sabi nga sa kanta “mahirap talaga magmahal ng syuta ng iba!”… hahaha!Jai alam kong nagbabasa ka minsan ng mga blogs ko,apir nalang tayo pre!Pero lecheplan ka sinayang mo ang lahat hahaha joke!Kung alam mo lang kung gaano katinding effort to the highest level ang ginawa ko sayo.Alam mo yung effort na halos laging basa ng pawis ang kili-kili mo?Ganun!Literal..lol!

hindi ka ba nalito??Kung saan ang mukha at kung saan ang kili-kili??amazing!!

hindi ka ba nalito??Kung saan ang mukha at kung saan ang kili-kili??Buti nalang naisipan nyang mag bra!amazing!!

So after almost 1year nang paglalakbay ng kaluluwa ko sa astral plane at noong umabot na sa nirvana ng wet dreams ang aking  ispiritu,nakilala ko ang babaing tatawagin nalang natin sa pangalang Mis XYZ.Kung mapapansin nyu sa mga previous blogs ko eh lagi siya ang nagiging inspirasyon ko sa intro at last part.Well,gaya ng mga napapanood nating sad love story sa telenobela,kelangan ko nang patayin ang karakter nya this time.Nagbabasa siya ng mga blogs ko dati pero I guess now hindi na hahaha!Sabihin nalang nating naging ka MU ko.So hayaan nyu akong i-share ang ginawa kong sulat sa kanya bago siya magbakasyon sa Pinas…

ito ang aktwal na sulat na ibinigay ko..alam kong mangyayari to kaya piniktyuran ko na hehehe

ito ang aktwal na sulat na ibinigay ko..alam kong mangyayari to kaya piniktyuran ko na hehehe..and ooh pirmado ko pa yan!

Location        : Doha,Qatar (Office)

Time              : 11:18am 16sec

Temperature  : 24deg

Humidity       : 47%

Wind              : SW at 6km/h

 Dear Mis XYZ,

 Alam kong hindi ito ang ideal mong love and peace offering  dahil wala namang kasamang isang dosenang  bulaklak  at cadbury na chocolates  habang may mga singer na naghaharana sayo  at pinapaulanan  ka ng pink na petals sa paligid habang nakatayo ako sa labas ng clinic nyu na suot ang masikip na pantalon at damit na halata namang gusto ko lang bumakat ang mga guni-guni kong abs at muscle sa katawan.Tapos yung buhok ko ay naka-gatsby gel  na parang dinilaan  ng tatlong baka na suwabe ang pagkakahagod ng dalawa kong patilya na nagmumukha na akong laos na machodancer sa isang club.Tapos suot ko din ang mamahalin kong leather jacket na dinaig ko pa ang mga action star sa Hollywood movies tapos may hawak akong itim na helmet habang nakaupo sa sports bike kong Ducati or naka suot ng tuxedo at mamahaling rado na gawa sa swiss at bababa ako sa limousine o sa dilaw na Chevrolet Camaro na kapareha nung sa transformers na movie.Tapos pupunta at kakain  tayo sa Ritz-Carlton  Hotel  at sasabhin ko ang makabagbag damdaming mga dialog  habang pinapatugtog ang Payphone ng paborito mong Jayesslee na may salitang cover sa pangalan  na hindi ko magets at pagkatapos magdadrama ka na hindi tayo puweding magkatuluyan dahil nabigla ka lang sa mga pangyayare/gusto mong hanapin ang sarili mo/mahirap kalang at sobrang yaman ako /choosy ang parents mo /masyado kang maganda para sakin/ at may stage 4 kana na cancer sa utak  etcetera-etcetera tapos bigla mong matatabig ang bote  ng wine sa harapan natin at dali-dali kang tatakbo palabas ng hotel at hahabulin kita tapos masasagasaan ako ng itim na  toyota landcruiser  tapos babalik ka habang naka-handusay ako sa kalye na duguan at nag-aagaw buhay tapos sasabhin  mong importante pala ako sayo pero hindi ko na marinig ang boses mo dahil biglang tumulo ang malakas na ulan kasabay ng pagluha natin at i-kikiss mo ako at matitigok ako at sisigaw ka ng matinding “Oooh hindeeeeeeee!!!!!!!”….

 Pero para sakin mas okey na tong simpleng love letter  na to,kahit nagmumukhang blog ni machopapa,pero ang importante ay totoo,mula sa kaibuturan  ng aking puso at hindi isang pantasya lang o isang kuwento sa telenobela.Ang mahalaga eh gusto ko lang iparamdam  sayo ang hindi ko mawaring pagkahulog ng damdamin  na gusto kitang makausap at makita  araw-araw at kahit hindi talaga ako sanay na  ganito na nanliligaw sa babae (kasi feeling poge ako),gagawin ko ang lahat ng alam  ko na puweding magpalambot sa  puso mong matigas pa sa ulo ng mga arabo.

 At dahil ako ay si “insert my name here” lang,isang “bakla” sa buhay mo at hindi katulad ng mga mayayaman  mong manliligaw  na naglalagay ng face powder sa mukha,naka-lipgloss at may mamahaling kotse,pagtiyagaan mo na ang pagiging barat ko at sinulat ko lang ito sa isang A4 size bond paper .Higit sa lahat,nasa personalidad naman daw ng isang lalaki ang tunay na kaguwapuhan at  hindi lang naman mukha at yaman ang papakasalan mo pero pinaka-importante ang napapatawa ka sa lahat ng oras at mamahalin ka ng totoo hanggang sa pagtanda nyu.amen

Matapos kong ibigay ang sulat na yan eh natawa naman daw siya imbes na ma-touched.Tapos yun hindi na nagparamdam sakin hahaha!Mali yata ang ideyang nilagay ko yan sa A4 size bond paper.Dapat pala sa one whole illustration board!And after half month bumalik siya dito sa Qatar.Siyempre excited akong marinig ang boses nya at makibalita kong may pasalubong siya saking pulburon na galing Laguna kaya dinial ko agad ang malupet nyang number at ito ang sabi nya sakin…

 “blah ba blah blah ba blaaah…hindi na tayo puwede gaya ng dati,may restrictions na kasi alam mo yun,….committed na ako eh!…”

Booooom!Nabigla talaga ako sa sinabi nya at hindi ko kasi naisip ni sa hinagap na merong ganung ka-eksenahan sa buhay.In a split second,tumigil ang pag-ikot ng mundo,bumagal ang takbo ng mga sasakyan sa paligid ko,nakitang ko kung paano dahan-dahang nahuhulog ang dahon mula sa puno,nakaka binging katahimikan,nandilim ang paningin ko at dahang dahang lumabas ang malamig na pawis sa noo at leeg at…syeeeet!!!natae na pala ako sa brip ko!!…

Ayaw ko na siyang pag-usapan pa but kung nababasa mo man ito Mis XYZ,nandito parin ako bilang kaibigan for the sake ng mga pinagsamahan natin apir!!Echuzerang Frog ka hahaha char!

Anung mga natutunan ko?Dami eh.Una dapat hindi kana talaga magpapaalam sa babae na manliligaw ka eh.Nadungisan pa tuloy ang record ko,badtrip!Pangalawa,na hindi tayo dapat nagpapalamon sa emotion natin.Nagiging bulag kasi tayo sa maraming bagay at hindi na nakaka-process ang utakels natin ng matino.Dun magsisimula ang problema at heartaches.Learn to control your emotions.Ang buhay ay parang board exam lang yan,sa limang pagpipilian mo isa dun ay mali,yung dalawa dun ay panggulo,merong isa dun na malapit sa katotohanan at siyempre yung natitira ay yun ang pinaka tumpak na sagot.Nilalatagan naman tayo lagi ng choices eh,nasa sayo na yan kung pipili ka ng tama.

Sana,balang araw,yung magandang love story ko naman ang maisusulat ko dito sa blog ko….at naniniwala akong kasalukuyang nagbabasa sa mga oras na to ang babaing magpapabago sa takbo ng buhay ko!Naka naman!…hehehe apir!!

____________________________________end__________________________________

Dedicated sa mga nag-gagandahan kong dyuwa na matyagang nakinig sa mga kadramahan ko lately…

Sandra Bosch,Revi Manipol,Jacqueline May Angangan,Czarrine Cathli Sause,Kat Ponce De Leon and Kessa Margaret Felicilda,,,salamat gurls!Group hug!!!

Advertisements

5 thoughts on “ANG MGA NAUDLOT NA PAG-IBIG NI MACHOPAPA(a true to life love story)

  1. Tol, kinakarma ka na. Give it a break. Mabubuhay ka naman ng walang gf for the meantime. U need to undergo the healing process para hindi maulit yung kay Haibell. Alam mo mga atraso mo sa mga girls, magsisi ka muna at humingi ng tawad face to face..Good luck he he he….

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s