SANTA KLAUS….ISANG MALALIM NA PAG-SISIYASAT


santa-clause-santa-clause-extra-naughty-list-demotivational-posters-1324711003

Kung hindi nyu naitatanong at wala naman talagang nagtatanong,isa din ako dati sa milyong-milyong uto-uto na nagsasabit ng medyas tuwing bisperas ng kapaskuhan.Naniniwala kasi ako dati na talagang meron Santa Klaus na nakasakay sa isang lumilipad na karwahe at nag-ha-house to house para mamigay ng mga regalo.Sabi pa nga ng tatay ko,yung mga bata lang daw na mababait ang binibigyan ni Santa ng Gifts.Pangarap ko talaga dati  na magkaroon ng bike(pero ngayon yung pocket pussy na).Kaya tuwing sasapit ang disyembre,para akong may sapi.Parang bad boy na biglang nag memellow.Alam mo yung parang si Dwayne Johnson a.k.a “The Rock”,from Scorpion King tapos biglang naging Tooth Fairy ang peg!Taena ka the rock ayusin mo buhay mo!So nag focus ako sa sinabi ni erpats.Kelangan kung maging mabait,hindi muna ako mangungupit ng pera tsaka babawasan ko muna yung panghahalik sa mga kalaro kung gurls na walang panty.Ang bad  ko pala dati.Ayaw ko na sanang i-kuwento ito eh kaso pinilit nyu ako eh.One time nag decide ako na hulihin si Santa.Tuwing hating gabi daw ng bisperas ng pasko ito nagpapakita.Eh sakto,pa-noche Buena na yung gabing yun!Eh wala naman kaming handa kaya pinapatulog nalang ako ng maaga ni ermats, pero hindi nila alam babantayan ko talaga si Santa na maglalagay ng regalo sa sinabit kong medyas at hindi ko din alam kung papaano nya ilalagay ang regalo na yun sa loob ng bahay namin.Gusto ko lang siyang gulatin na parang ganito..”bulagaaaaa!!!ikaw pala yan Santa Ahhh!Ilang buwan na yang tiyan mo?!”.Kaso biglang nabagabag ang aking isip,sabi ko “oooh syet,wala pala kaming chimney!Panu  ihuhulog ang regalo ko?Paano siya magkakasya sa bintana namin?Wala kaming parking area para sa mga alalay nyang reindeer?panu na to??”.Isa pa naisip ko din na medyas lang ang sinabit ko at bike yung hinihiling ko.Paano naman magkakasya ang lintek na bike sa medyas?Nasaan ang common sense ko nung mga panahong yun!Grabe,nagsimula nang mag palpitate ang heart ko nun.Andaming agam-agam at baka tuluyang hindi na siya dumating!Pero naisip ko naman na baka kakatok  nalang siya sa bahay tapos i-susurprise nya ako.Ang hassle naman  kung aakyat pa siya sa may bintana namin at baka mapagkamalan pa siyang lider ng akyat bahay gang at mataga siya ng tatay ko ng wala sa oras.Naku!Kung magkataon malaking iskandalo tapos kakasuhan  pa si erpats ng homicide at maaring maging accessory to the crime pa ako.Naloko na,ang bata ko pa para makulong at baka laspagin ang wetpaks ko sa loob ng selda!Syet!Pero iba ang determinasyon ko nung gabing yun,mag-aantay ako,bahala na.Sakto alas dose nun,madilim ang paligid,tanging isang maliit na gasera lang ang nagsisilbing ilaw ng sala namin,biglang umihip ang malamig na hangin.May tao!Papalapit sa maliit naming xmas tree!Siyet ito na si Santa Klaus!Handa na sana akong bitawan ang pang-gulat kong linya ng…….Wait a minute,bakit payat at naka puruntong lang??Diba dapat may costume na red tsaka malaki ang tiyan tapos may bigote??Nasaan yung famous line nya na “hohoho,Merry Christmass Ian!”..At teka,kelan pa naging kamukha ng tatay ko si Santa Klaus??….Asan  ang bike ko??…

Puputulin ko na ang kwento ko kasi alam kong nauumay ka na tsaka ang hirap magsulat ng blog dito sa opis!Kelangan meron kang extreme sensitivities sa katawan para alam mo kung merong palapit na boss sa likod at gilid  mo.Pero sino ba talaga si Santa Klaus?Totoo ba talaga siya or  isang kathang isip lang ng isang batang gustong magkaroon  ng maraming laruan?Sige gagawin muna nating medyu  trivial to.Si Santa Klaus ay walang iba kundi ang Santong si  San Nikolas o si Saint Nicholas of Bari.Di umanoy nabuhay siya sa Asia Minor at namatay sa pagitan  ng 3450-352 A.D (Anno Domini).Ngunit ayun daw sa paniniwala ng ibang grupong relihiyon at mga eksperto sa kasaysayan,walang balido o konkretong ebidensiya na magpapatunay na naging tao nga si San Nikolas o kilala bilang Santa Klaus.Pero tulad  ng  ilang misteryo dito sa mundo (gaya ng mga aliens,ufo,xfiles,mga nag-papianong pusa sa youtube,lady gaga etc),nagkaroon din ng sightings si Santa Klaus sa ibat-ibang panig ng mundo.

BABALA: ang mga susunod na larawan  na makikita nyu ay may temang hindi angkop sa may normal na pag-iisip.Naglalaman ito ng war,sex at violence na hindi angkop sa mga batang mambabasa.Patnubay ng magulang ang kelangan.

si santa klaus sa isang bahay sa palawan,,nahuli gamit ang latest motion-sensing technologies

si santa klaus sa isang bahay sa palawan,,nahuli gamit ang latest motion-sensing technologies

 

si santa klaus,sa isang pagtitipon ng INC

                   si santa klaus,sa isang pagtitipon ng INC sa Manila

 

si santa klaus..sa isang pambihirang kuha sa lente ng kamera

si santa klaus..sa isang pambihirang kuha sa lente ng kamera

si santa klaus,na-ticketan kasama ang isang alien???...

                          si santa klaus,na-ticketan kasama ang isang alien???…

santa klaus sex scandal

                          santa klaus sex scandal

Base sa mga kahindik-hindik na mga larawan  na nakita nyu,masasabi nyu bang nasa paligid lang talaga natin si San Nikolas?Na nabubuhay talaga siya tuwing sasapit ang kapaskuhan?Kayo na ang bahalang mag-isip.Gusto kong iwanan  sa inyu ang mga tanong na yan at paduguin ang utak nyu  na parang nanonood kayo ng ending part na movie na Inception.

May nagtanong pala sakin kung bakit “machopapadinkita” ang pangalan ko dito sa blog.Hindi ka ba nagtataka?Bakit hindi nalang ianhotties or  ian_hunk?Kung bibigkasin mo ng mabilis ang salitang “machopapadinkita” magkakaroon ng ibang meaning yan.Kung gusto mo i-tongue twister mo pa yan para ma-gets mo.Yung mga taong may I.Q  na higit 35 ang tanging makakakuha.Pag hindi mo nagets yan,meaning hindi ka malibog at saludo ako sayo dahil mahina ang proseso ng utak mo pagdating sa mga kamanyakang bagay………Binabati kita kung ganun,hindi  mo nagets at below 35 ang I.Q mo!Mabuhay ka at Merry Christmass sa mga taong nagbabasa ng walang kuwenta kong blog (kung meron man  talaga).Salamat talaga at tumataas na ulit ang self-esteem ko sa katawan!Tumatanggap  pa din po ako ng any kind of donations…pero mas okey yung cash pramise!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s