SIMBANG TANDANG….


171211_simbang gabi02_kjrosales

Yeheeey simbang gabi nanaman!!Kahit nabuburaot na ang mga neurons natin sa utak  kaka-process ng araw-araw  na mga suliranin eh matuwa parin tayo mga kapatid dahil binigyan pa tayo ng isa pa uling  pasko sa buhay natin!Hayaan mo muna ang mga problema ,para din yang mga ex boyfriend  nyu,babalik at babalik pag wala nang ibang malandi.Kumbaga sa mathematics,given na  yan,hahanap ka nalang ng formula  tapos i-substitute mo ang problema para makuha mo ang answer sa solution.Nalito ka ba?Ako din eh!hahaha..Ganito nalang,basta tandaan  mo lang na pag may mabigat kang problema,tumingin ka lang lagi sa “mas panget” sayo,kung masaya sila,dapat mas masaya ka!Isipin mo,yung problema nga nila wala ng lunas eh,mas malala pa sa stage 4 na cancer. Pero kahit ganun,bakit masaya pa din sila?Bakit may gf silang maganda at  hot?Samantalang ikaw hanggang ngayon  “nganga” pa din.Mag papasko na wala ka pa ding love life.Tapos ang matindi nyan yung pagkatapos ng pasko at bagong taon.Yung fukingineng valentines day na yan! Sinu ba kasing baduy na nag-pauso nyan?!Kainis,nakaka-pressure lage eh!Anyway,habang sinusulat ko to,iniisip ko kung bakit ba tinawag na simbang “gabi” samantalang simbang “madaling araw”  naman  talaga  ang ginagawa  natin sa probinsiya.Tinatawag din itong Misa de Gallo or simbang tandang  (tandang:Spanish=gallo) na simbolo ni san juan bautista na gumising sa ating lahat  na paparating na ang Mesias. Tinawag daw na “simbang gabi” dahil sa “madilim pa” at hindi yung pagkatapos ng hapunan.Yung iba naman  nagtataka kung bakit may Misa de Gallo sa gabi at hindi sa madaling araw.Tinatawag kasi nila  itong “anticipated” mass para sa mga taong tamad gumising ng  maaga(kagaya ko) or dun sa mga taong nagtitinda ng pandesal sa madaling araw,sa mga graveyard shift na call center agent,sa mga artista na may magdamagang taping at sa mga kababayan nating security guard  na magdamagang nagbabantay sa mini-stop.Pero kahit saan  ka mang lupalop ng mundo makarating,hahanap-hanapin mo pa din ang pasko sa Pinas.Kahit wala yung pinapangarap mong “white christmass”,mas masaya pa din panoorin ang mga batang nag ka-caroling at iba parin kung kasama mong mag simbang gabi ang buong pamilya at  mga kapitbahay nyu.Unfortunately,may mga taong nagsisimbang gabi sa ibang kadahilanan katulad  ng:

1.) Naghahanap lang talaga ng  mapapangasawa.Ito yung mga kalalakihan at kababaihan  na mahilig pumuwesto sa labas ng simbahan  at parang may “eye scanner” sa lahat ng  taong daraan.Sila din yung  merong mas matalas na peripheral vision  kumpara sa mga ordinaryong taong nagsisimba.

2.) Nang huhunting ng tsiks.Para to sa mga barkada ko dito sa Qatar na mahilig sa babae at gagawin ang lahat magkaroon lang ng  jowa ngayong pasko.Mga hayup kayo!Mag simbang gabi na tayo!!!hehehe

3.) Magpapa-picture sa Christmass Tree.Ito lang talaga yung pinaka-main reason nila kaya nag-simbang gabi.Gawain ko din to dati eh,tapos gagawing profile pix sa FB.Style nyu hmp!

4.)Makakain lang ng mainit na bibingka na may keso tapos kape tapos…..ate mag-diet ka!!Tingnan mo yung braso mo te oohh,parang hita na ng construction worker..hihihi

5.)Gusto lang isuot ang bagong Polo para makapag-pasikat  na halata namang napanalunan nya lang sa raffle nung christmass party nila nung isang araw.

Ang Misa De Gallo ay isang nobenaryo na binubuo ng siyam na simbang gabi.Ito raw ay simbolo ng siyam na buwang pagdadalaang tao ni Mama Mary (oooh the learnings from google).Naging debosyon  na nga nating mga katoliko na i-perfect ang attendance para sa siyam  na gabi sa paniniwalang matutupad ang kahit anung i-wish natin.Isang wish lang to pards at hindi yung parang  kinikiskis na lampara  tapos may lalabas bigla na usok at tatanungin ka ng 3 kahilingan.Kahit nasa edad na ako para  macho dancer,eh hindi ko pa talaga na kukumpleto ang siyam  na simbang gabi na yan.Biruin mo, may isa kang wish na puweding ibigay sayo!!So kung halimbawang makumpleto ko nga this time,ito lang naman ang wish ko sa itaas…

Lord,kahit lipstik lang po ang suot at wag nyu pang ibalot.....

Lord,kahit lipstik lang po ang suot at wag nyu na pong ibalot…..hihihi

Ang tunay daw na kahalagahan  ng pag-sisimbang gabi ay sa kung paano tayo  na “tatransform” para maging handa sa kapaskuhan.Dapat may malalim tayong pang-unawa sa mga pagbasa at  taimtim na panalangin sa bawat  misa hindi yung parang  na “oobliga” lang  tayo dahil nga tradisyon  na natin tong kinalakhan.Ngayong gabi,pagnilayan mo kung anu ba talaga para sayo ang tunay na diwa ng  Misa De Gallo.Bago ka magsimba,humarap ka sa salamin……tapos tingnan  mo yung bangs mo,kumukulot na te!!Mag pa rebond ka na tutal nakuha mo naman  na ang bunos mo!Para mag ka lovelife ka naman ampusang gala naman ooohhh….

(pasensya na kayo medyu rush ang pagkasulat ko neto,para maihabol..hihihi)

Advertisements

2 thoughts on “SIMBANG TANDANG….

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s