BAKIT MAHIRAP MAGING ISANG EBA?


understanding-women-10520

Alooha guys!Im back from the grave!Pasensya na kayo at ngayon lang ako nagparamdam.Nagtago kasi ako sa mga nakakatakot na paputok netong new year.Nanginig ang puso ko sa lakas ng dagundong na dumating na parang kwitis na biglang sumirit sa langit pero biglang  nawala at hindi pumutok sa ere.Hindi mo naintindihan?Ayos lang yan,ako din eh.Sabihin nalang nating kinakabahan  na ako sa papalapit na valentines day at feeling ko eh magsisindi ako ng katol sa labas ng bahay namin habang pinapapak ng lamok kahihintay sa babaing pinapangarap ko na sana mabasa  nya to hehehe!Kaya kung nasaan ka man  ngayon,utang na loob,magparamdam ka na sakin lol!Sabi  nila masuwerte daw tayong mga lalaki dahil ipinanganak tayong may lawit sa katawan.Mas marami daw tayong  advantages kaysa sa mga babae.Sagot ko naman,meron din naman kayong advantage against  us ahh,tulad ng “ladies first” (pampalubag loob).Ang mga female species na nga daw ang pinaka-mahiwagang nilalang dito sa mundo.Bakit?

  • Pag sila’y MALUNGKOT, umiiyak sila.
  • Pag sila’y MASAYA, umiiyak sila.
  • Pag sila’y NAGUGULAT, umiiyak sila.
  • Pag sila’s NAGAGALIT,umiiyak sila.
  • Pag sila’y TUMATABA, umiiyak sila.
  • Pero sa PAG-IYAK nila, doon sila GUMAGANDA.

Bukod pa diyan,bakit nga ba mahirap maging isang eba?Halika,pag-nilayan natin ang buhay nila:

1.)Red Monster-alam  na nating lahat  na every month,lahat ng babae ay nagdarasal na “Lord,bakit hindi nalang ang mga lalaki ang nireregla!!”.Susme kng magkatotoo nga yan,hindi ko ma-imagine kung papaano ko ipupuwesto ang  napkin  sa totot  ko.Isa pa,mag cacause yun  ng matinding damage samin mentally and emotionally.

tatanghalin kang bayani ng mga kalalakihan

tatanghalin kang bayani ng mga kalalakihan brod!

2.)Required magbra-Kelangan pa nilang laging takpan  ang kanilang hinaharap malaki  man yan o kahit parang pantal lang. Samantalang sa mga lalaki eh kahit yung undeveloped  at yung nag-memenopause na utong eh ayos lang ibuyangyang sa publiko.

3.)Mahirap sumakay sa Jeep-Lalo na pag isa kang nursing student na naka-mini skirt at may sobrang nipis na suot.Kadalasang tinatarget bosohan  ng mga manyakis na pasahero at ni manong driver.Hirap din sila umupo at kelangang naka-sideview  para magkaroon ng obstruction ang line of sight mo na hayup ka!Samantalang sa lalaki,kahit brip lang ang suot mo,walang papansin sayo sa loob ng  jeep maliban nalang sa aleng nag-rorosaryo na medyu napapabilis ang dasal nya pag dumudungaw ang kaliwang itlog mo.

4.)Kelangan laging maging maganda-Mortal sin para sa mga kababaihan ang maging panget!Kung hind ka talaga maganda,kelangan matalino ka o kelangan  may talent ka sa pagkanta,sayaw at pagkain ng buhay na manok.Kung slow ka talaga at wala ka ring ka talent-talent sa katawan,atleast mabait ka at may magandang sense of humor.Sa mga lalaki ,kahit panget na tanga pa yan eh may kalalagyan  parin talaga sa mundo.Minsan nga nakaka-jackpot pa ng magandang dyowa .Animal na yan!

pero minsan sinusuwerte din ang mga babae...true love?fairy tale?horror?watever...

pero minsan sinusuwerte din ang mga babae kahit walang effort,as in minsan…true love?fairy tale?horror?watever…

5.) Paranoid mag shopping-Hirap sila mag desisyon agad sa kung anung kulay ng damit ang bibilhin nila at kung anung style ng bag ang pipiliin nila.Infact kahit saan  namang bagay ata hirap sila sa decision making (haaaayzt).Kaya kung plano mong sumama sa gf mo para magshopping,naku bords lumaklak kana agad  ng isang litrong red bull dahil aabutin kayo hanggang last full show movie  sa mall.

6.) 10years magpatuyo ng mahabang buhok-Bukod sa magastos ang mag-alaga ng mahabang buhok dahil kelangan mong bumili ng cream silk,hassle din magpatuyo lalo na kung pamaypay lang gamit mo.Try mo te gamitin minsan ang electric fan nyu!Kelangan din nilang mag-tali ng buhok kung tirik ang araw dahil wala naman sigurong matinong babae ang gugustuhing magpa-barbers cut na parang sa CAT  unless iniwan ng boypren at gustong mag-rebelde.

shit napaka disturbing naman ng pix na to!moral dilemma!

shit napaka disturbing naman ng pix na to!moral dilemma!

7.) Mas messy magbatibot –aaaay bastos hihihihi..for some reasons ay hindi  ko alam kung gaano ito ka-realistic pero sabi ng ilang mga na-interview nating “reliable source” eh yun nga daw,pero ewan  hindi pa din ako naging babae e,basta  no further comment nalang.

8.) Hirap dyumingle sa public toilet-Hindi naman sa maarte sila,pero 97% sa mga public toilets sa Manila eh may-popo na laman at sobrang yucky ang smell as in super yucky na parang isang superhero na mula sa langit at may taglay na lakas ng pinagsamang  nuclear at mala-atomic bomb na kili-kili .Pero sa mga lalaki,kahit saan  puwede kami dyumingle eh.Puwede sa pader,gulong ng kotse,puno ng acacia, bote ng coke or  natutulog na pusa.

unless,umaattend ka ng yoga class nyu

unless,umaattend ka ng yoga class nyu

9.) Nirerequired mag “moan”  sa kama– minsan masakit na to sa ego nila pero kelangan nilang gawin to dahil nga babae sila at kasama ito sa pagpapasakop nila sa mga lalaki.Ang panget naman  pre kung mas malakas ka pang umungol sa gf mo na hinayupak  ka!

10.) Napaka-dependent sa bag– yung bag kasi ay parang extension  ng  buong  pagkatao nila.Kaya hindi mo sila mapapaalis ng bahay na walang bitbit na bag dahil nga yun ang mundo nila,kelangan nilang bitbitin from point  x to point y then vice versa.Sa ating mga lalaki naman  kahit wallet lang at cellphone mabubuhay na tayo eh,tsaka magandang gf  pala hehehe.

11.) Mag buntis at mag alaga ng batugang asawa-ito na yata ang pinakamahirap na trabaho sa mundo,ang pagdadalang tao.Totoo ngang nakalagay sa hukay ang isang paa nila at isipin mo na mawawalan  sila ng freedom sa mga panahong yan.Hindi na sila makaka-gimik  or makakapunta sa kung saan-saan  tapos dagdagan  pa ng  asawang  wala nang ginawa kundi  manood ng TV maghapon.

dapat talaga pag-batugan,sila na mabuntis eh

kung baliktarin kaya natin…….panget!!

12.) Bantay sarado ang kilos – Bilang isang babae,marami silang limitasyon sa pagsasalita at kung papaano nila ipo-project ang sarili nila sa publiko.Kelangan magmukha silang babae sa lahat  ng oras kahit na tipong gutom  na gutom  na sila at nasa harap ng  nakakatakam  na liempo pero isang rice lang ang o-orderin nila dahil kaharap  nila yung crush  nila at iniisip nalang nilang “sana maisipan  ng  gagong to na i-take out ko yung ibang foods!!”.

13) Laging moody– inborn na to at  nakasama na sa mga DNA nila. Wag na wag mo ding sasabayan ang galit nila at hindi ka mananalo sa mga yan.May mga temper  tantrums sila na parang mga bata na hindi ko ma-gets at ang hirap spellingin.Kaya madami silang chemical imbalance sa katawan eh.Sa mga lalaki,ang pagbaba lang ng testosterone level ang swing ng mode namin.

haaaay..ako din poooH!!

apir tayo dyan sir!!!

14.) Masakit mag-suot ng stilettos at high-heeled shoes– halos lahat naman sa kanila ay naniniwala sa kasabihang “tiis ganda”.Hindi kaya biro magsuot ng may 5pulgadang takong  na sapatos  tapos mag cacat walk sa baywalk na parang feeling Mis U first runner-up.

15) Bawal manligaw – ito na cguro yung pangalawa sa pinaka disadvantage ng pagiging isang babae (una yung pagbubuntis at pag-alaga sa batugang asawa).Para itong moral dilemma sa kanila kung anung gagawin nila pag-gustong gusto nila ang isang guy pero wala silang magawa dahil hindi naman  normal sa babae na sila yung unang gagawa  ng diskarte.At ang nakakatakot pa niyan ate,palapit na ang valentines day at kinakabahan  ka na dahil  baka walang magbigay sayo ng bulaklak.Gawin mo,bumili ka ng isang bouquet tapos pa-deliver mo tru LBC sa sarili mo.Para-paraan lang yan,maiiraos din natin yang putanginang valentines na yan!

nakaka-luka si mommy d!!

nakaka-luka si mommy d!!

Ilang lang yan sa libo-libong reasons kung bakit kelangan nating mas lalong unawain ang female species.Ipinanganak sila sa mundong ito para mahalin  at alagaan nating mga kalalakihan.Andami na nga nilang disadvantages mas madami pa yang mga insecurities sa katawan.Minsan nga nakaka-regla na yan silang kausap!Oo kahit lalaki ako feeling ko duduguin ako pag inabot sila ng topak sa ulo!Ang stressfull lungs!Pero matapos kung isulat ang blog na to,mas lalong tumaas ang respeto ko sa mga kababaihan.Kaya para sa inyu mga lahi ni eba at gustong maging eba,saludo ako sa inyu! Kayo ang  pinaka the best na nilikha ng langit dito sa mundo.Isa nga sa new years resolution ko ay maging seryoso na sa susunod na magiging gf  ko.Ang problema,walang gustong magkamali at walang gustong pumasok sa buhay ko.Lord,mahigit isang taon na po simula ng maka-receive ako ng “I love you too” sa cellphone ko.Nauso nalang ang gangnam style,bumagsak na si Pacman sa canvas,muntikan  ng  magunaw ang mundo at nagpalit na ng taon eh hanggang ngayon “nganga sa earth” pa din ang drama ko???…Ibigay nyu na po yung babaing iniisip ko sa mga oras na to hehehe charot!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s