MGA NAKAKALOKANG FORECAST NI MACHOPAPADINKITA SA TAON NG MGA ITIM NA AHAS


1356544184_100.2013-year-of-the-snake-clipart

Medyu naka-down ang system ko ngayon.Para akong binagsakan  ng meteor na galing sa langit at may kasama pang ihi ni San Pedro.Kainis kasi!Minsan  talaga napaka-unpredictable ng mga babae.Bakit ganun  kayo gurls?Madami talaga kayong issue sa buhay na minsan  kahit yung pinaka-matalino pang scientist sa mundo ay hindi kayang gawan ng hypothesis at theoretical solution  ang mga problema nyu.Ooopps!Wala nga pala akong jowa kundi imaginary girlfriend lang.At bakit ba nag-iinarte ako na wala naman  talagang babaing gustong mag seryoso sa mga sinasabi ko.Itong mahirap sa trabaho ko eh,para akong isang laos na stand-up comedian  na gumagawa nalang ng blog dahil wala ng raket sa klowns.Kung kelan  seryoso mga sinasabi mo,hindi ka naman paniniwalaan,pero kung kelan  naman puro ka etchussan, puta andami namang naniniwala!Teka tama na nga tong drama at  alam kong wala ka namang pakialam  sa personal na landi ko sa katawan.Kung ikaw nga na USB (untouched since birth) eh hindi ka masyadong mareklamo sa buhay diba?diba?!….(andali na jejebs lang ako,dito ko sa opis ngayon  eh,BRB!)..

Ayun success!Pero shit nakalimutan ko palang mag hugas sa kamay(sadness).Hayaan  mo na.Kelangan  pa ba yun?Makakasulat naman  ako kahit mabaho ang left hand  ko diba(yuck!).So ito na nga,patapos na ang taon.Ambilis talaga!Panu  kaya kung tuwing magtatapos ang taon may biglang babagsak na malaking-malaking pulang tela mula sa langit tapos may nakalagay na 2012 END?Ohhh dava baklang-bakla lang mga naiisip ko ngayon.Kung dati wishlist ang hinahanda natin,ngayon naman eh new years resolution.At wala akong pakialam dun pre at hindi yan ang ilalagay ko ngayon dito.

Sabay-sabay na tayong mag-paalam  sa hinayupak  na dragon dahil parating  na ang mga Ahas sa taong 2013!Sa totoo lang,hindi masydong naging maganda ang taon  ng mga dragon sakin.Hindi man lang ako nabugahan ng suwerte pero ayos na din,kasi may  mga nakilala naman  akong bagong kaibigan at  ka-ibigan.Sobrang malas ko sa luvlife ngayong taon at heeeey mag-iisang taon  na pala akong single!!Putang  ina talaga ooh!Anu bang meron sa mga dragon  na yan?Hindi kaya na pe-peste din sila?Kasi naman  middle east  tong bansa ko at camel,scorpio at  matabang tupa lang ang meron dito.Feeling ko hindi keribels ng powers ng mga kaibigan nating dragon ang mabuhay sa desyerto.Isa pa,baka kasi mapagkamalan silang  mother camel ng mga matatalinong arabo at gawin silang service.Kung hindi nyu pala naitatanong sakin,mix breed ang lahi ko.Meron akong 80% dugong  pinoy,15% dugong Spanish,2.0% Ita,0.5%Badjao, at 2.5% lahing intsik na hindi lang talaga halata.Namana ko ata to sa lolo ng lolo ng pinsan ko na kinapatid ng kapitbahay ng manugang ng bayaw ko na isang Feng Shui Expert slash  labandera  slash pedicab driver.So to wrap up this conversation,meron akong vibes na lumalakas pag lumalakas din ang utot ko.Meaning,kaya kung mag forecast  ng mga posibleng mangyare sayo sa bagong taon repakol!Meaning,hindi ka na tatakbo pa sa Quiapo para magpahula ng iyong kapalaran.Meaning,babanggain ko ang isang taong naging institusyon na sa larangan  ng fortune-telling…..si Madam Auring!

Hindi po kami naniniwala...kung si Tsokoleyt yung ginawa nyung model dyan,bibili pa kami eh

Hindi po kami naniniwala…kung si Tsokoleyt yung ginawa nyung model dyan,bibili pa kami eh,,

 Ang mga nakakalokang forecast ni machopapa ngayong 2013:

Sa pagtatapos ng 2012:

Malakas ang vibes ko na mauubusan na kayo ng pera bago sumapit ang bagong taon.Naku  bawal na bawal pa naman  yan  sabi ng mga kapatid nating instik.Dapat punong-puno ng barya ang bulsa mo pagsapit ng “medya noche”.Nariyan din ang mga testimonial post sa FB tungkol sa mga nangyari sa buhay nila netong nagdaang taon.Magkakaroon din ng mga TV shows  at trending articles sa yahoo  tungkol sa mga highlights na kaganapan mula noong Enero hanggang Disyembre.Maglalabas din ng survey tungkol sa pinaka nag hit na salita tulad  ng “amalayer” ,”putang ina ka Marquez”,”gangnam style” at “vice ganda”.Sa pagtatapos ng taon,mauuso din ang mga salitang gaya ng “new years resolution”,”Kwitis”,”pakulay ng buhok”,”magiging matipid na ako” at “new –look”.

Sa pagpasok ng  2013:

Unang papasok ang January siyempre,alangan namang February agad,unless nagpagawa ka ng sarili mong kalendaryo na may nude pictures mo at gusto mo itong ipamigay sa mga dati mong kaklase nung elementary na animal ka!Magkakaroon ng matinding putukan sa Manila at mag-iingay ang lahat ng tao sa probinsiya na parang may  sakit na schizophrenia na wala ng lunas.Magkakaroon din ng matinding putukan sa loob ng mga motel at wala kang ibang maririnig kundi “Ooooh yeahhh,oooh yeahh,whos your dadeh now huh??”.Mag-iingat lang ate at baka maputukan ka sa loob……ng bahay nyu (hehehe).Babaha din ang alak pag-sapit ng medya noche at magsasaya ang mga lasenggero sa kalye.Ang kasunod nyan,babaha din ng suka na may kasama pang maliliit na pancit at bico (eeeeewness).Bebenta din ang mga torotot sa palengke para sa mga bata at sa mga batang tinorotot ng boypren  nila!

Sa parating na Ahas:

Opisyal na papasok ang mga black snake sa ating buhay.Ang snake symbol daw sa 2013 ay active,snaky  and  has a very seductive nature (wow huh!!kala mo naintindihan ko yun?).Ito daw ay snake of Kuei Szu year  na hindi ko magets at wala akong pakialam.Mas mabilis daw ang labas ng pera kesa sa papasok na magreresulta sa tensyon ng personal relationship.Tancha ko diyan,mas magiging “in” ang mga mistress,kabit,kulasisi sa susunod na taon.Maraming mag-aahasan  sa  relasyon kaya kung ako sa inyu eh talian  nyu na ang boypren  nyu or yang mga mister nyung malilibog at mahilig mag-ovetime “daw” sa opisina.Taena yan,lagyan nyu  ng GPS track yang mga hayup na yan!Seryoso lang,nakaka-alarma ang year of the snake na yan!

oooh eh di ikaw na teh,wala namang naangkin ng korona mo..

oooh eh di ikaw na teh,wala namang naangkin ng korona mo..eh kung super bitch ka,nasaan ang kapa mo??

 Fashion Forecast:

Mauuso na yung mga damit  na gawa sa balat ng ahas.Para itong v-neck shirt na may butas sa magkabilaang utong.Pasok din magsuot ng turtle neck yung mga kapatid nating beki.Cool din ang mga damit na comouflouge para sa mga teens.Lalabas din  early this year  ang S-Back brip  para sa mga lalaki na may maliit na alagang cobra.Wag nyu nalang akong tanungin kong papaano ang design nun at hindi ko din alam.Isipin nyu nalang ang itsura ng T-back,,,ngayon ang S-back (sagwa ata).Wag na magtampo diyan ang mga kamukha ni Zuma,sa wakas mauuso na din ang mukha nyu  mga repakoy!!

Ganu kaya kalaki ang cobra ni zuma?Ipaliwanag mo sakin kung paano sila naging mag pinsan ni Hulk?Sa mother side kaya?

Ganu kaya kalaki ang cobra ni zuma?Ipaliwanag mo sakin kung paano sila naging mag pinsan ni Hulk?Sa mother side kaya?…

 Sex Life Forecast:

Malakas ang vibes ko na magiging “mapalad” ang sex life mo sa taong 2013.Magiging active!As in 3times a day!But when I say mapalad,literal na palad  lang talaga ang palagi mong makaka-sex the whole year.Meaning,si mariang sawing palad  ang lagi mong makakasama sa banyo at kuwarto mo.Dadami nanaman ang mga tiyanak sa buong bahay nyu  at magpapakita sila ng madalas sa panaginip mo.Maglalabasan din sa lungga ang mga “sawa” ,mga sawa sa bunganga ng misis nila at naghahanap ng kunting “space”  sa buhay (naks!i mean  bedspace nyahaha!).

trip-trip lang pre ohh,gawin mo tong inspirasyon ngayong gabi..

trip-trip lang pre ohh,gawin mo tong inspirasyon ngayong gabi…try lang

Lucky Charm:

Para sa mga lalaki,maglagay lang ng bolitas sa kanilang alaga o kahit anung mabibiling palamuti sa Quiapo.Pag ginawa nyu  to,magiging suwerte ang sex life nyu buong taon.Ang lucky color nyu ay pinkish black at ang lucky numbers ay 8-7000 (parang sa jolibee to ahh??).

Puwede na din to...pero parang ang kati nyan sa kuwan hihihi

Puwede na din to…pero parang ang kati nyan sa kuwan hihihi

Para naman sa mga babae,ugaliing komunsulta sa isang kamasutra expert na gaya ko.Atleast once a week.Hindi ka ba naniniwala sakin?Kung kinakailangang i-demo ko sa inyu gagawin ko.Gusto nyu ng sample?Walang problema.Nag-ooffer ako ng free trial for 7days at 100% satisfaction guaranteed or  get your money back.Your lucky color  is rainbow and your lucky numbers are 911.

but wait there's more,if you order call me now,you  will get a free limited edtion pocket kamasutra

but wait there’s more,if you call me now,you will get a free limited edtion pocket kamasutra…so anu pang inaantay nyu,call na!

Tandaan  lang  nating lahat na tuwing may bagong taon,meron tayong bagong pag-asa sa buhay.Ang mahalaga naman talaga eh buhay parin tayo at nakaka-survive sa mga problemang dumarating.Lagi mo lang tatandaan na para din tayong computer,minsan nag hahang sa dami ng problema,nag ba-buffer sa dami ng iniisip,at na ba-virus dahil sa lintek na pag-ibig.Pero gaya ng computer,minsan kinakilangan mo lang pindutin ang “CTRL-ALT-DEL” para gumana ulit ang sistema mo.Learn  to Control your emotions,find Alternative solutions then delete negative things na maaring makasagabal sa paghanap mo ng kasagutan sa problema mo.Tandaan  mo na wag ka munang mag “Restart” habang kaya mo pa,sayang ang nasimulan,i ctrl-alt-del mo lang bords.

pindutin mo lang lagi to bords!

pindutin mo lang lagi to bords!

Manibagong bagong taon sa lahat!Mahal ko kayo readers!Sa inyu nakasalalay lagi ang pagtaas ng self-esteem ko.Putukan na!!!!

—————————————–end————————————————————————–

Manibagong Bagong taon sa lahat!Gusto ko lang i-dedicate ang blog na to sa aking Familia,Relatives,mga kaibigan,sa lahat ng mga single,sa lahat ng mga nanloko sa aking babae at nag-paiyak,sa lahat ng kumakain ng burger na may patty,sa lahat ng mahilig sa banana ketchup,sa ianfanatics.com(na wala naman talaga),sa mga kaibigan kong tambay diyan sa brgy 3 roxas Palawan kay Ms.Sandra Bosch  at kay  Ms.Rhea Dequito

Advertisements

2 thoughts on “MGA NAKAKALOKANG FORECAST NI MACHOPAPADINKITA SA TAON NG MGA ITIM NA AHAS

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s