Palibhasa Lalake


Lahat  ng tao sa mundong ito ay unique.Maaring ipinanganak ka na may  identical twin brother pero magkakaiba parin kau  sa maraming aspeto.I mean sobrang kamukha mo sya pati yung hawi ng bangs nyu pareho ,pero for sure  magkaiba kau  ng karakter at hilig sa buhay.Sabihin na nating mahilig sya sa mga extreme sports katulad  ng bungee jumping at sky diving samantlang ikaw eh mas nahihilig sa dota at panonood  ng youporn maghapon.Ang masama  nyan  kng basketball superstar sa barangay nyu ang kambal mo tapos ikaw  eh yung tipong lampa at hindi athletic.Tingnan  mo yung  kambal na Gutierrrez.Si Richard nahihilig sa magagandang babae,samantalang si Raymond sa paghohosting at madalas pang kasama si Tim Yap sa mga events at party (sayang ka papa!).

sayang talaga tsk tsk tsk….haaaaay buhay

Nung ipinanganak kaming mga lalaki,nakasama na sa DNA namin ang pagiging mayabang pagdating sa mga chiks.Buong buhay namin,mas iniisip namin kng papaano makakapagpasikat sa mga lahi ni eba kesa sa kng anu pang  walang kwentang bagay sa mundo.Sabi nga ni idol Ramon Bautista,ang kagustuhan daw ng mga kalalakihan na magpasikat sa mga babae ang syang dahilan kng bakit bumibilis ang sibilisasyon natin ngayon.Isipin nyu,bakit pa namin kelangan mag-tapos ng pag-aaral?Bakit pa namin kelangan magpa-member sa golds gym?Bakit kelangan pang idagdag si Steve Nash at Dwight Howard sa roster ng Lakers?(na natalo lately sa kings!)Dahil sa mga babae.Lahat gagawin namin  para magmukha kaming impressive at poge sa paningin nyu.Infact may kanya-kanya kaming diskarte para makuha ang atensyon  ng isang dalaga.Yung iba, nagpapa-picture ng nakahubad sa facebook para e-showcase ang muscle at utong nila sa dibdib (bakla ka brod!!)

inferness epekteb kay kuya ang Papawash..hihihi

Yung iba naman  biglang nagiging photographer at nag-popost ng mga pictures gamit ang dslr cam nila katulad  ng mga poste,upuan at pusang natutulog.Kaya dapat bro alam mo kng okey pa ang diskarte mo o nagmumukha ka ng tanga sa mga  pinaggagawa mo.Nagbasa ako ng yahoo.com  nung isang araw at may isang article dun na may title na “Top 10 Stupid Things Guys do to Impress Girls”.Para itong  10 commandments na dapat mong malaman bilang isang lalake.Hayaan  mong isa-isahin natin to:

 10.) Drinking Too much-Ito yung  pa-macho effect na mga lalake na lumalakas uminom pag  may kaharap na babae.Well brod,sablay to.Mas naiirita sila sa ganitong lalake.Tapos pag naka 3 bote kana ng red horse eh  nag-eenglish kana na parang  isang call center agent sa Makati.Wala kang ibang sinasabi kundi “how may I help you?” tsaka “Pardon?”. Sa pang-apat na bote  didiskarte ka na kunware na  jijingle yun pala susuka lang!nakaka-turn off  ka kuya!

Nagkukuwento ka ng pelikula ni Jacky Chan tapos…

9.) Bragging Big-Ito yung tipo ng mga lalake na may dala-dalang electric fan palage.Mapapakapit ka sa upuan mo pag sila na ang nag-kwento dahil hindi nauubusan ng kayabangan sa katawan.Ayaw ng mga gurls ang ganito.Gusto nila yung hindi nagyayabang  tapos e-susurprise mo sila na marunong ka pala  mag-split!impressive ka bro!

Lesson?Wag sosobra sa 5 bote ng red horse

8.) Wearing Muscle T-shirts-Ito naman yung mga lalaking nagsusuot ng masikip na v-neck t-shirts  para bumakat ang mga cuts nila sa katawan.Okey lang cguro to kng gwaping ka,eh yung masama eh yung mga lalaking hipon,na katawan  lang talaga ang puhunan sa buhay.Wag ganun pre.Nagmumukha kang suman na binalot sa palapa ng nyog!Mas type  ng babae yung neat manamit at nandidiri sila sa mga nanggagalit mong mga ugat sa braso!

Hindi ito gawain ng tunay na lalake!

7.) Lying-95% sa populasyon  ng mga kalalakihan ang gumagawa neto.Sasabhin mong MVP ka ng basketball sa lugar nyu yun pala sa totoong buhay eh dalawang kamay ka  mag dribol ng bola!Mas mamahalin ka pa ng babae kng sasabhin mo sa kanya na angry birds lang talaga ang kaya mong laruin.

 6.) Pretending to be inclined towards art-Kapatid to ng “Lying”.Ito yung mga lalaking  mahilig manood  ng  mga pelikula nina John Lyod at Bea Alonzo.Feeling kasi nila mas madaling ma-impress ang mga babae  sa mga lalaking may “mata” sa art.Tsaka lage to sa mga movie eh,dadalhin ng bida ang gurl sa isang exhibit tapos nun churvahan na agad!Tangina sinu ba naman  hindi mapapagaya sa diskarteng yan!chos!

5.) Half-cooked meal-Bakit ka pa magpapakahirap magluto para lang maimpress yung babae kng pancit canton at nilagang itlog  lang talaga ang kaya mo?Dalhin mo sa isang restaurant na may may tumutugtog  ng violin.Hindi na baling mahal,sulit naman yan.Unless, ikaw si Chef Boy Logro ng Kusina Master.

parang yung kung fu panda na movie

4.) Pretending to be adventurous-Pasisikatan mo ang babae na na-akyat mo na ang bunganga ng bulkang mayon sa bicol samantalang yung  bayabas  nga sa likod ng bahay nyu hindi mo kayang akyatin.Dapat tahimik kalang,lalo na kng hindi mo naman talaga forte ang mga outdoor activities.Baka mapasubo ka later on.

 3.) Showing off your car-tangina wala akong car!pero ito yung mga lalaking nilalagyan ng  speaker ang likod ng sasakyan.Ang hirap e-explain,pero kong nanonood  ka dati  ng pimp my ride sa mtv,yun parang ganun.Nayayabangan ang babae sa ganito,mas gusto nila ang simple lang.Unless,yung Toyota na “pawis steering 1980’s model” ang ride mo,eh utang na loob naman,palitan mo na yan,baka pagtulakin mo pa ang babae pag tumirik yan sa edsa.

 2.) Playing musical instrument without knowledge-Ito naman yung mga lalaking  trying hard mag gitara.Sila din yung tipong strumming lang ang alam tapos” harana” at “pare ko” lang ang kayang tugtugin eversince.Aminado ako,isa ako dito.One time tinugtuguan  ko ang crush ko,strumming,awa ng dyos wala pa ako sa chorus umalis  na sya!Masyado kasi akong nahilig sa komiks nung bata pa ako kaya yan tuloy!Deymet!

 1.) Getting named tattoos-Ito yung mga nagpapa-tattoo sa braso ng “I lab yu Nene”,”Mahal kong Asawa-Inday”,”Momi Dionisia Fanatics  2012″.Ayos lang to kng asawa mo na yung gelay,ang mahirap nyan kng nililigawan mo palang tapos pina-tattoo mo na yung pangalan nya.Sablay yan bro!Masyadong stalker ang dating  mo.Mas okey pa siguro kng magpa-tattoo ka ng water dispenser,unique at ikaw palang meron nun sa buong mundo.

O kaya pa-tattoo ka ng ganyan,parang jigsaw puzzle na ewan!

Ngayon alam  mo nang mali pala ang ilang kinalakihan  mong diskarte sa chiks!So kung tatanungin nyu ang opinion ko sa bagay na yan,mas maganda siguro kng ilalabas mo lang ang pagiging natural mo sa harap ng babae.Kung malakas kang umutot,go!Kung gusto ka nyan  in the first place,gusto ko nyan!Mas mahirap kasi na mag-expect sya sa maraming bagay then  later on malalaman  nya  nalang na panay katarantaduhan  lang pala ang mga sinasabi mo.Yung prinsipyo ko sa buhay eh -okey lang magyabang  pero dapat  kaya mo itong panindigan  kahit saang korte man  kayo ng Pilipinas umabot….

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s