WEIRD THINGS NA GUSTO NAMIN SA MGA CHIKS…


5388177828_8f5f58f7b2

Hindi naging maganda ang pagsasama namin lately ng small at large intestine ko.Malamang nagtatampo sila dahil wala na silang ibang na didigest kundi  panay pinatuwad na lata ng baka at nilunod na tuna in brine (sosyal).Maarte na nga ang may ari ng katawan,aba umaarte na din pati lahat ng laman loob ko.Dahil nga meron din silang pinaglalabang karapatan sa mundo gaya ng mga kapatid nating nasa third sex at PISTON(pinagkaisang samahan ng tsuper at opereytor nationwide),nag welga sila.Sa sobrang galit nila,nagtae ako ng nagtae buong araw.Literal na nawalan ng friction ang puwet ko at gusto nang dumaan sa bunganga at nostrils ko.Nakakadiri yun kaya minabuti kong kausapin nalang sila ng malumanay para malaman ko kung anung mga hinaing nila sa buhay.Gaya ng mga napapanood natin sa cartoon network at nickelodeon,inabot sakin ang isang sulat kamay na galing sa koreo na hindi ko alam kung paano sila nakahanap ng ballpen sa loob ng tummy ko.So basically ito yung mga pinuputok ng butse nila:

Dear bosing,

Una sa lahat binabati ka namin kasama ni kumparing atay at puso ng isang malungkot na valentines day….Beehlat buti nga sayo yan na hayup ka!So anyway, kung ayaw mong mawalan ulit ng friction ang wetpaks mo,sumunod ka sa aming hinihiling na pagbabago effective this month or else palalabasin na namin ang malapot na jebs sa bunganga at tenga mo…

1.)Gawing Monday & Wednesday lang ang pagkain ng cornbeef

2.) Once a week lang ang pagkain ng century tuna at dapat mas madalas ang lutong        galing sa mga restaurants

3.) Bawal na ang kahit na anung luto mo maliban sa pancit canton na may itlog dahil gusto namin yun

4.) Required once a month ang pagkain ng baby back ribs sa apple bees

5.)Wag maging emo

Lubos na nauumay,

Mr.Laman loob.

si Mr.Laman Loob during his puberty age

si Mr.Laman Loob during his puberty age

Naisip ko din sanang gantihan ang sulat nila gamit ang snail mail kaso naalala kong hindi pala ako marunong gumawa ng business letter.Kaya minabuti ko nalang munang pumunta sa mall at bumili ng loperamide para lang makaganti sa lintek na bituka ko.Eh purdyos por santo naman,hindi naman kasi ako marunong magluto eh!Infact nasusuka nga ako sa sarili kong version ng adobo.Wala talaga akong ka-talent talent sa bagay na yan.Tanungin nyu na ako tungkol sa kamasutra pero ang paglutuin nyu ako?Naku no way highway!Kung minsan nga nilagang itlog nalang,natutuyuan pa.Wala talagang nilalang si Lord na perpekto.Isipin nyu nalang kung magaling pa ako magluto tapos may ganito akong nakaka-uhaw na sex appeal eh baka magtampo na kayo sa langit(Kasalukuyang lumilipad ang yero at bintana namin habang tinatype ko to!).

Dahil hindi talaga ako maka-move on sa ginawang sulat ni Mr.Laman Loob, nung bineehlat nya ako dahil malungkot nanaman ang valentines ko,minabuti kong pumunta sa mall at mag soul searching.Actually napikon ako dun at nangilid ang mga luha ko na may kasamang green na muta sa kanyang mga tinuran.Sumakit pa lalo ang mga mata ko nang makita ko ang mga mag syuta na masayang naghaharutan sa daan at ginagawang luneta ang Qatar!Kinapa ko ang itlog ko sa mga oras na yun at sinabing”relaks kalang repa,makakahanap din tayo!”..Tila ba nagkaroon sila ng sariling buhay at naramdaman kung umalog sila ng bahagya.Alam mo yung sumisipa na bata sa tiyan ng buntis na nanay pag kinakausap ng tatay,yun parang ganon.At dahil nasisiraan nanaman ako ng bait ngayon na may kasamang panaka-nakang pag wet sa maselang parte ng aking pagkalalaki,minabuti ko nalang ilista ang mga bagay na maaring makatulong sa mga kababaihan na kapareho kong single at madalas mag novena sa baclaran:

 Weird things men like in women

1.) Natural aura – sensya na gurls pero hindi namin masyadong mapapansin ang mga plakadong mukha nyu na puno ng makapal na foundation at kung anu anung kolorete at extensions.Be natural dahil dun namin kinikilatis kung gaano kayo kaganda.Safeguard lang katapat nyan te na may 99.9% germ killing action tsaka manipis na lipstick,panalo na.

madaya kasi ang make-up,natatago ang imperfections ni cameron diaz

madaya kasi ang make-up,natatago ang imperfections ni cameron diaz

2.) Colorful lingerie-Hindi mo kelangan mag-suot lagi ng puting bra at panty.Its kinda boring.Pakita mong hindi ka prepared at mag kaiba ang kulay ng pantaas at pambaba mo.Wear black bra at red undies and then vice versa.Show him some naughty staff and make yourself hotter!

unless naka red thong ka at maglalagay ka ng kaserola sa ulo na parang ganyan

unless naka red thong ka at maglalagay ka ng kaserola sa ulo na parang ganyan

3.) Cowboy-diretsahan yan,gusto namin yung babaing walang arte sa katawan.Yung puweding mong pasakayin sa pedicab na nakabukaka at kumain ng fish ball at kwek kwek sa may kanto habang nagsusubuan kayo na parang sa mga koreanobela.Yung puwedi mong hilain sa kahit anung motel este sa kahit anung lakad na panlalaki gaya ng panonood ng basketbol at panghuhuli ng buhay na piranha.

4.) Baklang Babae-Kung ang buong akala nyu ay tumitingin lang kami sa physical attributes ng babae,pwet este pwes nagkakamali kayo.Mas gusto naming ang babaing nag bibigay ng jokes at kita ang brain tissue kung tumawa.Pakita nyu kung gaano kayo ka wity!It reli turns me on kung smarty ang babae but you have to show me your kulit attitude.Siguraduhin mo lang na hindi sablay at wag babanat ng walang kasusta-sustansyang jokes otherwise iisipin naming bopols ka.

gurls magbasa kayo lagi ng blogs ko para may baon kayong laging jokes hehe char!

gurls magbasa kayo lagi ng blogs ko para may baon kayong laging jokes hehe char!

5.) Sexual Opennes– Magpakatotoo ka ate.Wag magpaka –hipokrita.Maging transparent ka,talk dirty and show your sensual attitude.Mas lalong nagiging interesting ang babae kung open siya lahat ng bagay.

magkaiba po ang panahon ng noli me tangere sa panahon ni paris hilton

magkaiba po kasi  ang panahon ng noli me tangere sa panahon ni paris hilton

6.) Self-Confidence-Tipong kahit parang pinupunit na yero ang boses mo sa videoke,kumanta ka dahil natutuwa kami sa ganung babae.Kahit chakabels ka pa at puno ng tigibuls (pinaghalong tigyawat at bulutong),magbaon ka ng 3 platong self confidence,show your killer smile and gurl,you’ve got him!

o hindi kaya mag paturo kayo sa tatay nyung mahilig magpainit ng ulo ng mga kapitbahay nyu

o hindi kaya mag paturo ka sa tatay mong kumanta ng just once at lazy song

7.) Stay Casual-Don’t intimidate us by being feeling profound sa lahat ng bagay.Mas gusto naming yung babaing nakikinig sa mga yabang namin sa katawan.Medyu kumapit ka nga lang sa upuan mo pag nagyabang na ang mga lalaki dahil sigurado akong bubuka ang lupa at luluha ang lahat ng anghel sa langit.

8.)Buhaghag Hair-minsan nagagalak ako sa babaing may  “bagong gising look” with matching left over na tuyong laway sa gilid ng labi pero mas magiging masaya ako kung katabi kitang gigising sa umaga at bigla mong sasabhin ang linyang “anu nga ulit ang pangalan mo koya??”…hahaha char!

9.) Kindat with Kagat Labi-make yourself irresistible by looking at his eyes tapos sabayan mo ng pagkagat mo sa iyong mapula at mamasa-masang labi na masarap laplapin at lamutakin and boooom tapos ang boksing te,kakalas lahat ng mga strands sa brip nyang mukhang beacon.

Samakatuwid,ang babaing simple,natural,komedyante at may magandang pag-uugali ang mga katangian na hinahanap namin.Maniwala kayo(mamatay man ang pusa ko),hindi namin kelangan ang babaing kamukha ni Anne Curtis,mas gusto namin ang babaing laging magpapasaya sa mga araw namin at lalong lalo na sa mga oras ng kabiguan namin sa buhay…..at nag-aalburuto nanaman ang tiyan ko,lintek na yan papasakan ko na tong wetpaks ko ng bote ng coke eh!!!…

 

Advertisements

4 thoughts on “WEIRD THINGS NA GUSTO NAMIN SA MGA CHIKS…

  1. Winner yung “red thong with kaserola sa ulo” sobrang Shala! Haha
    More!! *fistbump labs 🙂 (Naglunch kasi ko ng self-confidence) Chaaaar!
    Keep it up!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s