10 UNWRITTEN RULES and TIPS PAG SASAKAY SA LRT..


7152674891_c610c61a3a

Minsan pag kumakati ang utak ko,parang gusto kong isulat ng isulat lahat ng naiisip ko.Ito yung mga bagay na hindi nagpapagulo sa mga balahibo mo sa  buong maghapon.Hindi mo naman  kasi  kelangan  talaga na  maging isang propesyunal  na writer para makapagsulat eh.Infact,wala naman talaga akong alam sa pagsusulat.Hindi naman ako umatend  ng mga seminar ni sir Eros Atalia or ni Bob Ong,tolonges din ako sa ingles,tanga din ako gumawa ng love letter at 3.0  lang din grade ko dati sa Literature(4.0 dapat yun kaso binantaan  ko buhay ng  prof  ko).Basta ganito ako,pag-upo ko tapos parang gustong tumipa ng mga kamay ko sa keyboard ,yun  na,kahit anu  nalang maisip isulat.Parang naghuhurumentado ang mga brain cells ko sa ulo at gusto nyang makipag usap sa portrait page layout ng word docs.Alam mo yung  parang  20 taon  kang nagtatrabaho sa Saudi tapos hindi kana nakakakita ng babae na parang sasabog na ang utak mo dahil nagkakabaklaan  na kayo ng ka-opismate mong kamukha ni Sam Milby sa unang tingin.Ganun katindi yun!Kahit parang mala zerex at boso ang mga naiisip ko palage,ewan  ko,masarap kasi pagtawanan  ang  kalibogan  ng  mga kalalakihan.

Dahil nga medyu bumaba ang testosterone level ko lately dahil sa pagkamatay ng pusa ko,gusto ko munang pag-usapan  ang pagsakay mo sa LRT Line 1.Wag kang tumawa dahil kung wala ang LRT na yan, gigising ka ng 4am araw-araw makarating lang sa opisina mo.Anlaking ginhawa  na  dulot nito sa mga commuters na tiga-metro manila.Unless hindi ka gumagamit ng LRT at mas gusto mo pa mag-ganito papunta sa trabaho mo…

matipid tsaka eco-friendly na transportasyon..puwed ka pang magsama ng friend mo

matipid tsaka eco-friendly na transportasyon..puwede ka pang magsama ng friend mo,oh san ka pa?sakay na!!

So bigyan natin ng malupet  na intro(dubbed voice)-LRT Line 1 is a 20.7-kilometer elevated track with twenty stations from Baclaran  in Parañaque City to Roosevelt in Quezon City.The statistics from LRT authority show  that  there are 13-14 million passengers every month, with almost 400,000 on a daily average. During rush hour, the volume of passengers double or triple; this happens between 6 to 9 in the morning and 5 to 8  in the evening.Bilang “suki” ng LRT line 1 dapat alam  mo yang mga info na ganyan.Gusto ko lang pag-usapan  to dahil isa din ako sa kagaya mo na namomroblema dati kung paano makakasakay sa LRT during rush hour.Ang stressfull kasi sa dami ng tao na gustong makipagbalyan sayo.Ang isa pang masama diyan,hindi ko alam kung sinung hijo de putang nilalang  na nakaisip pag hiwalayin ang babae sa lalake!Badtrip!!!Kill joy kang hayup ka!Paano nalang ang kabuhayan ng  mga manyakis na tulad mo na nagbabasa netong entry ko?Diba?Ang hirap sumakay nyan araw-araw!Sobrang hassle pero wala ka namang choice kung gusto mo  talaga ng mabilis na transpo.Ngayon.bilang isang regular commuter at namamanata sa mga santo  ng LRT,dapat malaman mo yung mga unwriiten rules & tips  nila na hindi mo makikita sa kung saan  mang  website or manual  ng LRTA.Hindi nila sasabihin sayo  to dahil nga mababasa mo na to ngayon sa blog entry ko…

10 unwritten rules & tips pag sasakay ka ng LRT:

1.) Kumapit sa tamang pagkakapitan.Tatlo lang ang  possible mong kapitan sa loob ng LRT.Yung tubo na pahalang,yung poste ng tubo na nakatayo,tsaka yung  plastic churva na nakasabit sa tubo.Maliban doon wala na.Unless kasama mo ang gf mo at pwede kang kumapit sa mahaba at kulot niyang buhok.Wag mong kakapitan ang balikat ng katabi mo or  hahawakan ang damit nya.Baka kasi maisipan nyang  i-umpog ang ulo mo sa tubo ng tatlong beses.

napaka conservative naman ng picture ko na to

napaka conservative naman ng picture ko na to (walang maisip na caption)

2.) No direct eye contact.As much as possible dapat titingin kalang sa bintana na parang tumitingin sa kawalan.Hindi mo puweding i-eye to eye ng higit 3sec ang kapwa mo pasahero sa loob  lalo ng kung pareho kayong may lawit sa katawan.Kung sardinas talaga ang eksena,its either titingala kalang  na parang dyumidyengel  or  yuyuko na parang nagdadasal.

unless siya ang makakatitigan mo

unless siya ang makakatitigan mo,puwede kang tumagal ng 10sec

3.) Mag-aral  ng martial arts.Hindi ito nakalagay sa manual ng LRTA  pero dapat marunong ka neto.Isipin mo,merong more than  30trains per day,tapos yung interval nyan during peak hours is between 2.5-3minutes.Unahan yan!Hindi puwede pa-tanga  tanga ka bords!Sabhin nalang natin na ang isang tren ay may 10 pintuan.Sa sampung pintuan  na yan,isa lang syempre ang papasukan  mo.Sa isang papasukan mo,merong 30 katao na kasinlaki ni Bonil Balingit ang kalaban mo.So chances are,puwede kang maiwanan ng tren.Pag marunong ka sa martial arts,puwede mong magamit ang chop,siko,tuhod ,patid,bilis ng footwork at kung anu-anu pang pangugulang sa kapwa.Lage mo ding iisipin na ikaw si Neo ng Matrix tapos lahat ng nakapaligid sayo kamukha ni agent smith.

4.)Bawal umutot ng hindi nag eexcuse me.Hindi na kelangan i-annouce to sa loob ng LRT pero maawa ka naman sa mga katabi mo bords!Nasaan  ang GMRC mo nung hayskul ka pa?Pag umutot ka magtaas ka ng kamay and  just politely say “excuse mo po,ako po yung umutot,magtakip po tayo ng ating mga ilong at piliting wag huminga ng ilang sandali………….maraming salamat po sa inyung kooperasyon.”Dapat gawing batas na to eh!Lalo na yung mga supladong nagpapakawala ng mala nuclear time bomb sa fx!Bigyan ng sapat na parusa ang mga taong to!Hindi uunlad ang bansang pilipinas hanggang may mga taong gumagawa ng ganito sa lipunan!

5.)Wag gawing luneta ang LRT station.Mahiya naman kayo pre ng jowa mo at nakuha nyu pang mag-lampungan  sa gitna ng mga tao.Bukod sa nakaka distract kayo,baka kasi may isang single dyan na bigla nalang maisipang itulak kayong dalawa sa parating na tren.Bad trip kaya yun!Hassle na nga sumakay tapos may mga ganong eksena ka pang makikita sa paligid mo.Kalurkey lang diba!

6.)Wag  isasakay ang ka-date sa LRT.Ito yung mga tipong first date nyu  ng babae at gusto mo siyang dalhin sa Star City.Nakakasira kasi ng poise na naka-dress yung babae tapos iipitin  lang  ng limang  lalake na parang basang tinapa sa loob ng tren.Ang matindi nyan,may bitbit  ka pa na  bulaklak sa loob  na sira ulo ka!Pag ginawa mo to,99.9% basted  kana bords!!

7.)Amalayer Syndrome.Hindi porke tanga ka sa pila eh may karapatan  ka ng  inglesin at magmaldita sa babaing security guard na kaharap mo.Kalimitan sa mga to ay mga babaing nakalunok ng  megaphone  at kung makipag chizmizan  sa loob ng tren eh kala mo bumubula  na ang bibig.Oo!Puwede ka na ding maglaba sa dami ng talsik ng laway nya sa mukha mo!Mahiya naman kayo teh!

so you think amalayer???..

so you think amalayer???..

8.)Stay near exit.Ito ang problema sa rush hour,mahirap na nga sumakay at makipag balyahan,mas mahirap pa ang paglabas lalo na kung nasa parting gitna ka naka puwesto.Ang problema,90% sa bilang ng  mga pasahero ang gustong malapit sa exit ang puwesto.So dapat wag ka lang tanga at baka lumampas ka sa bababaan mong istasyon.Nakakairita pa naman yan,yung bang kung kelan nag-warning na ang tren na sasara,saka naman  may matatarantang  makipag banggan ng balikat at patotoy.I hate you kuya!

9.) Dress code.Wala naman talagang malinaw na rules regarding sa kung anu ang dapat at hindi dapat na  suot  kung sasakay ka ng LRT.Bahala ka,kahit naka sando at tsinelas kalang wala naman g problema basta wag mo lang tsatsansingan ang chiks na katabi mo.Pero wag naman yung tipong maiisipan nyung magbabarkada na magsuot ng power rangers na custome at ang kakapal ng mukha nyung umupo sa upuan na para sa mga matatanda at kababaihan.

sarap pagsasampalin ng kuwan sa mukha!

sarap pagsasampalin ng “kuwan” sa mukha!

10.) Use rexona not tawas.Para to sa mga lalake na wagas kong makasando at mahilig magbuyangyang ng kili-kili sa mukha ng ibang tao.Yun bang tipong parang gusto nyang padilaan sau ang mga “left over” na tawas sa kili-kili nya.Mahiya ka namang hayup ka!Mura lang ang rexona at may nabibili na ngayong naka sachet!Hindi kami interesado sa mala-batman  mong underarm  at lalong hindi kami interesado kung anung itsura ng kili-kili mong puno ng butil ng  tawas!!!

Lakas maka-batman ng kili-kili ampusang gala!

Lakas maka-batman ng kili-kili ampusang gala!

Ilan lang yan sa mga  rules & tips  na hindi na kelangan  pang isulat or  pag-aralan  sa ateneo or  kung saan mang  eskuwelahan  sa Pilipinas.Kaya alam  mo na sa susunod  pag sasakay ka ng LRT…tataas ng kamay at “mag-eexcuse me” pag uutot kang hayup ka!!Kadiri ka!hihihi…

(Dedicated sa maalindog na si Mam Peachie Rodriguez (na nagbigay sakin ng kasoy at xmas card hihihihi) at sa buong bayan  ng Roxas Palawan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s