9 BEST GIFTS PARA SA BOYPREN MO….


giftsforhim2

Naku ilang araw nalang pasko na pala!Bumaba na talaga ang temperatura dito sa Qatar at obligado ka nang  mag-suot ng  jacket pag lalabas ka ng bahay o kahit magtatapon kalang ng basura.Nakakainis nga pag umaga eh,ang hirap maligo!Sira kasi ang heater ng shower namin kaya madalas tinatamad na ako mag-goli.Iniisip ko nalang na..”hmp,kahit tatlong araw naman ako hindi maligo,mas mabango pa din naman ako ng di hamak sa mga ka-opismate ko eh!”.Malakas talaga ang aura nila sa kili-kili.Dati,pag nasa loob ako ng kotse tapos nasa gitna nila ako (the Egyptians),iisipin mo talagang nasa gas chamber ka na parang anlaki-laki ng kasalanan  mo sa mundo at kelangan  mong danasin ang araw –araw  na parusang yun.Pero katulad  ng ilang mga babaing bigo sa pag-ibig,unti-unti akong bumangon,lumaban,pinatatag ng panahon at na-immune sa mga kili-kili nilang amoy bulok na bayabas.So ngayon  nga dahil sa malamig ang simoy ng hangin,pinili ko nalang munang manahimik at hindi maligo ng  ilang araw.Sabi nga nila “If  you can’t beat them, join them!” ,which is true naman in my case.Kunting hilamos lang ng mukha,wisik-wisik kunti ng buhok at siyempre nagpapalit naman ako ng brip para laging fresh parin ang feeling.

 Alam kong hindi porke magpapasko na eh masaya na lagi ang isip ng mga tao.Malakas ang hinala kong may problema  kayo.Oo alam kong may problema  kayo sa pinansyal,pareho lang tayo at wag na wag nyu akong maiisipang  utangan!Problema sa math?Wala akong pakialam diyan  at kahit nga ako hirap din dati mag solve ng mga worded problems sa algebra!Kaya wag nyu akong tatanungin tungkol sa calculus at baka i-kick ko ang face nyu!Problema sa lovelife?Tangina namang lovelife yan,lagi nalang ba??Puwedi bang gumising tayo ng isang araw na hindi pinoproblema ang bagay na yan??Miyembro din ako ng SMP (samahan  ng malalamig ang pasko)  kaya wag ka nang magtampo sa langit at baka mainis yan sayo at tubuan  ka ng patotoy sa ulo o kaya magkaroon ka ng taste buds sa paa!

Pinoproblema mo kung anung ireregalo mo sa boyfriend mo.Ayt?Kung lalaki ka at apektado ka sa sinabi ko,keribels lang.Walang pinipiling sexual preference ang blog ko na to.Hindi biro ang mag-isip ng magandang pangregalo sa “special someone”   lalo na kung mga bagay na panlalaki  ito.Alam  nyu bang mas maarte pa kami sa inyung mga babae pagdating sa regalo.Hindi naman sa inu-obliga namin  kayong mag bigay ng mga mamahaling bagay pero ang saganang amin lang eh,kung mag reregalo kayo samin ng extra large na t-shirt eh utang na loob naman,alam  nyu namang mas hilig naming  mag suot ng medyu slim-fit na shirt at hindi basta basta ang tatak.Isipin mo gurl,isang taon ka namang libre sa sinehan,sa mga concert sa moa,sa lunch mo,sa dinner at sa pamasahe sa jeep.Siguro naman  hindi ka na lugi nun kung magbibigay ka naman  ng gift na medyu mamahalin?Minsan mo lang naman sa isang taon  mabibigyan ang boyfriend mo,kaya dapat lang naman siguro na paghandaan mo to.Ewan ko huh,kahit sinu sigurong tanungin nyu na lalaki ay mag-aagree sa sinabi ko.Wag na wag nyu ring maiisipang regaluhan kami ng malaking brown na teddy bear.Ganito yun eh,bali pag-bigay nyu ng teddy bear ang sasabhin namin ay …”wooow!ang sweet sweet naman ng hon ko!teddy bear at ang laki!Thank you  hon,I love you!”..pero ganito talaga ang gusto naming sabhin…”What the fuck?!Anung kagaguhan  nanaman  to??Teddy Bear ampusang gala!Anung gagawin ko diyan??Tangina buti sana kung nauutusan  mong bumili ng yosi yan!Ambobo lungs!”

unless yung ganitong teddy bear yung ibibigay nyu...maraming friends na hot chiks

unless yung ganitong teddy bear yung ibibigay nyu…maraming friends na hot chiks!

Masyado lang talaga kaming gentleman  at hindi namin kayang sabhin ang mga bagay na yan sa harap nyu.Siyempre ayaw din naming masaktan ang damdamin nyu  at magtampo kayo ng bongga.Isa na ata sa pinakamahirap na gawin sa mundo ay  ang  pagsuyo sa nagtatampong girlfriend.Ang masama kasi nyan,the more na sinusuyo mo mas lalong nag-iinarte este nagtatampo!Eh mahirap kaya na mag-kaaway kayo ng xmas at new year.So para hindi mangyari pa yan,narito ang ilang tips ko sa mga babae at mga badingarze  kung anu ang pupuwedi nilang i-panregalo sa mga papabols  nila…

 9 Best Gifts para sa boypren mo…

1.) Toy action figures or yung mga robot.Masaya na kami sa ganito.Lalo na yung robot na  nilalagyan ng baterya sa likod tapos biglang  nagsasalita!Shit ang astig kaya nun!!Pero dapat kasing laki namin at puweding i-display sa sala.

at kung hindi nyu mamasamain,isama nyu na pati yung babae na nakapulupot kay optimus prime

at kung hindi nyu mamasamain,isama nyu na pati yung babae na nakapulupot kay optimus prime..

2.) Patot.Alamin mo lang yung latest na labas ng nike or kahit hindi latest.Dalawa lang naman ang gusto niyan,its either kay Lebron or kay Kobi.Pero kung wala ka talagang budget,puwedi na yung low cut shoes basta nike na may minimum  price of Php2,500.Siguraduhin mo ding may half inch na allowance ang bibilhin mong sapatos.

3.) Jacket.Safe din ibigay to basta wag lang yung kulay pink tapos may mukha ni hello kitty sa likod.Napapanahon naman kasi dahil medyu malamig at lagi namang tag-ulan sa Pinas.Okey sakin diyan  yung adidas na may 3 stripes.At kung yung tipong niloloko lang kayo ng sira ulo nyung boypren,mas maganda siguro regaluhan  mo ng ” straightjacket” tapos ipasok mo na sa mental yang hayup na  yan!

panu mo ipapakilala sa tatay mo to??...

panu mo ipapakilala sa tatay mo to??…

4.)Watch.Halos lahat naman samin gustong magkaroon  ng relo na may maraming pindutan.Regaluhan mo lang  ng G-Shock na kulay itim, sasambahin ka na ng boypren mo.Pramise yan!Hindi ako nagbibiro.Alam  mo yung parang batang hindi pa nakakatikim ng toblerone sa buong buhay nya,tapos nung binigyan mo halos maiyak sa tuwa at kulang nalang gawan  ka ng rebulto sa labas ng bahay nyu.Minsan ganun lang talaga kababaw ang mga reasoning namin sa buhay.

5.)High-end gadgets.Para naman to sa mga ma- perang girlfriend na sobrang galante at mapagbigay.Hindi na namin  kelangang ipagsigawan pa sa mundo na Samsung galaxy note 2 at sony psp vita ang  sinisigaw ng damdamin namin.Bukod  kasi sa ultimate dream naming  makasiping  si Anne Curtis ng kahit isang gabi lang ,eh yang mga gadgets na yan ang isa pa sa dahilan kung bakit may salitang “pangarap” ang bawat kalalakihan.

haaaay hanggang pangarap ka nalang ba talaga?kelan ka ba magkakagusto sa isang non showbiz guy na mahilig mag blog??...

haaaay hanggang pangarap ka nalang ba talaga?kelan ka ba magkakagusto sa isang non- showbiz guy na medyu mabait naman at mahilig mag blog??…

6.)Seiko wallet.Oo hindi ako nagbibiro!Yan ang wallet na maswerte!May twist tayo diyan,puwede mong iregalo yan (dahil Php140 lang ata presyo nyan), pero dapat  may palaman na Php3,000 sa loob.Kahit hindi mo na din  ibalot sa magandang gift wrap basta may palaman ayos na ayos yan.

tanong ko lang,kasama ba yung nakikita nating pera sa pix pag bibili ka nyan??..

tanong ko lang,kasama ba yung nakikita nating pera na nakaipit pag bibili ka nyan??..

7.)Perfume.Okey din to kung mahilig magpabango ang boypren mo.Ako kasi,safeguard lang pina-panghagod  ko sa singit ko at 24 hours protected na ako eh.Hindi ko na kelangan masyado ang pabango.Gusto ko talaga yung number (5) pero dahil Polo na black yang ibibigay mo sakin,susme naman ambango nun!Regaluhan  nyu ako nun pls!Paalala lang gurls, bawal ang mga pabango na galing sa bench,aficionado,willie revillame’s perfume collection at lalong lalo na sa kanya….

kung ikaw bords bibili ka ba nyan?tangina kahit libre ayaw ko!!...hihihi

kung ikaw bords bibili ka ba nyan?tangina kahit libre ayaw ko!!…hihihi

8.)Special Wine or Whisky.Kung yung boypren nyu eh  nasa  edad 35 pataas,mas mabuting regaluhan  nyu ng mamahaling alak.Balewalin nyu na ang Tip 1-7.Mag focus kayo sa tip na to at sa susunod kong tip…

9.) Pegasus babe.Kung hindi ka naman selosa na girlfriend at gusto mo lang talagang mapasaya  ng bonggang-bongga ang boypren mo ngayong pasko,regaluhan  mo ng  isang babae na nagsasayaw sa Pegasus!Gawin mo,i-surprise mo siya,ilagay mo sa isang balikbayan box tapos lagyan mo ng malaking ribbon sa gitna.Pasimple mong ilagay ito sa kuwarto niya at  tapos iwanan  mo silang dalawa.Wag mo ding kalimutang bigyan ng oxygen tank yung babae sa loob dahil tulad mo ay may karapatan din siyang huminga para mabuhay.Ang masama lang nyan,baka makita ng tatay niya yung pegasus babe at maisipang ipagpalit bigla ang nanay nila.

mapupuntahan din kita bago man lang ako mag-asawa...

shit 20 years na pala silang gumagalaw ng henerasyon!!!!anung klaseng “touch” ba ang meron dito na wala sa phenominal ktv bar sa quiapo?..

Ilang lang yan sa mga bagay na “the best” ipanregalo sa mga boypren  nyu.Alam  ko,hihiritan nyu nanaman ako ng “shit,ang mamahal kaya nyan!!okey ka lang?”…Isipin mo nalang na lalaki at mahal mo ang taong bibigyan  mo.Ang punto ko lang naman  gurls eh,kung mag-reregalo narin lang kayo eh  isagad  nyu na.Yung tingin nyu na masisiyahan ang bowa nyu at tipong hindi niya makakalimutan.Kasi para sakin,mas mabuti pang walang regalo kung wala diyan sa siyam na  nabanggit ko.Wala namang problema samin yun eh.Kung kulang talaga ang budget mo this season,lutuan mo nalang ang boypren mo ng masasarap na pagkain tapos sabay kayong magsimbang gabi naks!! At the end of the day,yung “presence” nyu lang naman talaga ang “pinaka-importante” at “priceless” na regalo na gusto namin ngayong pasko….At sa mga may mabubuting loob na nilalang na gusto akong regaluhan,i-cash nyu nalang po parang awa nyu na.Bahala nalang kayo kung through banks,money transfer or kahit naka sobre lang na puti,basta wag lang tseke baka kasi tumalbog at maiskandalo pa ang buhay ko….

Advertisements

5 thoughts on “9 BEST GIFTS PARA SA BOYPREN MO….

  1. Mr. Machopapa,astig mga gifts na yan.nagkaidea tuloy ako kun ano ba maibgay sa bowa ko.merry christmas s iyo jan.ingat palagi!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s