MATH-TINIK KA BA SA MATH?….


funny-long-math-formula

Nakaka-bingi ang katahimikan dito sa kuwarto ko.Tanging yung umpugan ng dalawa kong itlog sa hita ang maririnig mo.Siguro nasa 5.0decibel lang ang na-gegenerate na sounds basi saking computation na halata mo namang hindi totoo at guni-guni ko lang ang mga bagay na yan.Isipin mo nalang na ang whisper daw ay mayroong 15dB(decibel unit) at ang normal conversation ay may 60dB  tapos nasa 200decibel naman ang babaing nagkakaroon ng multiple orgasm sa kama hahaha chos!So,saan ko nakuha ang 5.0db?Aba malay ko at wala akong pakialam dahil suplado ako sa mga panahong ito.Para akong lesbian na nag memenopause at nagiging inverted na ang dalawa kong utong.Minsan kasi nakaka disappoint talaga ang buhay eh noh.Alam mo yun,dami mo na ngang problema  tapos maaalala mo nalang bigla na wala ka na palang susuoting brip para bukas dahil kasing taas na ng Mt.Apo ang mga labada mo.Napa “holy shit!!” ako nung maalala kong hindi na din pala ako nakakapaglaba ng medyas at ubos na ang marshmallow ko sa pridyider.”Anu ba yan,nakakaloka na itechawa!” ang mataray kong bulong sa mga oras na yun.Tumingin ako sa Galaxy note ko,wala man lang nag-aalala,Shit!Hindi na nababawasan ang battery tsaka panay text message galing sa vodafone network ang laman ng inbox ko.Nag subscribe na nga din ako sa daily horoscope  at daily kamasutra tips para man lang uminit ng kunti ang puwet ng cell phone ko eh.Bigla  akong napatingin sa labada ko,matagal….siguro mga 3seconds…tapos naramdaman ko na parang nag water effect ang paligid at binabalik ako sa  panahon ng kung saan nag-aaral pa ako sa may Ermita sa Manila…..

“Pukeng inang Math yan!!!!!”ang sabi ng barkada ko sabay punit ng test paper.Bagsak nanaman kasi kami sa isang pagsusulit sa Algebra.Biruin mo,2/20 items lang ang nakuha naming sagot (galing pa sa kopya).First year college palang ako nun at nasa first semester ng kursong inhinyero sibil pero parang nasusuka na ako sa dami ng numero na pumapasok sa utak ko.Naisip ko sa mga oras na yun na mag shift nalang sa dress making or culinary arts pero wala palang ganung kurso sa school na yun.Naloko na!Sinu ba kasi ang estudyanteng may gusto sa math??!Bukod kasi sa lechong kawali at mga sizzling hot boobies,isa rin sa aking weakness ang math.At kung hindi ba naman ako kalahating galunggong este gunggong eh bakit naman kasi engineering pa ang kinuha kong kurso!….Yung totoo?Gusto ko lang talaga madagdagan ng mga letrang” Engr” kadikit  ng pangalan ko.Parang ang angas lang kasi diba?Dala-dala mo na kasi yun habambuhay maging sa lapida mo puweding ilagay ang.. “RIP Engr. Justine Bieber”…Oooh sosyal diba?Pati sa kabilang buhay “Engineer” pa din ang tawag sayo!Tsaka magastos naman kung mag-nanursing ako noh.Although nandun ang ideyang marami kang chiks na makikilala pero pota saan ko naman hahanapin ang pang matrikula dun.Kahit siguro isangla ko pa ang yummy ko na katawan kay satanas eh hindi pa sapat yun sa gagastusin ko kung mag aaral ako ng narsing.Isa pa,takot ako sa dugo at injection.Sabihin nyu ng bading ako pero wala akong pakialam,magkamatayan na tayo pero hate ko talaga ng karayom at nahihilo ako pag nakikita ko ang mga bagay na yan!..”Tol may assignment ka na ba sa advance math??”…ang biglang hirit sakin ng barkada ko…”Wala,tara manood nalang tayo ng dragon ball!!..

narito ang ilan sa mga test papers namin dati…

651_7_91_2007

651_4_91_2007

blonde_equation

Hindi  sekretong meron akong love-hate relationship sa subject na mathematics na yan dahil mahigit limang taon kaming nagsama nun  at dumating na nga ako sa puntong kelangan ko na lang siyang pagtiisan.Alam mo yung  parang nanonood ka ng mga walang kwentang telenobela na kahit alam mo na ang ending pero na hohook ka pa din kasi wala kang ibang choice.Magkasama nga  kami tag-araw man o tag-ulan mula sa pinaka basic na algebra,hanggang sa analytic geometry,integral calculus,differential calculus,advance math,at differential equation na ini-expressed ang laws of nature on how to model the world in terms of fucking equations at may kung ilang degree of integration na mas marami pa ang makikita mo na letra kaysa sa numero.Ang masama pa niyan,kung sinu pa ang mga prof na mukhang kumakain ng bata,eh sila pa ang nagtuturo ng mga math na subjects!Busheeeeeet!Dapat maisip ito ng CHED eh.Gawin nila,lagyan nila ng ober sa hot na teacher ang mga math subjects na yan especially yung sa calculus.Ewan ko lang kung hindi gaganahan ang mga estudyanteng mag-aral nyan.Tangineng yan!Bat ba hindi maisip ng Ched yan at ako lang ang nakakaisip ng ganyang bagay??Sana lang may maligaw na tiga malacanang dito sa blog ko at mabasa nya ang amazing na idea kong ito……youre welcome!!

unless,ganito ang outfit ng mga prof,kahit mukhang bulldog pa yan,payag na ako

unless,ganito ang outfit ng mga prof,kahit mukhang bulldog pa yan,payag na ako

Sa loob ng limang taong pag-aaral ko ng pinaka mataas na antas ng asignaturang matematika,napurga talaga ako sa dami ng formulas,equations,problems and more problems.Literal na nagtae ako ng numero at napisak,nalaglag at dumugo  ang utak kong sinlaki ng alikabok sa sahig.Nakakatamad talaga siyang pag-aralan at hindi user friendly sabi nga ng karamihan.Masyadong abstract ang dating ng bawat principles at parang yung propesor mo lang at ang blackboard ang nag-kakaintindihan.Mula sa walang kamatayang paghahanap ng x and y ,polar equations,flow rate using calculus,ang nakaka purgang shear and moment diagrams sa design,limits,angle projectiles at kung anu-anu pang mga topic na parang galing sa  planetang mars.Mabuti nalang kamo at marami akong matatalinong klasmate na kumakain ng calculator at marami din akong naging mentor sa tamang paraan ng pag gawa ng isang malupet na kodigo lol!Nagmukha talaga akong watusi  nung college  at pag makakasalubong nyu siguro ako sa daan baka bigla kayong maawa at bigyan nyu ako ng sandwich.Trust me guys,nakaka panget ang kursong engineering!!Yung mga babae,nagmumukhang lalaki eh.Hindi din sapat na masipag ka lang at determinado,dapat meron karing kunting utak at diskarte sa buhay.Kaya kung mapapansin nyu,iwas ang lahat sa kursong yan.At bigla ko lang naisip (as in now lang) ang ilang mga bagay na mag-dedetermine kung meron kang anxiety or math phobia.Para din kasi yang sakit sa pag-iisip at  puso.Narito ang ilang palatandaan at sintomas..

1.) Nilalamig bigla na may kasamang pagsuka pag sinabing magkakaroon ng surprise oral recitation sa math

2.) Nandidiri  sa salitang square root at fractions

3.) Inaakalang isang tribal language sa isang tribu sa africa ang SOH-CAH-TOA

4.)Hindi nagbibilang ng sukli lalo na pag may involved na 50cents

5.) Hindi alam ang palabas na math-tinik

6.)Natatae bigla pag naririnig ang salitang “long quiz daw sa algebra bukas”

7.) Mas pipiliin pang kumain ng bubog kesa mag solve ng trigonometry problems

8.) nano- nosebleed pag nakakita ng  x3-2×2+3y-4=0

9.) masyadong dependent ang mga paa at kamay sa  simpleng multiplication at addition

10.) magaling mag English pero naii-stress pag nakakakita ng numero

Analysis:

a.)Kung “oo” ang sagot mo sa number 3,nursing student or tourism ka

b.)Kung “oo” ang sagot mo sa number 7,may talent kang hayup ka!

c.)Kung “hindi” ang sagot mo sa number 2,normal na tao ka

d.)Kung “hindi” ang sagot mo sa number 8, engineering student ka

e.) Kung “oo” ang sagot mo sa number 4,pareho tayo,apir sa kuwan mo koya!

f.) Kung “oo” ang sagot mo mula numbers 1-10,binabati kita meron kang mataas na level ng math anxiety or bopols kalang talaga sa mga numero

Napakahalaga  ng math sa buhay ng tao.Sabi nga “everyday is a math”.Mula sa pag-inom mo ng mainit na 3in1 na kape sa bahay nyu,pagbili mo ng yosi sa kanto,pakikipag balyahan mo sa LRT hanggang sa  trabaho mo sa opisina,lahat yan ay merong math.Kung hindi ka marunong sa math maaring naloko ka na sa pagbili mo ng 3in1 na kape,hindi ka na sinuklian ng batang nagbebenta ng yosi sa kanto,mapapamahal ka sa pagbili ng card sa LRT  at wala ka ding trabaho sa isang opisina na mayroon kompyuter at zerox machine sa gilid.

Totoo ngang nakakayamot ang math!Mahirap siyang intindihin pero ito ang realidad.We have to deal with it sa ayaw mo man o gusto lalo na pag engineer ka.Kaya naman natin ang math eh,tamad lang kasi tayong mag-aral sa mga bagay na may halong numero at nauunahan ng math anxiety.Para ding yang mga problema nyu sa lablayp, sa una talagang mahirap,pero pag nahanap mo na ang tamang formula at proseso,definitely masasagutan mo na ang hinahanap mong tumpak na solusyon sa problema mo.Sa math,lahat ng given problems ay may solusyon,ganun din sa buhay ng tao,lahat ng problema na dumarating ay may kasagutan.Hindi naman magbibigay ng pagsubok si Lord kung alam nyang indefinite ang answer,meron yan,hanapin mo lang.

Unti-unti lumiwanag ang paligid…bigla uling nag water effect at bumalik na pala ako sa apat na sulok ng kuwarto ko..nagtititigan parin kami ng mga labada ko,walang humihinga,nag-aantay kung sinung unang kikilos……

Advertisements

One thought on “MATH-TINIK KA BA SA MATH?….

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s