12 TIPS PARA SA ISANG MABILIS AT SIGURADONG LABLAYP…


tumblr_lcpuxeqYD41qf76m1o1_500Kung pagkakita mo sa nakakadiring title ng blog ko tapos parang biglang dinaluyan ng kuryente ang dalawang utong mo,iisa lang ang ibig sabihin niyan;single ka at uhaw ang katawang lupa mo sa pag-ibig.So kung single ka at certified USB (untouched since birth) hanggang ngayon,meron kang dalawang balita na dapat malaman.Isang good news at isang bad news.Ang good news ay;may solusyon ako sa pagiging single at USB mo.Ang bad news ay;hindi ko kamag anak si Vicky Belo at lalong hindi ako isang doctor na mag-susurgery sa pagmumukha mo.Tanggapin mo nalang ang masakit na katotohanan tuwing haharap ka sa salamin.Besides,yung good news naman ang mahalaga diba?

Siguro maka-ilang beses mo na din itinanong sa sarili mo na “ganun na ba talaga ako kapanget?”Ultimo sarili mong nanay hindi masagot ang tanong na yan.Madalas isang malalim na buntong hininga lang ang tugon niya sayo.Pag yung tatay mo naman ang tinanong mo,bigla-bigla nalang siyang magbabasag ng bote sa harap mo.Nakaka-confuse diba?Para bang walang nakaka-intindi sa problema mo.Kung pagbabatayan natin ang theory of evolution ni Charles Darwin,hindi ka naman siguro ganun kapanget talaga.At some point,na-delay lang ang pag evolve mo bilang tao.Pero it doesn’t matter.Ang mahalaga ay wala kang buntot at bulbol sa mukha.Furthermore,baka malas kalang talaga ngayong taon sa pag-ibig (again?).Baka hindi ka din kasi nag-aabuloy sa simbahan tuwing may love offering (makunat ka!).O dahil hindi mo pina-feng shui ang bangs mo sa mga intsik sa binondo (magkano ba?).At baka naman tuwing TGIF kalang din naghihilod ng libag mo sa singit (kadiri ka!).Puwede ring masyadong kalang workaholic at nakakalimutan mo nang makipag communicate sa real world.Yung boss mo nalang na kamukha ni Majin Buu ang lagi mong kausap.Pati yung xerox machine na walang malay.Yung kikindat-kindat na monitor sa harap mo.Yung madaldal na telepono sa tabi mo.At isama mo na rin diyan yung mga ka-opismate mong mukhang E.T na wala nang ginawa kundi i-flames kayo ng boss mong kamukha ni Majin Buu.

FOREVER ALONE :-(

FOREVER ALONE :-(

Ang Pilipinas ay nasa rank 12th sa most populated country in the world.Tinatayang aabot na sa bilang na 105,760,644  ang population natin ngayon.More or less,60% diyan ang nasa edad 15-64 years old.Therefore,merong 63,456,386 male and female sa buong Pilipinas ang naghahanap at nabubuhay sa pakikipag-relasyon.Sa bilang na yan,halos kalahati diyan ay mga kababaihan.Samakatuwid, kung lalake ka talaga,nasa 31,728,193  ang puwede mong pagpilian bilang kapartner.Sabihin nating choosy ka at ayaw mo sa babaing  nangungulangot sa harap ng pagkain,meron ka paring 15,864,096 na posibleng makapareha.Sabihin nating mahilig ka ding mangulangot sa harap ng pagkain na animal ka at choosy na din ang mga kababaihan ngayon,may natirang 7,932,048 bilang ng mga babae na puwede mo pa ding pagpilian.Moreover,roughly 40% sa bilang na yan ay married/in a relationship/its complicated or nasa 3rd sex.So yung natitirang 60% ay bilang ng mga babae na single at handang makipag-relasyon sayo which is around 4,759,229.Andami diba?Pero sa figures na yan iisa lang ang nakatadhana para sayo.Siya yung tinatawag na “the one”.Maaaring kilala mo na siya.Puwede ding nakasalubong mo na siya sa national bookstore habang numenenok ka ng 1 whole illustration board.O nakabanggaan mo na  nung sumakay ka sa LRT.Maaaring nakatabi mo na din siya sa jeep tapos pagbaba mo,laslas na yung bulsa ng pantalon mo.Pero bago mo mahanap ang “the one” mo,merong tinatawag na mga “stop over”.Parang station of the cross yan tuwing mahal na araw.Yung “the one” ay hindi hinahanap,kusang darating yan sau sa tamang panahon.Tadhana na ang bahalang dumiskarte sa inyung dalawa.Yung “stop over” ang hahanapin natin ngayon.Kasi si “stop over”  ang magtuturo sayo ng posisyon este ng aral sa buhay para i-handa ka sa pagdating ng babae or lalaking  naka-tadhana para sayo.So sa dami pala ng pagpipilian natin,papaano?Narito ang ilang tips:

1.) Go out and Socialize-kung lagi kalang naka hilata na parang tinapa sa kama mo at maghapong naka-tunganga sa tv tapos nag-iisip ka kung papaano ka magkakaroon ng lablayp,eh congratulation,may pagka shunga ka.Kelangan mong umalis sa private zone mo para makahanap ng pag-ibig.Hindi yan tae ng ibon na basta nalang mahuhulog galing sa langit o vibrator na mabibili mo lang sa overpass.Diyan papasok ang networking.Sumali ka sa mga organization sa school nyu,clubs,choir groups o sumama ka sa mga friends mong satanista.

2.) Huwag hahabulin ang pinaka-chiks at ang pinaka guwapo sa lugar nyu-Mapapagod ka lang.Sanay na yang mga yan sa habulan at atensyon kaya wala kang mapapala.Isipin mo,hindi lang ikaw ang nangangarap sa kanya.Para din yang pag pupunta ka sa beerhouse.Wag mong ititable ang stardancer nila.Overused na yan at mabilis ang metro.Piliin mo lagi yung hindi pansinin.Yung hindi mabenta sa mga parokyano.

 3.) Lower your standards-Wag masyadong choosy.Unang-una,hindi ka naman ganun na kagandahan o kaguwapuhan talaga.Kung ang hinahanap mo sa isang lalake ay mukha ni Alden Richards,katawan ni Aljur Abrenica,kili-kili ni Piolo Pascual at sex appeal ni Daniel Padilla,puwes walang ganun ate.Hindi pa siya pinapanganak or nag-eexist sa mundong ibabaw.Kaya tigilan mo yang pagiging ambisyosa mo.

4.) Focus sa Target-huwag makikipag-date sa kung sinu-sino.Nakakasira ng diskarte yun.Hindi ka puweding mamingwit ng bangus at tilapia na magkasabay.Isa-isa lang.Conserve your enery,time and money.Otherwise parehong makakawala sa kamay mo yan.Pansinin mo yung mga mababangis na hayop sa gubat kung papaano umatake.Yung Lion halimbawa.Hindi yan kakain ng dalawang Zebra na sabay.Kahit nasa harap nya pa ang 5 malulusog na zebra,iisa lang ang uupakan nya.

 5.)Diskarte Militar- Pag meron ka nang target,alamin mo ang routine nya.Anu-anu ba ang mga hilig niya?Tuwing 9:30am ng umaga,san ba siya madalas magpunta?Anu bang madalas niyang kainin?Medyu stalker ang dating pero mas mataas ang probability na mapansin ka niya.Bago ka sasabak sa kahit anu mang giyera,dapat madami kang dalang bala.Snipe mo muna.Observe.Then attack.Pero bago ka umatake,dapat may contingency plan ka din.May Plan B.Anu ang plan B?Yung kung anung mga plano mo sa buhay pag na “B-basted” ka.Plan B.

6.)Prenzone Epek-Wag mo agad ipapakita sa taong gusto mo na may maitim kang balak.Matatakot sayo yun.Lalo na pag nakita nyang anim pala ang daliri mo sa paa.Give her/him some time.Show your interest and your thoughts.Wag agad cheesy yung moves.Sablay yan.Kelangan kasi maging komportable muna siya sayo.Wag din masyadong touchy baka isipin nya feeling close agad kayo.Tamang distansya lang muna.Pag masyadong maarte,sikmuruan mo na agad o kaya tuhurin mo yung mukha.

7.)Use your humour- Magiging madali daw ang “how to get a bf/gf “ mission mo kung witty ka at chilled out kausap.Kahit sarcastic pa yan,slapstick joke or toilet humor,pasok yan sa banga.Sabi nga nila, na daig daw ng mga komedyante ang mga guwapo.Kung totoo nga yan,mas malakas pala ang tsansang sagutin ni Anne Curtis si Empoy kaysa kay Derik Ramsay.Confusing yung logic eh.O komedyante siguro sa salita,pero kung medyu nakakatawa ka talaga as a person,ibang usapan na yun.

8.)Flirt-Bolahin mo si ate.Titigan mo siya at sabihin mo na bagay na bagay sa kanya yung yellow na tube na suot nya.Kahit na sa totoo lang,mukha na siyang binalot na suman.Madali lang maniwala ang mga gurls lalo na pag good ang compliments.Para sa mga babae naman,pakiligin mo din si kuya.Sabihin mo,may kamukha siyang artista.Tapos pag tinanong ka nya kung sinu,kamo nakalimutan mo na yung pangalan.Matagal na kasing patay ikamo.

9.) Dress to Kill-Prenzone,check!Use your humour,check!Flirt,check!Pero may kulang pa.Hindi matatawag na Superman si Superman kung wala yung costume niya.Diyan papasok ang japorms.First impression last ika nga.So kelangan dress to kill tayo baby.Pero hindi naman tayo papatay ng tuta na lintek ka.Meaning,importante yung kung papaano ka manamit.Pini-present mo kasi ang sarili mo so dapat lang medyu color coordinated din tayo ate.Iwasang mag-suot ng damit na may fishing net.Nakakadiri.Para sa mga lalaki naman,wag teternohan ng rubber shoes yung barong tagalog nyu,please lang.

10.) Be natural-Wag mong pipilitin ang sarili mo sa mga bagay na hindi mo tlaga gawain.Kung hindi ka naman talaga hip-hop,bakit ka magsusuot ng bling-bling?Kung mahirap ka naman talaga,bakit mo sasabihin na “badtrip nga eh,grounded ako kay mommy for one month,I make sira kasi yung kalan namin eh”.Kung hindi ka naman talaga matalino,bakit mo kelangan i-explain ang GDP growth ng Pilipinas?Mas magmumukhang tanga kalang sa paningin nya.Be confident.Yung tamang angas lang.Pero wag naman yung yabang.Mas nakaka-impress ang taong nagsasabi ng totoo sa sarili niya.Wag maging trying hard.Kalma lang.

Babala:Kung ginawa mo na ang numbers 1-10 pero for some reasons,wala pa ding tangang nilalang na magkamali sau; eh kelangan ko nang ibigay sayo ang “panic button”.Binibigay lang ang “panic button” sa mga nilalang na sobrang hopeless na talagang magka-lablayp.Tipong tumambling tambling na sa alambre,kumain na ng buhay na manok,sumayaw na ng kuracha,lumunok na ng gasolina pero bokya pa din sa pag-ibig.Narito ang 2 panic button.

 11.) Backdoor Style-Hirap na hirap ka na ba sa paghahanap ng lover mo? Gusto mo ng easy access sa pag-ibig?Simple lang.Humanap ka ng mas panget pa sayo.Garantisado,magkakaroon ka ng lablayp or get your money back.

 12.) Wag maging panget- Ito pinaka importante sa lahat.Dapat nyu itong tatandaan religiously.Wag nyu nalang ako tatanungin kung papaano at baka puksain ko kayo ngayon diyan sa mga kinauupuan nyu.

Ang pag-ibig ay parang pamimingwit mo ng tilapia sa isang malalim at malawak na ilog.Madami pero iilan lang talaga ang magpapahuli sayo.Madalas nga,hawak na ng dalawang palad mo,nakakatakas pa.Minsan pa nga imbes na tilapia,basura ang nabibingwit mo.Suwertehan lang din siguro.Pero sabi nga nila,wag mo daw hahanapin ang pag-ibig.Hayaan mong ang pag-ibig ang humanap sa iyo.Kasi kung mas lalo mo itong hinahanap,mas lalong hindi mo ito matatagpuan.Kung single ka pa din hanggang ngayon at madaming agam-agam sa buhay,wag kang mag-alala.Isipin mo nalang na lahat naman ng kaldero ay may nakalaang takip.At kung yung isda nga at kawali nagtatagpo,ikaw pa na tao…na kamukha ng isda at kakulay ng puwet ng kawali.

————————————————-RIP———————————————————–

PINOY DEADLY EXPRESSIONS….


534fae50-fb73-45fa-a1ff-4a42d9cf2beb

Ako lang ba yung nakakamis na ginagawang movie marathon dati ng studio 23 ang Seventh Heaven tuwing huwebes santo at biyernes santo?……Okey so ako lang talaga.Naalala ko lang kasi dati tuwing huwebes santo tatakbo na ako sa quiapo,bibili ako DVD tapes.Wala kasing matinong palabas sa tv eh.Tapos  minsan pag makakatsamba ka naman ng magandang English movie sa TV 5,magugulat ka nalang na biglang magtatagalog si Judas Iscariot.Bad trip eh!Parang hindi ako kumportable sa tagalized version nila.

Since wala ka namang mapanood na matinong palabas ngayon at hindi ka naman magbabasa ng pasyon,mag-usap nalang tau dito sa blog ko.Iniimagine ko nalang na ito na ang pinaka penitensiya ko ngayong mahal na araw.Ang mag-isip ng maisusulat.Gusto na ngang mag hara kiri ng mga sperm este brain cells ko eh.Pigang-piga lage pag gagawa ng blog.May araw talaga na feeling mo parang flat lahat ng mga jokes mo eh.

Trivia:Protina ang kulangot.Fact: Joke ko lang yun

Trivia:Protina ang kulangot.
Fact: Joke ko lang yun

Anyway,natutuwa ako sa mga female species dito sa FB.Kahit panget yung profile pix nung isang kalahi nila ,bolahan pa din sila ng bolahan.Naisip ko ngang maging epal minsan eh,gusto ko mag comment ng “hoy kala mo maganda ka diyan,mukha kang anime!Kamukha mo si Son Goku!”Pansin ko lang din,pag ako ang nag uupload ng pics wala masyadong naglilike eh.O hindi kaya panget lang din talaga ako?hihihi..Dami nilang alam na expressions eh.Naalala ko tuloy yung banat na:

“Oi,alam mo ba,crush kita dati!”

Yang sentence na yan ay loaded ng mga sumusunod:

1.) Yung salitang “oi” ay nilalagay sa unahan para maging kumportable ka sa sasabhin niya.Parang casual lang.

2.) Yung “alam mo ba”ay salita pang start-up ng usapan.

3.) Yung “crush kita” ay pasimpleng panlalandi na totoo naman.

4.) Yung salitang “dati” ay safety feature na idinadagdag sa dulo kung sakaling may violent reaction ka.

Narito pa ang ilang mga loaded na common expression na minsan namimis-interpret natin or talagang psychotic  lang ako at naisipan kong gawan ng blog to..

Deadly Words used by a Woman:

 1.)Aray! …

Description:Masakit daw!Isang bugso ng damdamin na may pinaghuhugutan.Kadalasan sinasabi ito ng mabilis at madiin.Wag na wag mo itong sasabihin ng mabagal at walang exclamation point sa dulo,magmumukha kang retarted.

 Fact:Medyu nag-inarte lang.Hindi naman talaga masakit.Minsan baka may regla lang si ate at irritable sa tabas ng pagmumukha mo.

Use: Ginagamit ng mga chiks pag natapakan mo yung bagong pedicure nilang kuko sa paa.Puwede ding habang nagkakape yung BF mo,naibuga niya yung kape sa mukha mo dahil tinanong mo siya  ng “Hon,pumapayat na ako diba?!”…aray yun ate!init nun sa mukha!

2.)Ha?…

Description:Hindi niya narinig.Laksan mo daw boses mo.Gusto niya lang ipaulit sau ang sinabi mo dahil may minahan ng tutule sa tenga niya.

Fact: Narinig niya yun.Pasimpleng na hahayblood sau.Maaring may iba lang siyang iniisip  or hindi niya maintindihan ang sinasabi mo.Maari ding iniisip niya kung papaano i-murder ang taba mo sa tiyan.

Use:Puweding gamitin pag gustong magtanga-tangahan sa isang bagay.Halimbawa sinabihan ka ng hindi kaguwapuhan mong manliligaw ng “kelan mo ba talaga ako sasagutin?!”…tapos banatan mo ng “ha???”…ganun!

3.)Ewan ko sau!…

Description:Hindi niya daw maintindihan ang paliwanag mo.Magkasalungat kayo ng paniniwala at perspektibo.Malayo ang kaibahan neto sa salitang “Ewan ko”.Yung salitang “ewan ko” ay kalimitang ginagamit sa tropa mo pag tinatamad ka nang magpaliwanag na bakla talaga si Piolo Pascual.

Fact: Mali ka sa paliwanag mo na hayup ka!Parang feeling ni ate antanga-antanga mo lang na yung simleng bagay hindi mo ma-analyze ng maayos.Irritable siya at kunting kabobohan mo pa maglelevel up na yun sa away.Wag ka ng magpasikat na replayan mo din siya ng “ewan ko din sayo!!”,para ka na ding nag declare ng word war 3 nun pre!

Use: Kalimitang magandang ibanat ito sa txt message eh.Tipong ini-explain mo yung fact na naawa ka sa Nanay ni Heart Evangelista.Since stubborn ka,hindi ka ngayon papatalo kay ate.Hanggang sa mapikon na siya sayo dahil wala ng sense ang mga pinagsasabi mo.Pag sinabi yan ng tsiks mo,kumalma kana bords!Away na sunod niyan.Trust me!

4.) Bahala ka…

Description:Binibigyan ka niya ng layang gawin ang gusto mo.Kadalasan,sinasabi ito ng walang emosyon at malumanay.Poker face at wala ka na ding maririnig na karugtong pa sa salitang yan.Tipong nagpaalam ka ng “Babe nagyayaya si kumare,watch daw kami ng DVD sa bahay nila”..

Fact:Tinetempt kalang tanga! Ang totoong nasa isip ng mga yan ay “Putang ina,subukan mo lang talaga gawin yan at pipitpitin ko ang bayag mo bago ko ibilad sa araw para gawing kape!”.Pero siyempre hindi sila magpapahalata.Inaantay ang mga susunod mong gagawin.

Use: Ginagamit ng mga babae pag magpapalam kang uminom  kasama ng mga barkada mo at gusto mong samahan yung isang chiks ng barkada mo na matagal mo ng gustong aswangin.Oo,alam nila na gusto mong aswangin yun!

5.)Sige na nga! …

Description: Isang expression na pagsang ayon sa hinihiling mo.Napilitan siya kasi makulit ka pa sa sipon ko ngayon na gustong tumulo at mag hello sa world.May kunting doubt.At bago ka makarating sa ganyang sagot nila,katakot takot na paliwanag muna at pambobola ang gagawin mo.

Fact: Gusto niya naman talaga.Minsan yung mga babae,nagpapapilit lang yan.Pakipot sila in nature at naghahanap lang ng kunting lambing.Ma sesense mo na gusto yan ng dyuwa mo pag tanong siya ng tanong sa mga posibleng mangyari.Tandaan mo na pag ayaw nila sa sinabi mo,wala ng masyadong usap at tanong pa yan.Meaning hindi nila feel tsong!

Use: Ginagamit ng tsiks para matapos ang isang matinding pakiusapan at pag tinatamad na makipagkulitan sa bf.Maganda rin itong gamitin pag habang nakikipag debate ka,sumakit bigla ang tiyan mo at gusto mo nang tumae.

6.) Sekretong malupet….

Description: Ayaw niyang sabihin sayo (sekreto nga eh diba!).May halong kilig at smile sa face habang sinasabi niya yan.Maaring hindi siya kumportable sa tanong mo na “Sinu ba talaga crush mo sa tropa?!”..

Fact: Ikaw yun tanga!Masyado lang awkward para sa mga babae sabihin yun ng deretsahan sayo.Pinapaisip kalang niya pero yung totoo,isa yun sa mga diskarte nila para kulitin mo sila.Poge mo kasi pre!Pakyu!

Use:Puwede ding gamitin mo ito pag tinanong ka halimbawa ng boypren mo ng “Babe,guwapo ba talaga ako?”…diyan maganda ibanat yun eh.Sabhin mo “Sekreto,pero sabihin nalang nating parang password mo sa FB ang kaguwapuhan mo,ikaw lang ang may alam!”.

7.) Musta na?…

Description:Tagal mo na daw kasing hindi nagpaparamdam.Lagi naman siyang nag popost ng mga emong pictures sa facebook pero hindi mo ni-lilike.Tapos yung mga status niya,pasimpleng ikaw yung tinutukoy.Bakit ka ganyan kuya?Yung kala mo laging may  appointment sa pentagon ampusang gala!

Fact: Namimiss kalang.Patay lang ang hindi nagpaparamdam.Bakit patay ka na ba?Hayop ka paramdam ka naman!

Use: Puweding gamitin pag online si crush or  yung nilalang na matagal ng may utang sau..musta na?ganun!

8.)LOL!…

Description:Laughing out laud.Common internet slang.Puwede ding lols or lolzzz (mas madaming zzz na ilalagay mas sosyal ang dating).Pinsan niya si LMAO (laughing my ass off).Iba naman yung SOP (hindi yan standard operating procedure shunga!Sex on Phone),laos na yan!Cybersex na uso ngayon charing!

Fact: Tawang-tawa sa banat mo.Kumbaga,nahuli mo yung mga nerve endings sa katawang lupa ni ate.Mababaw lang kaligayahan niya kahit medyu sablay yung banat mo.

Use:Ang good news,puwedeng magkaroon ng isang pag-ibig sa pagsabi lang ng LOL.Advantage to sa lalaki dahil pagnatatawa ang isang chiks sa mga hirit mo,naku weak spot yan nila.Trust me girls!Nadali si machopapa sa LOL na yan eh.Eh nag comment si ultimate crush ng “lol” sa isang post ko sa FB dati.Tapos yung the moment na nag “lol” siya nag-message agad ako sa inbox.Wag mong patagalin ng 3minutes para nandun padin ang magic na naka-ngiti siya at nag sisimulang magka-interes sau.Sureball yan!lolzzzzz! (applicable only if  matagal ka ng crush ng lalaki)

9.)Bagay kayo…

Description: Bagay daw kayo ng bago mong gf.Isang expression na loaded ng emotions.May matinding pinagdaraanan sa buhay si ate.Laging niyang ini-snipe ang wall mo sa FB.Malamang nagrorosaryo din to gabi-gabi na sana maging single ka na lang at mapansin mo siya.

Fact: Seryoso lang,ito naiisip ng mga yan “Bagay kayo…Pero mas bagay tayo!Kung mag gi-girlfriend ka nalang din pala ng babaing mukhang maitim na siko,bakit hindi pa ako?!Tangina ampanget ng gf mo!Mukha pang walang kasusta-sustansiya kausap!Yung kala mo laging naglalaro ng sakla sa lamay gabi-gabi.Laging mukhang wasted!Shit!!!”….ganun yan bro hihihi

Use: Ginagamit ng mga chiks sa mga lalaking pasikretong ini-stalk nila araw-araw sa FB.Yung tipong matagal na niyang pinapangarap na maging single ka tapos malaman laman niya nalang may bago ka nanamang nilalandi!Hindi kaya kinukulang ang ganda mo ate??Ewan ko din huh…

10.) Parang tumaba ka gurl?…

Description: Mga chiks lang ang puwedeng mag sabihan ng ganito.Yung madalas na pag cacamwhore mo kasi sa FB,napapansin ng mga friends mo na medyu namamaga na yung mukha mo,yung braso,yung hita,yung atay,yung bilbil at yung lips.

Fact: Tumaba ka talaga ate!As in majuba!Ansakit niyan eh!One rice ka nalang nga per day ganyan pa din.Anyare?Feel na feel mo pa naman yung pag susuot ng 2 piece sa boracay habang binabalandra mo sa FB yung wankata mo tapos may mag cocomment ng ganyan??!Kasi naman ate kape-kape din pag may time.Hindi porque malaki ang boobies mo,may “k” ka ng mag two piece noh!

Use:Puwede mo itong i-comment sa friend mong mahilig mag vanity shot sa FB(as in everyday).Tipong lahat ng album pics niya eh makikita mo yung lahat ng angulo ng mukha niya tsaka may ilang shots kung saan iniipit niya yung dyuga niya.Titigil yan prames!

11.)Ikaw na!…

Description: You na already!Ikaw na ang maganda!Ikaw na matalino!Winner ka!Para kang demigod na galing sa planetang Jupiter na may pagkahaba-habang buhok.Envy lang ang mga peg sau.

Fact:Landi mo!Sarap mo lang sabunutan!Kala mo maganda ka sa dress mo?!Mukha kang binalot na tikoy sa diyaryo!

Use: Pag poge at may abs yung bf ng isa nilang barkada sasabihing “ikaw na mare!”.Naisip ko lang gurls,magkaroon kaya tayo ng agreement.Parang blood compact baga.Hindi na kami maghahanap ng babaing may vital stats na 24-36-24 pero wag na kayong mag expect samin ng abs or cuts sa braso??Deal??!..

Stupid words used by a man:

1.)Malapit na ako!…

Description: Parating na daw siya any moment sa tagpuan nyu.On the way na kaya relaks kalang.Wag ka nang mainip at wag daw siyang kinukulit lage sa tanong na “Asan ka na ba,inuugat na ako dito kanina pa?!”

Fact:Malapit na ako!….Malapit na ako matapos mag-dota.Nasa computer shop pa at hindi pa nakaka-alis.Mega creeps na kasi.Meaning magkakaroon na ng ultimate and final push ang team sa kalaban kaya mag-antay antay ka pa.Tsaka iniisip naming wala namang trapik at kaya naman naming i-pacify ang galit nyu.

Use: Ginagamit ng mga kalalakihan pag masyadong on-time ang GF sa tagpuan.

2.)Try ko…

Description:Susubukan niya daw ate.Mega aya ka sa kanya na gusto mong manood ng movie nina John Lloyd at Sarah tapos ganyan isasagot niya sau.Salitang nag-papaasa sau na minsan nakaka-pakyu.

Fact: Try ko pero….hindi ko talaga gagawin at wala talaga akong balak na sumamang manood sayo ng sine.Isa pa,hindi mo ba na gets na sobrang baduy niyang palabas na yan? Oo dun na tayo,medyu may kurot din talaga si John Lloyd.Poge naman kasi eh!Pero mas gusto namin yung mga movie na tipong pagpasok mo sa loob ng sinehan bagong ahit ka.Paglabas mo,meron ka ng bigote!Ganun!Yung tipong pang macho at hindi iyakan.

Use: Puwede ding gamitin sa tropa pag tinatamad kang sumama sa lakad dahil may ka date kang chiks pero hindi mo sure kung sisiputin ka ng date mo.

3.) Ako bahala….

Description: Binibigyan ka ng assurance.Wag ka nang tanong na tanong.Tipong handa siyang mag ahit ng buhok sa pagitan ng bayag at wetpaks niya pag hindi naging maayos ang lahat.

Fact: Ako bahala…ikaw ang kawawa.Patay ka sa ganyang sagot ate!Delikado yan.Wala nalang kasi siyang ibang marason sayo kaya yan na ang sinabi niya.Which means,kelangan mo nalang manahimik at yung guy mo yung didiskarte.

Use: Madalas ibulong sau ng boypren mo to pag mag du-duo na kayo tapos nakalimutan niyang bumili ng condom.

4.)Sunod ako!…

Description:Ma-lalate lang daw ng kunti si kuya.Pero may chance na pumunta siya.Baka may ginagawang mas importante pa sa ginagawa mo.

Fact:titigas nalang ang mga egg cells sa uterus mo ate,hindi yan pupunta!Puputi nalang din ang mata mo kahihintay malabo yan!May ibang inaatupag yang hayup na yan.Baka nalilibang kakapanood kay Maria Ozawa.

Use: Puwedeng gamitin pag ayaw mong pumunta sa inuman dahil tuwing niyayaya ka ng tropa mo uminom,ikaw ang ginagawang financer at tiga lagay ng yelo sa baso!Saklap!

5.)Sharp 8:00pm…

Description: May salitang “sharp” sa unahan.Katumbas ng paglagay ng salitang “super” sa isang salita.Tulad ng “super sorry”.Parang may kapa at special powers.

Wala ka ng karapatang mag-inarte at hindi tanggapin ang ganyang klase ng sorry,kasi nga may “super” na eh.Kung “sharp” yan,meaning hindi lalampas ni isang segundo yan.So kelangan mong dumating ate sa usapan nyu ng bf mo 15 or 10 minutes bago ang nakatakdang oras.Wala kaming pakialam kung umulan man ng apoy or kung galing ka pa sa kung saang singit ng impeyerno,basta nandun ka  ng 8:00pm.

Fact: 8:00pm=9:30pm (applicable yan sa kahit anung oras,just add 1.5hours or more)

Use:Usually pag barkada ko ang kausap ko, lagi kong gamit yan.Parang automatic na nga yan sa mga pinoy ngayon eh.Alam mo yung mentality sa mga birthday party na “aaay wala pa yan,hindi pa yan mag i-start”.Pero dati pag may mga dates ako,nalalate lang naman ako ng mga 15minutes.Ang hirap kasi  pag may minimaintain kang standards ng kaguwapuhan mo eh,tumatagal sa salamin eh hihihihi!

6.)May “overtime” kami ngayon…

Description-Ma-lalate umuwe ang mister mo dahil end of the month kaya madami daw reports na tinatapos.Matulog ka na ng maaga dahil malamang pag may overtime siya,uuwi yun ng madaling araw.Ganun ka busy ang salitang “overtime”.

Fact: Araw ng sahod at nagyaya si kumpare sa bagong bukas na KTV bar na katabi ng opisina nila.Pag bagong bukas,meaning malaki ang tsansa mong makakuha ng not so overused na chikababes.Break-in,kumbaga pa sa motor.Pero mas malaki din ang tsansang mapaaga ang lamay mo pag nalaman yan ng misis mo.

Use:Puweding gamitin  in case of emergency.Yung mga biglaang lakad tapos wala kang ibang palusot.Sureball yan eh.Pero may limit yung power niyan.Gagamitin lang every kinsenas or katapusan ng buwan.Twice a month lang para hindi halata.

7.)Wala akong load..

Description:Naubusan ng bala.Walang pan-reply.Nag panic buying daw ang mga tao sa lugar nila kaya wala siyang mabilhan ng load.

Fact: Pasahan mo daw siya ng load ate!Guwapo eh!Mga nakakasampung txt kana tapos mag rereply sayo ng “wala akong load ..”….ang stupid diba?Wala daw load!Hayup na yan,i-kung loadan mo kaya ng pasa yan sa mukha.

Use:Puweding gamitin pag nagtxt sau yung beki na may crush sau.Malaki ang posibilidad na papasahan ka niya ng 2pesos.

8.) Kayo parin ba?…

Description: Kung kayo parin daw ng tropa niya.Malamang matagal ng nag-aabang sau yan.Naiinip na si kuya.Nag aantay ng isang himala gaya ng pag-aantay ng lahat ng kalalakihan na maging single ulit si Anne Curtis.

Fact: Kayo parin ba?….Sana tayo naman!Tagal-tagal niyu na hindi parin kayo naghihiwalay?!Ang boring naman ng buhay mo.Tumikim ka naman ng ibang ulam.Kung adobo ka araw-araw,try mo naman yung paksiw,yung kili-kiling amoy napanis na paksiw!

Use: Hindi applicable itanong sa kapwa lalaki lalo na pag may sad face sa dulo na parang ganito “tol,kayo parin ba?:-(“…ang cheesy eh!

9.) Ikaw lang ang babaing minahal ko ng sobra…

Description: Ikaw lang daw ate yung pinaka winner sa puso niya kahit kaliwat kanan ang chiks niya.Sobra daw ang pagmamahal niya sau kaya pala umapaw na at pati yung ibang bebot  na-ambunan din.Masama din pala minsan yung sobrang pagmamahal eh noh.

Fact: Utot mo kuya blue!Pampalubag loob lang ng mga lalaki yan.Baka sakaling maging tanga ka ulit at nandiyan lang siya sa tabi-tabi.

Use: Ginagamit ng mga lalaki matapos ang matinding pambababae.Umaasa siyang baka sakaling malito ka at ipahubad mo ulit yung panty mo sa kanya.

 

10.) “Friend” ko lang yun…

Description-Magkaibigan lang daw sila ate.Kahit nakita mo pa silang lumabas na magka-akbay galing ng hotel,wag ka daw magduda.Wala daw silang ginawang masama.Naglaro lang sila ng monkey-monkey anabel.

Fact:Magka-ibigan talaga sila!Trust your instinct gurls.Matindi ang accuracy niyan.Para yang plasma sa dugo niyu na sumama sa pag circulate sa buo nyung katawan.Hindi aamin yan.Kahit nahuli niyu na kaming nakapatong sa babae,i-dedeny pa din namin yan!

Use: Ginagamit ng mga lalaki sa mga kabit at kalandian.Minsan,yung mga “friend” nila,pinapalitan ng name sa phonebook.Ginagawang name ng lalaki tulad ng “Badong,Marlon-MOA,Roberto-KTV”.Ang masama niyan nagtxt yung Roberto-KTV sa cellphone mo at nahuli ng gf mo “Babe,nagtxt yung Roberto sayo”…sasagot yan si kupal syempre ng kampante ate.. “aaay babe anu daw sabi ni pare?”…”hindi daw kayo tuloy sa lakad nyu,may regla daw siya ngayon!kalurkey lang!”….

mamatay na talaga ang taong naka imbento ng salitang "ansavehhhhh!!"

mamatay na talaga ang taong naka imbento ng salitang “ansavehhhhh!!”

Ngayong mahal na araw,magnilay tayo sa ating mga sarili at magtika sa ating mga kasalanan.Wag muna tayong kakain ng karne kesihodang luto man yan or yung paborito mong hilaw.At dahil mahal na araw naman,parang feeling ko eh gusto kong magpapako!!!………….sa puso mo!hihihihi..

_________________________end_________________________________

dedicated to my former teacher Mam Teresita Delos Reyes