BAKIT MAS MABILIS MAKAPAG MOVE ON ANG MGA BABAE?…


35sz52

Alam kong  malayo pa ang valentines day pero kelangan na nating pag-usapan  to pards.Minsan kasi madalas sumagi sa isip ko kung bakit ambilis maka  recover ng mga babae matapos ang isang relasyon.Hindi ka ba nagtataka sa kanila??…Mukha lang silang emotionally unstable pero sa totoo lang mas magaling silang magdala ng mga ganung sitwasyon  kesa satin.The  mere fact na sinagot ka nyan at naniwala sa mga pambobola mo,nag-iisip na agad  sila  ng  kasal at nangangarap na ikaw na ang makakasama nila habambuhay.Although emotionally “attached” sila palagi,marunong silang i-adapt ang new situation na darating.High tolerance din sila at merong  lots of patience so by the time na over na ang relasyon  nyu,nauna  na yan sayo ng ilang buwan.Hindi naman kasi mag-i-end ang isang relasyon ng walang “warning” at alam  nila yan!Para silang may built in na “third-eye” sa ulo.Kaya wag ka ring magtaka kung paano nila nabubuksan ang facebook account mo.Mas madami  nga daw advantage at option ang babae sa pag-momove on .Tingnan mo,yung babae pag bumukaka ng legs yan,asahan mo na may isang libong lalake ang mag-uunahan dyan anumang oras.Pero ang lalake kahit ibaba nyan ang brip at ibandera sa kalye ang lawit,wala kang makikitang babaing magkakadarapa dyan!Unless ikaw si Coco Martin.Eh hindi.Nganga lang diba!Gets mo?Narito ang  sampung dahilan kung bakit mas madali silang mag-move on:

1.) BFF TO THE RESCUE-May “bff ” or  best friend forever chenes  silang puweding tawagan sa telepono at puwede nila itong kausapin magdamag.Ang bff ng mga babae ang nilalabasan  nila ng galit,paghihirap,sama  ng loob,etcetera etcetera. Sila din yung mga kaibigan  na hindi nagsasawang sabihin ang linyang ..”putangina naman gurl,move on move on din!!!”

BFF ko dati...

BFF…peace out!

Wala to sa mga lalake.Lalo na yang bff churva na yan!Kahit sinung tanungin mo sa amin,walang magsasabi sayo na may bff sila.Hindi rin namin  puweding tawagan ang isa sa mga barkada namin para mag-usap ng mahigit  5oras  sa telepono.Kahit matagal na kayong magbarkada,nakaka-diri pa ding gawin  ito sa isat-isa! Hindi dapat hihigit sa 3minuto ang pag-uusap ng mga kalalakihan at dapat kung hindi sa work ang pag-uusapan or  tungkol sa gimik,wala kang karapatang patagalin ito ng higit sa 3minuto!

2.)HAPPY SONGS SYNDROME-Nakikinig sila sa mga masasayang kanta tulad  ng  gangnam  style,i will survive tsaka surfing usa.Ayaw nilang makarinig ng mga kanta ng freestyle at Edwin Mccain sa mga panahong yan.

Iba naman diskarte ng mga lalake.Mas nakikinig kami sa mga love songs tulad ng mga kanta ng siakol  at bandang silent sanctuary.Yung mga kantang may tema  na  broken hearted din ang lalake.Mas nakaka-relate kasi kami sa ganung kanta at feeling namin eh hindi lang kami nag-iisa na naghihirap sa mga sandaling yun.Oo!Ganun kami ka gago!Tapos matutulala ulit,guguhit ang luha at muling sisilipin ang facebook kung nag-message kanang hayup ka!

ganito kami sa shower

ganito kami umiyak in reality

3.) HAIR CHURVA- Ito madalas pagdiskitahan  ng mga kababaihan.90% sa populasyon  nila ang magpapa gupit ng maikling buhok.Hindi lang basta paputol ng bangs to pre,as in super mega veeeery short !Kung hindi nga lang masakit sa mata yung babaing kalbo,magpapakalbo sila!Kahit magmukha silang shaolin na lesbian wala silang pakialam!Ganun katindi yang mga yan!

Kabaligtaran nyan sa mga lalake.Imbes na magpagupit,mas feel naming pahabain ang buhok namin.Wala kaming pakialam  kahit magmukha kaming ermitanyo  na hindi naliligo!Nagpapakalbo lang naman ang mga lalake kung:

a.)officer ng cat or rotc

b.) nakapila sa death row at bukas na ang schedule ng bitay

c.)  idol lang talaga si bembol roco

d.) naglalagas na yung buhok.Yun  tipong puwede nang lumanding ang 3 eroplano ng     cebu  pacific sa lawak ng pagka-upaw!(pendoooooooongggg!!!)

wag gagayahin..nagmumukha kang itlog na nilagyan ng bangs

wag gagayahin..nagmumukha kang itlog na nilagyan ng bangs

4.) SLEEP OVER- Sa sandaling broken hearted ang isang tao,syempre given na yan na mahirap matulog at umiyak ng mag-isa sa buong magdamag.Ang sole reason kaya ginagawa nila ito ay para meron silang karamay pag-umatungal na sila ng bongga.Daig pa nila si Lorna Tolentino pag mag litanya!Para silang may mga sanib.Isipin mo,mas masarap nga namang umiyak na may nagsasabi sayong “go gurl,i-iyak mo lang yan” at may naghahaplos sa likod mo pag tipong hindi kana makahinga lol!

WTF!

go gurl i-iyak mo lang yan!

Puwedi bang gawin yan ng mga lalake??….Hindeeeeeeee!!Bayota ka!Hindi ka puweding mag-inarte ng ganyan sa harap ng tropa mo at may karapatan silang  i-umpog ang ulo mo sa gilid ng pinto!Unless,pumayag ang isa nyung tropa  na matagal nang pinag-hihinalaang  miyembro ng federasyon.Anung gagawin nya sau?Wala naman,habang umiiyak ka eh susuklayin niya ng marahan ang  buhok mo tapos sasabihin ang linyang  ” okey lang yan bro,marami pa diyan puweding mag-mahal sayo,manhid kalang kasi,lika nga dito (huggg)..”.Ang masama nyan eh kung biglang mag-kalimutan  kayo sa isat-isa dala ng matinding emosyon at pag-gising mo ng umaga eh wala ka ng brip  habang naka-titig sya sayo tapos yung ngiti nya eh sagad hanggang langit!!lol

"good morning pare..hihihi"

“good morning pare..hihihi”

5.) SOUL SEARCHING- Iwan ko hirap din i-explain to.Pero sabi ng ilang mga babae,mas trip nilang mapag-isa minsan.Imbes na jogging eh “walking” naman ang ginagawa nila.Pupunta sila sa tabing dagat  na mag-isa or  pupunta ng mall ng walang kasama.Sa time na to,ayaw din nilang makipag kita sa ibang mga lalake or makipag date.Honestly hindi ko din alam kung bakit ganun sila.Hindi pa kasi ako naging babae brod!Hayaan  mo pag tinubuan na ako ng boobs bukas,sasabihin ko na sayo! prames yan.Wag ka na magtampo.

hindi ko din po alam madam..

hindi ko din po alam madam..

6.) FRIENDSTER POWER- Lamang din dito ang mga babae.Sa panahong nag-momove on  sila,mas gusto nilang palaging kasama  ang circle of friends nila.Yung iba,nagsasasama  sa kabaklaan.So kung halimbawang may nakita kang isang  babae na  kasama ang isang dosenang mga kafatid,sure ako na yung babaing yun eh nasa “move-on” stage ng buhay nya or  may kapatid syang bakla sa grupo.Ahh  ewan!!Parang mga Avengers yang mga babae na yan eh,pag may  isa sa tropa nila ang nasaktan,nagtitipon-tipon  yan para suportahan ang isa.Automatic na ata sa kanila yun.Parang yung ginawa nila iron man and  friends sa new york city nung may gustong sumakop sa earth.Full force ang drama ng mga peg.

Mahirap to samin eh.Hindi namin mahagilap ang tropa ng basta-basta.Tsaka hindi mo naman  puweding e-txt sa tropa mo na “bro starbucks naman tayo,naiiyak ako ngayon eh”.Ang masaklap pa nyan,marami saming mga lalake ang “insensitive” pagdating sa mga bagay na yan.Walang magkukusa kahit alam  nilang hindi kana kumakain at naliligo ng ilang araw.Kelangan kung sinu yung may problema,sya ang mag-seset ng inuman!Syempre gastos mo din duhhhh…

7.)SHOPAHOLIC- Yang mga babae kala mo lang masyadong mataas ang mga pangarap sa buhay.Pero yung totoo, hindi naman daw talaga  “ultimate dream”  nila ang makahanap ng lalaking magmamahal sa kanila ng sobra.Ang gusto nyan  ay magkaroon ng libo-libong bag,sapatos,damit at kumain ng kahit anung pagkain na hindi tumataba.Simple lang sila brod.Dont judge them.

pakyu ka diet!!

pakyu ka diet!!

Kung ang mga babae eh masaya na sa bag,well siyempre wala kaming ganitong attitude.Kahit bigyan mo pa kami  ng latest na sapatos ni kobey,kung wala namang gf na mag-aapreciate nyan eh wala din.Kahit yung pinaka latest na gadgets,walang  kuwenta samin yun.Kayo lang talaga ang makakapag-pangiti samin!

8.) UNLIMITED CRAYOLA- Natural na sa mga babae ang umiyak  ng umiyak.Kasama to sa healing process nila.Minsan nga kala mo nakalunok sila ng megaphone eh.Tindi umiyak bords!Lalo na yung mainit-init palang.Tipong 3days palang after nilang malaman  na pinagpalit na pala sila sa mas maganda,mas sexy,mas matalino at sobrang hot sa kanila ng milya-milya.Ansakit nun te!

tangina sinu ba namang hindi ma-iinsecure dyan??..

tangina sinu ba namang hindi ma-iinsecure dyan??..

Hindi to puwede samin!Umiiyak kami pero silent  at hindi bulgar.Madalas kaming umiyak habang  nasa shower at sa unan bago matulog.Pero dapat 2weeks lang  to.Unless si Marian Rivera ang naging karelasyon   mo!Kahit habambuhay kang umiyak okey lang!!!

"ooohhh marian...bakeeeet mo nagawa to???"

“ina mo,magsama kayo!!”..

9.)REBORN- Sabi  nga nila “beauty is the best revenge”.Alam na yan  ng lahat ng babae.Instinct na nila.Hindi  yan sa lahat ng oras mag-eemote at iiyak.Babangon  yan  na parang bida sa isang telenobela.Magpapaganda at magpapa rebond  ng buhok!Magpapataas ulit ng self-esteem at humanda ka kung sinu ka mang nanloko sa kanya.Obviously,isang mensahe lang naman talaga ang gusto nilang iparating sa ex bf nila.. “maglaway ka sakin  ngayon  animal ka!!”

Sa lalake,ginagamit din namin ang linyang  to -“maglaway ka din sakin ngayon animal ka!!”

Kami din teh,tumutulo ang laway namin sayo!! lol

Kami din teh,tumutulo ang laway namin sayo!! lol

10.) FROM A GIRL’S POINT OF VIEW-itatago nalang natin sya sa pangalang Rhea na tiga doha clinic.Hindi ko lang sure kong babae talaga siya pero sabi nya:

“the idle mind would be the best space to fill in,nor an occupied lifestyle is the best thing for me to move..bakla,ang pag momove on nasa mind setting mo yan.Kahit libutin mo ang buong mundo ,kung ang perspective mo ay mag dwell sa emotion at nararamdaman mo wag kang umasang makaka move on ka..i dont believe that love would be forevermore…bakit may mga taong na fafall out of love kung forever yun?,only God can..yun lang”…

haaaay parang niregla ako bigla,pero ito lang masasabi ko sayo Mis Rhea of Doha Clinic..

hehehe charot lang

hehehe charot lang

Tandaan  nyung mga babae  na kayo ang kryptonite ng buhay namin.Isinilang kami at mamatay  na kayo ang kahinaan namin.Walang duda yan!Pero hindi sa lahat ng  oras at pagkakataon  gagana ang powers nyu.At some point,matatauhan din kami at sasabhin din namin ang madalas nyung prinsipyo sa buhay na “never look back!”…..

-(dedicated sa mga friends kong sawi sa pag-ibig hihihi)

Advertisements

One thought on “BAKIT MAS MABILIS MAKAPAG MOVE ON ANG MGA BABAE?…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s