Hot Chiks!


May nauuso daw ngayong laro para sa mga kalalakihan.Minsan kasi pag nag-iinuman  daw ang magbabarkada,dumarating sa point na wala na kayong mapag-usapan e.Yung tipong parang may umutot bigla sa tropa tapos biglang matatahimik ang lahat.Ito yung tinatawag nilang KFM.Hindi yan Kentucky Fried Manok ha.Ang basic mechanics ng laro eh pipili ka sa 3 babaing pinagpapantasyahan  ng tropa nyu.Pwede yan kahit sinu.Magmula sa showbiz ,college friends hanggang sa mga ka opisina nyu.Pipili ka ng isang babae na ilalagay mo sa K  for Kill,isa para sa F for Fuck, at ang  isa para sa M for  Marry then kelangan mo ding i-defend ang sagot mo syempre.Yung K (Kill) hindi naman ibig sabihin talagang papatayin mo,shunga ka ba,meaning sa 3 babae na pagpipilian,itong babaing to ang tatanggihan mo.Ipi-friendzone mo lang sya sa madaling sabi.Maaring magkulutan kayo ng  kilay or maglaro kayo  ng sungka magdamag,bahala kayo basta hanggang dun lang yun.Yung F  (F uck) naman,ito yung babaing ikakama mo ng isang gabi,tandaan mo isang gabi lang,wala ng extra performance pa or 2nd date.Bawal kunin ang email tsaka address ng bahay.Parang literal na one night stand tapos pag najuntis yung babae eh bahala na sya.Ganun!And lastly,yung  ilalagay mo sa M (Marry) ay yung tipo ng babae  na gusto mong  iharap sa altar  at  makasama for the next 40years ng buhay mo.Sounds exciting dba?!..Hindi?…Eh di hindi na tau friends (sadness).Pero kung Oo ang sagot mo?Sige itutuloy ko ang kwento ko.Dahil wala naman talaga akong kainuman ngayon,lalagyan nalang natin ng twist ang laro.Alam nyu ba ang laro ng mga mayayaman pag nalalasing na?Ito yung Russian Roulette. There is just one bullet into an empty chamber of a gun. You have to spin the revolver ,place the muzzle against your head and then pull the trigger!!Paikot yun pre,hindi pwedeng mag-pass or kaya didiskarte kang dyidyengel kunware.Pero putangina naman dba,sinu namang sira ulong gagawa neto??Kahit siguro yung pinaka tarantado sa lugar nyu maiihi pag ginawa to eh!Ang delikado pa nyan kng yung mga kalaro mo ay sina Ping Lacson,Chavit Singson,Edward Hagedorn tsaka Gen.Jovito Palparan.Meaning wala kang excuse para hindi laruin yun,meaning anu mang oras sa sandling yun paglalamayan ka,meaning pag tumanggi ka mas madali mong makikita si san pedro.So eto na nga ang eksena,kainuman mo silang apat.Dahil birthday mo,maglalaro daw kau ng KFM with a twist.To cut the long story short,pumunta na ang 3 chiks sa hangout place nyu.Dumating si Momy Dionisia na naka hermes bag sinundan ni Madam Auring na naka-gown  tapos magugulat ka na nandun si Serena Williams habang may hawak na raketa.Ngayon,nakatutok sa ulo mo ang  baril,buhay mo ang nakataya,sinu ang ilalagay mo sa K,sa F or M??!…….Syet ang hirap dba!Parang  mas pipiliin ko pa yung baril pero ang kill joy mo naman kng magkataon.Dahil naiimagine ko na talagang totoo itong sinusulat ko,at ayaw kng barilin sa ulo tsaka ipakain sa mga alagang tigre ni chavit,syempre sasagutin ko:

1.)  Ilalagay ko sa K (Kill) si Serena Williams!Bakit?Feeling ko kasi pag niyakap nya ako eh  madudurog ang atay ko.Nakita mo na ba ang braso ni Serena??Syet pre,andaming cuts,gumuguhit talaga.Isa pa,parang na-iimagine ko na  makaka-churvahan  ko si Lebron James pag sya ang kinama  ko.My gheeeed!Ipi-friendzone ko nalang sya.Magpapaturo nalang ako mag backhand sa tennis tapos laro nalang cguro kami ng xbox.

                    grabe sa cuts bords ooh..pwede kang matulog sa braso nya!!

2.) Whew!Ang hirap ng pangalawa(pinag-isipan  ko talaga to sa totoong buhay).Ilalagay ko nalang sa F (Fuck) si Madam Auring!Wala na kasi akong ibang choice,feeling ko sya talaga ang swak ilagay sa kategoryang to.Although nagdadalawang isip ako kng ilalagay ko sya sa M.

                                                Pwede narin:-(

3.) Ito yung pinakamatindi.Yung M(Marry)!So obviously si Mommy Dionisia na ang ilalagay ko dito.Bukod kasi sa magaling syang mag ballroom eh madasalin din sya charot!Syempre sinu ba naman ang ayaw maging ka-pamilya ni Manny Pacquiao?Isa pa may world champion  pedigree pards.Imaginine mo,lagi kang makakasama sa MGM grand arena tuwing may laban si pacquio!Pweding ikaw narin tiga hawak ng flag at belt niya sa ring at mapapanood  kana sa HBO at Solar TV ng Live!Ngayon tatanungin nyu ako kng paano yung honeymoon namin ni Momy D??Eh hindi ko muna naiisip yun sa ngayon.Wala pa akong time.Busy ako lage.Sorry huh.

Matapos kng basahin ang lahat,hindi ko lubos maisip na nailagay ko si Madam Auring sa F.Pero ang hirap kasi eh.Mas madali pang mag solve ng problem sa calculus kesa maglaro ng KFM!!!Anung problema ko bilang tao?Bakit naisama ko si Serena Williams sa laro?Wala naman,kng yung PBA nga may import para maraming manood,sinama ko sya para may magbasa naman ng post ko,dagdag ratings.Duda ko nga minsan ako lang talaga nagbabasa ng post ko eh. . lol!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s