Genuine EMo


Genuine EMo

Kung nanonood ka ng news sa tv at may pakialam ka kahit kunti sa bansa mo,malamang nabalitaan mo na tayo daw mga Pilipino at pinaka-emong tao sa mundo.Sa gallup survey na ginawa sa 150 bansa sa buong mundo nanguna ang Pilipinas sa listahan ng most emotional society.60% sa isang libong pinoy na sinurvey sa pagitan ng 2009 at 2011 ang sumagot ng “oo” sa mga tanong tulad ng “Oo o Hindi,…hindi ka ba naliligo??” joke lang eto talaga ang tanong “Kung ngumingiti or tumatawa daw ba sila kng nakaramdam ng pisikal na sakit,pag-alala,kalungkutan,stress at galit”.Pero anu ba talaga ang emo?Kasama kaya ako sa mga emo?Simple lang naman ang definition ng emo or emotions.It means expressing what we feel.Pero sa kng paanong paraan cguro natin ito ine-express malamang dun lumamang ang mga pinoy kumpara sa ibang mga lahi.Mas vocal kasi tau at may tinatawag na sincerity ,which is not a bad thing.Naging subculture na nga daw natin itong pagiging emo.Meron netong 2 uri sa lipunan.Yung una,yung mga “self-proclaimed” emo.Kalimitan mga teenagers.Sila yung mga kalaban ng jejemon ,punkista at mga hip-hop na sumasamba kay Eminem.Minsan nagkalat sila sa mall or sa luneta.Usually kulay black ang motif nila,mula sa pananamit hanggang sa mga kuko sa paa.Mahilig din sila manood ng mga emo movies (yes im looking at you twilight!).Mapapansin mo din agad ang buhok nila na parang naka-super saiyan 3.In short pa-pampam sila kaya ganun ang arrive.Meron din daw silang tinatawag na suicidal tendency kaya may mga galos or hiwa sila sa kanilang kaliwang pulso.Pero kng titingnan mo maigi,mas malalim pa ang kalmot ng pusa kesa sa pag hiwa nila ng blade. Suggestion lang sa inyu mga brod, wag sa pulso,try nyu gilitan ang leeg nyu sureball yun charot!Yung pangalawa naman yung tinatawag na mga “genuine emo”.Narito ang ilang mga bagay na ginagawa ng isang genuine emo:

1.) Mahilig mag status sa FB ng lahat ng kadramahan sa mundo.Yung feeling nila nag-iisa lang sila,walang kakampi at walang nagmamahal.Sa mga lalaking ganyan,isa lang masasabi ko dyan.Bakla ka brod!!

2.)Adik sa panonood ng mga telenobela.Nakaka-relate kasi sila lalo na yung mga gurls.Nangangarap na maging parang soap opera din ang lovelife nila.Tipong isang araw, bibili sila ng sardinas sa tindahan tapos may biglang nakatambay dun na nakasandong guy na kamukha ni coco martin at madadapa sila then bigla silang sasaluhin ng lalaking kamukha ni coco martin ,magtititigan,dahan-dahang maglalapat ang kanilang mga labi at boooom!pang-walang hanggan agad ang lovelife ng peg!ayos!

3.) Gumagawa ng eksena sa banyo habang nag sha-shower.Hahawakan ng 2 kamay ang ulo habang nakasandal sa pader tapos dahan-dahang uupo tsaka sasabhin ang mga linyang ito ng madiin ” bakit mo nagawa sakin to?!tangina ka minahal kita pero bakeeeeeet…(then fade)”.Pag-nakaupo na,iiyak ng tahimik,tutulo ang uhog habang nangangatal ang mga labi.Tapos pag kinatok ng nanay at tinanong ng ganito “Anak,anu bang ginagawa mo dyan at 2 oras ka ng naliligo?!” ganito ang isasagot ” Nay tumatae lang po (hikbi)”.Pakyu!tumatae daw!lol!

4.) Mahilig mag-emote pag nakakarinig ng love song.Ito yung mga taong bigla nalang matutulala at iiyak ng bongga pag narinig nila ang mga kanta ng bandang silent sanctuary at pusong bato.Maaalala ulit nila kng paano sila mag date dati ng ex bf nila sa Isetan tapos tatawagan ang bestfriend na babae at iiyak nanaman magdamag.Isa lang masasabi ko dyan.Move-on move-on din teh!!

5.) Mga babaing nangangarap na makatagpo din sila ng mapapangasawa na katulad kay Zoren Legaspi.85% ngayon sa populasyon ng mga kababaihan sa pilipinas ang nagdadasal na sana maging parang si zoren legaspi din ang bf nila.Unfortunately,98% sa kanila ang mabibigo.Seryoso lang,kng ako yung naging bf ni Carmina,hindi ko na paaabutin ng 12years yun para e-surprise ko sya ng kasal eh. 6months palang after nya akong sagutin,mag-po-propose ako sa gitna ng court at half time ng championship game between L.A Lakers at Miami Heat!Kaya gurls,wag kayong masyadong kiligin kay zoren,ampusang galang naman ooh kaya din namin yun!(panira lang ng trending)

After mong basahin at pangnilay-nilayan ang lahat ng to,alin ka dun sa dalawang kategorya?Isa ka bang self-proclaimed or isang genuine emo?Siguro yung iba dyan na in-denial eh hihiritan ako ng “Ulol!wala ako sa dalawang nabanggit mo!emo your pes!”..So kung hindi ka emo malamang jejemon ka!!Jejemonnnnn!!!!..hehe joke lang pards.Hindi masama maging emo.Isa itong magandang attitude dahil nakikiisa tau sa nararamdaman ng kapwa natin.Wag lang sosobra dahil ika nga na ang lahat ng bagay na sobra ay masama, tulad ng taba sa katawan at bilbil …(pakyu ka bilbil!!!)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s