Dear Mang Kanor Part 1


Dear Mang Kanor,

Matagal ko na pong nililigawan yung kapitbahay naming vj at part time ramp model.Pedicab driver po ako at sa tuwing nagpapa-service sya sakin eh eh parang sasabog ang pantog ko sa kilig.Matindi po talaga ang tama ko sa babaing to.Hindi naman po ako panget tsaka maayos naman ako magdamit.Kaso pag sumasakay ako ng jeep napagkakamalan parin akong holdaper.Handa po akong gawin ang lahat mapa-ibig ko lang sya.Hingi lang po sana ako ng advise nyu.Panu ko po sya mapapa-sagot sa lalong madaling panahon?Bibigyan ko ba sya ng maraming tulips at cadbury?Kelangan ko ba syang haranahin?Dadaanin ko ba sa mga love letters at tula?

Lubos na umaasa,
Estot

Estot

Dear Estot,
Una sa lahat,dapat malaman mong magkaiba ang panahon ng noli me tangere sa panahon ni lady gaga.Masyadong old school at baduy ang mga diskarte mo.Wala ng gumagawa ng ganyan sa ngayon.Tumaas na ang presyo ng bigas,sardinas,toyo,suka,gulong,red horse,at krudo sa world market,tapos you expect na sasagutin ka nya kng bibigyan mo sya ng tula?!How dare you!Sa panahon ngayon,praktikal na ang mga kababaihan at tumaas na din ang standards nila sa buhay.Ang mga lalaking may abs,pera,sinungaling at bolero ang kalimitang nagtatagumpay sa larangan ng pag-ibig.Pero wag kang mag-alala,narito ang ilang bagay na pwede mong gawin.Una,dalhin mo sya sa mcdo,tapos pag-tinanong ka ng guard ng ganito “bakit sa mcdo?”,ituro mo siya sabay sabing “kasi love ko to!”..ayain mo din sya sa bar then instead na omorder ka ng beer,isang malaking baso ng gatas,yung Nido,hindi na sya magtatanong kasi madalas naman nyang napapanood sa tv yun…pag-birthday nya regaluhan mo ng napkin na may regla,pag sinabi nyang “puta kadiri ka!!”banatan mo ng “wala akong pakialam kasi ikaw lang ang mahal ko.Period!”..Pag hindi parin effective,dalhin mo sya sa sementeryo,pag-sinabi nyang “tangina ka anu bang problema mo??!”sabhin mo”patay na patay kasi ako sau eh”…at pag-tipong alanganin na talaga ganito ang itanong mo”mahal mo ba ako??”..pag sinagot nyang “Asa ka pa,hindi kita mahal!”balikan mo ng “hindi rin kita mahal!asa ka din!!so MU na tayo??”…lituhin mo nalang baka sakaling makalusot.
P.S-wag na ikaw sulat ulit
Nagmamahal,
Mang Kanor
Advertisements

One thought on “Dear Mang Kanor Part 1

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s