“GANGNAM FEVER” WITH DOC ERIC TAYAG…


oppan-gangnam-style-toilet

So apparently,ang ” gangnam style ” ni Psy ang  most-viewed youtube video na nagtala ng more than 845 million viewers worldwide as of  November 2012(sorry justin bieber fans).Hindi lang basta naging “viral” ang video kundi naging isang “cultural phenomenon”.No one can  resist the infection at  mas matindi pa to sa  parating na zombie apocalypse!Lalo na yung mga “susmaryusep”  na giling ni Hyuna sa video.Grabe first time kong nainlove sa isang koreana!Hindi naman talaga ako ganito eh,yung panonoorin mo ang isang video sa youtube ng mga 30 beses kahit alam  mong “sexy lady” lang talaga ang naiintindihan mo sa lyrics.Pero hindi naging malaking issue sakin yun!Umabot pa ako sa puntong kelangang makita ko muna ang mahahaba at makinis na legs ni Hyuna bago ako jejebs sa umaga.Kulang nalang eh punuin ko ng  pictures nya ang kuwarto ko hanggang kisame.Oo tama ka!Malakas din talaga ang duda ko sa sarili ko na kaya kong maging isang serial killer para sa mga babaing gaya ni Hyuna,Ann Curtis at Georgina Wilson!Hindi ko din alam kung bakit.Tapos yung ibang babae siguro na nagbabasa neto(kung meron man) iisipin nyu nanaman  na manyak ako! Porke ba pinagpapantasyahan  ko ang nakaka demonyong katawan ni Hyuna?..yung mapupungay nyang mga  mata?..yung lambot ng bewang nya?…yung mapang-akit nyang tingin sa camera na parang nagsasabi sayo na “boys,tingnan  nyu kung gaano ako ka sexy gumiling pleaseee”.Oo may “please” talaga yun!Alam  mo yung parang commercial sa tv na pag hinawakan ni Sam Pinto ang bote ng San Miguel lights,tapos wala naman siyang sinasabi na bilhin mo yun pero parang may bumubulong sa tenga mo na “hey pogi,bili ka naman ng San Miguel lights oooh,pleaseeeeee”…diba?Sabihin mong mali ako pards??!

masisisi nyu ba ako??...

masisisi nyu ba ako??…i lab yu Hyuna!!!

Ilang mga international celebs din ang hindi nagpaawat at naki-gangnam style din tulad nila Hugh Jackaman,Djokovic,Ellen Degeneres,Britney Spears blah ba blah blah!Sa sobrang tindi nga ng video na to,pati mga batang may edad 1year old  below  eh hindi na makakain ng gerber kung hindi nila nakikitang kumekembot si Psy (panoorin mo sa youtube ang cute lang..)

ang batang nag-paiyak kay barney...

ang batang nag-paiyak kay barney…

Ang masama  nyan,mawawalan  na ng trabaho si Barney. At pag nawalan na ng trabaho si Barney, baka maisipan  niya naring gumawa ng sex scandal at i-upload  ito sa youtube.Maghunos dili ka barney!Ikaw parin naman ang number one pet ng mga babies pero wag na wag mong maiisipang  makipag churvahan sa isang Triceratops tapos ikakalat mo sa internet dahil  lang  may bago ng apple of the eye ang mga bata.Bilog ang mundo Barney!Hindi sa lahat ng pagkakataon eh nasa itaas ka.Isa pa,mag-cacause  ng matinding  damage saming mga lalake mentally kung makikita naming makikipag  hook up ka sa isa sa mga nag-piapianong  pusa sa youtube!Hindi ko kakayanin yan,parang sinabi mo na din na okey lang sayo at kumportable ka sa ideyang  one night stand  nila Lebron James at Serena Williams!!!!..

mabuti pa si jolibee,kinakarga ang bata,si barney..anu ba yan!!!...

mabuti pa si jolibee,kinakarga ang bata,si barney..anu ba yan!!!…

Ilang  mga scholars din  sa Amerika ang nagsaliksik at napag-alaman nilang umabot hanggang  sa holywood movie  ang “gangnam fever”.Magugulat  ka ba kung sasabihin ko sayo na yung pelikulang tinutukoy ko ay “The  Dark Knight Rises” ?Kilala mo ba si Bane?Siya yung matinding ka-upakan ni Batman  sa movie na may takip na  mask sa bibig!Yung parang si Darth Vader  ng Star Wars magsalita.Yung lalaking  galit sa t-shirt the entire movie.Seryosong tanong lang,panu  kaya kumakain si Bane?Panu siya iinom ng yakult?Paano siya mangungulangot?Kasi hindi nya ata puweding tanggalin  yung mask  nya eh.Hindi naman yun na parang eyelash  extension ni wonder woman na puweding tanggalin anu mang oras na gustuhin nya.Dba??Wag mong sabhin ako lang ang nakaisip ng tanong na yan,imposible!

si Psy at si Bane ay iisa!!!!..

si Psy at si Bane ay iisa!!!!..

At siyempre pahuhuli ba naman  yung mga Pinoy pagdating sa mga trending items ?Hindi noh!Lalo na sa kalokohan!Bida kaya tayo diyan.Marami din sa mga local celebs natin ang naki-gangnam  style at inupload nila ito sa youtube.Yung iba nakakatuwa,yung iba nakaka-aliw,yung iba nakaka-umay lang na parang mas gusto mo pang panoorin ang video ng mga babaing pumapatay ng tuta.Hanggang isang araw,may isang Dr.Eric Tayag ng DOH ang biglang nag-ka idea ng “parang gusto kng sumayaw ng gangnam style,as in now na!”He will launch a campaign against a firecracker apparently called “Gangnam” which explodes stronger than  known firecrackers such as “Pla-Pla,” “Kabasi” and “Goodbye Philippines.”Ang tanong,mahihigitan ba talaga ni asec erik tayag ng kanyang mga  “da moves” kontra sa mga lintek na paputok na yan??Mabibigyan  niya ba talaga ng justice ang  sayaw na gangnam style?Anu-anu pang ibang bagay sa mundo ang nababalot  ng hiwaga at misteryo?Halika,samahan  niyu akong panoorin natin to….

Gusto ko lang sanang mag-comment sa video kung okey lang sa inyu…

1.) Okey sakin ang arrive ni doc.Para talaga siyang si Psy sa kanyang classy na amerikana with matching “tricycle driver look sa probinsiya” na sunglass…

may pagka suplado ang aura ni doc hihihi

                           may pagka suplado ang aura ni doc hihihi

2.)Kelangan ba talagang si Doc mismo ang sumayaw sa campaign nya??Hindi ba puweding yung “hot secretary” nya nalang ang gumawa nun?

3.)Wala bang matinong lalake man lang ang naka-isip bumulong kay asec na…”Doc,mas maganda po siguro kung si Solenn Heussaff ang sasayaw sa campaign natin.Hindi nyu po ba napanood sa youtube yung makalaglag brip na gangnam video ni Solenn with Michelle Madrigal?Please?”

dyusmeo marimar!

dyusmeo marimar!

4.) Bakit sa tingin mo pumatok ang video ni Psy?Dahil sa dalawang dahilan.Una yung “komedya” na hatid neto at pangalawa yung pagka “lively” ni Psy.Oo!nasapol niya lahat ang unang kategorya pero yung “lively” mukhang nakulangan ako.Alam mo yung parang magluluto ka ng isang pancit canton pero bitin,tapos pag dalawa naman e sobra.Dun siya sa pagitan ng bitin at sobra.

5.) Pansinin sa video mula 0.11-0.20sec,na kyutan lang ako “stay put kembot” ni asec.Yun bang gumagalaw ang lahat ng katawan mo maliban sa ulo tapos naka-poker face lang.Walang ibang makakagawa nyan,si doc lang!

poker face...

                   poker face…panu kaya siya magalit??ma-exite?kiligin?Panu?…

6.) Inaamin ko.Hindi ako masyadong kumportable sa ngiti ni Doc pag sinasayaw nya na yung part  sa chorus.Masyadong cheesy ang dating para sakin!!

7.) May pagkakahawig sila ni agent smith ng matrix…

agent smith

agent smith..batang version ni doc tayag

8.) Medyu nahuhuli si doc ng mga 3.01seconds sa tugtog.Hindi ba nila naisipang bagalan ng kunti yung tempo?Yung parang sa videoke ba,pag lasing kana at hindi kana makasabay sa lyrics,puwede mo itong pabagalin ng mga 50%.

9.) Puwede bang si Doc. Eric Tayag na din ang sumayaw sa mga campaign sa RH Bill,Sin tax bill at sa mga show sa ASAP at Party Pilipinas?Puwede ba natin siyang gawing mainstay host sa Eat Bulaga?Suggestion lang po,ngayon kung ayaw nyu naman eh friends parin tayo diba?..

10) Doc nakaka-adik po ang video nyu!Sa una parang wala lang sakin eh,pero sinubukan kong panoorin ng ilang beses.Grabe,cerebral ang tama!Mabuhay po kayo!Nakaka-lurkey!Dapat maisipan din to ng DepEd na gawing regular ang pagsasayaw ng gangnam sa mga estudyante mula elementarya hanggang hayskul tuwing matatapos ang Flag Ceremony.Pamalit lang sa panatang makabayan.Maiba lang diba.At asahan nyu,maraming pulitiko ang gagawa ng ganitong campaign add sa TV next year…

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s