LAKAS TAMA!!…..


__inuman_session___by_andepotskie123-d2z7hr6

“someday,may isang nilalang na tatanga-tanga at maliligaw sa buhay ko at magmamahal sa buong pagkatao ko…itaga nyu pa yan sa puno ng bayabas!!”

Emo?Gusto ko lang ganyan ang intro ko bakit ba!Kanina pa ako naka-harap dito sa salamin namin e.”Shocks kelangan ko nang i-trim yung tutsang sa matangos kong ilong!” ang mahinang sabi ko sabay strike-a-pose na parang sa tv commercial.Kumukulot na siya at umaabot na sa lips ko.Actualy nalalasahan ko na nga eh,infairrness parang native na bagoong lang.At anu to?!My gheeeed andami kong blackheads!Nag-hehello na sila sakin at parang sinasabing”oooh common sweetheart!!”Abay gustong mag patiris ng mga hinayupak na to!Mabuti nalang kamo at hindi na ako tinutubuan ng mga tigidig sa pisngi at kalyo sa noo.Andami ko palang imperfections sa mukha.Kaya siguro wala ding babaing handang ipaglaban ako ng patayan eh.Oo alam ko mag-rereact ka nanaman sa sinabi ko!Totoo naman eh!Kung totoong guwapo ako eh  sana walang babaing manghihinayang na pakawalan ako dba.Medyu mabait naman ako,magaling din ako magbasketball,mag table tennis,malambing naman,sweet din,medyu nakakatawa naman  mga jokes ko,pero laging walang suwerte sa luvlife!Eh yun nga,average lang ang mukha ko at hindi talaga totoong nakaka-uhaw ang sex appeal ko gaya ng sinasabi sakin dati ng tatay ko noong nabubuhay pa siya dito sa earth kasama ng mga flora & fauna.Ang kinakatakot ko pa diyan,pag nagtagal pa ang ganitong pagiging single ko,baka pagdudahan na  ng  sarili kong nanay ang pagkalalaki ko.Aba,wala pa yata akong pinakikilalang babae sa kanya eh.Pero lalaki marami na hihihi.At dahil nabanggit ko na rin lang ang tungkol sa walang kuwenta kong luvlife,eh hindi yan ang pag-uusapan natin,baka kasi bigla nanamang hugutin ng gravitational force ang aking luha at kumalat sa lupa kasabay ng pag lawa ng aking laway sa bunganga.Thanks sayo pareng gravity,at hindi pataas ang lahat ng bagay.Isipin mo kong wala yang force na yan,lulutang ang mga jebs natin sa ere!Kadiri!Shit sobrang weird  nanaman ang mga naiisip ko!

Noong nakaraang araw kasama ko ang mga new friends kong beki at nag orgy kami este nag inuman session kami.Oo tama ang nabasa mo!Madami akong friends na beks at walang masama dun.Ang sabi nga nila,ang tunay daw talaga na lalaki ay kayang makipag kaibigan sa mga bayots,dahil alam mong secured ka at hindi ka naiilang sa kanila.Masaya kainuman ang mga bading dahil parang walang dull moments.Isa pa,walang gastos,kelangan mo lang mag-pacute at ilabas ang dimple mo kung meron man.Akala ko ang pag-uusapan namin ay tungkol lang sa mga bumabakat na yagbols ng volcanoes,abs ni aljur abrenica at random hook up ng mga hunky na artista.Aba  akalain mong pati pala ang mga private moments ng babae ay marami silang alam huh!Inisip ko nalang na baka humihitit sila ng pills at estrogen na ang lumalabas na hormones sa katawan nila kaya lahat ng kay eba eh parang na-aadopt  na din nila.Isa pa sa  napansin ko ay anlalakas nilang uminom bords!Parang may mga built-in na imbudo sa  katawan eh.Hindi ko alam ah,pero parang ang loser mo lang siguro kong bakla ka tapos mahina kang uminom.I mean dba,nasaan ang chance mo dun na makapang hada ng batang boylets??hahaha joke lang mga pre!At dahil nga napag-uusapan nanaman natin yang kabaklaan thingy,hindi yan ang i-boblog ko dito.Gusto ko lang silang i-mentioned dahil saludo tayo sa mga yan.Hindi madali at masaya ang buhay nila,so dapat lang we respect and treat them like tunay na babae.

Kung hindi nyu naitatanong,at wala naman talaga kayong balak magtanong,nasa lahi nanamin ang manginginom.Una si erpats,matindi uminom yun araw-araw at tanduay ang tinitira.Tapos yung utol ko,kahit anu naman mixture yun basta may 90% alcohol,isama mo na diyan ang isopropyl alcohol.Kung anung lakas ng tatay ko sa alak,ganun din ang utol ko.It runs in the blood nga daw ika nga.Tipong survival of the fittest ang labanan,magdamagan.Sa totoo lang,gusto ko talagang mamana sa tatay ko yung taas ng tolerance niya sa alak (bukod sa kapogehan).Ang hina ko kasi uminom at parang bawas poge points yun pag may kainuman kang magagandang tsiks.Pero naalala ko ang sinabi ni Shakespear, kapag umiinom ka daw ng alak, para ka na ring naglagay ng kaaway sa sariling mong bibig, Unti-unti nitong sisirain ang sistema mo at malaking-malaki ang tyansang mapadali ang lamay mo. Kaya kung iinom kalang moderately gaya ng mga paalala sa tv,maaantala ang burol mo.Kung umiinom ka ng tanduay na may Milo,tanggalin mo yung tanduay at magpakalasing ka nalang sa Milo.Unfortunately,hindi naman nakakalasing ang milo dahil kung seseryosohin mo ang sinabi ko,mag-tatae kalang ng bonggels,then magagalit ang nanay mo dahil matatae ka sa salawal mo,tapos magiging dehydrated ka,tapos nun magkakasakit ka,lalagnatin pa,magsusuka ka,tapos hihina ang immune system mo,dadalhin ka sa ospital pero huli na ang lahat dahil ubos na ang fluids sa body mo at nagkaroon kana ng sepsis.So ganun din pala??!Mamatay ka din!Eh d uminom nalang,masaya pa diba?Hahaha…

Tutal sawi nanaman ako sa pag-ibig for the 2nd time in a row (pota!) at napapadalas ang inuman session ko,naisip kong magkaroon ng sariling tolerance level analysis sa alcohol:

Stage 1: Maaliwalas pa ang mukha ko neto.Medyu inaantok at naghahanap ng unan sa paligid.Usually yung San Miguel beer ang ganitong level sakin.Boring at walang wenta pag ganito ang inuman kaya yung pulutan nalang ang pinagdidiskitahan ko…(Oo tama ka nanaman!!Galing galing mo talaga!)..yung babaing pulutan lol!

Stage 2: Nagiging kulay Caucasian na ang balat kong kutis bayawak.Nagsisimula na din akong mangulit.Hindi mo na din makukuha sakin ang song book ng videoke sa stage na yan.Yung daldal ko sa normal mode i-times 3 mo pa.Palakad lakad na parang model at umaasang makakaiwas sa susunod na tagay.

Disclaimer:Hindi po ako yan at wala din akong pakialam kung sinu man yan dahil mas poge ako sa kanya ng 10 paligo hehehe

Disclaimer:Hindi po ako yan at wala din akong pakialam kung sinu man yan dahil mas poge ako sa kanya ng 10 paligo hehehe

Stage 3: Singlot na ako sa ganitong stage.Hindi na din ako maayos maglakad.Minsan nag-sasalita na ng English at Latin.Marami na din trip tulad ng pakikipag debate sa katabi at para akong gifted child na nagpapaliwanag sa biodiversity ng human species.Wala na din sa hulog ang mga lyrics ko sa videoke,as in wala ng tumatama na tempo.Puwede mo na din akong utuin na uminom ng zonrox sa stage na to.Usually hanggang dito lang talaga ang stage na kaya k o at hihinto na ako.

nagiging monster at nagtatawag na ng uwak!!...

nagiging monster at nagtatawag na ng uwak!!…

Stage 4: Blackout na.Hindi na ako mapapakinabangan sa ganitong level.Tahimik na at aakalain mong bigla nalang akong nag evaporate sa inuman session.Nagiging super emo na at umiiyak nalang bigla (yung walang sounds).Ayaw ko na ding mabangga sa balikat or hahawakan dahil nirereserve ko ang lakas ko sa matinding sukahan.At dahil nga defenseless narin ako sa stage na to,puwede mo na akong laplapin sa lips as in torrid kiss pero ingat lang baka masukahan ko ang bibig mo.Wala na din akong kalaban laban kahit i-gang rape nyu pa ako sa stage na yan.Ipapaubaya ko nalang ang yummy ko na katawan habang umiiyak at umaasang hindi nyu kukunin ang brip ko as souvenir.

stage 4:K.O!!

stage 4:K.O!!

Hindi naman masama ang uminom.Basta sabi nga,ilalagay lang ito sa tiyan at wag sa utak.Ang pinaka main purpose ng pag-inom ay para magkaroon kayo ng bonding na magbabarkada at  magkaroon ng kunting kasiyahan.Mas maganda parin kung you drink moderately lang dahil nagiging witness ka sa mga hindi malilimutang pangyayari sa gabi ng inuman session ninyo.Nakakatuwang panoorin at pagkuwentuhan ang mga bagay kinabukasan at sa mga susunod na araw lalo na kung may pocket camera kang dala.

patay kang bata ka!!lol

patay kang bata ka!!lol

Kaya sa mga nilalang na sira ulo diyan na nangangarap sa nakaka-uhaw kong katawan,alam nyu na kung paano ako ma-reyp!Kampaaaaaaayyyyyy!!!!!!……

——————————end———————————————-

para sa lahat ng tomador! (dedicated saking love life adviser na si Mis Revi Manipol (salamat ng marami sa pakikinig pre) at kay Ate Sarah De Jesus Collado  ng El Nido (Happy Birthday Advance) at sa buong Gay Community ng Qatar)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s